Monday, May 25, 2026


Your Daily News Update About CALABARZON and Beyond.
ISSN 2799-1911

Home Blog Page 645

Same old nauseating chants

Where have all the ethical values of the many youths today gone? Are the people in charge of teaching them moral principles forgot to inculcate in their minds the importance of having a universal ethical standard acceptable to all mankind? I am asking this in reaction to the recent hullabaloo in New York City, USA created by a bunch of what appears to me to be Fil-Am activists/leftist putting the Philippines to shame in the international community. Just like here every non-working holiday their counterparts were screaming like crazy “Never Again, Never Again to Martial Law” and “Pasista, Diktador, Tuta!” – same old nauseating chants we heard more than fifty years ago.

From the way I look at them, it seems they do not really know what they are talking about and were merely acting under the baton of somebody else.  They professed hating fascist but they seem to enjoy staying in the country known to be the greatest advocate of fascism, imperialism and all the known bad isms in the dictionary.  They abhor being “Tuta” but look at how they repeatedly chant in unison slanderous language against the Philippine government like electronic-operated robots. They are asking for the observance of human rights but they are the ones lacking respect for the rights of others.  How ironic! 

There is really an urgent need for the Department of Education to revisit and change, if necessary, the school curriculum – a program that will give a premium to Good Manners and Right Conduct (GMRC), moral values formation and patriotism. The mandatory ROTC must be pushed through to produce strong and well-disciplined leaders in the future and not left-leaning hoodlums who would destroy lives and properties of innocent civilians.  Future terrorism and unwarranted extremism must be fought to the hilt by educating our learners at an early age.

I commiserate with the parents of young students who were recruited by the CPP-NPA-NDF and ended up biting the dust in some forgotten places in the mountain. It is regrettable to see on the news the many young lives wasted for naught. They could have been productive members of society had they not been conscripted by terror groups whose aim is to overthrow the government. I empathize with the Indigenous people who were used as pawns by terror groups against the duly constituted authorities in a war they will never win.

Just lately, some high-ranking Cadres and urban operatives of the CPP-NPA-NDF surrendered to the government after realizing the many years of useless fighting against their fellowmen. The student activists who are new recruits must hear their stories so they can be guided accordingly.  Voicing sentiments and rallies are not bad per se but it should be done in a manner not prejudicial to the rights of others like what the bunch of leftists did in New York City.

Climate change mitigation, adaptation mangunguna sa agenda ng PBBM admin

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kanina na ang resiliency at adaptation ng Pilipinas sa “new normals” ng climate change ay mangunguna sa pambansang agenda ng kanyang administrasyon.

Ibinigay ni Marcos ang katiyakan sa isang talumpati na binigkas niya sa 2022 multi-stakeholder forum na inorganisa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Diamond Hotel sa Maynila.

“As your President, I assure you that our environment and our country’s resiliency and adaptation to the new normals of climate change are on top of the national agenda. We ensure that the initiatives we will take will enable us to become smarter, more responsible, more sustainable in all that we do,” he said during the opening of the DENR’s three-day forum.

“The road ahead will be long and it will be tough, but we must stay strong and accept that it will be a battle that we all must wage, and even more importantly, it’s a battle that we must win,” dagdag niya.

Pinuri ni Marcos ang DENR sa pagbubuo ng isang forum na nagtitipon ng iba’t ibang stakeholder na inaasahang makikipagtulungan sa ahensya at iba pang mga kagawaran ng estado upang gumawa at magpatupad ng mga programa tungo sa klima, disaster resilience at sustainable development.

Aniya, tiwala siya na ang forum ay magsisilbing plataporma para matukoy ng mga kalahok ang “”unique at shared” na mga hamon ng bawat sektor, palakasin ang kooperasyon, gayundin ang pangangalap ng impormasyon sa mga prayoridad upang maisali sa agenda ng polisiya ng DENR at sa multi- year Roadmap for Programs, Activities and Projects.

Kidnapping syndicate ng mga transgender, binuwag ng CIDG

0

Sa press briefing sa Camp Crame, Quezon City kanina, Kinilala ni CIDG director Brig. Gen. Ronald Lee sa isang press briefing kanina ang mga suspek na sina Francis Villa, Lawrenza Lingo, Johnas Belonio, Bernard Torres at Mark Joseph Pelonio, pawang miyembro ng “Warla” kidnapping group.

Nahuli ang mga suspek sa joint operation ng PNP Anti-Kidnapping Group, National Capital Region Police Office at tropa ng militar noong Oktubre 1.

Sinabi ni Lee na ang modus ng grupo ay akitin ang mga biktima mula sa mga dating app at site na makipagkita sa kanilang mga gwapong miyembro.

Matapos dukutin, dinadala ang mga biktima sa kanilang safehouse at humingi ng pera sa kanila ang mga suspek kapalit ng kanilang pagpapalaya.

Matapos matanggap ang ransom, ibinaba ng mga suspek ang mga biktima sa mga random na lugar sa paligid ng Metro Manila.

Sinasabing nag-ooperate ang grupo sa southern part ng Metro Manila, partikular sa Parañaque, Pasay, Taguig, at Makati at nakapang biktima na ng humigit kumulang na 14 katao.

Nakakolekta sila ng kabuuang ransom money na nagkakahalaga ng PHP4.2 milyon na gagamitin para sa kanilang sex reassignment surgery o “sex change”.

Ayon kay Lee, ang grupo ay napag alaman ng pulisya matapos mailigtas ang isang biktimang Taiwanese na si Michael Lee noong Setyembre 7 sa Parañaque City, na dinukot noong Setyembre 3.

Ang nabanggit na kidnapping group ay humingi ng pera sa mga kaibigan ng biktima kapalit ng kanyang kalayaan. Ang mga kaibigan ng biktima ay nakapag padala ng pera sa limang magkakaibang digital wallet na umabot sa kabuuang PHP308,000.

Isolated rain showers mararanasan sa kalakhang PH

Makarararans ang kalakhang bahagi ng bansa ng isolated rain showers dulot ng localized thunderstorms at intertropical convergence zone (ITCZ) na nakakaapekto sa Mindanao, ayon sa   weather bureau nitong Martes.

Walang nakikitang low pressure area o tropical cyclone na makakaapekto sa bansa, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ang easterlies ay magdudulot ng kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa mga lalawigan ng Cagayan, Isabela, Aurora, at Quezon.

Patuloy na naghahanda ang Comelec sa BSKE sa gitna ng napipintong reset

0

Sinabi ng Commission on Elections (Comelec) kanina na wala silang nakikitang masama sa patuloy na paghahanda para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Disyembre 5 sa gitna ng napipintong pagpapaliban ng botohan sa Oktubre sa susunod na taon.

“In truth, it is clear that we are not prohibited from preparing in advance for the elections. We can prepare early for the elections. This is why, initially, our plan is to really continue preparing,” ayon kay Comelec chairperson George Erwin Garcia sa isang radio interview.

Sinabi ni Garcia na magagamit pa rin ang mga supply at paraphernalia na bibilhin para sa botohan sa Disyembre kahit na ipagpaliban ang botohan sa ibang petsa.

Muling iginiit ni Garcia na tinitingnan ng kanilang legal team ang mga posibleng implikasyon ng napipintong pagpapaliban para makasunod sila sa audit rules and regulations ng gobyerno.

“Kung hindi natuloy ang halalan, mababayaran pa ba natin ang ating mga supplier para sa halalan? Tinitingnan natin ito kung papayagan pa rin tayo ng batas,” ayon sa kanya

Niratipikahan na ng Senado at Kapulungan ng mga Kinatawan ang panukalang batas na nagpapaliban sa BSKE.

Kapag nalagdaan na bilang batas, ang 2022 village at youth polls ay ililipat sa huling Lunes ng Oktubre 2023. (PNA)

Umabot na sa P3.12 bilyon ang pinsala ni ‘Karding’ sa agri

Umabot na sa PHP3.12 bilyon ang pinsala sa agrikultura na dulot ng Super Typhoon Karding sa ilang rehiyon sa Luzon at Visayas, ayon sa Department of Agriculture (DA) kanina.

Sa pinakahuling bulletin nito, sinabi ng DA-Disaster Risk Reduction and Management Office na si “Karding” ay nagdulot ng pinsala sa 170,762 ektarya ng mga lupang sakahan, na nakaapekto sa 108,594 na magsasaka at mangingisda sa buong Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon , Bicol at Kanlurang Visayas.

“Kabilang sa mga apektadong commodities ang palay, mais, kamoteng kahoy, abaka, high value crops, mga alagang hayop at manok, at pangisdaan. Ang pinsala ay natamo rin sa mga imprastraktura, makinarya, at kagamitan sa agrikultura,”ayon sa DA.

Ang mayorya ng volume loss ay naitala sa rice production, na may kabuuang 134,205 metric tons (MT) na nagkakahalaga ng PHP2.05 billion, kung saan ang Nueva Ecija ang nagtamo ng pinakamalaking pinsala at pagkalugi.

Ang halaga ng nawala sa mga high-value crops ay naitala sa PHP831.29 milyon, kung saan ang Nueva Ecija at Bulacan ang pinaka-apektadong lugar. Kabilang dito ang “samu’t saring prutas, gulay, munggo at spices.”

Bukod dito, nasa PHP116.55 milyon na ang halaga ng pinsala sa mga palaisdaan, kabilang ang pagkalugi sa produksyon ng isda, mga bangkang pangisda, at mga gamit.

Kasama rin sa iba pang naitalang pagkalugi ang PHP65.40 milyon para sa mais; PHP12.86 milyon para sa mga baka at manok; PHP1.47 milyong halaga ng cassava loss sa Tarlac; PHP118,.350 halaga ng pinsala sa abaka sa Quezon; PHP26.30 milyong pagkasira sa imprastraktura kabilang ang “nasira na mga solar panel, ventilator, spandrel, at mga bubong,” bukod sa iba pa; at PHP12.20 milyong halaga ng pinsala sa makinarya at kagamitan.

Habang tumataas ang bilang, dinagdagan din ng DA ang tulong nito para ipamahagi sa mga apektadong magsasaka at mangingisda.

Ang mga magagamit na interbensyon mula sa departamento ng agrikultura ay kinabibilangan ng PHP185.69 milyong halaga ng binhi ng palay, PHP23.16 milyong halaga ng buto ng mais at PHP13.55 milyong halaga ng sari-saring binhi ng gulay; PHP2.45 milyong halaga ng ng hayop, gamot, at biologic para sa mga baka at manok; PHP 554,000 halaga ng fingerlings at fishing paraphernalia sa mga apektadong mangingisda mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

Ang mga magsasaka at mangingisda ay maaari ding maka-avail ng mga pautang ng hanggang PHP25,000 sa pamamagitan ng Survival and Recovery Loan Program.

Nakahanda rin ang mga tindahan ng Kadiwa upang maiwasan ang biglaang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa mga apektadong lugar, habang isinaaktibo din ang paggamit ng DA sa Quick Response Fund.

Nauna dito, tiniyak ng DA sa publiko na ang supply ng mga pangunahing bilihin ay “magiging sapat sa panahon ng kapaskuhan,” sa kabila ng lahat ng hamon mula sa pagtaas ng mga input ng sakahan hanggang sa mga kalamidad. (PNA)

MWP sa kasong murder, arestado sa manhunt ops ng San Pablo CPS

San Pablo City, Laguna. Arestado ang isang Most Wanted Person City Level sa ikinasang manhunt operation ng San Pablo City Police Office (CPS) kahapon.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Officer-In-Charge ng Laguna PProvicial Police Office ang akusado sa kasong murder na si Elmer Ranas Bon, residente ng San Pablo City, Laguna.

Sa report ng San Pablo CPS, nadakip ang akusado kahapon habang namamasada ng tricycle.

Kasalukuyang nakakulong si Bon sa San Pablo CPS custodial facility at nakatakdang humarap sa kasog murder at frustrated murder si Bon sa Regional Trial Court, Branch 32, San Pablo City, Laguna.

“Akin pong ikinararangal ang mga tauhan na ito ng Laguna PNP sa kanilang hindi matatawarang dedikasyon sa pag ganap sa kanilang mga sinumpaang tungkulin na tugisin at panagutin ang mga taong nagtatago sa batas,” ayon sa mensahe ni Silvio.

Inilunsad ng Quiapo Church ang logo theme para sa ‘Traslacion’ 2023

0

Inilunsad ng Minor Basilica of the Black Nazarene na kilala bilang Quiapo Church ang opisyal na logo sa tema ng Traslacion 2023.

Ang nabanggit na paglulunsad ang unang hakbang ng paghahanda kaugnay ng taunang kapistahan tuwing Enero 9 na din adaluhan ng milyun-milyong deboto mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Iniulat ng Church-run Radio Veritas noong Lunes na ang tema ng pagdiriwang sa 2023 ay ‘Higit na Mapalad at mga Nakikinig sa Salita ng Diyos at Tumutupad nito’ batay sa ebanghelyo ni San Lucas kabanata 11, bersikulo 28 sa Bagong Tipan ng Bibliya.

Sinabi ng Quiapo Church sa pamumuno ni Fr. Rufino Sescon na ang logo para sa Traslacion 2023 ay hango sa patuloy na paglapit ng mga deboto at mananampalataya sa simbahan, lalo na sa gitna ng coronavirus pandemic.

Idinagdag nito na ang krus ay tanda ng kaligtasan ng mga tao habang ang kulay na maroon ay hango sa damit ng Banal na Nazareno at ang orange ay simbolo ng liwanag sa gabi.

Ang kampana ng simbahan ay simbolo ng pagtawag sa mananampalataya upang magkaisa sa panalangin.

Tampok din sa logo ng Traslacion 2023 ang simbolo ng synod at rosaryo bilang pakikiisa sa paghahanda ng simbahan para sa Synod on Bishops sa Oktubre 2023 at ang patuloy na paglalakbay ng simbahan sa mga synodal consultations ng mga diyosesis.

Bilang bansa ng Pueblo Amante de Maria, itinampok ang Santo Rosaryo dahil sa pamamagitan ng panalangin, iginapos ng Mahal na Birhen ang mga mamamayan sa landas ni Hesus.

Nabanggit ng Quiapo Church na ang traslacion ay isang paraan ng synod o sama-samang paglalakbay bilang mga mananampalataya ni Kristo mula sa iba’t ibang antas ng komunidad.

Samantala, ang mukha ng Itim na Nazareno ay sumisimbolo sa liwanag ng pag-asa sa kabila ng mga hamon na patuloy na kinakaharap ng mundo sa banta ng pandemya, karahasan, kahirapan, at kagutuman, si Hesus ay nanatiling mukha ng pag-asa at ginhawa.

Dahil sa pandemya, sinuspinde sa nakalipas na dalawang taon ang Traslacion o ang prusisyon ng imahe ng Itim na Nazareno mula Quirino Grandstand hanggang Quiapo Church sa Quezon Boulevard, Maynila. Ang huling prusisyon ay ginanap noong Enero 2020.

Hindi pa inaanunsyo ng basilica kung magkakaroon ng prusisyon sa pagdiriwang sa susunod na taon. (PNA)

DOF chief: PH not yet ready for digital currency

Developing and upgrading the country’s digital payment system is the priority of the government’s financial managers before engaging in Central Bank Digital Currency (CBDC), Department of Finance (DOF) Secretary Benjamin Diokno told senators on Monday.

A study by the Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) in 2021 to find out the feasibility of digital currency concluded that it is not yet “worthwhile” for the Philippines at the moment.

“Because we have a parallel system, ‘yung (the) PESONet and InstaPay, pagtuunan muna natin ‘yun (let’s focus on that first) before we go into CBDC. ‘Yun ang resulta ng pag-aaral (That was the result of the study),” Diokno said during the DOF budget hearing.

PESONet and InstaPay are electronic funds transfer services that allow account holders to transfer funds in Philippine peso to another account of other participating banks, e-money issuers or mobile money operators.

The twin systems are under the BSP’s National Retail Payment System that aims to increase e-payment transactions.

As of posting time, Diokno and other officials of attached DOF agencies were defending their proposed PHP30.570 billion budget for 2023 before the Committee on Finance chaired by Senator Sonny Angara.

“We will favorably recommend your budget to the plenary,” Angara told DOF officials.

Diokno said other countries tried to engage in CBDC because of the proliferation of digital currencies that are not backed up by their central banks.

He warned that digital currency is dangerous especially if it is not backed up by a central bank.

“Lagi pong sinasabi namin, huwag kayong maglalaro diyan kasi (We always say that you should not play with it because) you’ll get burned kasi napaka-speculative po niyan eh (because it is very speculative),” he said.

In May last year, the BSP, then headed by Diokno, initiated an exploratory study for a more collaborative and comprehensive investigation of CBDC’s nature and implications for the country’s financial system.

The national payment system was later assessed which resulted in the identification of relevant users of wholesale CBDC aimed at the enhancement of the payment system, safety, resilience, and efficiency.

Digital currency, also called digital money, electronic money, electronic currency, cryptocurrency or cybercash, is accessible only with computers or mobile phones.

It is more convenient but also susceptible to hacking. (PNA)

Bumalik si Sermonia sa No. 2 post ng PNP bilang OIC

0

Hinirang na Officer-in-Charge (OIC) ng Office of the Deputy Chief for Administration si Lt. Gen. Rhodel Sermonia, ang pangalawang pinakamataas na posisyon ng Philippine National Police (PNP), kapalit ni Lt. Gen. Jose Chiquito Malayo na umabot sa ang mandatory retirement age na 56 ngayong araw ng Linggo.

Si Sermonia ay hinirang na Deputy Chief for Administration noong Marso sa ilalim ng noo’y hepe ng PNP Gen. Dionardo Carlos.

Nagpatupad ng malaking reshuffle si PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. ilang araw matapos ang kanyang appointment noong Agosto, at iniupo bilang chief APC sa Visayas si Sermonia.

“Sermonia, chief of the Area Police Command (APC) in the Visayas and in addition to his duties and responsibilities, is designated as OIC of the Office of the Deputy Chief of PNP for Administration effective on Sunday (October 2). Such designation shall only take effect until the designation of the new TDCA (The Deputy Chief for Administration),” batay sa order na may petsang September 30.

Sa isang press release, sinabi ni Azurin na nagrekomenda siya ng tatlong pangalan sa National Police Commission para sa “ebalwasyon, pagtatasa at sana, pag-endorso ng ating Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa opisyal na pagtatalaga bilang TDCA.

Sa isang nakaraang press briefing, sinabi ni Azurin na si Sermonia ay isang “mabuting tagapagtaguyod sa pag-oorganisa at pagpapakilos sa komunidad.”

“We need somebody there to organize and bring awareness to all the different barangays in the Visayas region na pagtulong-tulongan itong problema natin sa insurgency,” ayon sa kanya. (PNA)