Sunday, May 24, 2026


Your Daily News Update About CALABARZON and Beyond.
ISSN 2799-1911

Home Blog Page 677

Bagong CALAX Interchange bubuksan sa kalagitnaan ng 2022

0

Bubuksan ng Cavite-Laguna Expressway (CALAX) ang Silang (Aguinaldo) Interchange nito sa ikalawang bahagi ng taong ito, na magpapahaba sa mga operational section ng tollway mula Mamplasan, Laguna, hanggang Aguinaldo Highway sa Silang, Cavite.

Sa kasalukuyan, ang 3.9-kilometrong 2×2 lane na CALAX subsection ay 56 porsiyento ng kumpleto.

Bahagi ng mga ginagawang trabaho ang drainage at bridge construction, excavation at roadway earthworks, at pag-install ng bakod at coco net.

“The Silang (Aguinaldo) Interchange will help decongest the busiest highway in the province of Cavite — the 41-kilometer Emilio Aguinaldo Highway,” ayon sa paliwanag ni Raul L. Ignacio, President and General Manager ng MPCALA Holdings Incorporation (MHI). 

“Motorists from Manila going to the tourist destinations of Silang and Tagaytay, Cavite will benefit from this upcoming project as it offers convenience and shorter travel time,” dagdag pa niya.

Bukod sa Santa Rosa-Tagaytay Road Interchange, ang Silang Aguinaldo Interchange ay magsisilbing alternatibong exit ng CALAX para sa mga motorista sa Metro Manila na pupunta sa TAgaytay City, ang ikalawang summer capital ng bansa.

Ang interchange ay nasa 16 kilometro ang layo mula sa city proper ng Tagaytay sa pamamagitan ng Aguinaldo Highway, at ang oras ng paglalakbay ay humigit-kumulang 20 minuto lamang.

Ang iba pang mga interchange ng CALAX katulad ng Open Canal, Governor’s Drive, at Kawit, ay matatapos sa 2023.

Sa kasalukuyan, ang operational segment ng CALAX ay sumasaklaw ng 14.24-kilometro na may mga interchange sa Greenfield-Mamplasan, Laguna Technopark, Laguna Boulevard, Santa Rosa-Tagaytay, at Silang East.

Kapag nakumpleto, ang CALAX ay kokonekta sa Manila-Cavite Expressway (CAVITEX) sa Kawit, Cavite.

Ang CALAX ay isang 45-kilometrong expressway, Public-Private Partnership (PPP) kasama ang Department of Public Works and Highways (DPWH) bilang ahensyang nagpapatupad, at may pribadong proponent na MPCALA Holdings Inc. (MHI), isang subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corporation ( MPTC), ang toll road development arm ng Metro Pacific Investment Corporation (MPIC).

PhP 212K na halaga ng shabu hinarang ng Rizal PNP sa checkpoint

0

Angono, Rizal. Arestado ang dalawang drug suspect sa isinagawang Checkpoint Operation “Oplan Sita” ng Angono Municipal Police Station (MPS) sa kahabaan ng Manila East Road, Brgy. San Roque, sa nabanggit na bayan na nagresulta sa ang pagkakaaresto sa dalawang drug suspects na sina, Prince Noblejas y De León, 22 anyos at Rayven Ramirez y Vocalan, 24 anyos.

Nakumpiska sa kanila ang isang pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 25 gramo at may standard value na Dangerous Drug Board na Php 212, 500.

Batay sa ulat na isinumite ng arresting officer, sa pagsasagawa ng OPLAN SITA, na-flag down ang dalawang suspek na sakay ng motorsiklo dahil sa paglabag sa RA 4136 o ang Land Transportation and Traffic code dahil sa hindi pagpapakita ng valid license ID. Pagkatapos ay hiniling ng arresting officer na magpakita ang back rider ng anumang valid ID at sa pagbukas ng belt bag ay nasilip ng opisyal ang pakete na naglalaman ng puting substance ng hinihinalang shabu kaya agad na inaresto ang dalawa. 

