Monday, May 25, 2026


Your Daily News Update About CALABARZON and Beyond.
ISSN 2799-1911

Home Blog Page 650

500 pamilyang benepisyaryo ng 4Ps, kinilala

0

Sta. Cruz, Laguna. Hinandugan ni Laguna Governor Ramil Hernandez ng sertipiko ng pagkilala ang 500 pamilyang Lagunense mula sa labing limang bayan, partikular sa ikatlo at ikaapat na distrito ng Laguna sa idinaos na Pugay-Tagumpay-Pagkilala sa mga pamilyang nagtapos bilang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’S) na ginanap sa Laguna Sports Complex sa Brgy. Bubukal, bayang ito kanina.

Dumalo sa kaganapan si Social Welfare and Development Secretary Erwin Tulfo kasama si Usec Jerico Francis Javier at ibang opisyal ng DSWD.

Sa pakikipagtulungan sa pamahalaang panlalawigan, ang 500 pamilya ay kinilala sa kanilang pagsisikap na mapagtapos ng pag aaral ang kanilang mga anak at nakaahon na sa kahirapan sa tulong ng 4Ps program na naglalayong gapiin ang kahirapan at mapabuti ang kalagayang pantao ng mga Pilipino.

3 miyembro ng NPA patay sa 25 minutong pakikipag bakbakan sa mga sundalo sa Quezon

0

Gen. Nakar, Quezon. Naganap ang isang engkwentro sa pagitan ng mga sundalo at miyembro ng CPP-NPA-NDF sa Sitio Lagmak, Brgy Pagsangahan, sa bayang ito sa lalawigan ng Quezon.

Ang bakbakan ng tumagal ng 25 minuto ay nagresulta sa pagkamatay tatlong miyembro ng mga rebeldeng CPP/NPA/NDF na kabilang sa Kilusang Larangang Gerilya Narciso at Executive Committee, Sub-Regional Military Area 4A na pinamumunuan ni Janice Javier Alyas Yayo o Tax at Noel Madrigalejos Alyas Luis, Selmo, Miro, Ara, Yoyong na nago-operate sa Hilagang Quezon.

Kabilang sa mga nasamsam pagkatapos ng labanan ang isang M16 Rifle na mayroong nakakabit na M203 grenade launcher, isang R4 Assault Rifle at isang M16 Rifle at mga bala kasama ang mga subersibong dokumento.

Wala namang nasaktan sa hanay ng mga sundalo habang patuloy na tinutugis ang mga tumakas na rebelde.

Kaugnay nito, nagpapasalamat si Escandor sa mga mamamayan ng nasabing barangay sa pagbigay ng tumpak na impormasyon na lubhang nakatulong sa pagtukoy ng mga pinagtataguan ng teroristang CPP/NPA/NDF. 

Patuloy pa din ang panawagan ng Commanding Officer ng 1IB sa mga natitirang rebeldeng NPA na iwanan na ang armadong pakikibaka at samantalahin ang mga benepisyo sa ilalim ng programang Enhanced-Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng Municipal Task Force to End Local Communist Armed Conflict (MTF-ELCAC) sa pamumuno ni Gen. Nakar Mayor Eliseo R. Ruzol Sr.

Mariin din niyang ipinahayag na hindi hahayaan ng 1IB na “manaig ang mala-dyablong kasamaan na dulot ng CPP/NPA/NDF sa nasasakupang lugar ng operasyon bagkus ay lalo pang palalakasin ang mga operasyon upang sugpuin ang mga nalalabing mga terorista na tumatanggi sa pangmatagalang kapayapaan na matagal ng inaasam-asam ng sambayanan.”

50 taon ng pagkatuto o pagkalimot?

0

“Nangyari na, tapos na.” Sa mga katagang ito, saan nga ba nagtatapos? Ang inaasahang lilikha ng tuldok, nauuwi sa tanong na hindi nasasagot. Gustuhin man nating tuldukan, pawang paghahanap ng kasagutan sa tanong ang umiiral. Kapupulutan ng maraming aral ang pagdedeklara ng Batas Militar noong Setyembre 21, 1972 at gustuhin man nating tuldukan ang pangyayaring ito, wala tayong magagawa kundi ipagpatuloy ang paggunita sa nakaraan at, kasabay nito, harapin ang bukas taglay ang mga itinuturong aral.

Unang aral, magmahalan ang kapwa Pilipino. Unang magpapamalas ng pagmamahal sa kapwa ay ang malapit sa kanya. Sa buhay ng bansa naman, ang lider ay inaasahang mapagmahal sa kanyang nasasakupan. Gagamit siya ng kapangyarihang pinapayagan ng batas upang mapanatili ang kaayusan at katiwasayan. Kung tinatapunan ang kanyang kalugar ng basura mula sa ibang lugar, siya ang kakatawan sa mga nasasakupan niya upang ipaglaban sila sa malinis na kapaligiran na dinudumi ng hindi taga-rito. Doo’y papasok tayo sa pangalawang aral:

Maging madiplomasya. Hindi maaaring magbangayan, bagkus mag-usap nang masinsinan. Sa ganito, haharapin ng lider ang mga naapektuhan. Aalamin ang sitwasyon at makikihalubilo sa kanila sa paraang mararanasan mo ang nararanasan nila. Magkakaroon siya ng lakas ng loob na harapin ang sigalot sa paraang hawak ang damdamin ng iba, damdamin ng sarili, at pakikibagay hanggang sa malaman ang panig ng pansamantalang katunggali. “Pansamantala” dahil mahal nga natin ang kapwa natin sa unang aral, kaya nais nating makipagkasundo sa hindi natin kalugar pero siyang nagiging dahilan upang dumumi ang paligid.

Tulungan. Sa ikatlong aral na ito, bayanihan ang mas malalim na konsepto, ngunit sadyain natin iyan sa mga darating nating kolum. Tulungan ang umiiral kung naiibsan ang bigatin ng kapit-bahay dahil sa tulong ng kanyang katabi o mga katabi. Tulungan ang nagaganap kung walang naaagrabyado sa lugar. Tulungan ang nangingibabaw sakaling ang nakaluluwag ay naglalaan ng oras at bukas-palad sa nangangailangan. Hindi niya kailangan ng sukli, bagama’t tama ring sabihin ng natulungan, “Dalangin kong suklian ng Diyos ang iyong kabutihan.”

Ikaapat, igalang ang mga batas. Dito, walang exempted at sasabihing “ako ang batas” o “taga palasyo ako” o kamag-anak ng nakaupo. Hindi kawalang-galang sa batas ang magpahayag ng saloobin sa pamamahala o kalampagin ang mga natutulog sa gobyerno sa kabila ng kawalang-hustisya at kawalan o kakulangan ng serbisyo-publiko. Nagmumula ang kapangyarihan ng mga nakaupo sa mga taong nagluklok sa kanila. Sa buwis din ng mga tao nanggagaling ang kanilang sweldo. Wala dapat itong malilikhang kalituhan sa pangatlong aral ng pagtulong. Ang pakikipagtulungan ay nakabatay sa mabuting pagganap ng tungkulin ng kapwa at tungkulin ng lingkod-bayan. Hindi maaaring ituring na tulong ang taong walang imik sa pagmamalabis. Napabibigat pa nga niya ang sitwasyon dahil walang lumalaban sa abusado kaya’t patuloy lang siyang mang-aabuso.

Ang pinakahuli pero pinakamahalagang aral, maging matalino. Tumatalino ang tao sa bawat pagkakamali, pero paano kung nasa tama at katotohanan na siya? Mananatili siyang matalino sa kabila ng pagpikit ng iba sa katwiran at pagtulog sa karapatan nila. Matalino ang taong payak ang pamumuhay, pero hindi rin nagpapa-api o hinahayaang maapi ang iba. Sa Ebanghelyo ni Mateo, nangusap ang Panginoong Hesukristo, “Tandaan ninyo, isinusugo ko kayo na parang mga tupa sa gitna ng mga asong gubat. Kaya’t magpakatalino kayong gaya ng mga ahas at maging maamo gaya ng mga kalapati.” Marami sa ating kababayan ay para na ngang kalapati sa kaamuhan, ngunit hindi nagtatapos doon ang metapora (metaphor) o pagwawangis dahil pangalawang bahagi lamang iyon; ang unang binanggit ni Hesus ay “magpakatalino” tulad ng serpiyente o ahas na naging unang kontrabida sa buhay ni Eba na kinapahamak din ni Adan. Dito pa rin sa huling aral, mangahas tayong maging matalino pa sa ahas dahil matindi ang diyablo sa pag-uudyok na gumawa ng masama, at makapaghahasik siyang lalo kung uunahin niyang udyukan ang mga maykapangyarihan.

Sayang ang galing ni Pangulong Marcos Sr. kaya sumubok ang mga botante ng anak niya ngayong 2022, subalit hindi sapat na dahilan ito upang limutin ang aral ng nakaraan. Nakabuti ang Martial Law ng kanyang ama sa iilan, at hindi sa nakararami. Trauma ang inabot nang marami, bukod pa sa pagkawala ng mga mahal sa buhay sa madugo at marahas na paraan. (Nagpadala ng dalawang misyon ang Amnesty International sa Pilipinas at nailathala ang kanilang mga ulat noong 1976 at 1982.)

Sa saklap ng inabot ng marami noon, hindi pa ba tayo natututo? Sa sobrang lugmok na ekonomiya bilang epekto ng napakahabang pamumuno (read: dictatorship) na dama pa natin sa ngayon at sa susunod pang mga taon, ano ang “tapos na” sa “nangyari na?”

“Then they told us that he was there alone in the room and lying on a cot, covered with blanket. When I opened the blanket, I saw him and I was really surprised there was a smile on his face. Very distinctly smile. And I will know if it’s a message for me to keep calm, to be at peace, to let me know that he’s at peace with God.”

Ito ang matatas na wika ng karunungan mula kay Aurora Aquino noong inalala niya ang kanyang anak na si Ninoy Aquino ilang oras bago ilibing noong Agosto 31, 1983. Milyon-milyon ang lumahok sa funeral procession para sa dating senador, biktima ng pamamaslang ng rehimeng Marcos na kinasangkutan ng mga sundalong pumapaligid at ume-escort kay Aquino habang pababa ng eroplano. Sa ngiting nasilayan ng nangulilang ina, sinong mag-aakalang hudyat pala ito ng pagbaha ng mga ngiti sa EDSA nang matagumpay na tuldukan ng mga tao ang rehimeng iyon noong 1986?

DA: Sapat ang suplay ng bigas para hanggang sa susunod na taon

0

Nakikitang lampas sa demand ng mga mamimili ang suplay ng bigas sa bansa at walang dahilan upang maglabas ang Department of Agriculture ng mga import clearance.

Sinabi ni Senator Imee Marcos, sa isang pahayag kanina, batay sa nakalap niyang datos, na walang pag-aangkat ng bigas na mangyayari hanggang sa susunod na taon.

“Rice imports will only push down farmgate prices of palay. Our farmers are doing a great job producing more than ample domestic supply,” dagdag niya.

Sinabi ni Marcos na ang inaasahang 5.13 milyong metric tons (MT) ng locally grown rice sa ikatlong quarter ay inaasahang lalampas sa domestic demand na 3.7 million MT.

Magbibigay din ang supply ng buffer stock na 1.43 milyong metriko tonelada sa pagtatapos ng buwan.

Sa ikaapat na quarter, ang lokal na suplay ng bigas ay maaaring umabot sa 6.24 milyon MT laban sa demand na 4.02 milyon MT, nangangahulugan ng panibagong 2.22 milyong MT ng buffer stock sa pagtatapos ng 2022, ani Marcos.

Sa pangkalahatan, ang kabuuang buffer stock na 3.65 milyong MT sa pagtatapos ng taon ay sasapat para sa 55 hanggang 60 araw.

Tiniyak ni Marcos na walang natitirang valid sanitary at phytosanitary import clearances upang bigyang-katwiran ang mas maraming importasyon ng bigas ngayong taon.

Sa ilalim ng 2023 National Expenditure Program na inihanda ng Department of Budget and Management, ang proposed budget allocation para sa National Rice Program ay dinoble mula PHP15.8 bilyon noong 2022 hanggang PHP30.5 bilyon noong 2023.

Sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na ang panukalang budget ay gagamitin sa fertilizer support, mechanization and post-harvest facilities, research and development, at iba pang safety nets para sa mga lokal na magsasaka ng palay.

Hired killer arestado sa Quezon

0

Catanauan, Quezon. Arestado ang isang pinaniniwalaang lider ng grupong sangkot sa contract killing sa bayang ito, noong Linggo.

Si Saturnino Masikat, alyas Turne at Thor, ay naiulat na pinuno ng Masikat crime group na nag-ooperate sa Silang, Cavite at mga kalapit na lugar.

Siya ay na-tag bilang mastermind sa pagpatay sa isang Korean couple, isang barangay chairman at isang police officer sa Silang noong 2015 at 2020, ayon kay Cavite Provincial Police Office Director Col. Christopher Olazo.

Bukod sa pagiging hired killer ay sangkot din ang suspek at ang grupo nito sa aktibidad ng ilegal na droga sa Cavite.

Si Masikat ay inaresto sa Brgy. Isidro ng magkasanib na grupo ng Catanauan at Silang Police Station sa bisa ng mga warrant na inilabas ng lokal na korte para sa murder at robbery with homicide.

DOH: IATF muling magpupulong

0

Muling magpupulong ang Inter Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) sa mga susunod na linggo upang talakayin ang mga direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa isang media briefing kania, sinabi ni Department of Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na ang mga miyembro ng IATF-EID ay sumang-ayon na magkaroon ng technical working group upang pag-aralan ang mga paghihigpit sa mga border ng bansa.

“Titingnan natin kung base sa safety protocols natin ay puwede nating ma-ease those restrictions,” she said. “Maybe we will give them another two weeks, and then, we can reconvene, ”.

The Inter Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) will reconvene in the coming weeks to discuss the directives of President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

In a media briefing Tuesday, Department of Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire said IATF-EID members agreed to have a technical working group to study the country’s border restrictions.

“Titingnan natin kung base sa safety protocols natin ay puwede nating ma-ease those restrictions,” she said. “Maybe we will give them another two weeks, and then, we can reconvene,” ayon kay Vergeire ng tanungin tungkol sa kahalagahan ng One Health Pass (OHP), at nilinaw na hindi ito nilikha upang magdagdag ng hindi kinakailangang pasanin sa mga papasok na international traveller.

Ang OHP ay isang online na platform na naglalayong i-promote ang maginhawa at tuluy-tuloy na paggalaw ng mga internasyonal na manlalakbay mula sa pag-alis sa bansang pinanggalingan hanggang sa pagdating sa yunit ng lokal na pamahalaan ng destinasyon.

Sa kabilang banda, sumang-ayon siya na ang OHP ay may mga gaps sa pagproseso at maraming mga kinakailangan para sa returning overseas Filipinos..

Sinabi niya na ang mga kaukulang ahensya ay nagpupulong tungkol sa isang mekanismo na maaaring magpabuti sa OHP registration at alisin ang mga abala sa mga manlalakbay.

Tatalakayin din ang mga protocol ang testing, isolation at quarantine kapag muling nagtipon ang IATF.

13 CPP-NPA sympathizers, sumuko sa Palawan

0

Calapan City, Oriental Mindoro. Sumuko ang 13 sympathizers ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa Roxas, Palawan noong Lunes, Setyembre 19, 2022.

Ayon kay Police Regional Office MIMAROPA Director, Police Brigadier General Sidney Sultan Hernia, ang mga sumuko ay dating Communist Terrorist Group (CTG) mass base supporters at sympathizers na na-recruit sa pagitan ng Setyembre at Oktubre ng 2017.

Ang pagsuko ng 13 CTG sympathizers ay bunga ng pagsisikap ng Joint Task Force Peacock (JTFP) sa ilalim ng JTG-North/Marine Battalion Landing Team-3 ng 3rd Marine Brigade (3MBde) kasama ang mga tauhan ng 3MCIC, MCIBn; MIG22, NISG-Kanluran; Regional Intelligence Unit 4B, PNP-IG; at Palawan PPO Provincial Intelligence Unit, 2nd Provincial Mobile Force Company, at Roxas Municipal Police Station, sa pakikipag-ugnayan sa Local Government Unit ng Roxas at mga opisyal ng barangay ng Dumarao.

Ang nasabing mga CTG ay nasa pangangalaga ngayon ng JTG-North/Marine Battalion Landing Team-3 para sa debriefing at tamang disposisyon.

“This accomplishment strongly reveals  that the CPP/NPA has been remarkably weakened as a result of NTF ELCAC (National Task Force to End Local Communist Armed Conflict. This is why we are urging those who are still in arms to surrender so they may live a better life with  the support of our government,” ayon kay PBGen Hernia.

Comelec: Mga balota para sa Disyembre 5 BSKE lalagyan ng serial number

0

Magkakaroon ng special feature ang mga opisyal na balota para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Disyembre 5 para lamang sa nalalapit na botohan.

Sinabi ni Comelec chairperson George Erwin Garcia na isasama nila ang mga serial number sa mga balota.

“Meaning, it’s like our money (serial numbers) increasing in size. Small to large numbers. This is a security feature. Therefore, nobody can just make these ballots,” ayon sa kanya sa press briefing kanina, ilang sandali matapos ang paglagda sa memorandum of agreement sa pagitan ng poll body at ng National Printing Office (NPO) para sa pag-imprenta ng mga balota para sa plebisito ng Ormoc City.

“In printing, it is really impossible to make an ascending number like in our currency. Only the NPO can print numbers like this and the Central Bank. That’s how secure the ballots that will be used in the BSKE,” dagdag ng poll body chief.

Sinabi niya na ang special feature ay walang karagdagang gastos sa komisyon dahil kasama na ito sa kanilang proposed budget.

Sa kabilang banda, sinabi ni Garcia na inaasahan nilang matatapos ang pag-imprenta ng mahigit 90 milyong balota sa loob ng isang buwan kasama na ang verification ng mga balota.

“The NPO has committed all its personnel and all its available machines so they can complete at least 3 million ballots per day. On average, 3 million a day, then that’s 90 million ballots in one month. Verification will take about five days,” ayon sa kanya.

Iniulat din ni Garcia na may mga papel na hindi nagamit sa mga nakaraang botohan at maaaring gamitin sa pag-print ng mga balota para sa BSKE.

Ang pag-imprenta ng mga balota ng BSKE ay nakatakdang magsimula sa Miyerkules.

May kabuuang 67,061,585 na balota para sa mga botante sa nayon at isa pang 24,457,363 na mga balota para sa mga kabataang botante ang kailangang iimprenta. (PNA)

Bagong missile boats na tutulong sa PH Navy sa pagsugpo sa transnational crimes dumating na

0

Dumating na sa bansa ang mga Acero-class gunboat, na kilala rin bilang fast attack interdiction craft-missiles (FAIC-Ms) na magbibigay sa Philippine Navy (PN) ng kakayahan na tugunan ang mga transnational na krimen sa teritoryong karagatan ng bansa.

“These fast patrol craft will significantly strengthen the PN in addressing challenges in the maritime realm that include law violations like illegal fishing, foreign vessels’ intrusion, smuggling and armed robbery at sea; and transnational maritime threats like piracy, drug smuggling and human trafficking,” ayon sa statement ng PN nitong nagdaang weekend..

Dahil dalawang FAIC-Ms ang inihatid na ngayon at pito pa ang darating sa loob ng susunod na dalawang taon, sinabi ng PN na ang kakayahan nitong magsagawa ng  “fast interception, rapid attack, deliver precision fire at missile strike” ay lubos na mapahuhusay.

Sinabi ng PN na ang FAIC-Ms ay maaaring gumanap bilang mothership kapag nagtatrabaho bilang task group kasama ng dalawa o higit pang multi-purpose attack craft (MPAC) kapag nagsasagawa ng mga swar, tactics.

Bininyagan noong Setyembre 6 ang BRP Nestor Acero (PG-901) at BRP Lolinato To-Ong (PG-902), ang unang dalawa sa siyam na sasakyang pandagat na nakuha mula sa Israel Shipyards Ltd. sa halagang PHP10 bilyon.

Nauna rito, sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief-of-staff, Lt. Gen. Bartolome Vicente Bacarro, na ang mga bagong barkong ito ay lubos na magpapahusay sa kakayahan ng PN na protektahan ang pambansang teritoryo at interes ng bansa.

Ang FAIC-Ms ng PN ay batay sa mga barkong patrol ng klase ng Shaldag Mark V ng Israel. Tatlo pa ang nakatakdang ihatid ngayong taon habang ang natitirang apat na unit ay itatayo sa PN shipyard sa Naval Station Pascual Ledesma, Cavite City.

Sinabi ni dating PN chief, Vice Adm. Adeluis Bordado, na ang mga bagong FAIC-M vessel na ito ay idinisenyo upang pahusayin ang kakayahan ng Navy sa pagtugon sa mga banta sa loob ng  “unique archipelagic composition” ng bansa at protektahan ang mga maritime na interes nito sa mabilis at tumpak na paraan.

Ang mga 32-meter high-speed vessel na ito ay nilagyan ng intercept ability, remote stabilized weapons, at  short-range missiles na may kakayahang maghatid ng  precision strikes laban sa larger hostiles at high-value targets sa lupa at dagat..

Apat sa FAIC-Ms ay armado ng mga non-line-of-sight (NLOS) missiles na may pinpoint accuracy at range na 25 kilometro habang ang natitira ay armado ng machine gun at light automatic cannons.

Ang pagkuha ng siyam na FAIC-M units ay kabilang sa 2019 projects na inaprubahan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ilalim ng Horizon 2 List ng Revised Armed Forces of the Philippines Modernization Program.

Ang notice of award para sa FAIC-M project, na nagkakahalaga ng humigit-kumulang PhP10 bilyon, ay inilabas noong Enero 5 noong nakaraang taon.

Inaasahang papalitan ng mga ito ang puwersa ng patrol killer medium (PKM) o medium-sized patrol craft.

Kapag nakumpleto na ang mga paghahatid ng FAIC-Ms, maaaring hadlangan ng mga sasakyang ito ang mga pagbabanta sadagat at ligtas na makapaglulunsad ng mga non-line-of-sight missiles gamit ang mga nakapalibot na littoral area bilang maneuver space at cover.

MWP sa Calabarzon, arestado

0

Calamba City, Laguna. Arestado ang Most Wanted Person regional level sa ikinasang manhunt operation ng Calamba City Police Station (CPS) kahapon sa  lungsod na ito.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G. Silvio, Officer-In-Charge, Laguna Provicial Police Office ang akusado na si Rodolfo Santos Villanueva, 22 anyos na  construction worker at nakatira sa Brgy. Pansol, Calamba City.

Sa isinagawang manhunt operation ng Calamba City Police Station ay naaresto ang ang akusado sa kanyang tinutuluyan kahapon Setyembre 18, 2022 sa ganap na 8:45 ng gabe sa Brgy. Pansol, Calamba City, Laguna sa bisa ng warrant of arrest.

Ang akusado ay nasasakdal sa kasong Rape at Attempted Rape sa Family Court Branch 8, Calamba City, Laguna.

Ang akusado ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng Calamba CPS habang ang korteng pinagmulan ng warrant of arrest ay inaabisuhan sa pagka aresto sa kanya.

Ang pagkakadakip ay naisagawa sa tulong ng mga nakalap na impormasyon mula sa Barangay Intelligence Network.

“Ang mga patuloy na nagtatago sa kamay ng batas ay patuloy na tutugisin hanggang sila ay maikulong, ang operasyon ng Laguna PNP laban sa wanted person ay hindi titigil para sa kaligtasan ng Lagunense,” ayon kay Silvio.