Tuloy ang pagbubukas ng klase sa Hunyo 8, fake news ang suspension

0
64

MANILA, Philippines — Itinanggi ng Department of Education (DepEd) ang kumakalat na impormasyon sa social media na nagsasabing ipinagpaliban ang pagbubukas ng klase sa Hunyo 8, 2026, at nilinaw na tuloy ang pasukan sa itinakdang petsa.

Sa isang pahayag, tinukoy ng DepEd bilang fake news ang viral na post na nagsasabing, “The first day of classes on June 8, 2026 is cancelled. The new first day of school will be on June 15, 2026 in all public schools.”

Ayon sa ahensya, walang inilabas na anunsyo ukol sa pagsuspinde ng unang araw ng klase at nananatiling nakatakda ang pagbubukas ng school year sa Lunes, Hunyo 8.

Pinayuhan din ng DepEd ang publiko na magtiwala lamang sa mga opisyal na pahayag at impormasyon na inilalathala sa mga opisyal nitong social media accounts at iba pang kinikilalang communication channels upang maiwasan ang pagkalat ng maling impormasyon.

Noong Hunyo 1, inilunsad ng DepEd ang Brigada Eskwela 2026 sa buong bansa bilang paghahanda sa pagsisimula ng bagong school year. Kasabay nito ang pagpapatupad ng P2 bilyong cash-for-work program na inaasahang makapagbibigay ng pansamantalang trabaho sa humigit-kumulang 240,000 manggagawa.

Inaasahan din ng kagawaran na aabot sa pagitan ng 26 milyon at 28 milyong mag-aaral ang mag-eenroll para sa school year 2026–2027.

Samantala, ipatutupad ng DepEd ang three-term school calendar sa mga pampublikong paaralan bilang bahagi ng mga pagbabago para sa bagong taon ng pag-aaral.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo

We appreciate your thoughts. Please leave a comment.