235 ang naitala ng DOH na nasugatan sa paputok

0
209

MAYNILA — Umabot sa 235 kaso ng firecracker-related injuries ang naitala mula alas-4 ng umaga ng Disyembre 21, 2025 hanggang alas-4 ng umaga ng Enero 1, 2026, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa kabila nito, sinabi ng DOH na mas mababa ng 42 porsiyento ang bilang ng mga nasugatan ngayong taon kumpara sa 403 kaso na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Batay sa datos ng ahensya, 161 sa mga biktima ay may edad na 19 pababa, habang 74 naman ay 20 taong gulang pataas. Inilahad ng DOH ang mga detalye sa isang social media post nitong Miyerkules ng umaga.

Muling pinaalalahanan ng DOH ang publiko na agad dalhin sa pinakamalapit na ospital ang mga biktima ng mga insidenteng may kaugnayan sa paputok at tumawag sa 911 national emergency hotline para sa agarang tulong medikal.

Batay sa datos ng DOH mula sa mga nakaraang taon, mas mataas ang bilang ng mga nasugatan sa paputok noong 2023 at 2024 kumpara ngayong 2026, na indikasyon umano ng mas epektibong pagpapatupad ng mga lokal na ordinansa at kampanya laban sa mapanganib na paputok.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo