Sunday, May 24, 2026


Your Daily News Update About CALABARZON and Beyond.
ISSN 2799-1911

Home Blog Page 674

Biñan COP sinibak dahil sa command responsibility

0

Sta. Cruz, Laguna. Sinibak na sa puwesto ang chief of police ng Biñan, Laguna matapos ma-tag ang kanyang tatlong intelligence officer sa umano’y tangkang pagpatay sa dalawang civilian drug informant sa General Mariano Alvarez, Cavite.

Si Lt. Col. Jerry Corpuz ay pinalitan ni Lt. Col. Rafael Torres, concurrent deputy director for administration ng Laguna police.

“Iniimbestigahan namin ang insidente upang matukoy kung may mga lapses sa operasyon ng pulisya at kung sinunod ng mga opisyal ang pamamaraan,” ayon ni Laguna provincial police director Col. Cecilio Ison.

Ang mga akusado na pulis na kinilalang sina Cpl. Mark Jefferson Arzola at Gerald Casanova, at Pat. Amiel Alcantara ay dinisarmahan at inilagay sa ilalim ng restrictive custody sa Laguna police headquarters.

Isang sibilyan na kinilalang si Joshua Almarinez ang kinasuhan ng attempted murder kaugnay ng insidente.

Sinabi ng isa sa mga nagrereklamo na siya ay nakaposas, nakapiring at binugbog ng mga opisyal. Isinumbong din ng mga biktima na binaril sila ng isa sa mga opisyal, ngunit hindi sila tinamaan.

Nagalit diumano ang mga opisyal nang maging negatibo ang ibinigay nilang impormasyon tungkol sa isang hiihinalang tulak ng droga.

8 impostor na media, arestado sa pangingikil

0

Calamba City, Laguna. Arestado sa lungsod na ito ang walong suspek na nagpanggap na media personality at nangikil sa may-ari ng isang perya.

Kinilala ni PCol Cecilio R. Ison Jr., Acting Director ng Laguna Provincial Police Office ang mga suspek na sina Anne Cortez, 32 anyos na residente ng Brgy San Isidro, Rodriguez; Eric Florez Floro, 32 anyos na residente ng Brgy San Isidro, Rodriguez Rizal; Rose Marie Malazarte, 53 anyos na online seller at residente ng Brgy San Jose, Montalban, Rizal; Benjamin Olino Javier Jr., 60 anyos na driver, at residente ng Brgy San Jose, Rodriguez Rizal; Theresa Dela Cruz Regaza, 27 anyos na online seller at residente ng Brgy San Isidro, Rodriguez, Rizal; Christoper Angeles Yu, 47 anyos, kinatawan ng media, at residente ng Brgy 464, Maynila; Efren Dela Cruz Regaza, 22 anyos na residente ng Brgy. San Isidro, Rodriguez, Rizal at Rodamy Llamazares Prado, 27 anyos na residente ng Caloocan City.

Ayon sa ulat ng Calamba City Police Station (CPS), ang biktima na si Jinggoy M Cahanap, 34 anyos, may-ari ng single stander amusement ay humingi ng tulong ng pulisya.

Batay sa reklamo ng biktima siya ay nasa checkpoint sa Purok 1, Brgy. Paciano, Calamba City, Laguna bandang 1:30 ng madaling araw noong Hulyo 18, 2022, ng lapitan at hinarass siya ng mga suspek na sakay ng Toyota FX na nagpakilalang mga tauhan ng media. Diumano ay humihingi ang mga ito ng PhP8,000.00 weekly protection money at  pinagbantaan ang biktima na kapag tumanggi ito ay sapilitang isasara ang kanyang peryahan.

Nagtungo ang mga tauhan ng Calamba CPS sa lugar ng insidente upang i-validate ang nasabing ulat na nagresulta sa pagkaka aresto ng mga suspek.

Narekober sa mga suspek ang ilang pekeng identification card at hinihinalang extortion money. Napag-alaman din na ang mga suspek ang nag-uulat ng maling impormasyon sa E-sumbong at PNP Info Text na ginagamit ang pangalan ng Calamba CPS at hepe ng Pulisya.

