Stress ang isa sa mga dahilan kung bakit may night grinding o pagngangalit ng ngipin. Napupuna ito ng mga dentista pag nagpacheck up dahil visible ang pagiging pudpod o abraded ng mga ngipin at kapag mas malala na, nababasag ang mga ngipin sa sobrang lakas ng pagngangalit.
Ito yung maririnig natin kapag natutulog ang pasyente.
Pagkabunot ng ngipin na hindi nalagyan ng any artificial teeth, maling kagat o hindi balanse ang acclusion dahil nagkaroon ng alteration of physiologic muscle length ang dahilan kung bakit tumitigas ang muscle of mastication o ang mga muscle na ginagamit sa pagnguya ng pagkain.
Makakatulong ang pagsusuot ng night guard o night appliance kapag matutulog na ang pasyente. Ito ay proteksyon sa mga ngipin upang di magtama sa taas at ibaba. Ito ay isang preventive measure lamang ngunit kapag severe na ang case kailangan na itong ipa-correct sa mga dentista sa pamamagitan ng splint therapy o occlusal therapy. Ito ay anim na buwan na gamutan 24 hours ang pagsusuot at tinatangal lamang ito kapag lilinisin. Itinataas ang tamang height ng kagat nito para ma-restore ang normal physiologic length ng muscle para hindi na makaranas ng pagngangalit. Susundan naman ito ng dental braces para ayusin ang vertical height ng kagat. Kung maraming ngipin naman ang nawawala na ay lalagyan ito ng artificial teeth.
Makakatulong din ang stress management gaya ng pag massage sa area ng muscle mastication para mabawasan ang pagtigas nito. Makakatulong din ang masusustansyang pagkain lalo na pagkaing mayaman sa protina.
Patuloy ang mga paalala ng mga dentista na bumisita kada anim na buwan sa mga dental clinic upang maiwasan ang mga sakit gaya ng pagngangalit ng ngipin o bruxism.
Dr. Jeffrey Montoya Sumague, DMD
Dr. Jeffrey Montoya Sumague, DMD, FPFA, a distinguished Doctor of Dental Medicine, combines clinical excellence with a passion for community engagement. A graduate of Centro Escolar University in Manila, Dr. Sumague specializes in Orthodontics, Cosmetic Dentistry, and Craniocervical Craniosacral TMJ. His leadership is evident through his role as past President of the Philippine Dental Association San Pablo City Chapter and as a dedicated member of JCI 7 Lakes.
Beyond his dental practice, Dr. Sumague is a multifaceted individual. As a Fellow of the Pierre Fauchard Academy and a Professor at Centro Escolar University, he remains committed to advancing the field of dentistry. His ability to connect with audiences is showcased through his work as a social media influencer, radio DJ/anchor for J101.5 FM Big Radio, and former correspondent for Isyu Balita. He now contributes to Tutubi News Magazine, sharing his diverse perspectives with a wider audience.