Thursday, May 28, 2026


Your Daily News Update About CALABARZON and Beyond.
ISSN 2799-1911

Home Blog Page 594

DILG chief: Gamitin ang barangay assembly para itulak ang BIDA anti-drugs program

0

Ang mga opisyal ng 42,046 na mga nayon sa bansa ay dapat gumamit ng mga assembly upang makakuha ng suporta para sa kampanya ng gobyerno laban sa droga, ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos kanina.

Ang tinutukoy ni Abalos ay ang “Buhay Ingatan, Droga Ayawan” (BIDA) program, isang nationwide anti-narcotics drive na naglalayong labanan ang iligal na droga sa pamamagitan ng higit na pagtutok sa pagbabawas ng demand at rehabilitasyon ng mga komunidad.

Dapat aniyang samantalahin ng mga opisyal ang mga barangay assemblies na itinakda ngayong buwan para maipaliwanag ng mabuti ang programa sa kanilang mga nasasakupan at gawin silang mga tagapagtaguyod ng BIDA.

“Nananawagan tayo na gamitin nila ang Barangay Assembly Day upang mahikayat ang kanilang constituents na maging BIDA advocates at maki-isa sa ating laban sa iligal na droga,” ayon kay Abalos sa isang statement.

Ang pagpupulong, ayon kay Abalos, ay isang pagkakataon upang maabot ang mga komunidad at ipaliwanag sa kanila ang pakikipagtulungan na nais itatag ng gobyerno sa paglaban sa iligal na droga.

“Hiling natin na tulungan tayo ng mga kababayan hanggang sa mga barangay upang mas lumakas pa at maging epektibo ang ating kampanya sa pamamagitan ng aktibong partisipasyon sa mga susunod na BIDA activities ,” dagdag niya.

Sa pamamagitan ng Memorandum Circular No. 2023-032, pinaalalahanan ni Abalos ang mga local government units na magdaos ng Barangay Assembly Days tuwing ika-anim na buwan ayon sa mandato ng Local Government Code.

Ngayong semester ang tema ng Barangay Assembly Day ay “B-BIDA KA! Barangay BIDA Ka sa Pagpapatupad ng Kapayapaan, Pangangalaga ng Kalikasan, at Pagpapaigting ng Pagkakaisa Tungo sa Isang Ligtas, Mapayapa, Maunlad at Masaganang Pamayanan, na maaaring isagawa sa anumang Sabado o Linggo ng Marso.

Maaari itong gaganapin nang harapan o sa blended mode.

PhilHealth: Magpabakuna ng mga pets, magpagamot agad kapag nakagat ng hayop

Sa pagdiriwang ng Rabies Awareness Month ng bansa ngayong Marso, pinaalalahanan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) kanina ang publiko na magpabakuna ng mga alagang hayop at humingi ng agarang medikal na atensyon para sa mga kagat ng hayop upang maiwasan ang impeksyon sa rabies at pagkamatay na may kaugnayan sa rabies.

Sinabi ni Emmanuel Ledesma Jr., PhilHealth acting president at chief executive officer, “ang pagtugon sa rabies ay nagsisimula sa pag-iwas, at ito ay maaaring gawin sa pamamagitan ng pagtiyak na ang mga alagang hayop tulad ng mga aso ay nabakunahan ng maayos laban sa rabies.”

Ipinunto ni Ledesma na ang publiko ay hindi dapat mag-alinlangan na magpagamot pagkatapos makagat ng mga hayop, dahil “ang paggamot sa kagat ng hayop ay sakop ng PhilHealth, kaya’t ang mga pamilya ng mga biktima ng kagat ay hindi dapat mag-alala sa mga gastos sa medikal.”

“It is very important that rabies is either ruled out or detected early. A majority of rabies-related deaths occur when bite victims do not get diagnosed immediately and are not given the appropriate post-bite treatment,” ayon sa kanya sa isang news release kanina.

Close to 300 Filipinos died from rabies in 2022, and all of these deaths could have been prevented with the right care. Kung makagat kayo ng aso o anumang hayop, magpatingin agad sa ospital at wag nyo isipin ang babayarin. Nandito ang PhilHealth para sa inyo,” dagdag niya..

Mula noong 2012, nag-aalok ang PhilHealth ng Animal Bite Treatment Package (ABTP) na magbabayad sa gastos ng paggamot sa post-exposure prophylaxis (PEP) sa lahat ng Pilipino.

Ang ABTP ay nagkakahalaga ng PHP3,000 at sumasaklaw sa halaga ng pagbibigay ng mga serbisyo ng PEP tulad ng mga bakuna, immunoglobulin, antibiotic at mga supply.

Pangunahing sinasagot nito ang mga kagat ng aso, ngunit maaaring masakop ang mga taong nakagat ng ibang mga hayop. Kabilang dito ang mga alagang hayop tulad ng pusa baka, baboy, kabayo, at kambing.

Ang mga kagat ng ligaw na hayop tulad ng paniki at unggoy ay sakop din ng ABTP.

Ang rabies ay isang impeksyon sa tao na nangyayari pagkatapos ng transdermal na kagat o gasgas ng isang nahawahang hayop, tulad ng mga aso at pusa.

Maaari itong maipasa kapag ang mga nakakahawang materyal, kadalasang laway, ay direktang napadikit sa mga sariwang sugat sa balat.

Anak, pinatay ng ama sa Quezon

0

Mulanay, Quezon. Patay ang isang 20 anyos na lalaki matapos tagain ng kanyang ama habang nag-iinuman sa bayang ito noong gabi ng Sabado.

Ayon sa ulat ng Mulanay Municipal Police Station, tinaga ng 54 anyos na suspek ang anak sa leeg habang nag-iinuman sila sa kanilang bahay sa Brgy. Latangan sa nabanggit na bayan.

Nagkaroon umano ng mainit na pagtatalo ang mag-ama habang nag-iinuman bandang alas-11:30 ng gabi, kung kailan ay kinuha ng suspek ang itak na ginamit sa anak.

Nakakulong ngayon ang suspek at nakatakdang humarap sa kasong parricide.

Big-time rollback sa presyo ng gas at diesel, asahan sa susunod na linggo

Pagkatapos ng tatlong magkasunod na linggo ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, malaki ang posibilidad ng rollback sa petroleum products sa susunod na linggo. Ayon sa pagtataya ng Department of Energy (DOE), nasa P1.50 ang mababawas sa presyo ng diesel at kerosene at hanggang P1.00 naman sa gasolina.

Sinabi ni Oil Industry Management Bureau (OIMB) Assistant Director Rodela Romero, na ilang dahilan ang nagbunsod sa rollback –  pangamba sa global recession at humina ang demand sa produktong petrolyo, kasunod ng matamlay na demand sa Amerika at Europa.

Tuwing Martes ipinatutupad ang price adjustment ng mga oil companies sa petroleum products.

Ama, pinatay ng anak

0

Alfonso, Cavite. Inaresto ang isang lalaki matapos patayin ang sariling ama sa bayang ito.

Natagpuan ng mga awtoridad ang bangkay ng 78 anyos na biktima sa tapat ng bahay ng bunsong anak nito sa Brgy. Luksuhin Ibaba, Alfonso noong Huwebes ng umaga.

Base sa inisyal na impormasyon na nakuha ng mga pulisya, bandang alas-4 ng madaling araw nang pumunta ang ama sa bahay ng anak upang doon magkape.

Noong una ay inakala ng mga awtoridad na sakit ang ikinamatay ng matanda, ayon kay Maj. Rommel Dimaala, hepe ng Alfonso Municipal Police Station (MPS).

“We assume na that is natural death dahil ini-insist ng suspek na may medical condition, na posibleng inatake sa puso, doon tuluyan bumagsak ulo ng kanyang ama,” ayon kay Dimaala.

Ngunit lumabas sa autopsy na may tama sa batok at kaliwang sentido ang biktima, kung kaya at nagduda ang pulisya, dagdap pa ni Dimaala.

“Nabasa ko sa death certificate na pinirmahan ng ating medico legal officer, blunt force trauma to the head,” ayon sa kanya.

Agad nagsagawa ng mas malalim na imbestigasyon ang mga tauhan ng Alfonso MPS at binalikan ang crime scene, kung saan nakuha nila ang palakol na may bakas ng dugo. Nakita rin ang shorts ng suspek na may bahis ng dugo.

Dahil sa mga nakalap na ebidensya, tuluyan nang umamin ang suspek sa krimen.

“‘Di ko po talaga intensiyon gawin sa tatay ko… para pong may uma-ano sa isip ko na bumubulong,” ayon sa suspek.

Problema sa pera ang tinitingnan ng pulisya na posibleng motibo sa krimen dahil hindi maipaliwanag ng suspek kung saan napunta ang pera ng ama.

Ang suspek lang ang may access sa bank account ng biktima, batay sa pahayag ng isa sa mga kapatid niya.

Labis naman umanong nagsisisi ang suspek sa nagawa sa ama. Desidido naman ang mga kapatid ng suspek na ituloy ang kaso. 

“Kasi po masakit man po sa amin, tatay po namin ginanon niya,” ayon sa kapatid ng suspek.

Pinag-aaralan din ng Alfonso police na isailalim sa drug test at psychiatric evaluation ang suspek, na kinasuhan na ng parricide.

PAGASA: Tag-init magsisimula na

0

Magsisimula na ang dry season o ang panahon ng tag-init sa bansa, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sinabi ni weather specialist Benison Estareja na ang simula ng tag-init sa bansa ay posibleng sa susunod na linggo o bago matapos ang buwan ng Marso.

“Nalalapit na po ang pagtatapos ng amihan season at maaaring sa susunod na linggo hanggang sa mga huling araw ng Marso ay magsimula na ang tinatawag natin na warm, dry season o tag-init sa Pilipinas,”ayon kay Estareja.

Patuloy ang paghina ng malamig na amihan o northeast monsoon na nakakaapekto na lamang sa hilaga at gitnang Luzon, habang unti-unti namang lumalapit sa bansa ang easterlies o mainit at maalinsangan hangin ­galing sa Pacific Ocean.Kasabay nito, ang low pressure area (LPA) na binabantayan ng PAGASA sa silangan ng Visayas ay nalusaw na, dagdag niya.

Ayon pa rin ay Estareja wala pa silang namo-mo­nitor na bagyo na papasok sa Philippine area of responsibility (PAR) hanggang sa Lunes.

Sa tantya ng PAGASA, posibleng may isang bagyo na pumasok sa PAR ngayon buwan at sa Abril at sa Mayo naman ay baka may isa o da­lawa.

Calapan city gov’t nakaalerto dahil umabot na sa mga pampang ang oil spill

0

Calapan City, Oriental Mindoro. Nakaalerto na ngayon ang pamahalaang lungsod dito matapos mag-ulat ang mga residente ng Sitio Villa Antonio at Proper sa Barangay Navotas ng bakas ng oil slick noong Huwebes ng hapon.

Sa isang panayam sa telepono noong Biyernes, sinabi ni Dennis Escosora, pinuno ng Calapan Disaster Risk Reduction Management Office (DRRMO), ang kanilang misyon ay maglagay ng mga spill boom sa lahat ng lugar na posibleng maabot ng oil spill, ang prayoridad ngayon ay ang dalawang nabanggit na sitio.

Ayon sa kanya, ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Mindoro ay naglalagay din ng mga spill boom, na inaasahan ni Escosora, na magpapalakas ng proteksyon.

Inulit niya ang panawagan ng pamahalaang lungsod sa mga residente na iwasan ang pangingisda, paglangoy at pagkain ng isda mula sa mga apektadong lugar at sumubaybay sa mga opisyal na update at advisories.

