Sunday, May 24, 2026


Your Daily News Update About CALABARZON and Beyond.
ISSN 2799-1911

Home Blog Page 670

Madalas na pag-lock ng panga, posibleng TMJ disorder

Nakakaranas ka ba ng pananakit ng ulo, leeg at tenga? Nakaririnig ka ng matitinis na tunog, clicking o popping sound tuwing ibubuka ang bibig? Kung ganon, Maaaring ikaw may Temporomandibular joint disorder (TMJ-D) o sakit sa panga. 

Ang mga sintomas na ito ng TMJ disorder ay apat na taong tiniis ni Dianne Perucho Funelas. Ayon sa kanya halos hindi na siya makakain dahil pakiramdam nya na parang puputok ang ugat nya at sobra ang sakit ng ulo at tenga nya. 

Ang TMJ Disorder disorder ay isang kondisyon kung saan apektado ang paggalaw ng panga. Resulta ito ng pagka bunot ng ngipin at maling kagat o kaya naman ay trauma kagaya ng motorcycle o car accident at severe blow sa mandible o panga. 

Ang 1/4 mm o .5mm na nawalang taas ng kagat ay maaaring mgsanhi na ng muscle spasm o pagtigas ng ating muscle sa panga. Bukod dito umaatras ang panga kaya nagkakaroon ng clicking, locking ng jaw o hindi mo na maibuka o maisara ang bibig kapag humikab hanggang sa maipit na ang mga ugat sa leeg ulo at likod. 

Ito ang dinadanas na sakit ni Dianne na taga Antipolo, Rizal Province. Kwento niya may oras na kapag nakasakay siya sa jeep at umatake ang sakit kailangan niyang bumaba ng sasakyan para pahupain muna ang sakit na nararamdaman.

Nagpatingin na din sya sa Neurologist upang mabigyan ng mga gamot para matanggal ang sakit at kumalma ang mga ugat nya. Ngunit kailangan pa rin niya itong ipaayos sa Tmj-dentist upang ayusin ang kanyang ngipin at itama ang kagat.

Kaya naman siya nananawagan sa mga kababayan natin na merong ginintuang puso na matulungan siya sa kanyang pagpapagamot. Narito ang kanyang personal ng numero 0963 7201203 kung sakali may magandang loob na magbibigay ng tulong. 

Samantala, ang inyong lingkod ay taos pusong nagpapasalamat sa bumubuo ng GMA 7 GTv sa Programang Dapat Alam Mo ni Kuya Kim, Emil Sumangil at Patricia Tumulak at sa researcher na si MJ Cerillo sa pagbibigay ng pagkakataon na maging resource speaker tungkol sa TMJ sa episode na “Pag lolock ng panga, maaring tmj disorder?”  Ipinalabas po ito noong July 8, 2022 5:30pm sa GTV GMA7 sa iba’t ibang channel at social media accounts ng GMA Public affairs kagaya ng Pinoy TV sa abroad, Facebook at Youtube. 

Muli po nating panoorin ang segment na ito sa pamamagitan ng sa pagclick sa link sa ibaba. Maraming salamat po.

MWP ng Cabuyao City sa kasong panggagahasa, arestado

0

Cabuyao City, Laguna.  Nadakip ang rank 1 Most Wanted Person (MWP) sa lungsod na ito na akusado sa tatlong kaso ng rape.

Kinilala ni Police Colonel Cecilio R Ison Jr, Acting Provincial Director ng Laguna Police Provincial Office ang inaresto na si Arnel Lopez y Corpuz, tubong Pangasinan at residente ng Block 11 Lot 7 Phase 1 Extension, Mabuhay City, Barangay Mamatid, sa nabanggit na lungsod.

Kinilala ni PCol Ison Jr ang akusado na si Arnel Lopez y Corpuz, tubong Pangasinan at residente ng Block 11 Lot 7 Phase 1 Extension, Mabuhay City, Barangay Mamatid, Cabuyao City, Laguna.

Isinagawa ng akusado ang krimen noong Abril 20, 2022, Abril 21, 2022, at Abril 22, 2022, sa Block 11 Lot 7 Phase 1 Ext. Mabuhay Subdivision, Brgy. Mamatid, Lungsod ng Cabuyao, Laguna sa mga panahon na iniulat na tatlong araw na nawawala ang biktima. Sa ikalawang araw ay ipinaalam ng biktima sa kanyang nakatatandang kapatid na babae na kasama niya ang kanyang kaibigan ngunit hindi nito sinabi ang kanyang kinaroroonan. Nagsikap ang mga kaanak ng biktima na hanapin ang biktima hanggang sa matunton ang lokasyon nito at kalaunan, nalaman nilang kasama ng suspek ang biktima at tatlong beses na ginahasa ito, ayon sa report ni Ison kay Police Brigadier General Antonio C Yarra, Regional Director 4A Calabarzon.

Inaresto ng mga operatiba ng Cabuyao City Police Station ang akusado sa isang manhunt operations sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Arnold Rimon Martinez.

“The Laguna PNP continued the manhunt operation that resulted in the capture of wanted criminals. We will assure the public that the lawless criminal will be jailed and will give justice to the victim,” ayon kay Ison.

Battle of the brains

The Philippines is a sovereign country. We have our own Constitution, criminal laws, civil laws, political laws and administrative laws governing us. Our judicial system is perfectly working and the Courts adhere to the rules of law in performing its duties. In rendering justice, due process is strictly observed and the losing party has the option to exhaust all available legal remedies from the lower courts up to the Supreme Court, always with the assistance of counsel.

In criminal cases, when the accused(s) cannot afford to secure the services of a private lawyer, the state as a matter of course appoint a counsel de officio who shall represent the accused(s) in all stages of the proceedings. No foreign courts can interfere with our courts, even the International Criminal Court (ICC) because “it is intended to complement, not replace our national criminal system.”

Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla reiterated the stand of the previous administration that the ICC has no jurisdiction over the Philippine justice system not only because we have withdrawn from the Rome Statute but because all our courts are working. I am really wondering why the ICC is so obsessed with the deaths resulting from ‘drug war’ in the Philippines when said war has brought peace on the streets and in many homes.  As per police reports, the number of drug-related cases have been considerably reduced and some places that were once addict-infested are now drug-free.

Instead of meddling with the justice system of the Philippines, it would be more acceptable and prudent if the ICC would exert its effort to investigate and punish the gunmen who went into a shooting spree killing innocent civilians in Europe and in America.  Why focus on the Philippines? Are they belittling our capability and skill to investigate, prosecute and punish criminals in our jurisdiction?  I guess they are committing a big mistake.  Our lawyers and judges are at par or could even be more brilliant than those in the ICC.

The yellows-turned-pink are obviously collaborating with the ICC.  It can clearly be gleaned from the statements of the opposition then and now that PRRD and some of his men should be investigated for the war on drugs purposely to protect the country and its people.  If there is sufficient evidence to indict him and his men, then go ahead.  Charge them in Philippine courts but not in the International Criminal Court which has no jurisdiction or legal authority to hear the case.  

Dealing with the continued persistence of the ICC to interfere with our justice system is like ‘battle of the brains’ between them and the Philippine legal eagles. In the end, I know we shall win!

Bagong talagang NAPOLCOM Calabarzon director, bumisita sa Laguna PPO

0

Sta. Cruz, Laguna. Bumisita si bagong talagang NAPOLCOM CALABARZON Regional Director Atty. Leonora Bartolome sa Laguna Provincial Police Office kanina.

Sinalubong ng mga miyembro ng Laguna PPO si Bartolome sa pangunguna ni Police Colonel Cecilio R Ison Jr.

Sa kanyang pakikipag-usap sa mga tauhan ng Laguna PPO, binigyang-diin niya ang papel ng NAPOLCOM sa pagsasagawa ng administrative at operational control ng PNP na may kapangyarihang mag-imbestiga sa mga anomalya at iregularidad ng pulisya.

Binigyang-diin niya na ginagampanan ng NAPOLCOM ang tungkulin nitong disiplinahin ang mga nagkasalang pulis sa tamang proseso ng batas o panindigan ang mga tauhan ng PNP na gumaganap ng kanyang mga tungkulin sa loob ng mga hangganan ng batas.

“Kami sa NAPOLCOM 4A pinaparusahan namin ang police personnel na may illegal activities or may pagkukulang with the due process. Nevertheless, tinutulungan natin yung mga pulis na nagkakaso sa trabaho but who have perform their duties within the bounds of the law,” ayon sa kanya. 

“Maraming erring PNP personnel pero mas marami din namang gumagawa ng tama. In fact they call the police as ‘bayani’ dahil kahit sa trabaho ng mga iba’t ibang ahensiya ay nandun din silang gumaganap kaya naman in times of trouble na yung pulis ang nasa tama ay tama lang din na tulungan natin sila.” dagdag pa niya.

Kasabay nito ay nagdaos ng isang pagpupulong ang mga chief of police at mobile force commanders kung saan ay iminungkahi ni Bartolome na dapat pagbutihin ang mga aktibidad ng PCR upang partikular na matugunan o mapataas ang kamalayan sa mga krimen at iligal na droga.

Photo credits: Laguna PPO

Less is more: Pagtatalaga ng mga tauhan sa pamahalaan

0

Ang pangunahing isinasaad at itinatadhana ng batas hinggil sa pagtatalaga ng mga officials and empleyado ng pamahalaan ay nararapat na nakabatay guidellines, rules and regulations ng Civil Service Commission (CSC).

Kung hindi ako nagkakamali, may mga sinasabi rin ang Local Government Code na may mga pagkakataong ang Chief Executive o Appointing Authority ay may pagpapasya na makapag talaga ng kawani kahit wala pang pagsang ayon ang CSC lalo’t kaya naman ng pondo ng bayan at tumutugma ito sa laki ng populasyon ng bayan at klasipikasyon ng bayan o ciudad.

Walang nakikitang problema sa ganitong mga batas at patakaran hinggil sa pagtatalaga ng mga public officials and employees basta’t sumasang ayon sa sinasabi ng CSC at kayang- kayang tustusan ng annual budget ng lungsod. 

Ang pamahalaan, partikular ang mga Local Governments Units (LGUs), bago magsagawa ng taunang budget ay inaalam muna sa Department of Budget  and Management (DBM) at local Budget Office  kung sumasang ayon ba at tugma ang gagawing pagtatalaga ng appointing authority. Pinag aaralan kung ang kabuuang dami ng mga tauhan ay papasok sa limitasyon ng taunang pondo para sa personal services o pasahod sa lahat ng opisyales at kawani.

Dito pumapasok ang kahalagahan ng Department of Interior and Local Government (DILG) at ng mga Sangguniang Pang Bayan, Panlungsod at Panlalawigan upang matutukan at mapaalalahanan ang mga Appointing Authorities sa kahalagahan ng tamang pag budget lalo na sa gugugulin para sa personal services. 

Tinalakay ito ng may akda sapagkat napapanahon ang mga bagay na ito sapagkat binabalak ng kasalukuyang Administrasyon ni Pangulong Ferdinand Edralin Marcos ang “rightsizing” ng mga national government offices. 

Kung ito ay ipatutupad nga ni Pangulong Marcos ay nararapat na ngayon pa lang ay ipagpatuloy ng mga LGUs ang pagsunod sa mga isinasaad at itinadhana ng batas hinggil sa pagtatalaga ng tauhan. Bukod sa makakatipid, hindi na kailangang mag rightsizing ang mga pamahalaang lokal.

Tama sinabi ni Scott Perry, “less is more.”

Maling pagtitipid ang pagpapaliban ng halalang pambarangay at kabataan

0

Sa tingin ng ilang kongresista, kakailanganin nila ang walong bilyong pisong badyet na nakalaan sana sa halalang pambarangay at kabataan ngayong Disyembre. Huling eleksyon nila’y noon pang 2018. Sa lumalalang klase ng mga pulitiko at dumaraming pami-pamilyang political dynasties, kasunod niyan ang kanilang pangangailangang pansarili. Sa huli, napipintong muli na naman nilang ipagpapaliban ang eleksyon sa ibaba.

Tipid! Mali nga lang.

Kailangan ang sariwang mandato ng paglilingkod sa mga pinuno ng barangay at Sangguniang Kabataan. Fresh mandate equals renewed public trust. Kung bakit sila nakaupo at patuloy na uupo ay dahil sa mga taong pumiling sila’y paglingkuran. Mahalaga ang regular nilang halalan. Bagsak sa mga pamantayan ng demokratikong pamamahala kung appointing power ang mananaig, sa halip na boto mismo ng nakararami.

Nasa maayos na pamamalakad kaya nahahalal muli si Kapitan. Mahusay ang nilatag na plataporma ni SK Chairman kaya siya ang pinili ng nakararaming kapwa niya kabataan. Ang dalawang iyan ay basic o pangunahing presumption o pagpapalagay. Ang panghihimasok ng appointing power sa mga nakatataas sa kanila ay hindi inaasahan. Silang mga nasa itaas pa nga ang dapat sanang asahang maging mga sandigan ng mga botante dahil sila ang direktang apektado ng kawalang ganang mag serbisyo ng mga tao sa barangay hall o kaya nama’y sila ang direktang benepisyaryo ng kakisigan sa paninilbihan ng mga matitinong opisyal ng barangay.

Sablay na paraan ng pagtitipid ang pinaiiral sa ilalim ng nagkukubling demokratikong pamamahala pero hindi naman naganap/nagaganap ang halalan.

Kaya hindi tuloy nakapagtatakang kahit pandemiya na sa buong mundo, “flawed democracy” pa tayo sa matalas na pag-aanalisa ng mga datos sa Democracy Index. Nakabatay ito sa limang kategorya: electoral process and pluralism, functioning of government, political participation, political culture, and civil liberties. Hindi tayo “full democracy.” “Flawed” ang sa atin na sa Filipino ay may saling depektibo at/o may sira (damaged). Ang Democracy Index ay may mga datos na hawak ng The Economist Intelligence Unit na umalam kung ano ang takbo ng pandaigdigang demokrasya noong 2021. Sumasalamin ang ganyang pangit na pagtaya sa patuloy na negatibong epekto ng COVID-19 sa demokrasya at kalayaan sa huling dalawang taon. Makabawi nawa tayo sa 54th rank na ito sa buong mundo. Ituloy natin ang eleksyon. Bahagi ito ng pagtatama mula sa ibaba at paitaas. Ito’y mula sa pinakamaliit na local government unit (LGU) papunta sa iba pang mas nakatataas na LGUs at pambansang pamahalaan. Isa pa – mas mahalagang dahilan – merong ideyalismo ang mga kabataan sa SK/Barangay. Huwag sayangin kundi palakasin natin ang boses ng mga may mas sariwang pag-iisip at pag-ibayuhin ang pakikilahok nila sa pamamahala ng mga nakatatanda.

1 patay, 7 nawawala sa gumuhong tulay sa Cavite

0

Dasmariñas City, Cavite. Isa ang patay habang pito ang nawawala nang gumuho ang isang suspended steel bridge sa lungsod na ito kagabi.

Ayon kay Dasmariñas City Administrator Ariel San Gabriel, nangyari ang insidente dakong alas-8 kagabi at ini-report sa mga awtoridad bandang 9:30 ng gabi.

Batay sa inisyal na impormasyon, nasa 13 katao, karamihan ay mga kabataan, ang nasa tulay nang ito ay gumuho. Lima ang nakaligtas sa insidente.

Sinabi naman ni Louie Rusul, hepe ng Dasmarinas MDRRMO na ang tulay ng bumagsak na steel bridge ayluma at kinakalawang na.

Nagpapatuloy ang paghahanap sa pitong nawawalang tao noong Miyerkules ng umaga. Isinara na ang lugar na matatagpuan sa Barangay Sampaloc.

Niyanig ng magnitude 7 na lindol ang Abra

Niyanig ng magnitude 7 na lindol ang Abra kanina, ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ang tectonic na lindol ay tumama sa 3 km. hilagang-kanluran ng munisipalidad ng Tayum dakong 8:43 ng umaga, na may lalim na 17 km.

Ang mga sumusunod ay ang mga naiulat na intensity:

Intensity VII: Bucloc at Manabo, Abra; Intensity VI: Vigan City, Sinait, Bantay, San Esteban, Ilocos Sur; Laoac, Pangasinan; Baguio City; Intensity V: Magsingal at San Juan, Ilocos Sur, Alaminos City at Labrador, Pangasinan; Bambang, Nueva Vizcaya; Mexico, Pampanga; Concepcion, at Tarlac City, Tarlac; Lungsod ng Maynila; Lungsod ng Malabon; Intensity IV: Lungsod ng Marikina; Quezon City; Lungsod ng Pasig; Lungsod ng Valenzuela; Lungsod ng Tabuk, Kalinga; Bautista at Malasiqui, Pangasinan; Bayombong at Diadi, Nueva Vizcaya; Guiguinto, Obando, at San Rafael, Bulacan; San Mateo, Rizal; Intensity III: Bolinao, Pangasinan; Bulakan, Bulacan; Tanay, Rizal; Intensity II – General Trias City, Cavite; Lungsod ng Santa Rosa, Laguna.

Naitala rin ng Phivolcs ang mga sumusunod na instrumental intensities:

Intensity VII: Vigan City; Intensity V: Laoag City, Ilocos Norte; Peñablanca, Cagayan; Dagupan City, Pangasinan; Sinait, Ilocos Sur; Baguio City; Intensity IV: Gonzaga, Cagayan; Baler, Aurora; Bayombong, Nueva Vizcaya; Ramos, Tarlac; Ilagan, Isabela; Basista, Pangasinan; Claveria, Cagayan; San Jose, Palayan City at Cabanatuan City, Nueva Ecija; Madella, Quirino; Tabuk, Kalinga; Santiago City, Isabela; Intensity III: Quezon City; Iba, Zambales; Navotas City, Malabon City, Metro Manila; Magalang & Guagua Pampanga; Bolinao, Sison at Infanta, Pangasinan; Bulakan, San Ildefonso, Guiguinto, Plaridel, at Malolos City, Bulacan; Tarlac City, Tarlac; Intensity II: Dona Remedios Trinidad, Angat & Santa Maria, Bulacan; Tagaytay City, Cavite; Pasig City Metro Manila; Polillo, Gumaca at Infanta, Quezon; Intensity I: Tanay, Taytay, Morong, Antipolo City, Rizal; Marilao,Bulacan; San Juan City, Las Piñas City, Metro Manila; Lucban, Quezon; Subic, Zambales; Mercedes,Camarines Norte; Olongapo City, Zambales; Carmona, Cavite.

Inaasahan ang aftershocks at pinsala mula sa lindol, ayon sa Phivolcs.

“Assessment continues as of now but some areas have sustained damages to public and private structures. Some areas in the Cordilleras have no power and Internet. Monitoring of mountain roads continue,” ayon pa rin sa Phivolcs.

Photo credits: Rep. Cheng Bernos
Photo credits: Rep. Cheng Bernos

Php 374K na halaga ng shabu nasabat sa Laguna

0

San Pablo City, Laguna. Arestado ang isang high value individual (HVI) sa lungsod na ito at nakuha sa kanya ang halagang Php 74,000 ng hinihinalang shabu sa ilalim ng drug buy-bust operations na ikinasa ng San Pablo City Police Station kahapon.

Kinilala ni Police Colonel Cecilio R. Ison Jr. Acting Provincial Director ng Laguna Police Provincial Office ang HVI drug suspect na si Mark Aljon Sadsad Diola, 29 anyos na fruit vendor, at residente ng Brgy Sta. Catalina Sur, Candelaria, Quezon.

Inaresto ang suspek sa Brgy Concepcion, San Pablo City, Laguna ng mga tauhan ng San Pablo City Police Station sa ilalim ng pangangasiwa ni Chief of Police Lt. Colonel Joewie B Lucas sa pakikipagtulungan sa Philippine Drugs Enforcement Agency PRO4A (PDEA).

Isinagawa ang operasyon matapos makatanggap ng impormasyon mula sa isang confidential informant hinggil sa kalakalan ng iligal na droga sa sa nabanggit na barangay at mga karatig na lugar.

agad namang nagplano ang mga operatiba ng San Pablo CPS ng strategic anti-illegal drugs buy bust operation na nagresulta sa pagka aresto sa suspek.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa San Pablo CPS at at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Ang mga nasabat na ebidensya ay isusumite sa Laguna Provincial Forensic Unit upang isailalim sa forensic examination.

Pitong miyembro ng NPA, sumuko

0

Pitong rebeldeng komunista na itinuring na responsable sa mga serye ng karahasan at pananambang sa ilang personalidad sa Southern Tagalog, ang isinuko sa mga awtoridad ng pulisya sa Calabarzon kahapon, ayon sa ulat ni Calabarzon Regional Director Brig. Gen. Antonio Yarra.

Ang boluntaryong pagsuko ng pitong miyembro ng New People’s Army (NPA) ay bunga ng pagsisikap ng Regional Mobile Force Battalion 4A sa pangunguna ni Col. Ledon Monte, Force Commander, ayon kay Yarra.

Lima sa mga sumuko ang kasalukuyang miyembro ng Samahan ng Maliit na Mangingisda Taal (SAMMA) na kaanib ng AnakPawis at ang dalawa pa ay dating miyembro ng Dismantled Kilusan Larangan Gerilya Galaxy, Sub-Regional Military Area, Southern Tagalog Regional Party. 

Ang isa sa kanila ay umamin na bukod sa pagiging bahagi ng mga karahasan sa Southern Tagalog ay isa siyang beteranong miyembro ng Alex Boncayao Brigade na nag-ooperate sa National Capital Region noong early at mid 90s habang ang isa ay umamin na sangkot sa Mt. Banoi encounter noong 2017.

Ang mga rebel returnees ay nagsulit ng tatlong pistol at iba’t ibang kalibre ng bala, dalawang pampasabog at mga subersibong dokumento.

Ibinunyag din nila ang diumano ay pagsasamantala ng ANAKPAWIS sa umiiral na organisasyong masa sa bayang nakapalibot sa Lawa ng Taal na anila ay pinakikilos upang magmartsa sa bawat protesta sa Metro Manila.

Tiniyak ni Monte ang seguridad at kaligtasan ng mga sumukong rebelde. Binigyan din sila ng initial cash assistance at dry goods habang sila ay sumasailalim sa custodial debriefing.

Now is the time to wake up and stand against the deceptive lies of the CPP-NPA-NDF terrorist group, to those who were afraid or hesitant to lay down their arms and go back to the folds of government. I will assure you that we will be true to our commitment to respect and uphold the rights of the former rebels under our custody. It is never too late to go back to your normal lives and return to your families. Calabarzon police will not be tired of promoting welfare and embracing our brothers who were once lost by the deceptive propaganda of the communist rebel group,” ayon kay Yarra.