Reminiscing one of the everlasting smiles of Ninoy Aquino 

0
72

Sa aking kathang-isip na pagtatagpo sa kabilang buhay, gumamit ako ng isang malikhaing salaysay kung saan nagtagpo ang kaluluwa nina Ninoy Aquino at Ferdinand Marcos Sr. noong Setyembre 1989. Binigyang-diin ko rito ang sikat na pahayag ni Ninoy: “…sometime, somewhere, Mr. Marcos and I will meet, and in that meeting, I will have my satisfaction.” Ipinakita kong ang pag-uusap ng dalawa habang tinatanaw ang naging epekto ng kanilang tunggaliang pulitikal sa kasaysayan ng Pilipinas.

Sa “EDSA 1986 theme the world owned,” tinalakay ko ang katotohanang nagpalaya sa mga Pilipino sa diktadurya ang ipinaglaban ni Ninoy. Binanggit kong nag-iwan ang mundo ng permanenteng marka sa apat na bagay: ang pagkamartir ni Ninoy, at ang tatlong sikat na awitin ng protesta (“Bayan Ko”, “Handog ng Pilipino sa Mundo”, at “Magkaisa”).

Sa “Kabayanihan, kabutihan, at kadakilaan,” binida ko ang taunang paggunita sa kamatayan ni Ninoy (oo, bumida at bumibida kahit patay na). Ang mensahe ng buhay ni Ninoy –- matagal nang naisip ngunit dito ko lang naisulat –- ay tila “ibigay ang laya ng mga kababayan ko o ang aking kamatayan” na mala-Patrick Henry. Nilinaw kong hindi naman kailangang mamatay ang isang tao para maging bayani, ngunit pinatunayan ng kasaysayan ang bigat ng sakripisyo ni Ninoy.

PAGLABAN SA HISTORICAL DISTORTION

Nakikiisa ako sa paglilinaw ng mga propesyunal na mag-aaral ng kasaysayan na ang pagbabalik-tanaw sa sakripisyo ni Ninoy at sa kasaysayan ng EDSA –- naisip ko na ito sa mga araw ko sa Saudi Arabia noong 2009 –- ay isang paraan ng paglaban sa pagbaluktot ng kasaysayan (historical distortion). Kako, pagpapaalala rin ito sa bagong henerasyon na ang makabuluhang pagsigaw ay nananatiling buhay at iyon ay:

“Ninoy, Hindi Ka Nag-iisa!”

SAYANG ANG DELIBERATIVE DEMOCRACY

Hindi ko tuwirang naipakikilala ang Deliberative Democracy Theory (DDT) nina Joseph M. Bessett, John Rawls, at Jürgen Habermas ngunit ang mga asignaturang gaya ng pangmalawakang etika; etika at batas sa media ng komunikasyon; komunikasyong pampulitika; malayuning komunikasyon; at advanced na komunikasyon ay napapadpad din sa mga interseksyon sa DDT.

Higit pa rito, nagbibigay ako ng pampublikong komentaryo nang may partikular na pagsusuri sa pamamahala, etika sa media, at diskursong sibiko, na nababanggit din sa ilang Q&A sa mga klase ko.

Ang aking disertasyong pang-doktor sa komunikasyon sa Unibersidad ng Pilipinas —pinondohan ng CHED SIKAP grant at pinamagatang “A Narrative Inquiry into the Sensemaking on Maharlika Funds Among Educators of a Manila-based University” —ay nakalinya rin sa mga pangunahing pangako ng DDT.

Habang ang teorya ng sensemaking ay nakatutok sa kung paano bumubuo ng kahulugan ang mga mamamayan mula sa hindi maliwanag o komplikadong mga kaganapan, ang pagsusuri kung paano nila (lalo na ang mga tagapagturo) napoproseso ang isang kontrobersyal na patakaran tulad ng Maharlika Investment Fund (MIF) ay tumatawid din sa adbokasiya ng DDT para sa isang kritikal na publiko.

Umaayon at sumusuporta ang aking pag-aaral sa pondo ng Maharlika sa mga layunin ng DDT sa pamamagitan ng pagbibigay-diin sa kakulangan ng mga makatwirang argumento. Sa paspasang pag-apruba sa mga panukalang batas ng Kamara at Senado hinggil dito, at ang kinahinatnang lubos na kawalan ng kalinawan ay nakalulungkot pero nandiyan na ang batas na iyan. Makialam na lang.

Ang aral: Lubos na kailangan talaga ang makatuwiran at makabuluhang pampublikong deliberasyon.

Ang nangyari kasi ay isang serye ng mga top-down na salaysay ng estado, na nagtapos sa biglaang pagtatatag ng awtoridad ng Maharlika Investment Corporation (MIC). Nahalal ang UniTeam, ngunit ang sovereign wealth fund ay hindi nabanggit sa panahon ng kampanya; dahil dito, ganap na walang pakikilahok ang publikong bumoboto. Malungkot ding tinatanggap ko ang katotohanan sa propesyon: Alam lang natin ang deliberative democracy, pero sayang ang teoryang iyan na iilan lang ang pumapansin.

NINOY’S LASTING SMILE

“Then they told us that he was there alone in the room and lying on a cot, covered with blanket. When I opened the blanket, I saw him and I was really surprised there was a smile on his face. Very distinctly smile. And I will know if it’s a message for me to keep calm, to be at peace, to let me know that he’s at peace with God.”

The word from Aurora Aquino (Ninoy’s mother) encapsulates that intimate and comforting moment as she first saw her son’s body at the Fort Bonifacio Army Hospital shortly after his assassination.

While we reminisce Ninoy’s bloodstained and traumatized image in his public wake in 1983, the first private viewing of the mother presents an utterly rare experience. The message of peace is evident.

For the grieving mother Doña Aurora, that smile can be interpreted as a spiritual message without indicating violence. It is a reassurance that Ninoy was and still is at peace with God.

ADVERTISEMENT

Author profile
DC Alviar

Professor DC Alviar is a tenured associate professor at National University (NU) Manila and a steering committee member of the Philippine International Studies Organization (PHISO). He has contributed to NU's community extension initiatives that introduced the five disciplines of a learning organization (Senge, 1990) to communities within a local government unit. He writes and edits local reports for Mega Scene. He graduated with Master of Development Communication (MDC) and Doctor of Communication (DComm) degrees from the University of the Philippines (UP) Open University in Los Baños and was awarded with a Commission on Higher Education (CHED) SIKAP grant. He previously served as editor-in-chief of The Adamson News and his high school publication Ang Ugat.

We appreciate your thoughts. Please leave a comment.