“We will distribute food packs immediately to support those who will be affected,” ayon kay Escosora.

“Mag-ingat at manatiling alerto, lalo na ang mga nakatira sa mga lugar sa baybayin, ” ayon sa official post sa social media ng pamahalaang lungsod noong Huwebes ng gabi.

“Huwag na kayong mangisda sa tubig na sumasakop sa Calapan, o magtinda ng pagkaing dagat na galing sa Calapan, o lumangoy sa dagat. Pinapayuhan ang mga senior citizen at ang may respiratory conditions na lumayo ng 100 metro mula sa baybayin. Huwag kumuha ng tubig sa mga poso na nasa 100 metro mula sa baybayin kung saan may slick ng langis. Iwasang hawakan ang lupa na kontaminado ng oil spill,” ayon pa rin sa  advisory.

Nauna dito, patuloy na binabantayan ng lungsod at ng mga katuwang nito ang karagatan sa posibleng pagkalat ng oil spill. Ang mga residente ng Brgy. Navotas ay maagang naghanda ng mga improvised spill boom na gawa sa mga walang laman na bote ng plastik, mga lubid at naylon.

Iniulat ng University of the Philippines Marine Science Institute noong Linggo na habang ang karamihan sa langis ay mapupunta pa rin sa kahabaan ng bayan ng Naujan at Pola Bay sa Oriental Mindoro, ang paghina ng hanging monsoon mula sa hilagang-silangan ay maaaring maging sanhi ng pagpunta ng langis patimog sa hilagang Palawan at Calapan at dadaloy pahilaga sa Verde Island Passage pagsapit ng Marso 16.

Mga larawang inagaw sa Facebook page ng Philippine Coast Guard.

PBBM: Lansagin ang mga Private armies!

Iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of National Defense (DND) na lansagin ang mga private armies, kaugnay ng kamakailang insidente ng ambush sa ilang lokal na opisyal ng pamahalaan.

Sinabi ni Defense chief  Carlito Galvez sa 11th oversight committee meeting ng National Task Force for the Disbandment of Private Armed Groups sa Cotabato na “more than ever, the fulfillment of our mandate is now made more urgent with the directive of Pesident Ferdinand R. Marcos Jr. to dismantle private armies and identify hotspots where local officials are being attacked.”

“As we journey towards freeing the Philippines from its long-running gun culture, rest assured that the DILG stands ready to render any necessary assistance for the attainment of our noble objective,” ayon naman kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos, tagapagsalita ng task force at sinabi na handa ang gobyerno na tumulong na palayain ang bansa mula sa long-running gun culture.

“Let us continue working together in tearing down the walls of divisiveness and animosity of partisan politics as we move towards giving our kababayans the peaceful and thriving communities they deserve,” dagdag pa niya.

Nagbigay ng kautusan ang Pangulo nang magsimula  ang high-profile investigation sa nangyaring paglusob ng mga armadong suspek na naging dahilan ng pagkamatay nina Negros Oriental Governor Roel Degamo at 8 provincial staff at constituents nito.

May 16 naman na katao kabilang na ang 3 provincial officials ang nasugatan sa gun attack sa bahay ng gobernador sa bayan ng Pamplona noong Marso 4.

Ipinag-utos ng Pangulo ang pagbuo ng joint military at police task force para tugisin ang natitirang suspek sa pagpatay kay Degamo.

Ayon sa mga ulat, biktima rin ng shooting incident sina Aparri, Cagayan vice mayor Rommel Alameda, Lanao del Sur Governor Mamintal Adiong Jr., at Datu Montawal, Maguindanao mayor Ohto Caumbo Montawal Kris Jose.

FPRDI enhances bamboo use in construction

The Forest Products Research and Development Institute (FPRDI), an attached agency of the Department of Science and Technology, is continuously experimenting on an improved connecting technique to promote the use of bamboo in construction, Secretary Renato Solidum Jr. said Friday.

