Tuesday, May 26, 2026


Your Daily News Update About CALABARZON and Beyond.
ISSN 2799-1911

Home Blog Page 634

Baril at granada nakumpiska; mga suspek arestado

0

Cabuyao City, Laguna. Arestado ang dalawang suspek na gunrunner sa buy bust operation na ikinasa ng Cabuyao City Police Station (CPS) kaninang madaling araw.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G. Silvio, Officer-In-Charge ng Laguna Provins-cial Police Office ang mga suspek na sina Jessie Gan at Franie Falle Pawang, mga residente ng nabanggit na lungsod.

Ayon sa ulat ng Cabuyao CPS, naaresto ang mga suspek saa Brgy. San Isidro, Cabuyao City, Laguna matapos bumili ng baril ang mga pulis na nagpanggap na buyer.

Nakumpiska sa mga inaresto ang Isang (1) kalibre ang nakumpiska kay alyas Jessie .kalibre 45 na pistola at anim pirasong live ammunition at isang granada.

Kasalukuyang nasa nakakulong ang mga suspek sa Cabuyao CPS at nakatakdang humarap sa kasong paglabag sa RA 10591 “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”.

“Maaasahan po ninyo na lalong paiigtingin ng Laguna PNP ang mga sa operasyon laban sa loose firearms. Dahil ang mga bagay na ito ay mapanganib at maaaring kumitil ng buhay ng tao at maaaring gamitin sa iba pang mga krimen,” ayon kay Silvio.

JCI SP 7 Lakes to celebrate 74th anniversary reunion

San Pablo City, Laguna. JCI San Pablo 7 Lakes will celebrate its 74th Anniversary on Saturday, November 12, 2022, 6:00 PM at Max’s Restaurant, San Pablo City.

This anniversary is not only a celebration but also a reunion of associate members who have returned from faraway places to reconnect in fellowship.

One of the highlights of this event is the recognition of the oldest active living JCI San Pablo 7 Lakes member, Senator Guillermo ‘Memo’ Almonte.

San Pablo Jaycees was chartered on November 13, 1948, this chapter of the globally recognized organization has withstood the test of time and is proud of its achievements and lagacies.  It has produced several nationally known politicians and many successful entrepreneurs. 

The celebration will be graced by Ms. Gem Castillo as the guest of honor.  Ms Castillo is the common-law wife of San Pablo City Mayor, Vicente Amante, who along with his son, Congressman Loreto “Amben” S. Amante are the two primary sponsors of the event.  

Coincidentally, the young Congressman is himself a past president and JCI Senator of JCI San Pablo Seven Lakes and so is incumbent San Pablo City Vice-Mayor Justin Colago, who will be in attendance at the reunion.

Other event doors include Past President Ronnie Carlos, JCI Associate Danny Andes and JCI Senator Jacie Gatchalian.

San Pablo City’s very own Past JCI Philippines National President PJ Estrellado will also grace the affair with his presence.

Since its establishment, JCI San Pablo Seven Lakes has proactively responded to challenges in the community, helping to generate awareness on important social and economic issues which have an impact on the daily lives of the citizens of San Pablo City. It advances its ambitious objectives by identifying the goals most relevant to their community, taking action, engaging stakeholders, and providing sustainable solutions.

“Reunions reinforce our common bonds, regenerate our friendships, and reinvigorate our spirits in appreciation of life’s different but parallel journeys. Our lives become meaningful through the impact we make on others, more so than living and working just for ourselves. As we grow, our passion has to inspire others’ passions and dreams. As leaders we have the opportunity to bring members together to do something that is bigger than they are as individuals,” according to San Pablo Jaycees Senate president JCI Sen. Marius Myrone S. Zabat Jr.

“As we mark the 74-year anniversary of this dynamic organization, we can take pride that we remain anchored by the core belief that faith in God gives meaning and purpose to human life. JCI has equipped us with a sense of pride and breadth of knowledge and skill to provide a roadmap for future generations of JCI leaders. Reunions normally last only a day or two. By the time you wrap yourself in the good feeling of renewed camaraderie, it’s time to say goodbye. But merely the fact that many people have traveled from near and far to celebrate lifelong friendships that have common learning experiences and human value and the anticipation of meeting again make the time and effort well spent. It will provide a chance for us to catch up with old friends, get to know our fellow Jaycees as adults and reminisce about memories from our Jaycees days. This is why, to me, reunions are important and serve a vital purpose,” San Pablo Jaycee Leaders president JCI Senator Venus P. Funtanilla lamented.

The organizers of this 74th anniversary reunion includes Gerry Baldo, JCI Associates Efren Reyes, Johnny Wong and Romeo Lantin with the support and assistance of Zabat and Funtanilla.

JCI is a nonprofit organization of young active citizens aged 18 to 40 who are engaged and committed to creating impact in their communities. Active citizens are individuals invested in the future of our world. JCI gathers active citizens from all sectors of society. They develop the skills, knowledge and understanding to make informed decisions and take action.

San Pablo Jaycees was chartered on November 13, 1948. The local leadership organization was awarded Most Civic Spirited Organization during the Independence Day celebration in 1948.

3 weather systems magdadala ng kalat kalat na pag-ulan

0

Tatlong weather system ang magdudulot ng kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa ilang bahagi ng bansa, sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kanina.

Sa pinakahuling weather advisory, sinabi ng PAGASA, ang mga lalawigan ng Batanes, Cagayan, Isabela, Aurora at Quezon ay magkakaroon ng mga pag-ulan dahil sa shear line.

Ang intertropical convergence zone (ITCZ) at ang easterlies ay magdadala ng pag-ulan sa mga rehiyon ng Bicol, Eastern Visayas, Caraga, at Davao.

Ang mga flash flood o landslide ay malamang sa mga lugar na iyon dahil sa katamtaman at malakas na pag-ulan.

Sinabi ng PAGASA na ang natitirang bahagi ng bansa ay magkakaroon ng isolated rain showers dulot ng localized thunderstorms.

Katamtaman hanggang sa malakas na hangin at katamtaman hanggang sa maalon na karagatan ang iiral sa Hilagang Luzon.

Ang hilagang seaboard ng Northern Luzon ay makakaranas ng maalon na karagatan.

Sa ibang lugar, ang hangin ay magiging mahina hanggang sa katamtaman na may banayad hanggang sa katamtamang pag-alon ng karagatan. (PNA)

High powered firearms nakumpiska sa Laguna

0

Nagcarlan, Laguna. Arestado ang isang suspek na nahulihan ng matataas na kalibre ng baril sa isang follow up operation ng Nagcarlan Municipal Police Station (MPS) kaninang tanghali.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G. Silvio, Officer-In-Charge, Laguna PPO ang suspek na si Vincent Conejos.

Ayon sa report ng Nagcarlan MPS, nagkasa sila ng follow up operation kasama ang 1st LPMFC, RIU, PIU hinggil sa report ng concern citizen na may nagpaputok ng baril sa Brgy Tipacan, Nagcarlan,Laguna na nauwi sa pagka aresto ng suspek matapos maberipika na nagmamay ari siya ng mataas na kalibre ng baril.

Nakumpiska sa suspek ang isang M16 rifle colt RP256304, M16 rifle with serial no.9069155, M16 rifle defaced serial number,armscor shotgun with serial # 178379, isang (1) unit ng  Colt, M16 rifle with (airsoft), 1 M16 rifle defaced serial number (airsoft), dalawang piraso ng handheld radio, dalawang piraso ng military uniforms, apat na piraso ng military vest, isang pirasong ng military bandolier, dalawang rifle magazine, anim na long magazine at dalawamput isang piraso ng ibat-ibang uri ng bala.

Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Nagcarlan MPS at nakatakdang humarap sa kasong kriminal na Indiscriminate firing at RA 10591 “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”.

“Hindi namen kinukunsinti ang ganitong pag uugali sa pangangalaga ng baril kaya mahigpit kaming nagsasagawa ng mga operation laban sa mga Loose Firearms para mapanatili ang kapayapaan at kaayusan dito sa lalawigan ng Laguna, ” ayon sa mensahe ni SIlvio.

Murder raps isinampa na vs Bantag at iba pa sa Percy Lapid slay

0

Ipinahayag ng Department of Justice (DOJ) kanina ang pagsasampa ng mga reklamo sa pagpatay laban sa nasuspendidong Bureau of Corrections (BuCor) na si Director General Gerald Bantag kaugnay ng pananambang-pagpatay sa broadcast commentator na si Percival “Ka Percy Lapid” Mabasa.

Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na ang Department of the Interior and Local Government (DILG), ang Philippine National Police, at ang National Bureau of Investigation ay nagsampa ng mga reklamong pagpatay laban kay Bantag, BuCor Deputy Security Officer Ricardo Zulueta, at mga person deprived of liberty (PDL) na nauugnay sa pagkamatay ni Lapid at ang sinasabing middleman sa kaso na naunang kinilala na si Jun o Crisanto Villamor.

Kinilala ang mga PDL na nahaharap sa reklamong pagpatay na sina Mario Alvarez, Joseph Georfo, Christam Ramac, Ricky Salgado, Ronnie Dela Cruz, at Joel Reyes.

“The principle that we adopted here in charging the mastermind is the totality of all the facts given to us by all the witnesses and all the circumstances attendant to the killing. So it’s a totality test,” ayon kay Remulla.

“The totality of all the acts points out to the participation of and responsibility of those being charged,” dagdag pa niya.

Hinimok ni Remulla sina Bantag at Zulueta na isuko ang sarili at harapin ang mga kaso.

“I’d like to ask Zulueta and DG Bantag to surrender and face the charges. Kung sila ay inosente, itataguyod sila ng batas at kung sila ay nagkasala, kailangan nilang harapin ang kahihinatnan,” ayon sa opisyal ng hustisya.

Gayunman, idinagdag ni Remulla na nag utos na siya ng lookout bulletin laban sa dalawang opisyal ng BuCor.

Isa si Bantag sa 160 “persons of interest” sa kaso ni Lapid na nauna nang tinukoy ng PNP.

Sinabi ng abogado ng NBI na si Eugene Javier na ang mga pahayag ng mga saksi ay nagpakita na mayroong “malinaw at direktang linya ng komunikasyon” mula kay Bantag at Zulueta sa mga lider ng gang na nakipag-ugnayan kay Labra at kalaunan ay nakipag-ugnayan kay Galicia.

Si Galicia ang nag-orkestra at nagsagawa ng pagpatay kay Lapid sa pamamagitan ng kanyang mga miyembro ng gang at mga contact sa labas ng National Bilibid Prisons (NBP).

Ito, aniya, ay humantong sa partisipasyon ng self-confessed gunman, Joel Escorial, at ng kanyang mga kasabwat.

Napag-alaman din sa imbestigasyon na may malinaw na motibo si Bantag na ipag utos ang pagpatay kay Lapid dahil sa patuloy na paglalantad nitolaban laban sa kanya sa palabas na “Lapid Fire.”

70 anyos na lolo na nang molestya ng apo, arestado

0

Antipolo City, Rizal. Inaresto ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Rizal ang isang 70 anyos na lolo na na humalay sa kanyang apo twuing ihahabilin sa kanya ang bata, sa isang manhunt operation sa Sitio Ruhat, Lower, Barangay Mambugan, Antipolo city, Rizal noong huwebes ng umaga.

Kinilala ng mga operatiba ng CIDG ang suspek na si Rodrigo Casa na residente ng nabanggit na lugar. Si Casa ayon sa pulisya ang itinuro ng batang si “Princess” na humahalay sa kaniya sa tuwing siya’ y iniiwan ng kanyang ina sa kanyang Lolo.

Ayon sa.record ng pulisya, nabisto ang pangmomolestiya ng suspek ng hindi  inaasahan na magkwento ang bata sa kalaro nito.

Agad na nagtungo at humingi ng tulong ang mga magulang ng biktima sa Antipolo Municipal Police Station.

Dinakip si Casa sa kanyang bahay sa bisa ng isang warrant.of arrest na inilabas ng tanggapan ni Hon.Ana Zita Bernardo Abunda Caballega ng RTC 17 ng Antipolo City.

Nakakulong ngyaon sa Antipolo City custodial facility ang akusado.

Fertilizer voucher ng DA ipamamahagi sa mga magsasaka

0

Malapit ng ipamahagi ang mas maraming fertilizer discount voucher sa mga benepisyaryo ng magsasaka upang matiyak ang napapanahong pagkakaroon ng pataba para sa produksyon ng palay.

Sa isang balita kanina, sinabi ng Malacañang na ang Department of Agriculture (DA) ay naglabas ng memorandum na nag-a-update ng mga alituntunin sa pagpapatupad ng isang fertilizer discount voucher project sa ilalim ng National Rice Program.

Sa ilalim ng Memorandum Order 65, saklaw ng fertilizer discount voucher ang mga rehiyong may mga taniman ng inbred at hybrid rice seeds maliban sa National Capital Region (NCR) at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ang fertilizer discount voucher ay para sugpuin ang mga kakulangan sa paglalagay ng urea fertilizer sa produksyon ng palay at matiyak ang food security.

“The DA shall provide fertilizer vouchers to eligible beneficiaries which will be used in acquiring urea fertilizers. The use of fertilizer vouchers offers an alternative to farmers with lower purchasing power to buy a sufficient volume of urea recommended for their rice area,” ayon sa order. (PNA)

Pumusta si PBBM sa tagumpay ng binuksang  ‘Kadiwa ng Pasko’

Nagpahayag ng pag-asa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong Sabado na ang “Kadiwa ng Pasko” na proyekto ay magiging isang tagumpay para sa mga supplier at mga mamimili na laging naghahanap ng sariwa at abot-kayang produktong agri-fishery.

Sa isang video message sa paglulunsad ng event sa Rasac Covered Court sa Santa Cruz, Manila, pinasalamatan ni Marcos ang mga supplier na lumahok sa trial run ng proyekto.

“Nais kong batiin ang ating mga seller sa ating Kadiwa ng Pasko na trial run. Maraming maraming salamat at kayo ay nakilahok dito sa aming bagong programa na sana, ‘pagka ito ay lumawak at dumami, ay makakatulong sa taumbayan, lalong-lalo na at papasok na tayo ng Pasko,” ayon kay Marcos.

Ang Department of Agriculture, na pinamumunuan ni Marcos ang nangungunang ahensya ng programa na nagbebenta ng mga produktong agri-fishery ng mga lokal na magsasaka at mangingisda at tumulong sa pagtugon sa mga pagtaas ng presyo kaugnay sa panahon ng Pasko.

Labintatlong kooperatiba ng mga magsasaka at mangingisda mula sa Cordillera Administrative Region (CAR), Central Luzon, Calabarzon, at Bicol Region ang inimbitahan na magbenta ng mga gulay, prutas, isda, itlog, bigas, at dairy products, ayon sa Philippine Information Agency.

Labing-isang Young Farmers Challenge awardees noong 2021 at 2022 mula sa CAR at Central Luzon ay nagpapakita rin ng kanilang mga produkto.

Ang Sugar Regulatory Administration ay inatasan na magbenta ng asukal na may label na “BBM” sa halagang PHP70 kada kilo habang ang Department of Trade and Industry ay nag-imbita ng mga lokal na micro, small, at medium enterprises na magbenta ng mga de latang paninda, keso, tinapay, at iba pang pangunahing pangangailangan.

Ang programang Kadiwa ng Pasko ay ipatutupad sa iba pang lugar sa Metro Manila at malamang na palawakin pa para mapabilang ang iba pang rehiyon.

Sa Maynila, ito ay gaganapin tuwing weekend ng Nobyembre.

Barangay kagawad nakipagtalo; pinagbabaril sa ulo

0

Sta. Maria, Laguna.  Patay agad ang isang 42 anyos na barangay councilman matapos pagbabarilin ng nakatalo nitong kabarangay noong gabi ng Huwebes sa Brgy. Cabooan ng bayang ito 

Ayon sa paunang ulat ng pulisya, nakilala ang biktima na si John Irvin Vispo, may- asawa at residente ng nabanggit na barangay.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Officer-In-Charge, Laguna Provincial Police Office ang suspek na si Reynald Ikling.

Ayon sa report, bumibili ng bigas sa isang grocery store si Vispo ng dumating Ikling at may itinanong ng isyu hinggil sa nagdaang bagyo. Nagpapaliwanag umano ang biktima ngunit pasigaw umanong nagsalita ang suspek hanggang sa humantong sa isang mainit na pagtatalo ang usapan.

Ayon sa salaysay ng mga nakasaksi, hindi matanggap ng suspect ang paliwanag ng biktima kaya bigla itong bumunot ng baril at sunod sunod na pinaputukan sa ulo si Vispo bago tumakas. 

Tatlong basyo ng bala ng baril ang narekober ng pulisya sa crime scene.

Samantala, nagkasa ng manhunt operation ng Sta.Maria Municipal Police Station upang tugisin ang suspek.

Arestado ang rank no. 1 provincial level MWP sa kasong murder

0

Sta. Cruz, Laguna. Arestado ang Rank no. 1 Provincial Level Most Wanted Person sa ilalim ng manhunt operation na ikinasa ng Lumban Municipal Police Station (MPS) kahapon Brgy. San Jose, Calamba City, Laguna sa bisa ng warrant of arrest.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Officer-In-Charge, Laguna PPO ang akusado na si John Ricky Abiog.

Ang akusado, na ilang buwan ng pinaghahanap ng batas ay nahaharap sa kasong murder na isinampa noong Marso 23, 2022 na walang nirerekomendang pyansa na inissue ng Regional Trial Court Branch 25, Biñan City, Laguna.

Kasalukuyang nasa pangangalaga ng Lumban MPS ang akusado inaabisuhan ang korte hinggil sa pagkakadakip sa kanya.

“Akin pong ikinararangal ang mga personnel na ito ng Laguna PNP para sa kanilang hindi matatawarang dedikasyon sa pag ganap sa kanilang mga sinumpaang tungkulin upang tugisin at panagutin ang mga taong nagtatago sa batas,” ayon sa mensahe ni Silvio.