Wednesday, May 27, 2026


Your Daily News Update About CALABARZON and Beyond.
ISSN 2799-1911

Home Blog Page 601

DTI Laguna nagbigay libreng entrepreneurial seminar sa MSMES ng Kalayaan, Laguna

Kalayaan, Laguna. Nagbigay ng seminar tungkol sa Setting-up a Business at Digitalization sa pamamagitan ng Google My Business sa ilalim ng SME Roving Academy ( SMERA) Programa ang Department of Trade and Industry – Laguna Provincial Office (DTI Laguna).

Katuwang dito ang Local Government Unit ng Kalayaan sa pamamagitan ng Negosyo Center. Idinaos ng dalawang magkasunod na araw ang seminar mula Pebrero 22 hanggang 23, 2023, at nilahukan ng limampung existing at potential micro, small, and medium enterprises (MSMEs).

Ang Negosyo Center Kalayaan ay inilunsad noong Disyembre 12, 2022 at ang 2 araw na seminar na ito ang una sa maraming SMERA na isinagawa para sa Kalayaan MSMEs.

Pinangasiwaan ng Negosyo Center Business Counselors na sina Andrea Mae Macuha at Joemarie Valizado, na parehong nagsisilbing resource speakers sa ginanap na pagsasanay.

Kabilang sa mga nanguna sa programa ng seminar sina Valizado, Sectoral Officer Angelito Presoris, Kalayaan Municipal Administrator Kris Anne Laganapan-Pesigan.

Ang mga resource speaker ay tumutok sa paksa tungkol sa digitalization samantalang si Counselor na si Valizado nagsimula ng talakayan tungkol sa marketing. Itinuro din niya pag gamit ng Google My Business at ang paglikha ng Google account at Facebook Page at kung paano mao-optimize ng Business Page.

Inialok din ang iba pang serbisyo ng DTI Laguna, kabilang ang Negosyo Center bilang satellite office nito na nagbibigay ng tulong sa loan facilitation, paggawa ng Business Plan, Business Name Registration at Barangay Micro Business Enterprise (BMBE). Ibinigay ni Local Economic Development and Investment Promotions Officer Marty Sasondoncillo ang pangwakas na pananalita.

Smart Makati HQ ipinasara

Ipinasara ng Makati City government ang Smart Communications Inc. dahil sa pago-operate nito ng walang business permit mula pa noong taong 2019.

Ayon sa cease and desist order na may petsang February 23, 2023, ang headquarters ng Smart na matatagpuan sa 6799 Ayala Avenue in Brgy. San Lorenzo, Makati City, ay lumabag sa Section 4A.01 ng Revised Makati Revenue Code o City Ordinance No. 2004-A-025.

Ayon sa Makati City government, hindi rin binabayaran ng Smart ang franchise tax deficiency nito na nagkakahalaga ng P3.2 bilyon mula January 2012 hanggang December 2015 at hindi pa ito nadedesisyunan ng korte.

“When businesses in Makati choose to operate without a valid business permit, they are essentially operating outside the law. This is unacceptable, and I want to make it clear that we will not tolerate this kind of behavior, whether you are a big or small company,” sabi ni Makati City Administrator Claro Certeza.

Sinabi ni Certeza na hiningan ng lungsod ang Smart ng breakdown ng revenues at business taxes na binayaran nito sa lahat ng branches sa bansa ngunit tumanggi itong magbigay ng dokumento.

Dumulog ang Smart sa Makati Regional Trial Court Branch 133 at hiniling na maibasura ang assessment na nagsasabing tumatanggi na magbayad ang Smart ng franchise tax. Dinala ng Smart ang kaso sa Court of Appeals at natalo noong 2022.

Habang sinusulat ang balitang ito, wala pang inilalabas na pahayag o paliwanag ang Smart.

Barangay chairman sa Batangas, binaril, patay

0

Lipa City, Batangas. Patay ang isang punong barangay matapos pagbabarilin ng hindi pa natutukoy na suspek sa harap ng kanyang asawa kahapon ng umaga, Pebrero 26 sa Brgy. San Carlos, lungsod na ito.

Batay sa ulat ng imbestigador ng Lipa City Police Station (CPS), kinilala ang biktima na si Vivencio Palo, residente at kapitan ng nabanggit na lugar.

Bandang 5:20 ng umaga, nasa likod ng pickup vehicle ang biktima habang nagbababa ng mga paninda kasama ang kaniyang misis ng biglang dumating ang suspek at huminto sandali at binaril ng suspek ang biktima at mabilis na tumakas.

Isinugod sa sa Mary Mediatrix Center si Palo ngunit namatay ito habang ginagamot. 

Samantala. patuloy pa ring nagsasagawa ng follow-up operation at imbestigasyon ang Lipa CPS.

Remulla pa rin sa Cavite 7th District

0

Trece Martires City, Cavite. Nanalo bilang bagong representative ng Congress si Crispin Diego “Ping” Remulla ng ika-7 Distrito ng Cavite na binubuo ng Indang, Amadeo, Tanza, at Trece Martires City matapos ang espesyal na halalan na ginanap kahapon, Pebrero 25.

Si Remulla ay idineklara kaninang umaga ng mga opisyal ng Commission on Elections (Comelec) sa Sangguniang Panlungsod Plenary Hall sa loob ng Cavite Provincial Capitol.

Pinalitan niya ang kanyang ama, si Jesus Crispin “Boying” Remulla, na hinirang na Justice Secretary ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ilang sandali matapos ang botohan noong Mayo noong nakaraang taon, na nagresulta sa pagkabakante ng pinag botohanng posisyon.

Ang nakababatang Remulla, na naging 7th district provincial board member ay nakakuha ng 98,474 boto, na tumalo sa dating mayor ng Trece Martires City na si Melencio De Sagun (46,530), Lito Aguinaldo (1,610) at Mike Santos (1,068).

Ang kabuuang turnout ng mga boto ay kumakatawan sa 42.11 percent o 149,581 na binilang na boto mula sa 355,184 na rehistradong botante.

Noong araw ng halalan, kasama ni Remulla ang kanyang asawa, si Georgia, at ang kanyang ama sa pagboto sa Tambo Malake Elementary School sa Indang.

Sa isang panayam, sinabi niya na marami silang nagawa noong kampanya at nakilala niya ang marami sa kanyang mga kabayan sa distrito.

Gayunpaman, tumanggi siyang magkomento nang tanungin ng media ang tungkol sa disqualification case na isinampa laban sa kanya ni De Sagun, at sinabi na hindi pa siya nakakatanggap ng kopya ng reklamo.

Ang disqualification case na isinampa noong Pebrero 23 ay nag-ugat sa post ng social media ng Trece Martires local government unit kung saan siya ay sumali sa isang social services event noong campaign period, na, ayon kay De Sagun, ay malinaw na paglabag sa election code.

“Napakapaaga pa para magtapos sa yugtong ito, ngunit nangangako kami na magsagawa ng mas malalim na imbestigasyon para sa inihaing disqualification case,” ayon kay Comelec chair George Garcia na tubong Indang.

Consultant ng Ternate mayor, patay sa ambush

0

Ternate City, Cavite. Patay ang isang consultant ng mayor ng bayan ng Ternate matapos tambangan at pagbabarilin ng riding-in-tandem habang nagdya-jogging sa Brgy.Sapang 1 sa bayang ito sa Cavite, noong Huwebes ng umaga.

Kinilala ni Police Major Xelacor Maria Garcia, hepe ng Ternate City Police Station, ang biktima na si Ricky Diones, 49 anyos, isang consultant na coterminous government employee bilang consultant ng local government unit ng Ternate, siya rin ang operations manager ng isang quarry company.

Si Diones ay idineklarang dead-on-the-spot dahil sa tinamong dala­wang tama ng bala sa katawan, ayon kay Garcia.

Hindi nakilala ang mga tumakas na salarin na sakay ng kulay asul na motorsiklo na Honda Click at walang plaka.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya dakong alas-6:45 ng umaga nang maganap ang insidente sa pagitan ng Brgy. Bucana at Brgy. Sapang 1, ng nabanggit na lungsod. 

Sinabi ni Garcia na inatake ang biktima habang isinasagawa nito ang regular jogging exercise nito sa madaling-araw. Isa sa mga suspek ang naglabas ng baril at agad pinaputukan ng magkasunod ang biktima nang malapitan.

Dalawang basyo ng bala ng kalibre 45 ang nare­kober ng mga awtoridad sa nasabing lugar.

Nasisilip ng pulisya ang anggulo ng “business work related” na motibo sa pamamaslang, ayon sa hepe.

Sama tala, nagsasagawa ng backtracking investigation ang pulisya sa pagsisikap na makilala ang mga suspek na tumakas sakay ng motorsiklo.

Bill on divorce, muling binuhay sa Kongreso

0

Pumasa na sa Committee on Population and Family Relations ng Kongreso ang divorce bill sa Pilipinas.

Sa pagdinig ng komite ay nagsampa ng motion si Albay Rep. Edcel Lagman upang maaprubahan ang 8 Divorce bills na sinang-ayunan naman ng mayorya. 

Kaugnay nito, bubuo ang komitiba ng technical working group na gagawa ng substitute bill upang pagsamahin ang 8 panukala. 

Tiniyak ng komite na ikukonsidera nila ang mga isyu na may kinalaman sa sa relihiyon.  Nauna dito ay hinikayat din ni dating House Speaker at Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez ang mga kapwa mambabatas na aksyunan na ang panukala. 

Iginiit niya na sa nakaraang Kongreso ay naaprubahan na ang nabanggit na panukala. Dapat aniyang mabigyan ng pagkakataon ang mga taong itama ang maling desisyon sa pagpili ng makakasama sa buhay. 

Binigyang diin naman ni Lagman na sa lahat ng Catholic countries ang Pilipinas na lang ang hindi pa legal ang diborsyo. Kahit Catholic Hierarchy aniya ay may sariling matrimonial tribunal na nagdi-dissolves sa kasal na maituturing na ring diborsyo.

Presyo sa produktong petrolyo, ibaba sa susunod na linggo

Pagkatapos ng dalawang magkasunod na taas-presyo ngayong buwan, inaasahang muling bababa ang fuel prices sa susunod na linggo, ayon sa oil industry forecast kanina.

Ayon sa advisory ng Unioil Petroleum Philippines, posibleng bumaba ang diesel prices ng ₱1.20 hanggang ₱1.40 kada litro, habang ang presyo ng gasolina ay posibleng bumaba ng ₱0.70 hanggang ₱0.90 kada litro.

Epektibo ang adjustment sa Feb. 28 hanggang March 6, 2023.

Batay sa pinakabagong oil monitoring ng Department of Energy (DOE), ikinasa ng oil ang per liter increase na ₱0.90 para sa gasolina at ₱1.05 para sa diesel na epektibo noong Feb. 21.

Samantala, ibinagsak ang presyo ng kerosene ng ₱0.25 kada litro.

“These resulted in a year-to-date net decrease for diesel at ₱1.10 per liter and kerosene at ₱0.50 per liter. Gasoline on the other hand has a net increase of ₱6.00 per liter,” ayon sa DOE report.

17 anyos na dinukot ng mga armadong lalaki sa Batangas, pinaghahanap

0

Calaca City, Batangas. Labingsyam na araw nang nawawala ang 17 taong gulang na si John Michael Noche matapos  na diumano ay dukutin ng mga armadong lalaki sa bayang ito.

Ayon sa ulat, tumatambay ang biktima at ang kanyang ama sa labas ng isang tindahan sa Poblacion 5, noong gabi ng Pebrero 5, nang dumatingang isang Honda CRV na may sakay na 2 armadong lalaki. 

Sapilitan nilang tinangay si Noche, habang nakatakas naman ang ama ng biktima matapos pumiglas at mahubad ang damit. 

Nakuhanan ng video ang pagdukot ngunit malabo ang kuha. Nakasuot ng sombrero at mask ang mga dumukot. 

Nasundan pa ng tiyuhin ng biktima ang van at nakuha ang plaka nito ngunit nang iberipika sa LTO ay napag-alaman na nakarehistro ito sa isang jeep sa Urdaneta City, Pangasinan.

Umaapela ang pamilya ng biktima sa mga dumukot na pakawalan na ito. Aminado naman ang pamilya na nasangkot na sa insidente ng nakawan sa isang gasolinahan ang biktima ngunit hindi umano ito sapat na dahilan upang dukutin ang teenager. 

Kinumpirma naman ni PLtCol Ruel Lito Fronda, hepe ng Calaca City Police Station na bagaman nasangkot na sa pagnanakaw ang biktima, nakalaya ito dahil menor de edad. Sa ngayon ay itinuturing nilang missing ang biktima.

Patuloy na nangangalap ng mga impormasyon ang mga awtoridad para sa ikalilinaw ng pagkawala ng biktima, ayon kay Fronda.

Samantala, nananawagan ang lola ng biktima sa mga dumukot na isauli ang kanyang apo kahit bangkay na lamang.

Big-time illegal recruiter sa Laguna, arestado ng PNP, DMW

0

Paete, Laguna. Arestado ang isang big-time illegal recruiter sa bayang ito, noong Martes (Pebrero 21), sa isinagawang entrapment operation ng Philippine National Police (PNP) at Department of Migrant Workers (DMW).

Sa isang press release na inilabas noong Huwebes, kinilala ni DMW Secretary Susan “Toots” Ople ang suspek na si Jonnalyn M. Sebastian, 39 anyos, na sinasabing isa sa apat na miyembro ng illegal recruitment ring.

Dagdag pa niya, kasunod ng operasyon, napigilan ng DMW ang 33 overseas job applicants na mabiktima ng illegal recruitment.

“Sebastian, given the sheer number of complainants, faces a non-bailable offense and possibly, a lifetime of jail time. We thank the PNP and the province of Laguna for their full support to the DMW’s fight against illegal recruitment and human trafficking,” ayon kay Ople.

Sinabi ni Ople na matapos silang makatanggap ng mga reklamo mula sa tatlong overseas job applicants, agad na nagsagawa ng surveillance operations ang Anti-Illegal Recruitment Branch (AIRB) ng DMW.

Sinabi niya na ang mga biktima ay nagsumbong na sinisingil sila mula PHP100,000 hanggang PHP350,000 bilang “advance placement fees” para sa mga “garantisadong” trabaho bilang caregiver sa Malta at Malaysia.

Dagdag pa dito, sinabi ni Ople na batay sa reklamo, ipinakilala umano ni Sebastian ang kanyang sarili sa mga naghahanap ng trabaho bilang “coordinator” ng isang “government-to-government program” ng isang “licensed recruitment agency.”

Hiningan ng suspek ang mga aplikante ng paunang “placement fee” mula PHP100,000 hanggang PHP150,000 bilang bayad sa iba’t ibang training fee, medical examination, at iba pang gastusin.

Sinabihan din ang mga aplikante na bayaran ang natitirang balanse bago sumapit ang kanilang deployment.

Samantala, ang mga hindi makabayad ay pinayuhan ni Sebastian na mag-apply ng mga loan na babayaran sa pamamagitan ng salary deductions pagkatapos ng kanilang deployment.

Gayunpaman, nagsimulang maghinala ang mga aplikante ng mabigo si Sebastian na i-deploy sila pagkatapos ng mahabang panahon. Kasunod nito ay nagpasya silang humingi ng tulong sa DMW.

Sa kasalukuyan, sinabi ni Ople na tinutulungan ng DMW ang lahat ng 33 nailigtas na mga biktima ng illegal recruitment sa pagdo-dokumento ng kanilang mga reklamo bagosampahan ng mga kaukulang kaso si Sebastian.

Kakasuhan siya ng large-scale illegal recruitment activities na katumbas ng economic sabotage na isang non-bailable offense.

Noong Huwebes, dinala si Sebastian sa Department of Justice (DOJ) para sa inquest proceedings habang isinasagawa ang follow-up operations ng Trafficking in Persons unit ng PNP laban sa asawa ni Sebastian at dalawa pang kasabwat.

HULI. Inaresto ng mga tauhan ng Department of Migrant Workers (DMW) at ng Philippine National Police, si Jonnalyn Sebastian, isa sa apat na miyembro ng umano’y big-time illegal recruitment ring sa bayan ng Paete, lalawigan ng Laguna noong Martes (Peb. 21, 2023). Sinabi ni DMW Secretary Susan Ople na 33 overseas job applicants ang nailigtas mula sa pagiging biktima ng illegal recruitment. (Photo credits: DMW)

WHO: COVID deaths, cases sa buong mundo bumaba na

Inireport ng World Health Organization (WHO) ang pagbaba ng mga bagong kaso at pagkamatay sanhi ng COVID-19 sa buong mundo, ayon sa pinakahuling epidemiological update na inilabas noong Miyerkules.

Ayon sa WHO, halos 5.3 milyong bagong impeksyon at mahigit 48,000 na pagkamatay ang iniulat mula Enero 23 hanggang February 19, na katumbas ng pagbaba ng 89 percent at 62 percent ayon sa pagkakasunod, kumpara sa nakalipas na 28 araw.

Samantala, mahigit 757 milyon ang kumpirmadong kaso at mahigit 6.8 milyon na pagkamatay ang naiulat sa buong mundo noong February 19.

Sa regional level, sinabi ng WHO na ang bilang ng mga bagong naiulat na 28-day cases ay bumaba sa lahat ng rehiyon ng WHO: ang Western Pacific Region na may 94% na pagbaba, ang South-East Asia Region na may 51%, ang America na may 43 %, ang Africa na may 34%, ang Europeo na may 33%, at ang East Mediterranean na may 26%.

Habang ang bilang ng bagong iniulat na 28-day deaths ay bumaba rin sa limang rehiyon–ang Western Pacific Region ay may 77% na pagbaba, ang South-East Asia Region ay may 62%, ang African Region na may 52%, ang European Region ay may 50%, at ang America ay may 14%.

Gayunman, sinabi ng  WHO na ang inuliulat na pagkamatay ay tumaas sa Eastern  Mediterranean Region na may  18% pagtaas.

Nana dito,  sinabi ng WHO na umaasa itong hindi na magiging public health emergency ang COVID-19 ngayong 2023.

Samantala, sa Pilipinas sinabi ng Department of Health (DOH) noong Miyerkoles na ang COVID-19 cases sa bansa ay  “plateauing” na may hindi bababa sa 832 na bagong impeksyon na naitala mula Pebrero 16 hanggang 22.