Among the challenges in using bamboo in construction is the connecting technique.

Solidum said the FPRDI recently developed a technique that allows the bamboo joints to carry a maximum load capacity of 1,700 kilos.

The technique uses common construction materials such as cement, steel bars and plates, bolts and nuts to connect bamboo poles. 

“We promote the use of bamboo for construction because of the current housing backlog in the country. Bamboo is one of the best alternatives for timber for construction,” FPRDI Director Romulo Aggangan told the Philippine News Agency.

He added that because of the logging prohibition in primary and secondary forests by virtue of EO 23, a shortage in the use of timber for construction was seen.

Also, there is an initiative to include bamboo in the National Structural Code of the Philippines, he said.

“If we use bamboo, we can limit or not have to import timber for our construction sector. Bamboo is known to be an environment-friendly and sustainable material that can sequester carbon dioxide while it is growing, and offers a myriad of uses including construction,” Aggangan said.

Because bamboo is a natural material, each pole is unique in shape and geometry.

“Traditional joints which usually rely on tying or splicing are prone to slippage and deformation which can weaken the poles and destabilize the entire bamboo structure. As such, we need jointing methods that take into account the unique features of the material to ensure the durability of bamboo-based constructions,” Camacho said.

FPRDI’s research team discovered that using cement mortar as in-fill at the bamboo ends provides rigidity to the connection. 

Solidum, meanwhile, said a prototype space frame showed that the connector can be used in an open-type bamboo structure such as a temporary tent, carport, waiting shed, among others.

“DOST-FPRDI plans to conduct more experiments to improve the new connector and ensure that it can be used in more complex bamboo housing and building projects,” Solidum said.

International court nag-isyu ng  war crimes warrant vs Putin

0

The Hague, Netherlands. Ipinahayag ng International Criminal Court  (ICC) kahapon na nagpalabas sila ng arrest warrant laban kay Russian President Vladimir Putin hinggil sa insidente ng “unlawful deportation” ng Ukrainian children.

Sinabi ng Hague-based ICC na nag-isyu rin ito ng warrant laban kay Maria Lvova-Belova, presidential commissioner for children’s rights ng Russia.

Sinabi ng Moscow nitong Biyernes na “walang kahulugan” ang desisyon ng ICC.

“The decisions of the International Criminal Court have no meaning for our country, including from a legal point of view,” ayon kay Russian foreign ministry spokeswoman Maria Zakharova.

“Possible ‘recipes’ for arrest coming from the international court will be legally void as far as we are concerned,” dagdag niya.

Hindi miyembro ng ICC ang Russia.

“Today, pre-Trial Chamber II of the International Criminal Court issued warrants of arrest for two individuals in the context of the situation in Ukraine: Mr Vladimir Vladimirovich Putin and Ms Maria Alekseyevna Lvova-Belova,” pahayag ng ICC.

Si Putin “is allegedly responsible for the war crime of unlawful deportation of population (children) and that of unlawful transfer of population (children) from occupied areas of Ukraine to the Russian Federation.”

Sinabi ng ICC na may petsang February 24, 2022 ang mga krimen, nang sakupin ng Russia ang Ukraine.

“There are reasonable grounds to believe that Mr Putin bears individual criminal responsibility for the aforementioned crimes,” ayon dito.

Responsable umano si Putin sa “failure to exercise control properly over civilian and military subordinates who committed the acts, or allowed for their commission.”

Diumano ay hindi isinasapubliko ang arrest warrants upang protektahan ang mga biktima at mga saksi, ayon dito.

Ang ICC ang korte na tumutugis sa mga bansa na hindi dumidinig ng war crimes at crimes against humanity.

Inilunsad ni ICC prosecutor Karim Khan ang imbestigasyon sa pinaniniwalaang war crimes at crimes against humanity sa Ukraine ilang araw matapos ang pag-atake ng Russia.