“We will investigate this matter. This is a rising concern which we must address to halt the modus operandi of these persons who are roaming around funfair business establishments to extort money in exchange for ‘the continuity of the business operations.’ These culprits are seemingly the same persons who are sending us (PNP) thru social media and our hotline numbers. We have started to launch operations to address these concerns,” ayon sa mensahe ni Ison.

“Hindi natin tino-tolerate ang mga modus operandi ng mga personalidad na katulad nito. Bukod pa rito, ang mga programa ng PNP katulad ng E-sumbong at PNP info text at mag hotlines ay para sa mga lehitimong reklamo o alalahanin ng ating mga kababayan na humihingi ng tulong sa pangseguridad, huwag itong gamitin ng kung sino man para kumita; kung hindi, hahabulin ka ng batas,” ayon naman kay PBGen Antonio C Yarra.

Kaso ng Dengue sa Calabarzon tumaas ng 40% mula Enero hanggang Hulyo 

Iniulat ng Department of Health (DOH)- CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon) ang pagtaas ng kaso ng dengue sa rehiyon mula Enero 1- Hulyo 9, 2022, na may 5, 571 o 40% na mas mataas kumpara sa naiulat na mga kaso sa ganito ring panahon noong nakaraang taon na may 3,989 na kaso.

Karamihan sa mga kaso ay mula sa lalawigan ng Laguna na may 1, 806; sinundan ni Rizal na may 1, 161; Quezon na may 987; Cavite na may 802; Batangas na may 745; at Lucena na may 70 kaso ng dengue.

Ayon sa Regional Surveillance and Epidemiology Unit (RESU), ang mga kaso ng dengue ay nakita sa edad mula 2 hanggang 60 taong gulang. May12 na pagkamatay na naitala.

Hinikayat ni Regional Director Ariel I. Valencia ang mga residente sa bawat komunidad na maghanda dahil hindi pa tapos ang tag-ulan.

“Ito yung mga panahon na tumataas ang bilang nila, kaakibat na ito ng tag-ulan at pagbaba ng temperature. It’s their breeding season. Ang pagtaas ng kadaliang kumilos ay isa sa mga dahilan na nakikitang nag-ambag sa pagtaas ng kaso ng dengue” dagdag niya.

Ang dengue fever ay kumakalat sa pamamagitan ng kagat ng isang infected na lamok. Kasama sa mga sintomas ang biglaang pagsisimula ng lagnat na may matinding pananakit ng ulo, matinding pananakit sa likod ng mata, pananakit ng kalamnan at kasukasuan, pantal, madaling pasa, at pagdurugo ng ilong o gilagid. Ang lagnat ng dengue ay maaaring umunlad sa isang hemorrhagic fever (DHF) na maaaring makamatay kung hindi agad mapangasiwaan.

Pinaalalahanan ng DOH ang publiko na sundin ang 4S strategy: search and destroy breeding places, secure self-protection, seek early consultation, and support fogging/spraying in hotspot areas to prevent an impending outbreak. (DOH Calabarzon)

Mga baril at pampasabog, nakumpiska sa Batangas

0

San Juan, Batangas. Nakumpiska ang mga baril at pampasabog sa bahay ng isang suspek na miyembro ng Eleazar Rocio Criminal Group sa ilalim ng isinagawang operasyon sa Sitio Marecacawan, Brgy. Quipot, San Juan, Batangas.

Kinilala ng Batangas PNP ang suspek na si Jay R. Urmenita Bas, 37 anyos, tubong Davao City at kasalukuyang naninirahan sa nabanggit na bayan.

Sa pinagsanib na pwersa na pinangunahan ng Provincial Intelligence Unit-Batangas Provincial Police Office kasama ang Office of the Provincial Director-Drug Enforcement Unit, Batangas Provincial Mobile Force Company/Special Weapon and Tactics, 403rd A MC, RMFB-4A, RID4A-RIT Batangas, RIU-4A, NISG Southern Luzon at ng San Juan MPS nakuha sa bahay ng suspek ang iba’t ibang kalibre ng baril kabilang ang Cal. 5.56 rifle Colt, Cal. 9mm pistol, Cal 9mm Jericho, Armscor Cal. 40 pistol, mga magazine at samut-saring bala ng baril at mga pampasabog tulad ng rifle grenade, dalawang hand grenade, at iba pang mga kagamitan.

Ayon sa mga ulat, pangunahing gawain ng nabanggit na grupo ng mg kriminal ang gun for hire at ang pag-ooperate ng iligal na sugal.

