Monday, May 25, 2026


Your Daily News Update About CALABARZON and Beyond.
ISSN 2799-1911

Home Blog Page 657

Walang Pilipinong naapektuhan sa nakamamatay na pagbaha sa Pakistan

0

Walang Pilipinong nasaktan sa malawakang pagbaha sa Pakistan na ikinamatay ng mahigit 1,100 mula noong kalagitnaan ng Hunyo.

Patuloy na sinusubaybayan ng Embahada ng Pilipinas sa Islamabad ang sitwasyon at nakahanda silang tulungan ang mga Pilipinong maaapektuhan.

Nagtiis ang Pakistan sa malalakas na pag-ulan mula noong Hunyo, na nagdulot ng matinding pagbaha na nakaapekto na sa tinatayang 33 milyong katao. Sa bilang ng mga nasawi, mahigit 350 ang mga bata.

Ayon sa United Nations, mahigit 500,000 katao ang nawalan ng tirahan at halos isang milyong tahanan ang nasira.

Sa ngayon, hindi bababa sa 72 distrito sa buong Pakistan ang idineklara na “calamity-hit”, isang bilang na inaasahang tataas habang patuloy na bumubuhos ang ulan sa bansa.

Mga natatanging kawani ng lokal na pamahalaan

0

Pinipili ang mga natatanging kawani ng lokal na  pamahalaan tuwing sasapit ang buwan ng Setyembre sa pagdiriwang ng Buwan ng Serbisyo Sibil.

Sa aking pagkakaalam ay may komitiba na nagsasagawa ng pagpili matapos mairekomenda ng iba’t ibang lokal ang mga kawani na sa kanilang paniniwala ay nararapat kilalanin ang katangi-tanging paggampan sa tungkuling tangan.

Ang mga kawaning ito ay nakitaan ng katapatan, kasipagan, kahusayan at labis na dedikasyon sa mandatong sinumpaan. Naging saksi ang taumbayan at mga kasamahan sa trabaho upang mailagak sa pedestal ng mga huwarang lingkod bayan ng Lunsod ng San Pablo.

Ngayon pa lang ay binabati na natin ang mga ito at nawa’y dumami pa ang tribo nila.

Paglisan ng dalawang kaibigan, paglapit sa pangarap ng iba

0

Mahalaga ang bawat buhay. Sa pagkawala ng buhay, ginugunita ng mga kamag-anak at mga kaibigan ang halaga nito. Nalulungkot sa pagkawala nito ang iba, at meron din namang ibinabalik lamang sa Dakilang Lumikha ang mataas na papuri dahil nagamit ang hiram na buhay sa paghipo ng iba pang mga buhay sa paraang pasalita, pangungusap sa mata, pagngiti, pagpapamalas ng tapang, at pagpapaligaya. Sa pitak na ito, nais kong alalahanin ang dalawa kong namayapang kaibigan ngayong Agosto – sina Jun Concepcion at Adolfo ‘Rudy’ Vergara.

(Marami-rami na rin ang nawala lalo na noong magkapandemiya sa COVID-19. Wala akong balak na isa-isahin sila. Sinusulat ko ito sa kabila ng munting panganib na baka magkaroon ng ibang interpretasyon ng di-pagbibigay ng parehas na halaga sa ibang namatay at ilan pang mamamatay o sobrang pag-aangat naman sa dalawang paksa ko ngayon. Pakiusap: Magsilbi nawang representasyon para sa lahat ng pag-ibig sa mga kaibigan at kamag-anak ang pitak na ito sa pambihirang pagkakataon at huwag akong asahang gumawa ng obituaryo o paglalahad ng balita sa tuwina kapag may namamatay.)

Pumanaw si Juanito C. Concepcion o mas kilala namin sa mundo ng mga naglilingkod sa peryodiko bilang Jun noong Agosto 3 at hinatid sa huling hantungan ng mga nagmamahal sa kanya noong Agosto 9. Nabisita pa ang kanyang mga labi sa St. Peter Memorial Chapel sa Quezon Avenue, Quezon City. Ayon sa kanyang pinsan, meron pang dalawang journalists sa pamilya ang yumao na. Kaya nasa dugo ni Jun ang pamamahayag sa halip na “basta lamang pinabili ng suka, naging journalist na.” May tamang timpla ang mga nailalathala sa kanyang pangalan at ang mga natutulog sa pwesto’y nakakatikim ng bagsik ng kanyang panulat bilang bahagi ng katapatan sa propesyong walang pagkiling.

Sa paglipas ng panahon, patalas nang patalas ang panulat ni Jun, hindi lang sa Maynila kundi maging sa ibayong-dagat, pinakahuli’y sa Hong Kong. Dumating sa puntong adbokasiya na rin ang mga tema ng kanyang pagsusulat sa kabila ng pagtutok niya sa mga lingkod-bayan sa papuri man o konstruktibong kritisismo. Dala-dala ni Jun hanggang Hong Kong ang kaparehong bandilang iwinagayway ng mga magigiting na bayani habang may bitbit na mga sandatang pluma, makinilya, PC. Gigisingin talaga ang mga natutulog sa pansitan!

Ang mga ulat at kolum ni Jun ay kakikitaan ng elementong hindi pinakakawalan ng mga nagsisimula pa lamang sa peryodismo — napapanahon. Sa tantya ko, marami ring natamasang training ang mga kabataang sumubaybay sa kanya sa Manila Bulletin sa kanilang huwaran sa pagsusulat ng tamang impormasyon at matalinong kuro-kuro. Bilang matagal na kasamahan sa business beat, saksi ako sa husay ni Jun at sa diwa ng kanyang patuloy na pagpapayabong ng kasanayan. Batay rin sa mga naisulat niya na mababasa pa rin kung hahanapin ang mga ito sa Google at iba pang search engine, tiwala ang mga editor ni Jun at naipamamalas niya ang kanyang dedikasyon sa trabaho at dobleng ingat sa detalye mapa lokal o international media outlet katulad ng South China Morning Post at marami pang pahayagang siya ang nagtayo. Kilala rin si Jun ng overseas Filipino workers (OFWs) sa kawang-gawa. Sa isang tribute sa https://www.sunwebhk.com/2022/08/filipino-journalist-and-hk-resident-jun.html, matutunghayan ang ilan pang testimonya ng kabutihan ni Jun.

Sa Timog Katagalugan, mahalaga rin ang papel na ginampanan naman ni Rudy Vergara kung kaming mga alagad ng tri-media ang tatanungin.

Napaglingkuran ni Rudy sa abot ng kanyang makakaya at naramdaman namin ang kanyang aktibong opisina bilang public/press relations officer ni Mayor Vicente Amante ng San Pablo City. Kapatid siya ni Baby Vergara na naging alkalde ng Lian, Batangas.

Palibhasa’y maraming pulitikal na posisyong hinawakan kabilang na ang pagiging kalihim sa tanggapan ni Mayor Amante at mismong siya ang naging Kapitan ng isa sa pinakamaunlad na Barangay, sa San Rafael, San Pablo City, si Rudy ay bukas-palad at sa klase ng kanyang pakikinig sa mga lehitimong sentimiento ng mga mamamayan, panatag ang marami na may kaukulang aksyon si Rudy. Katuwang siya ng mga reporter sa opisyal na pakikipag-ugnayan sa pamahalaan ng lungsod. Malaking kawalan ang mga katulad ni Rudy lalo sa panahon ngayon na bagamat buhay na buhay ang kalayaan sa pamamahayag sa Pilipinas (at sa marami pang bansa) ay nasa bingit naman ito ng alanganin.

Heto ang mababasa natin sa Kawikaan 27:10: “Huwag mong pababayaan ang iyong kaibigan o ang kaibigan ng iyong ama. At kung nasa kagipitan ka, hindi ka na hihingi ng tulong sa kapatid mo na nasa malayo. Ang malapit na kapitbahay ay mas mabuti kaysa sa malayong kapatid.” Makatotohanan ito maging sa mga buhay na nahipo nila Jun Concepcion at Rudy Vergara.

Those who fly alone have the strongest wings

Since I lost my kids and was eventually “abandoned” by the man who vowed ‘to love and to cherish till death do us part’, I tried to do the usual routine at home to fight the sadness I feel inside – cleaning the house, attending to my plants and my dogs, reading unfinished books, listening to music and writing diverse articles for my column.  I always tell myself everything happens for a reason and try to apply the positive mental attitude I learned back then. Sometimes it works but Eydie Gorme was right.  Despite the years that passed, I still ache.  “I never knew it takes too long to learn to live alone.”

Yes, I am always alone in the house during weekdays because my only companion, my grandchild, is working.  I appreciate the efforts of my friends who visit and regularly check on me if I am doing fine. Vice Governor Atty, Karen C. Agapay would always remind me to take care of myself and to keep safe because COVID 19 is still here.  7 Lakes Press Corps President Sandy Belarmino would always check if I have a complete dose of my maintenance medicines. Once, my old-time friend former Prosecutor Ante Gonzales and his wife Joy Cabrera-Gonzales picked me up for lunch.  Some would send me inspirational quotes while others would just send me heart emojis enough to make my day.

This is life.  We came to this world alone and naked and we shall go alone with nothing but clothes, the only material thing we can bring to the other side.  I may sound morbid but I can’t help it. I guess this is how all seniors feel when alone and abandoned.  Do I feel sorry?  Of course not.  According to the inspiring quote I found on the FB wall of spouses Noriel and Nora Bicomong, “Being with no one is better than being with the wrong one.  Sometimes, those who fly solo have the strongest wings.” I certainly agree. I am a living testament to this. Through the years, I have learned the art of diverting my solitude into something positive and productive.  

At this point in my senior life, I am fully aware that I am slowly but surely walking my way into the sunset; that all the trials I met along the way are nothing but tests of faith; that God is with me all the steps of the way; that there is peace in silence.  I may be physically alone but I’m certain that the spirits of my children are guarding me.  I know because I can feel it.  The thread that connects us will never be severed unlike the bogus vow I heard 21 years ago in that makeshift altar at Tierra de Oro which easily snapped for reason only God knows what.

Anyway, everything now is water under the bridge.  It’s useless crying over spilled milk. Time will not stop running and the world would continue to revolve till kingdom come.  I know The Universe has its unique way of putting all the broken pieces of everything into its proper place.  Who knows, by tomorrow when I wake up, the people who did me wrong are already on their way to perdition.

Dalawang armadong kilabot na magnanakaw arestado sa San Pablo City

0

San Pablo City, Laguna. Inaresto ng San Pablo City SWAT Team at Intel Operatives kahapon ang dalawang suspek sa serye ng pagnanakaw sa Laguna at Quezon.

Nauna dito, isang report ang natanggap ng San Pablo City Police Station (CPS) na may dalawang armadong lalaki sa loob ng Walk-in Love Bar sa Brgy. 2F sa nabanggit na lungsod. Kasunod nito ay inaresto at kinilala sila ni San Pablo CPS chief Police Colonel Joewie B. Lucas na sina John Reny Gines Jose, 22 anyos na residente ng 003 Saint John, Parola, St., Cainta Rizal at Marvin Atienza Marasigan, 27 anyos na residente ng Sumulong Extension St., Bagumbayan, Angono Rizal.

Nakuha sa mga suspek ang mga ebidensya ng pagnanakaw na kanilang isinagawa. Nasamsam din sa kanila ang mga baril at bala, hinihinalang shabu at pera. 

Kasalukuyang nasa pagangala ng San Pablo CPS ang mga suspek ay nakatakdang humarap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 na kilala bilang ‘Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act’, Paglabag sa Republic Act 8294 na kilala bilang ‘Amending Law para sa PD 1866 Republic Act 9165 na kilala bilang ‘Comprehensive Dangerous Drugs Act.

“I would like to congratulate our police for their fast action on resolving a series of criminal acts and also would like to thank their victims for cooperating with our police. These series of event manifest that our communities trust their police hence they did not hesitate to report crimes and give significant information. Malasakit towards others coming from both the police and the community will surely bring us to greater heights in the maintenance of peace and order,” ayon kay Acting Regional Director, Police Brigadier General Jose Melencio C. Nartatez, Jr.

Hindi na kailangan ng lockdown para maiwasan ang pagkalat ng monkeypox

Hindi na kailangan ang pagpapatupad ng lockdown upang maiwasan ang pagkalat ng monkeypox sa bansa, ayon sa isang eksperto sa nakakahawang sakit kahapon.

Sa isang Laging Handa public briefing, sinabi ni Dr. Rontgene Solante na ang monkeypox ay hindi kasing  nakakahawa ng Covid-19 at ang lockdown ay hindi angkop na solusyon para dito.

Sa ngayon, nakapagtala ang bansa ng apat na kaso ng monkeypox.

Binigyang-diin ni Solante ang kamalayan tungkol sa sakit at ang mga sintomas nito ay pinakamahalaga lalo na sa mga rehiyon kung saan natutukoy ang mga kaso.

Idinagdag niya na ang awareness ay maaaring makatulong sa mas maagang pagtuklas dahil ang mga tao ay humingi ng tulong sa mga doktor kapag meron silang mga sintomas.

Noong Biyernes, sinabi ni Department of Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na hindi pa nila naitatatag ang mga katotohanan upang kumpirmahin ng may katiyakan ang local transmission ng monkeypox sa bansa.

Ito, matapos ang ikaapat na kaso – isang 25-taong-gulang na Pilipino – ay nagsiwalat ng walang dokumentadong travel history sa mga bansang may kumpirmadong kaso ng monkeypox.

Dapat din aniyang maitatag ang contact tracing para sa mabilis na pagtuklas ng mga posibleng kaso bago sila magkaroon ng sintomas dahil ang monkeypox virus ay may 21 araw na incubation period, dagdag pa ni Solante.

Sinampahan ng kasong kriminal ang pitong suspek sa Taal kidnap murder case

0

Batangas City, Batangas. Sinampahan na ng mga kasong kriminal ang pitong suspek sa insidente  ng kidnapping ng isang lalaki na sapilitang kinuha sa Taal at natagpuan bangkay sa Sariaya, Quezon.

Sinabi ni Lt. Col Jezreel Calderon, Deputy Provincial Director for Operation, na ang kasong kidnapping with homicide ay isinampa kahapon ng umaga sa Batangas Prosecutor Office, laban sa isa sa mga kidnapper na kinilalang sina Jefferson Sanchez at anim pang John Does.

Positibong kinilala si Sanchez ng isang saksi bilang isa sa pitong hindi pa nakikilalang armadong lalaki ang sapilitang kumuha sa biktima na si Eugene Del Rosario, 25 anyos, sa isang gasolinahan sa Taal, Batangas, ayon sa ulat.

Ang bangkay ni del Rosario ay nakita ng isang dumaan sa kahabaan ng Eco-Tourism Road sa Sitio Pontor sa Barangay Bignay 2 sa Sariaya, Quezon kinabukasan.

Namukhaan ng task force si Sanchez sa tulong ng closed circuit television (CCTV) footage na nakalagay sa may gas station na pinanood ng pamilya ng biktima at ng kanyang live-in partner na si Jane Cabello.

Ayon kay Calderon, tinitingnan ng mga imbestigador ang ‘double-cross at rivalry sa loob ng kanilang grupo hinggil sa kanilang mga loots’ bilang motibo sa pagpatay kay Del Rosario.

Isiniwalat ng Task force na si Del Rosario ay miyembro ng Bukas Kotse gang na nag-ooperate sa National Capital Region batay sa salaysay ng pamilya ng biktima at ng kanyang kinakasama.

Ang biktima, na natatakpan ng packing tape ang mukha, ay nagtamo ng maraming tama ng bala at saksak. Ayon sa pahayag ng live in partner ni Del Rosari, kinuha ang biktima matapos bumaba sa isang pampasaherong bus sa harap ng isang gasolinahan bandang alas otso ng gabi.

Nakita sa footage ng closed-circuit television camera ang biktima na kinakaladkad ng mga suspek na dumating sakay ng dalawang sasakyan.

Street level drug personality arestado; 40k shabu nasabat

0

Sta. Cruz, Laguna. Arestado ang  isang street level drug personality at nakumpiska sa kanya ang Php 40,800.00 na halaga ng shabu sa anti-illegal drugs buy-bust operation na inilatag ng Sta Cruz Municipal Police Station (MPS) kahapon.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Officer-In-Charge, Laguna PPO ang suspek na si Mark Janery Reyes, 22 anyos na residente ng Brgy. Sto. Angel Central, Sta. Cruz, Laguna.

Nakumpiska sa suspek ang apat na piraso ng plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang may timbang na anim na gramo at may street value na PhP 40,800 pesos, 

Nasa pangangalaga ngayon ng Sta Cruz MPS ang suspek at nakatakdang humarap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11, Art. 2 ng RA 9165 na kilala rin bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

“Laguna PNP will continue to jailed druggies’ personalities; it is one of my priorities to prevent crimes wherein the suspects were under the influence of illegal drugs,” ayon kay Silvio.

Samantala, sinabi naman ni CALABARZON  Regional Director PBGen Jose Melencio C. Nartatez Jr.  na hindi nya papayagan ng PNP Calabarzon na maging pugad ng mga kriminal ang “PNP CALABARZON. “ I have instructed all the police throughout the region to strengthen the campaign against drugs and criminality,”  ayon sa kanya.

DFA sa mga Pinoy sa Libya: Manatili sa bahay sa gitna ng sagupaan sa Tripoli

Nagbabala ang Department of Foreign Affairs (DFA) kagabi sa mga Pilipino sa Libya na huwag munang lumabas sa kanilang tahanan habang 32 ang namatay sa matitinding sagupaan sa Tripoli.

Sa isang text message sa mga mamamahayag, sinabi ni DFA spokesperson Ma. Teresita Daza na walang Pinoy sa mga naiulat na nasawi.

Sinabi ng Libyan Health Ministry na hindi bababa sa 32 ang namatay habang 159 ang nasugatan mula nang sumiklab ang matinding sagupaan sa pagitan ng magkaribal na militia sa ilang distrito sa Tripoli.

Ayon sa United Nations-backed Government of National Unity, ang karahasan ay “na-trigger ng isang grupo ng militar na nagpaputok ng random fire sa Rutel Mar sa lugar ng Zawia Street, habang ang mga armadong grupo ay nagtitipon sa 27th gate sa kanluran ng Tripoli at sa Gypsies Gate sa timog. ng Tripoli”.

Samantala, ang UN sa Libya ay nanawagan para sa agarang pagtigil ng labanan dahil ipinaalala nito sa lahat ng partido ang kanilang mga obligasyon sa ilalim ng internasyonal na karapatang pantao at makataong batas na protektahan ang mga sibilyan.

Nagkagulo ang Libya mula nang bumagsak ang dating pinuno nitong si Muammar Gaddafi noong 2011.

Hindi bababa sa 2,164 ang Pilipino sa Libya, karamihan ay mga healthcare professional, mga instructor sa unibersidad at mga skilled worker sa sektor ng langis at gas. (PNA)

Suspek sa pagpatay sa dalagita sa Biñan City, arestado sa hot pursuit ops

0

Biñan City, Laguna. Arestado sa hot pursuit operation ang suspek sa pananaksak at pagpatay sa isang kinse anyos na dalagita sa lungsod na ito.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G. Silvio, Officer-in-Charge ng Laguna Police Provincial Office ang suspek na si Jayson Abejuela, na naninirahan sa Brgy. Loma, Biñan City, Laguna.

Naaresto ang suspek sa hot pursuit operation na ikinasa ng Biñan City Police Station (CPS) noong Agosto 28 ng gabi sa Brgy. Casimiro, Las Piñas City.

Ayon sa imbestigasyon ng Biñan CPS, sa ganap ng 3:00 ng hapon noong Agosto 28 ay nakita ng isang witness ang suspek na nagpumilit pumasok sa apartment ng biktima sa Purok 1 Brgy. Timbao, Biñan City, Laguna at narinig niya ang dalagitang biktima na sumisigaw at humihingi ng tulong. Kalaunan ay tumigil sa pagsigaw ng biktima at nakitang lumabas ang suspek sa bahay. Pagpasok ng witness sa bahay ay tumambad ang katawan ng biktima na puno ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan.

Isinugod ng barangay officials ng Brgy. Timbao ang biktima sa ospital ngunit idineklara itong dead-on-arrival ng attending physician.

Agad namang nagsagawa ng follow-up investigation at hot pursuit operation ang Binan CPS sa pamumuno ni Pol. Lt. Col. Virgilio M Jopia, hepe ng Biñan City Police Station (CPS), sa Brgy. Casimiro, Las Piñas City na nagresulta sa pagka aresto sa suspek noong gabi ding iyon.

“Hindi natin hinayaan na makaalpas pa ang suspek sa krimen na ito, nakaalis man siya sa probinsya ay hindi niya matatakasan ang batas,” ayon kay Silvio.

Sinabi naman ni PRO-CALABARZON PBGen Jose Melencio C. Nartatez Jr, na hindi hahayaan ng kapulisan na ang CALABARZON ay maging pugad ng mga kriminal. “Inatasan ko na ang lahat ng kapulisan sa buong rehiyon na mas palakasin ang kampanya at laban sa droga at kriminalidad,” ayon sa kanya.