Ang mga suspek at ang mga nasamsam na mga  ebidensya ay dinala sa Rizal Provincial Hospital Annex para sa kaukulang laboratoryo at drug test examinations bago ipinasa sa Angono MPS. 

Kasalukuyang inihahanda na ngayon ang mga kaukulang dokumento para sampahan sila ng kasong Paglabag sa Sec 5 at 11 Article II ng RA 9165.

Ibinaba ng Phivolcs ang alert status ng Taal Volcano sa Level 1

0

Ibinaba ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) kanina ang alert status ng Taal Volcano, mula Level 2 (decreased unrest) hanggang Level 1 (low-level unrest).

Nasa abnormal pa rin ang kondisyon ng bulkan at hindi dapat ipagsawalang bahala ang pagbaba ng alert level status dahil hindi nawala na ang banta ng pagsabog, ayon sa Phivolcs.

Sa Alert Level 1, maaaring may banta ng sudden steam-driven o phreatic explosions, volcanic earthquakes, minor ashfall at expulsions of volcanic gas  sa mga lugar sa loob ng Taal Volcano Island (TVI), ang permanenteng danger zone ng Taal Volcano Island (TVI).

Ang pagbaba ng alert level status ng Taal ay batay sa mga parameter tulad ng seismicity, gas emission, main crater observations at ground deformation.

Mula sa average na pitong volcanic earthquakes kada araw mula Enero 1 hanggang Mayo 1, hindi natukoy ng Phivolcs ang pagyanig ng bulkan sa Taal mula noong Hunyo 13.

Nangangahulugan ito na ang mga posibilidad ng pagpasok ng magma sa main crater ay lubhang nabawasan, sinabi ng Phivolcs.

Nananatiling ipinagbabawal ang pagpasok sa TVI, lalo na ang mga paligid ng main crater at ang bitak ng Daang Kastila.

Hinimok ng Phivolcs ang mga local government units na patuloy na suriin ang mga naunang lumikas na barangay sa paligid ng Taal Lake para sa mga pinsala at accessibility sa kalsada at palakasin ang paghahanda at mga hakbang sa komunikasyon sakaling magkaroon ng panibagong kaguluhan.

Pinapayuhan ang publiko na sundin ang mga pag-iingat dahil sa mga bitak sa lupa, posibleng pagbagsak ng abo at maliliit na lindol.

Hinihimok din ang mga piloto na iwasan ang paglipad malapit sa bulkan dahil ang airborne ash at ballistic fragment mula sa mga pagsabog at wind-remobilized ash ay maaaring magdulot ng mga panganib sa sasakyang panghimpapawid.

Ang pinakahuling sulfur dioxide emission ay umabot sa average na 237 tonelada, naaayon sa humihinang degassing mula sa magma sa ilalim ng TVI at volcanic gas na mahusay na nasisipsip ng Main Crater Lake, ayon sa Phivolcs. (PNA)

Groundbreaking ceremony ng Female barracks ng Laguna PPO, idinaos

0

Sta. Cruz, Laguna. Idinaos kanina sa pangunguna ni Acting, Provincial Director, Police Colonel Cecilio R. Ison Jr. ang groundbreaking ceremony ng Female Barracks (Sandigan Hall) sa Kampo Heneral Paciano Rizal, Brgy. Bagumbayan, bayang ito.

Ang nabanggit na proyekto ay alinsunod sa Intensified Cleanliness Policy ng PNP.

Kabilang sa mga dumalo sa pasinaya ang panauhing pandangal at tagapagsalita na si Mayor Cesar V. Areza ng Munisipyo ng Pagsanjan.

Ang groundbreaking ay kasabay ng Traditional Monday Flag Raising Ceremony ng Laguna Police Provincial Office, na dinaluhan ng mga tauhan nito.

Ang nabanggit na kuwartel ay titigilan ng mga babaeng tauhan ng PNP na nakatalaga sa loob ng Provincial Office na hindi residente ng Laguna.

Bahagi ito ng patuloy na pag-unlad ng Laguna PNP headquarters, na magpapalakas sa moral ng mga tauhan nito at maging mas epektibo sila sa pagganap ng kanilang tungkulin.

“With this, we are hopeful that by this, our personnel will be more comfortable despite that they are not at their respective residence during their tour of duty. It is given in our mandate that we give our dedication to our sworn duty. Sa ganito paraan man lang ay mabigyan natin ng maayos na pahingahan ang ating mga kapulisan.” ayon kay Ison.

Dating COP ng Sta. Rosa City, natagpuang patay sa loob ng kanyang kwarto

0

Pateros, Rizal. Natagpuang patay sanhi ng mga tama ng bala sa ulo at katawan ang isang opisyal na pulis sa loob ng kanyang kwarto sa M. Almeda St., Barangay Sto. Rosario Silangan sa bayang ito.

Ayon sa ulat ng National Capital Region Police Office, ang biktima ay kinilalang si PLTCOL Eugene Orate y Junsay, 46 anyos na miyembro ng PNP at kasalukuyang nakatalaga sa PNP SAF at residente ng nabanggit na lugar.

Ayon sa paunang imbestigasyon, bago naganap ang insidente ay nakarinig ng dalawang putok ng baril ang housemaid ng pamilya Orate at kasunod nito ay nakita ang biktima na nakabulagta sa sahig sa loob ng kanyang kwarto at may mga tama ng bala.

Isinugod si Orate sa ACE Medical Center sa Pateros ngunit idineklarang dead on arrival ni Dr. Vadaserri Christopher Sheldon.

Kasalukuyang nagsasagawa ng technical aspect of investigationang SPD SOCO sa pangunguna ni PMAJ Antonieta C. Abillonar. Ang mga service firearms ng biktima ay dadalhin sa crime laboratory para sa ballistics examination, gayundin ay hiniling sa mga miyembro ng pamilya ng biktima na sumailalim sila sa paraffin test. Isasailalim din sa nabanggit na test ang bangkay ni Orate.

Si Orate ay naging chief of police ng Sta. Rosa City, Laguna.

Abalos: Wala pang desisyon sa unang PNP chief ni PBBM

0

Patuloy ang proseso ng pagpili para sa unang hepe ng Philippine National Police (PNP) na magsisilbi sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Pinabulaanan ni Department of the Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos noong Linggo ang mga ulat na si deputy chief for administration Lt. Gen. Rhodel Sermonia ang pinangalanang susunod na PNP chief.

“This is not true and the matter is being discussed,” ayon sa pahayag ni Abalos sa Philippine News Agency sa isang phone interview.

Kung susundin ang rule of succession, ang isa pang contender bukod kay Sermonia, ang No. 2 in command ng PNP, ay si Lt. Gen. Vicente Danao Jr., na kasalukuyang deputy chief for operations.

Si Danao ang naging officer-in-charge ng 225,000-strong police force mula noong nagretiro si Gen. Dionardo Carlos noong Mayo 6.

Si Sermonia ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class of 1989, ay nakatakdang bumaba sa puwesto sa Enero 2024 sa pagsapit ng mandatory retirement age na 56 habang si Danao, ng Class of 1991, ay may isang taon pa sa serbisyo bago siya magretiro sa Agosto 2023.

Ang iba pang long shot para sa PNP top post ay sina Lt. Gen. Rodolfo Azurin Jr., Area Police Command-Northern Luzon chief; Maj. Gen. Valeriano De Leon, direktor para sa mga operasyon; Maj. Gen Felipe Natividad, hepe ng National Capital Regional Police Office; at Brig. Gen. Benjamin Acorda Jr., direktor ng Police Regional Office-Northern Mindanao.

Sina Azurin at De Leon ay kabilang sa PMA Class of 1989 at mayroong isang taon sa serbisyo; Si Natividad ay miyembro ng Class of 1990; at si Acorda ay nagtapos sa PMA noong 1991. (PNA)

Motorcycle rider sumalpok sa jeep, patay

0

Sto. Tomas, Batangas. Dead on arrival saospital ang isang 36 anyos na rider matapos sumalpok sa isang pampasaherong jeep ang minamaneho niyang motorsiklo sa kahabaan ng J.P. Laurel highway, Barangay San Roque sa lungsod na ito kaninang alas 11 tanghali.

