Pinatitigil ng ERC ang power disconnections sa loob ng tatlong buwan

0
40

MAYNILA — Inatasan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang lahat ng distribution utilities (DUs) sa bansa na pansamantalang suspendihin ang pagputol ng linya ng kuryente sa loob ng tatlong buwan bilang bahagi ng mga hakbang upang maprotektahan ang mga consumer ng kuryente.

Batay sa advisory na inilabas ng ERC kamakalawa ng gabi, inaatasan ang mga stakeholder sa electric power industry na magpatupad ng iba’t ibang consumer protection measures para matulungan ang mga residential at non-residential consumers na nahihirapang makabayad ng kanilang electricity bills.

Sa ilalim ng direktiba, suspendido muna ang disconnection activities para sa mga consumer sa captive market na may hindi nababayarang obligasyon mula Mayo hanggang Hulyo 2026.

Bukod dito, ipinag-utos din ng ERC sa mga distribution utilities ang pagpapatupad ng flexible payment options at pagpapalawig ng payment schemes upang mabigyan ng mas maayos na paraan ang mga consumer sa pagbabayad ng kanilang bayarin sa kuryente.

Inatasan din ang mga distribution facilities na magsumite ng compliance report kaugnay ng pagpapatupad ng direktiba sa loob ng 30 araw, o hanggang Agosto 30, 2026.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo

We appreciate your thoughts. Please leave a comment.