Sunday, May 24, 2026


Your Daily News Update About CALABARZON and Beyond.
ISSN 2799-1911

Home Blog Page 675

DOTr exec: Binawi ng China ang pondo para sa 3 proyekto ng tren

Itinuturing na ngayong “withdrawn” ang mga loan agreements para sa tatlong railway projects matapos mabigong kumilos ang gobyerno ng China sa mga kahilingan sa pagpopondo ng Duterte administration, ayon sa isang opisyal ng Department of Transportation (DOTr) kanina.

Kabilang sa mga rail project na walang pondo ang Php 142B na Calamba to Bicol, Php51M na Clark to Subic at Php 83M na Tagum-Davao-Digos.

Sinabi ni DOTr Undersecretary for Railways Cesar Chavez na nagsimula ang negosasyon para sa tatlong proyekto noong 2018 at inaprubahan ng National Economic and Development Authority (NEDA) para makatanggap ng opisyal na development assistance (ODA) loan mula sa China.

Batay sa “applicable executive agreements” sa pagitan ng Pilipinas at China, sinabi niya na ang DOTr ay nauna nang bumili at nagbigay ng mga kontrata para sa engineering, procurement, construction, at commissioning ng Subic-Clark Railway Project; ang design-build ng Philippine National Railways (PNR) South Long-Haul Project; at para sa project management consultant ng Mindanao Railway Project (MRP).

Mula 2021 hanggang 2022, sinabi niya na ipinaalam ng Department of Finance (DOF) sa China Eximbank na ang mga isinumite na loan application ay magiging balido lamang hanggang Mayo 31, 2022, at awtomatikong babawiin kung hindi maaprubahan.

Sa pag-withdraw ng mga aplikasyon sa pautang, sinabi niya na ang kasalukuyang pamunuan ng DOTr ay “kaagad” na sumulat at nakipag-ugnayan sa DOF upang simulan ang “mga talakayan sa patakaran” sa hinaharap ng tatlong rail project na suportado ng China.

Noong Enero, ang kontrata para sa PHP142-bilyong PNR South Long-Haul Project na tinatawag ding PNR Bicol Express ay iginawad sa joint venture ng China Railway Group Ltd., China Railway No. 3 Engineering Group Co. Ltd. , at China Railway Engineering Consulting Group Co. Ltd.

Sa kabilang banda, nabigo ang PHP83 bilyon Tagum-Davao-Digos segment ng MRP matapos hindi makapagsumite ang China ng shortlist ng mga contractor para sa design-build contract nito.

Ang kontrata para sa pagtatayo ng PHP51 bilyong Subic-Clark Railway Project ay iginawad sa China Harbour Engineering Co. noong Disyembre 2020.

(PNA)

Dr. Lee Ho: Mapipigilan ng booster dose ang muling paglaganap ng Covid-19

0

San Pablo City, Laguna. Hinimok ng local government unit ng San Pablo City ang mga residente na mag-avail ng booster shots sa gitna ng pagtaas ng kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa bansa.

Nanawagan si San Pablo City Mayor Vicente B. Amante sa mga residente nito na gamitin ang Covid-19 booster shots upang maiwasan ang pagdami ng aktibong kaso sa kanilang lokalidad.

Ang pinakahuling data ay nagpakita na ang San Pablo City ay may 231,396 na ganap na protektado laban sa pandemya. May 67,059  na nabigyan ng una at pangalawang booster shot.o 95.68% 

Ang isang na aktibong kaso ng lungsod noong Mayo 30 ay tumaas sa 14 na kaso noong Hulyo 5, na umabot sa 78 na aktibong kaso sa kasalukuyan. Dahil dito ay pinalalakas ang mga protocol sa kalusugan at mga kampanya sa pagbabakuna partikular ang booster dose at pediatric vaccination upang pigilan ang higit pang pagkalat ng impeksyon sa Covid-19, ayon kay San Pablo City Health Officer Dr. James Lee Ho.

“Maging mapagmatyag po tayo at maging maingat sa pagsunod sa minimum public health standards sa lahat ng oras, gayundin ang pag-avail ng booster shots upang maiwasan ang pagkalat ng Covid-19,” ayon kay Amante.

Ang mga magulang ay hinihikayat niya na pabakunahan ang kanilang mga anak na edad 5 hanggang 11 taong gulang.

Mahigpit din ang pakiusap ni Amante sa mga magulang ng mga nasa 12 – 17 age group na kumuha ng booster dose limang buwan pagkatapos matanggap ang pangalawang pangunahing serye ng bakuna laban sa Covid-19.

Ang panawagan ni Amante ay bilang pakikiisa sa pagsisikap ng Department of Health at National Vaccination Operations Center kasama ang mga local government units sa buong bansa na paigtingin pa ang booster vaccination para maiwasan ang epekto ng Covid-19 Omicron sub-variants.

Sa ngayon, may kabuuang 89 ang aktibong kaso sa lungsod, ayon sa report ng San Pablo City Anti CoViD-19 Task Force.

“Nakikiusap ako sa mga fully vaccinated na residente ng San Pablo City na gamitin ang mga booster dose bilang kanilang kontribusyon sa muling pagbubukas ng lokal na ekonomiya sa gitna ng umiiral na krisis sa kalusugan ng mundo,” ayon kay Lee Ho.

Ang SM San Pablo ay bukas tuwing Miyerkules at Sabado para sa booster vaccination, primary vaccination at pediatric vaccination. Bukas din ang nabanggit na vaccination site para sa mga hindi residente ng San Pablo City, ayon pa rin kay Dr. Lee Ho.

Hitman na P20k ang bayad sa pagtumba, nadakip sa Cavite

Alfonso, Cavite. Naaresto ng mga awtoridad ang dalawang pinaniniwalaang miyembro ng isang gun-for-hire group na nasa likod ng pagpatay sa isang lalaki sa bayang ito sa halagang P20,000.

Ang itinumbang biktima ay kinilala ni Police Major Rommel Dimaala, hepe ng Alfonso Municipal Police Station na si Manuel Mojica Barrera, 57-anyos, noong Hulyo 10 sa loob ng kanyang bahay.

Nagtamo ng apat na tama ng bala sa ulo at katawan ang biktima. 

Tumakas noon ang mga suspek sakay ng isang motorsiklo. Natunton ang kanilang sasakyan sa Naic na nagresulta sa pagka aresto sa mga suspek na kinilalang sina Eric Tanega at Edwin Montaño.

Nakuha sa kanilang isang .357 magnum na baril at isang kalibre .9mm, na tugma sa basyo ng mga bala na nakita sa pinangyarihan ng krimen, ayon sa pulisya.

“May ibibigay sa kanilang envelope, napapaloob dun yung description ng tao, ‘yung address, at yung pera. Pag-aaralan nila kung ilang araw na meron silang spotter na magke-casing ng lugar. Iba yung driver ng motor, iba yung gunman. Binayaran po sila ng halagang P20,000,” ayon kay  Dimaala.

Positibong kinilala ng asawa ng biktima ang mga suspek. Ayon sa kanya, tinangka pa ng kanyang mister na magtago sa kusina pero sinundan pa ito saka pinagbabaril.

Ayon pa rin sa mga awtoridad, away sa lupa ang ugat ng krimen, at kasangkot ang isang kaanak ng mga biktima na kasalukuyan pang pinaghahanap.

2 drug informant tinangkang i-salvage ng mga operatiba

0

Gen. Mariano Alvarez, Cavite. Inireport sa GMA Municipal Police Station (MPS) ang isang kaso ng attempted salvage sangkot ang apat na hindi pa nakikilalang diumano ay mga operatiba ng Biñan City Police Station (CPS).

Ayon sa salaysay ng mga biktima, nagsadya sila sa Biñan CPS sa Brgy. Zapote at inireport ang isang drug pusher ang diumano ay nago-operate sa Brgy. Wawa sa Biñan, Laguna. Diumano ay pinayuhan silang magtungo sa Community Police Assistance Centers (COMPAC) sa Brgy. Tubigan bandang 5:00 pm at doon ay naghintay sila hanggang alas siye ng gabi ngunit walang pulis na dumating. Nagpasya silang bumalik sa Biñan CPS kung saan sila ay ipinasa sa apat na inirereklamong operatiba.