Ayon sa pulisya, ang biktima ay kinilalang si Nel Anthony Coronel, may-asawa at isang company supervisor.

Batay sa paunang imbestigasyon ng Sto.Tomas City Police Station, nawalan ng panimbang ang biktima sa isang kurbada sa highway sa madulas at basang bahagi nito kung kayat hindi na nakayang umiwas sa kasalubong na jeep na minamaneho naman ng isang nagngangalang Marblend Regana.

Sa lakas ng pagkabundol nahati sa gitnq ang Honda click ng biktima samantalang natanggal naman ang unahang bahagi ng pampasaherong jeep.

Nakatakdang kasuhan ng reckless imprudence resulting to homicide si Regana.

P136K na halaga ng shabu, naharang ng Cavite PNP

0

Dasmariñas City, Cavite. Arestado ang labindalawang drug suspects sa ilalim ng drug buy-bust operations na ikinasa ng pinagsanib na pwersa ng Cavite Provincial Drug Enforcement Unit at ng Dasmariñas City Police Station kamakalawa sa Mango Ville Brgy.Salitran 4, lungos na ito.

Kinilala ang 12 drug suspects na sina Dominic Donar, Roel Sardido, Marce Sipat, Jonathan Calyusin, John Cardel Loyola, Sherwin Concepcion, Edward Dionisio, John Paul De Guzman, Fredie Arevalo, Kevin Valenzuela, Donato Orcullo at  Dante Bobiar.

Nakumpiska sa mga suspek ang 13 pirasong sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng mahigit kumulang 20 gramo at may Dangerous Drug Board standard value na Php 136,000.00.

Ang mga suspek at mga ebidensya ay dinala sa Cavite Police Provincial Forensic Unit upang isailalim sa laboratory examinations.

“Ipagpapatuloy natin ang ating pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga para sa ating mga nasasakupan. Susugpuin ng pulisya ang mga maling gawaing ito bago nila sirain ang mas maraming buhay at maapektuhan ang iba pang mga inosenteng indibidwal,” ayon sa tagubilin ni Regional Director ng Police Regional Office 4A na si Police Brigadier General Antonio C. Yarra sa kanyang mga tauhan.

PDA San Pablo City, nagdaos ng F2F 72nd induction ceremony

Excited ang mga dentista sa San Pablo City sa kauna unahang face to face 72nd Induction Ceremony ng Philippine Dental Association San Pablo City Chapter pagkatapos ng mahigit na dalawang taong lockdown. Noong 2020 ay walang face to face Induction dahil sa mga hamon ng pandemic. 

Ngayong ang diamond anniversary Philippine Dental Association kaya extra special na okasyon ang ginanap.

Nagtipon ang mga dentista sa Auravel Grande Resort noong June 28, 2022 sa gabi ng masaya at inspiring na induction ceremony. 

Nagkaroon ng 1st quarterly scientific seminar ganap alas dos ng tanghali na may topic na “5 Key Success Factors in Oral Surgery” ni Dr. Gary Brillo, Past President of Philippine College of Oral and Maxillofacial Surgery.

Sinundan ito ng lecture ni Dr. Mariusse Chars Esquillo tungkol sa “Controversial Queries in Oral Surgery.”

Tinalakay naman ni Immediate Past President Dr. Angelo Militante ang “ What’s in it for Me. A lecture in PDA Membership.” Karagdagang impormasyon ito lalo na sa mga bagong members tungkol sa mga benepisyo ng pagiging active member PDA. 

Sinimulan ni Dr. Yoyong Recto bilang Host ang Induction Proper bandang alas sais ng gabi na nagtatampok sa tradisyunal na processional ng mga bagong  Executive Officers, Council of Past President at PDA Dignitaries. 