Kasalukuyang inihahanda na ang mga dokumento upang masampahan ng mga kaukulang kaso ang suspek.

Banggan ng tricyle at van sa Quezon: 1 patay at isang kritikal

0

Calauag, Quezon. Dead on arrival sa ospital ang isang 20 anyos na binata at nasa kritikal na kondisyon ang isa pang 40 anyos na ama matapos mabundol ng isang van ang sinasakyan nilang tricycle sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Brgy. Biyan, bayang ito.

Kinilala ni Police Major Reynaldo Panebe, Jr. hepe ng Calauag Municipal Police Station (MPS) ang mga biktima na sina Jetlee Lat, isang negosyante ng isda at ang 40- taong gulang niyang Ama.

Ayon sa pahayag ni Panebe, binabagtas ng tricycle ang kahabaan ng highway na malapit sa kurbada sa nasabing bayan ng nagtangkang mag- overtake ang van sa tricycle ngunit nag alangan ang driver at kinabig ang manibela patungo sa likuran bahagi ng tricycle.

Dahil sa lakas ng pagkakabundol ay bumaligtad ang tricycle, tumilapon ang dalawang biktima at sumabog sa gitna ng highway ang karga nitong isda 

Sa kabilang mabilis na pag rescue narescue sa mag amang Lat ay hindi na umabot ng buhay sa ospital si Jetlee Lat. Nasa Quezon Medical Center naman ang kanyang ama at kasalukuyang ginagamot.

Samantala, nasa kustodiya ng Calauag MPS ang driver ng van.

HV target arestado, Php 68K na halaga ng shabu nakumpiska

Sta. Cruz, Laguna.  Arestado sa bayang ito ang isang high value target at nakuha sa kanya ang Php 68K na halaga ng shabu.

Nadakip si Eugene Bactad, isang provincial jail guard at residente ng Sitio 5, Brgy. Bagumbayan, Sta Cruz, Laguna sa buy-bust operation Sta Cruz Municipal Police Station (MPS) sa pangunguna ni Police Lt. Colonel Paterno L. Domondon Jr. katulong ang PDEA Laguna, sa aktong nagbebenta ng iligal na droga sa pulis na nagsilbing poseur buyer.

Nakumpiska sa suspek ang tatlong (3) piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na pinaghihinalaang shabu na may street value na mahigit Php 68, 000.00.

Ang pag-aresto ay isinagawa matapos nakatanggap ng impormasyon mula sa isang confidential informant at na-validate ng Drug Enforcement Unit ng Sta Cruz MPS operatives hinggil sa ilegal na aktibidad at pagbebenta ng Methamphetamine Hydrochloride o “shabu” ng suspek, ayon sa report ni Domondon kay Acting Provincial Director ng Laguna Police Provincial Office kay Police Brigadier General Antonio C Yarra.

Kasalukuyang nasa pangangalaga ng Sta Cruz MPS ang naarestong suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Ang mga nakuhang ebidensya ay isusumite sa Laguna Provincial Forensic Unit para sa forensic examination.

“Hindi tayo titigil sa pagpuksa sa anumang uri ng krimen sa ating lalawigan, lalo na para bantayan at sugpuin ang mga banta sa seguridad at kaayusan ng komunidad ng Laguna,” ayon kay Yarra.

Magkasintahang nagka-camping, inatake ng isang lalaki; babae, ginahasa, nobyo pinatay

0

Boac, Marinduque. Patay ang isang 21 anyos na lalaki, habang sugatan at ginahasa ang nobya niyang menor de edad matapos na pasukin ng isang salarin ang kanilang tent habang nagka-camping sa isang beach sa bayang ito.

Ayon sa impormasyon mula sa Boac Municipal Police Station, nangyari ang krimen bandang 1:30 am noong Biyernes, malapit sa dagat sa Barangay Ihatub.

Ayon sa salaysay sa pulisya ng 17-anyos na babaeng biktima, pinasok ng salarin ang kanilang tent at sinaksak ang kanyang nobyo.

Tumakbo ang babae palayo ngunit hinabol at inabutan umano siya ng salarin.

Sinugatan umano siya ng salarin sa leeg at pinagsamantalahan.

Matapos kunin ang kanilang pera at cellphone, umalis na ang salarin at iniwang duguan ang babae.

Nakahingi naman ng tulong ang biktima sa dumaang delivery rider na nagdala sa kanya sa ospital at nag report sa pulisya.

Patuloy ang isinasagawa ang imbestigasyon at ikinasa na ang manhunt sa nakatakas na salarin.

PH Consulate: 18-anyos na turistang Cebuano binugbog sa Manhattan

0

Binugbog ang isang turista mula sa Cebu malapit sa Philippine Center sa Manhattan, ayon sa ulat ng Philippine Consulate General sa New York kanina.

Ayon kay Consul General Elmer Cato, naglalakad ang 18-anyos na Pinoy kasama ang tatlo pa malapit sa kanto ng 6th Avenue at 46th Street noong Miyerkules ng siya ay inatake.

Nagtamo siya ng “facial injuries” mula sa pananakit habang ang suspek ay “nakorner at nai-turn over” sa mga awtoridad.

“In view of this incident, the Consulate reminds members of the Filipino Community, as well as kababayan (countrymen) visiting New York to exercise the necessary precautions while on the streets or in the subways,” ayon kay Cato.

Ito na ang ika-41 na insidente mula noong nakaraang taon na kinasangkutan ng isang Pilipinong biktima ng hate crime o isang criminal act. Karamihan sa mga insidenteng ito ay nangyari sa New York.

“Ang Konsulado ay nakikipag-ugnayan sa New York City Police Department upang makakuha ng karagdagang impormasyon sa insidente. Hindi alam sa n ito ngayon kung ang insidente ay anti-Asian-hate-related,” dagdag niya. (PNA)

Rail accident sa Quezon: 1 patay, isang sugatan

0

Lucena City, Quezon. Patay ang isang lalaki ng matapos masagasaan ng tren habang tumatawid sa riles kahapon ng umaga sa Brgy. Ibabang Iyam, lungsod na ito. 

Ang biktima ay kinilala ni PSMS Prime Chrysler Velarde ng Quezon Provincial Police Officena si Jose Rizo, 24 anyos na residente ng nabanggit na lugar.

Ayon sa paunang imbestigasyon, ang biktima na umalis ng bahay noon pang Hulyo 13 at hindi na nakauwi.

Ang biktima ay may diperensya sa pag- iisip, ayon pa rin kay Velarde.

Ayon sa isang testigo, biglang tumawid  si Rizo habang paparating na ang tren.

Sa bukod na insidente, isang 5 anyos na batang lalaki na kinilalang si John Deri ang nasa pagamutan ngayon matapos masagi ng bagon ng tren kahapon ng tanghali sa Barangay Lusacan, Tiaong, Quezon. 

Ayon sa kapitbahay ng Anita Formentera, pinagsabihan niya ito at ang isa pang bata na huwag maglaro sa riles ng tren.

Nagulat na lamang mga residente sa lugar ng magsigawan ang maraming tambay sa lugar na nakakita sa pangyayari.

Nagpapagaling pa sa ospital ang biktima.

136 na pulis sa Calabarzon, sinibak

0

Calamba City, Laguna. Sinibak sa serbisyo ang 135 na pulis sa Calabarzon kaugnay ng isinasagawang internal cleansing sa hanay ng kapulisan.

Ayon sa pahayag ni Police Major Mary Anne chester Torres, Public Information officer ng Police Regional Office 4A kahapon, ang isinagawang aksiyon ng liderato ng PNP ay alinsunod sa mandato na alisin ang mga ” police scalawags” sa hanay ng pambansang alagad ng batas.

Sa nabanggit na bilang na 136, 66 sa mga ito ang may kaso hinggil sa droga, 30 sa violation ng R.A.1965, 46 sa robbery, 63 sa sexual assault, rape, estafa, homicide at marital infidelity, ayon pa rin kay Torres.

Idinagdag pa ng opisyal na nagkaroon ng kabuuang bilang na 205 na pulis ang nakasuhan noong nagdaang taon at 135 nga sa mga ito ang tinanggal sa tungkulin, 63 ang may kinakaharap na kaso sa mga korte at 1 ang nakakulong.

Ang nabanggit na pagsasaayos sa kapulisan ayon pa kay Torres ay upang lalong mapalapit ang pangkalahatang katauhan ng isang alagad ng batas sa mga mamamayan.