Kalayaan LGU officials, ipinagbawal ang pagpasok sa China, Hong Kong, Macau

0
149

MAYNILA — Ipinagbawal ng China ang pagpasok sa mainland China, Hong Kong, at Macau ng mga opisyal at empleyado ng lokal na pamahalaan ng munisipalidad ng Kalayaan, Palawan, matapos ideklara ng naturang bayan ang Chinese Ambassador sa Pilipinas na si Jing Quan bilang persona non grata.

Sa pahayag ng Chinese Embassy in the Philippines nitong Martes, Pebrero 10, sinabi ni embassy spokesperson Ji Lingpeng na ang hakbang ay isinagawa “batay sa prinsipyo ng reciprocity,” kasunod ng mga resolusyong ipinasa ng Kalayaan LGU laban sa Chinese envoy.

“The so-called ‘Kalayaan Municipality’ council of the Philippines adopted resolutions in 2023 and 2026 declaring the Chinese ambassador to be a persona non grata in the municipality,” ani Ji.
“Based on the principle of reciprocity, the individuals involved in fabricating the said resolutions are not welcome to enter China (including Hong Kong and Macao).”

Kabilang sa mga ipinagbawal makapasok sa China, Hong Kong, at Macau ang mga sumusunod na opisyal at indibidwal na may kaugnayan sa lokal na pamahalaan ng Kalayaan:

  • Mayor Beltzasar S. Alindogan
  • Vice Mayor Maurice Phillip Alexis S. Albayda
  • Councilor Nonelon B. Balbontin
  • Councilor Nonie C. Gapuz
  • Councilor Roberto M. Asiado
  • Councilor Hubert B. Llavan
  • Councilor Francis P. Polizon
  • Councilor Marilou S. Vales
  • Councilor Monico A. Abogado
  • Councilor Eugenio B. Bito-onon
  • Hermoso A. Ornopia
  • Tracylie Shierjun R. Malabayabas
  • Arzel E. Belidan
  • Vicencio R. Milan
  • Allan D. Dellosa
  • Mary Cristina J. Lagrosa

Noong 2023, idineklara rin ng lokal na pamahalaan ng Kalayaan ang dating Chinese ambassador sa Pilipinas na si Huang Xilian bilang persona non grata.

Samantala, sinabi ni Ambassador Jing Quan na handa siyang agad umalis ng bansa “with immense pride and honor” sakaling ideklara rin siyang persona non grata sa buong Pilipinas. Ito ay kasunod ng paghahain ng Senate Resolution No. 256 na kumokondena sa mga pahayag ng Chinese Embassy laban sa mga opisyal ng Pilipinas na bumabatikos sa Beijing.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.

We appreciate your thoughts. Please leave a comment.