Maynila — Apat na katao ang naiulat na nasawi sa Traslacion 2026, ayon sa pamunuan ng Quiapo Church nitong Sabado, kasabay ng pagtatapos ng taunang prusisyon ng Itim na Nazareno.
“We already have the number of casualties reported to us from the time that the andas arrived at Quiapo Church. We have a total of four casualties,” pahayag ni Nazareno 2026 spokesperson Father Robert Arellano sa isang press conference.
Dagdag pa niya, “Masasabi natin hindi naman siya ganu’ng kadugo. Ang pinaka-worst na in-expect natin ng ganitong kadaming gathering would be stampede. Ito ‘yung ating iniiwasan. Pero nagpapasalamat pa rin tayo, hindi tayo humantong sa ganitong punto.”
Ayon kay Arellano, “Masasabi natin ito ay isa sa may mataas ng datos (We can say that this is one with high figures) when it comes to casualties,” kasabay ng paghayag ng kalungkutan sa mga nasawi.
Sinabi rin ng opisyal ng simbahan na ang Traslacion 2026 ang pinakamahaba sa kasaysayan at dinaluhan ng pinakamalaking bilang ng mga deboto. Matapos ang halos 31 oras, matagumpay na naibalik ang imahen ng Hesus Nazareno sa Quiapo Church mula sa Quirino Grandstand nitong Sabado.
Tinaya naman ng Philippine National Police (PNP) na ang Traslacion ngayong taon ay “generally peaceful and orderly,” bagama’t kinilala ang mga naiulat na pagkamatay sa relihiyosong pagtitipon.
Nilinaw ng mga opisyal ng simbahan na ang photojournalist na pumanaw noong Biyernes habang nagkokober ng prusisyon ay hindi itinuring na casualty ng mismong aktibidad panrelihiyon.
Batay sa tala ng Quiapo Church, umabot sa 1,057 ang naitalang medical cases sa buong Traslacion. Wala umanong naitalang insidente kaugnay ng safety, peace and order, at security sa opisyal na log, bagama’t may mga ulat ng pandurukot na iniulat ng ilang deboto sa GMA Integrated News.
“Overall, we consider the Traslacion generally peaceful and orderly despite the sheer volume of devotees,” ayon kay PNP Acting Chief Police Lieutenant General Jose Melencio Nartatez Jr.
Samantala, sinabi ng Philippine Red Cross (PRC) na hanggang alas-7:30 ng umaga nitong Sabado, 849 pasyente na ang kanilang naasikaso mula pa noong Huwebes. Sa bilang na ito, 19 ang kinailangang dalhin sa mga ospital para sa karagdagang gamutan.
Ayon pa sa PRC, kabuuang 2,204 deboto ang nabigyan ng welfare assistance sa kahabaan ng ruta ng Traslacion sa loob ng kanilang 48-oras na operasyon.
Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo





