DOJ chief lilipad sa Prague para sa repatriation ni Zaldy Co

0
75

MAYNILA — Nakatakdang bumiyahe patungong Czech Republic ngayong Huwebes, Abril 23, si Justice Secretary Fredderick Vida upang pangunahan ang mga hakbang para sa pagpapabalik sa bansa ni dating kongresista Zaldy Co.

Ayon kay Vida, inaasahan ang kanyang paglipad kahit wala pa ang kumpletong detalye ng biyahe. Sasamahan siya ni DOJ Chief State Counsel Dennis Chan sa pagtungo sa Prague.

Patuloy pa ang koordinasyon ng Department of Justice sa kanilang counterparts sa Czech Republic at iba pang kaugnay na opisyal upang maisaayos ang iskedyul ng mga pagpupulong doon.

Nauna nang ipinaliwanag ni Vida na kapwa signatory ang Pilipinas at Czech Republic sa United Nations Convention Against Corruption, isang kasunduang naglalayong palakasin ang internasyonal na kooperasyon laban sa korapsyon. Bukod dito, sinusuri rin ng DOJ ang iba pang legal na opsyon para matiyak ang maayos na proseso ng repatriation.

Ipinahayag ni Vida ang kumpiyansa na makikipagtulungan ang Czech authorities sa Pilipinas, batay sa kanilang matibay na paninindigan laban sa korapsyon at sa layuning papanagutin ang mga taong inakusahan na umiiwas sa pananagutan sa pamamagitan ng pananatili sa ibang bansa.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo

We appreciate your thoughts. Please leave a comment.