MAYNILA – Inaasahan ang bawas-presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo, ayon sa Department of Energy Oil Industry Management Bureau o DOE OIMB.
Sinabi ni DOE OIMB Assistant Director Rodela Romero na batay sa apat na araw ng trading sa Mean of Platts Singapore, ang posibleng adjustments ay ang mga sumusunod:
Gasoline, rollback na humigit kumulang P0.30
Diesel, rollback na humigit kumulang P0.60
Kerosene, rollback na humigit kumulang P0.65
Paliwanag ni Romero, hindi kasama sa mga pagtatayang ito ang operating cost ng mga oil company at iba pang premium.
Ayon sa kanya, ang posibleng bawas-presyo ay bunga ng pagluwag ng oil prices habang muling nakatuon ang mga investor sa peace talks ng Russia at Ukraine.
Dagdag niya, nakaapekto rin ang pagbaba ng oil prices ng 2 percent noong Lunes matapos maibalik ng Iraq ang produksyon sa isang oilfield na kumakatawan sa 0.5 percent ng world oil supply.
Tinukoy na ang final adjustments pagkatapos ng huling trading day ngayong Biyernes, ayon pa kay Romero.
Karaniwang inanunsyo ng mga oil company ang opisyal na price adjustments tuwing Lunes at ipinatutupad ito kinabukasan.
Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo





