2 sex traffickers, nasakote sa Laguna

0
484

Sta. Cruz, Laguna. Bumagsak sa mga kamay ng pinagsanib pwersa ng Sta. Cruz municipal police force at Regional Anti-Cybercrime Unit 4A ang dalawang Most Wanted Persons sa Calabarzon na ilang linggo ng pinaghahanap ng pulisya hinggil sa kasong Anti-Trafficking in Person Act of 2003.

Ayon sa report ni PCol. Paterno Domondon Jr., Chief of Police ng Sta. Cruz Municipal Police Station (MPS), kinilala ang mga suspek na sina Johnmar Salisod, 21 anyos na residente ng Sitio 6, Barangay Bagumbayan at Vince Tuazon, 23 anyos, na residente ng Asana1, Brgy. Santisima Cruz, sa nabanggit na bayan. 

Ayon sa paunang imbestigasyon na isinagawa ni PLt. Erico Bestid Jr., Deputy chief of police ng Sta. Cruz MPS, ang mga suspect ay sangkot sa pagbubugaw ng mga minor de edad sa pamamagitan ng Facebook at iba pang social media platform.

Ayon pa rin kay Lt. Bestid, dalawang linggo nilang hinanap ang mga suspect at natiyempuhan ang mga ito habang naglalakad sa kahabaan ng kalye A. Mabini St. Barangay Poblacion 3, sa nabanggit na bayan.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kaso ng mga suspect na kasalukuyang nakakulong sa Sta Cruz custodial center.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.