Sinamahan ng unang biktima ang apat na pulis sa Brgy. Wawa upang magsagawa ng surveillance ngunit nabigo syang tukuyin ang bahay ng diumano ay drug suspect na diumano ay ikinagalit ng mga operatiba. Diumano ay sinuntok siya ng paulit ulit at dinala sa COMPAC kung saan siya ay pinosasan, piniringan at ginulpi. 

Sinundo naman ang ikalawang biktima at dinala din sa COMPAC. Kasunod nito ay inutusan silang umangkas sa magkabukod na motorsiklo na minaneho ng mga operatiba at pumunta sa isang lugar kung saan sila inutusang bumaba. Pagkababa ay binaril ng dalawang beses ng isa sa mga operatiba ang unang biktima gamit ang isang revolver ngunit hindi ito tinamaan. Sa aktong ito, agad na tumakbo ang pangalawang biktima at tumakas patungo sa residential place. Matapos ang insidente, umalis ang mga operatiba patungo sa hindi malamang direksyon.

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Laguna Provincial Police Office hinggil sa isinampang reklamo.

Techno Demo Aralan sa Pangisdaan, sinimulan sa Laguna

STA. CRUZ, Laguna. Sinimulan kamakailan ang Techno Demo Aralan sa Pangisdaan sa Brgy. Bukal, Cavinti, Laguna sa pangunguna ni Provincial Agriculturist Marlon P. Tobias at mga kawani ng Field Agricultural Extension Services-Office of the Provincial Agriculturist (FAES-OPAg).

 Layunin ng Pamahalaaang Panlalawigan ng Laguna sa pangunguna ni Gob. Ramil L. Hernandez na higit pang palakasin ang paghahatid ng kaalaman sa pagpapaunlad ng sakahan o pangisdaan sa Laguna.

Kasama at benepisyaryo sa naturang Techno Demo Aralan ang mga miyembro ng Cavinti Fish Cage Operators Marketing Cooperative (CaFisOMaCo) sa pangunguna ni G. Melchor Catulos. 

Ang samahan ay pinagkalooban ng 11,000 semilya ng I-Excel Tilapia na gagamitin upang mapag aralan ang teknolohiya sa fingerlings production na ituturo ni G. Ernesto Jara ng FAES. Ang aktibidad ay magpapatuloy sa loob ng mahigit 16 na linggo. 

Inaasahan na sa pagtatapos ng aktibidad ay may sapat na kaalaman na ang nabanggit na samahan sa pagpaparami ng semilya ng tilapia, magkaroon ng sariling tilapia breeders at hindi na kailangang bumili pa sa merkado.

6 staff, nag positibo; OPD ng Ospital ng Cabuyao isinara muna

0

Cabuyao City, Laguna. Kinumpirma ng Department of Health (DOH) noong Martes ng gabi na pansamantalang isinara ang Outpatient Department (OPD) ng Ospital ng Cabuyao sa Cabuyao City, Laguna matapos mag positibo sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) ang ilang healthcare workers nito.

Ayon sa DOH, nakumpirma nila sa pamamagitan ng National Patient Navigation at Referral Center at Center for Health Development 4A, na ang OPD ng ospital ay pansamantalang isinara simula noong Lunes, Hulyo 11 matapos na nag positibo sa virus ang anim na staff nito.

Kasalukuyang nilalapatan ng kaukulang lunas at pangangalaga ang mga pasyenteng health workers.

Pansamantala ring inilipat ang konsultasyon ng mga pasyente sa emergency room (ER) ng pagamutan.

Php2.7M n shabu nakumpiska sa Rizal

0

Binangonan, Rizal. Nasamsam ng Provincial Intelligence Unit at Provincial Drug Enforcement Unit ng Rizal ang malaking bulto ng hinihinalang shabu at nadakip ang isang high value drug suspect sa Aragon Compound, Upper Left Kasinay, Brgy. Darangan sa bayang ito kanina.

