MAYNILA – Sinibak ng Office of the President si Elsie T. Barrios, Schools Division Superintendent ng SDO Palawan, matapos mapatunayang nagkasala sa ilang serye ng mabibigat na paglabag sa serbisyo publiko.
Batay sa motu proprio investigation ng Department of Education, natuklasan ang umano’y dishonesty, oppression, grave misconduct, at pagtanggap nito ng personal na benepisyo kapalit ng pabor.
Kaugnay ito sa diumano ay “items-for-sale at pera-pera scheme” na nagdulot ng pagbaba ng morale ng mga guro sa dibisyon, ayon sa ulat.
Ipinataw kay Barrios ang dismissal from service. Kasama rito ang kanselasyon ng civil service eligibility, pagbawi ng retirement benefits, at permanenteng diskwalipikasyon sa anumang trabaho sa gobyerno.
Binigyang-diin ng Office of the President na hiwalay ang hakbang na ito sa posibleng kasong kriminal o sibil kung kinakailangan.
Nilagdaan ang kautusan ni Acting Executive Secretary Ralph G. Recto noong ika-28 ng Nobyembre 2025.
Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo





