Bakit nagngangalit ang ngipin sa pagtulog?

0
11223

Stress ang isa sa mga dahilan kung bakit may night grinding o pagngangalit ng ngipin. Napupuna ito ng mga dentista pag nagpacheck up dahil visible ang pagiging pudpod o abraded ng mga ngipin at kapag mas malala na, nababasag ang mga ngipin sa sobrang lakas ng pagngangalit. 

Ito yung maririnig natin kapag natutulog ang pasyente. 

Pagkabunot ng ngipin na hindi nalagyan ng any artificial teeth, maling kagat o hindi balanse ang acclusion dahil nagkaroon ng alteration of physiologic muscle length ang dahilan kung bakit tumitigas ang muscle of mastication o ang mga muscle na ginagamit sa pagnguya ng pagkain. 

Makakatulong ang pagsusuot ng night guard o night appliance kapag matutulog na ang pasyente. Ito ay proteksyon sa mga ngipin upang di magtama sa taas at ibaba. Ito ay isang preventive measure lamang ngunit kapag severe na ang case kailangan na itong ipa-correct sa mga dentista sa pamamagitan ng splint therapy o occlusal therapy. Ito ay anim na buwan na gamutan 24 hours ang pagsusuot at tinatangal lamang ito kapag lilinisin. Itinataas ang tamang height ng kagat nito para ma-restore ang normal physiologic length ng muscle para hindi na makaranas ng pagngangalit. Susundan naman ito ng dental braces para ayusin ang vertical height ng kagat. Kung maraming ngipin naman  ang nawawala na ay lalagyan ito ng artificial teeth. 

Makakatulong din ang stress management gaya ng pag massage sa area ng muscle mastication para mabawasan ang pagtigas nito. Makakatulong din ang masusustansyang pagkain lalo na pagkaing mayaman sa protina. 

Patuloy ang mga paalala ng mga dentista na bumisita kada anim na buwan sa mga dental clinic upang maiwasan ang mga sakit gaya ng pagngangalit ng ngipin o bruxism.

Author profile
Dr. Jeffrey Montoya Sumague, DMD

Dr. Jeffrey Montoya Sumague, DMD, FPFA, is a Doctor of Dental Medicine. He is a product of Centro Escolar University in Mendiola, Manila, trained in Orthodontics, Cosmetic Dentistry, Craniocervical Craniosacral TMJ and past President of the Philippine Dental Association San Pablo City Chapter in 2019-2020. He is a civic-minded dentist who is a member of JCI 7 Lakes and an avid vlogger serving as broadcaster and past President of Team Positive Philippines, a Fellow of Pierre Fauchard Academy and a social media influencer who has his own YouTube, Facebook, and TikTok channels and finds time to be a Radio DJ/Anchor for J101.5 FM Big Radio. He served as a correspondent for Isyu Balita. He joins Tutubi News Magazine as a contributor delving a variety of subjects.