Kinilala ni Regional Director ng Police Regional Offce 4A, Police Brigadier General Antonio C. Yarra ang inaresto na si Edmar Rex y Nieto alyas “Bok”, 33 anyos na residente ng nabanggit na lugar. Nahalughog sa kanya ng mga pulis ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php2,699,600.00.

Ang drug suspect na nadakip sa ilalim ng Oplan Pabili Nga Po ay dinala sa Binangonan Municipal Police Station samantalang isinulit naman sa Rizal Provincial Forensic Unit ang nasamsam na droga at mga ebidensya upang isailalim sa laboratory examinations.

Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang nadakip.

Durian fruit: Potent ang amoy ngunit napaka sustansya

Minsan may nga bagay tayong inaayawan pero sa kalaunan ay pwede palang natin magustuhan. Ang bunga ng Durian ay isa mga prutas na sa una ay inaayawan.  May kasabihan nga na Durian “tastes like heaven but smells like hell”. 

Marami akong nakakausap na hindi daw nila gusto ang amoy. Ngunit marami ding akong naririnig na talaga namang sila daw ay nasasarapan at naikukumpara pa nga nila ang lasa sa ice cream. 

Pag ganitong panahon ng June at July ay dagsa ang Durian sa mga fruit stand lalo na sa Davao kung saan ito ang sentro ng kalakalan at taniman ng Durian. Ang Davao ang tinaguriang Durian capital ng Pilipinas. Sa Davao ay parang ordinaryong tanawin na lang ang mga truck na puno  ng Durian fruit. Hindi kumpleto ang pagpunta mo sa Davao kung hindi mo ito matitikman. Kaya naman noon magpunta si Myrna sa Davao ay hindi niya talaga pinalampas ang pagkakataon na matikman ang Durian.

Technically, may termino na para sa paglalakbay upang kumain ng durian. Ito ay tinatawag na agritourism, at ito ay isang lumalagong kalakaran sa lahat ng mga bansa, hindi lamang Thailand o Malaysia kundi pati na rin sa Mindanao.

Ang prutas na ito ay sikat na sikat  dahil ito ay may kakaibang sarap. Sabi ni Myrna ay iba ang lasa ng Durian fruit sa  Davao kumpara sa tanim sa Laguna. Maaring dahil sa klase ng variety o sa uri ng lupa o kaya ay depende sa panlasa ng bawat tao. 

Kilala ang durian sa buong Timog Silangang Asya bilang king of fruits. You either love durian, or you hate it. Ngunit maraming benepisyo ito sa kalusugan. Naglalaman ito ng maraming fibers, bitamina C at bitamina B complex. Ang mga kakaibang prutas ay mayaman sa thiamine. Ang enzyme ay direktang nakakaapekto sa aktibidad ng mga proseso ng pagtunaw, gana sa pagkain at pagpapakawala ng hydrochloric acid sa katawan. 

Maraming produkto ang pwedeng gawin sa Durian fruit gaya ng Ice cream, kendi, chips, jam, at frozen durian. Kaya isa ito sa namumungang punong kahoy tunay na maipagmamalaki ng ating bansa.

Namumunga ang Durian 5-7 taon pagkatapos ng pagtatanim. Nagsisimula ang regular na produksyon mula 7-10 taon at pataas. Hindi katagalan ang limang taon kaya maganda ring magtanim tayo ng ilang puno nito sa ating mga bukid.

VG Karen Agapay ng Laguna muling nahalal bilang pangulo ng LVGP

0

Muling nahalal na walang kalaban bilang pangulo ng League of Vice Governors of the Philippines (LVGP) para sa 2022-2025 ang Bise Gobernador ng Laguna na si Atty Karen Agapay sa ginanap na ika-88 National Assembly, sa Sofitel Philippine Plaza, Maynila kasama si National Chairman Vice Gov Atty Reynaldo Quimpo ng Aklan.

Ang mga bagong miyembro ng Executive Committee ay kinabibilangan nina Executive Vice President, VG Cecile Araneta- Marcos (Ilocos Norte), VP for Luzon – VG Mark Lambino (Pangasinan), VP for Visayas – VG Christine Garin (Iloilo), VP for Mindanao – VG Elmer de Peralta (Sarangani), Secretary General – VG Mei Ling Quezon (Siquijor), Treasurer – VG Cris Garcia (Bataan), Auditor – VG Yusof Alano (Basilan), P.R.O. – VG Benglen Ecleo (Dinagat Islands), Vice Chairman – VG Edcel Grex Lagman (Albay)

Dumalo sa okasyon si DILG Secretary Benhur Abalos Jr. bilang Guest of Honor at Speaker, at inducting officer ng mga nanalong miyembro ng Execom at ng mga Regional Director.

Naglabas ang DepEd ng mga alituntunin para sa School Year 2022-2023

0

Inilabas ng Department of Education (DepEd) ang mga alituntunin sa School Calendar and Activities for School Year 2022-2023 alinsunod sa pangako nito sa pagpapatuloy ng 5 araw ng in-person classes.

Nilagdaan ni Vice President at DepEd Secretary Sara Z. Duterte noong Lunes, ang DepEd Order No. 034, series of 2022, ay nagtatakda ng pagsisimula ng klase sa Agosto 22 at magtatapos sa Hulyo 7, 2023. Magkakaroon ng 203 araw ng pasukan o maaaring magkaroon ng karagdagang direktiba kung sakaling may mga pagbabago sa kalendaryo ng paaralan dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari.

Sa issuance, nagbibigay din ang DepEd ng direksyon at gabay sa muling pagbubukas ng mga klase at ang unti-unting pagpapakilala ng 5 araw ng in-person learning modality classes.

Ayon sa DO 034, s. 2022, walang mga inspeksyon, kasangkapan, o anumang karagdagang mga kinakailangan upang muling buksan ang mga paaralan at ipatupad ang limang (5) araw ng mga personal na klase ay kinakailangan, maliban sa pagsunod sa mga karaniwang pre-pandemic regulatory permit at lisensya, ayon sa hinihingi ng batas o mga ordinansa.

Inireseta lamang ng DepEd ang mga opsyon ng 5 araw na person in-person classes, blended learning modality, at full distance learning hanggang Oktubre 31, 2022.

Simula sa Nobyembre 2, 2022, lahat ng pampubliko at pribadong paaralan ay dapat na lumipat sa 5 araw ng mga personal na klase. Walang paaralan ang papayagang magpatupad ng puro distance learning o blended learning maliban sa mga nagpapatupad ng Alternative Delivery Modes gaya ng itinatadhana sa DO 21, s. 2019 (Mga Alituntunin sa Patakaran sa K to 12 Basic Education Program) at DO 01, s. 2022 (Revised Policy Guidelines on Homeschooling Program).

Samantala, opisyal na magsisimula ang learning intervention para sa Alternative Learning System (ALS) sa nasabing petsa ng pagbubukas, habang ang tagal ng programa ay depende sa background ng edukasyon ng mag-aaral o umiiral na antas ng kaalaman bago mag-enroll sa ALS program.

Kaugnay ng pagbubukas ng paaralan, ang mga implementing guidelines sa School Calendar and Activities para sa SY 2022-2023 ay ilalapat sa mga pampubliko at pribadong paaralang elementarya at sekondarya, kabilang ang Community Learning Centers (CLCs) sa buong bansa. Maaaring ipatupad ng mga pribadong paaralan, estado/lokal na unibersidad, at kolehiyo ang kalendaryo. Maaari rin silang magsimula ng mga klase nang hindi mas maaga kaysa sa unang Lunes ng Hunyo at hindi lalampas sa huling araw ng Agosto.

Ang pagpapatala ay gaganapin mula Hulyo 25 hanggang Agosto 22, at ang Brigada Eskwela at Oplan Balik Eskwela ay isasagawa mula Agosto 1 hanggang 26 at sa Agosto 15.

Higit pa rito, ang Basic Education Development Plan (BEDP) 2030, Learning Recovery and Continuity Plan (LRCP), at Classroom-based at System Assessments ay gagabay sa mga paaralan sa epektibong paghahatid ng K to 12 Basic Education Program sa gitna ng pandemya ng COVID-19.