Isang mainit na welcome address ang  ipinaabot ni VP Dr. Darryl Avanzado. Nagpahayag siya ng kagalakan sa ginanap na face to face induction dahil dalawang taon nga naman na virtual lamang ang mga nagdaang Induction.

Nagbahagi naman si PDA Sandigan President Dr. Cheryl ng mahahalagang mga proyekto lalo na ang oral health awareness, PDA membership at fight against illegal practice. Ikigalak din nya ang reclaiming the accreditation as an (AIPO) Accredited Integrated Professional Organization sa loob ng termino ni of PDA Immediate Past President Dr. Angelo Militante, kung saan ang PDA lamang ang may karapatan na mag-represent, mag-participate at mag-deliberate sa lahat ng issues sa government agencies at PRC hinggil sa oral health ng mga Pilipino at dental profession. Ito ay alinsunod sa R.A 9484 Article IV sec. 30 on the integration of dentists, dental technologists and dental hygienists as one national organization. 

Nagkaroon din ng formal turn over sina Dr. Jamie Ricaforte ,PDA SPCC Immediate Past President at President Dr. Von Magampon. Pagkatapos ng audio visual presentation kung saan pinakita ni Dr. Jamie ang mga accomplishments ng chapter sa gitna ng pandemic, itinampok dito ang collaboration project ng Rotary. 

Inihayag ng inyong lingkod bilang PDA SPCC Comelec Chair ang mga bagong officer ng Sandigan Officers para sa adminisrative year 2022-2023 at sila ang mga sumusunod:

President, Dr. Von Magampon; Vice President, Dr. Darryl Avanzado; President-Elect/Auditor, Dr. Elinor Arrojo ; Secretary, Dr. Mark Muer-Samiano; Asst. Secretary, Dr. Graciela Apostol 

Treasurer, Dr. Beatriz Bati; Asst. Treasurer, Dr. Rita Chumacera; Protocol Officer, Dr. Wendy Isleta, P.R.O, Dr. Annie Bagon. Board of Trustees: Dr. Jeffrey Sumague – Chairman, Dr. Wendy Isleta, Dr. Alexis Arrojo, Dr. Totoy See, Dr. Gracia Avanzado, Dr. Yoyong RectO, Dr. Jamie Ricaforte- Ex Officio. New Members, Dr. Jamaia Bernardine Reyes- Adriano, Dr. Jasfer Jay Boncajes, Dr. John Carlo Calabon, Dr. Moizelle Angelie de Lara, Dr. Irma Magsino, Dr. Lea Camille Rondina, Dr. Geriko Blayne Tuazon.

“Bonding, sharing of knowledge at members activation,” ayon ay President Von sa pabanggit sa isa sa kanyang mga mission sa kanyang termino kabilang ang mga community programs ang oral health awareness, online man o face to face at fight against DIY braces at Illegal Practice of Dentistry. 

Pagkatapos ng nakakaaliw na performance ng ilang members ng chapter sa isang surprise dance number na ikinagulat at ikinatuwan ng mga bisita, isinara ni Dr. Totoy See a ng programa. PInasalamatan niya ang mga sponsors at traders na ptuloy na sumusuporta sa PDA San Pablo City Chapter.

Si Dr. Totoy ay ang  kasalukuyang PDA House of Delegates Speaker. 

Panoorin ang mga naging highlights ng 72nd Induction Ceremony sa vlog na ito.

CAVITEX C5 Link Flyover Extension to open on July 16

0

Cavitex Infrastructure Corporation (CIC), a subsidiary of Metro Pacific Tollways Corporation, the toll road development arm of Metro Pacific Investments Corp., along with joint-venture partner, Philippine Reclamation Authority (PRA), announced that they are working closely with their grantor Toll Regulatory Board to open its CAVITEX C5 Link Flyover Extension (Segment 3A2: Merville to E. Rodriguez) in the next two weeks.  

The flyover extension will further extend CAVITEX C5 Link’s 2.2 km operational segment that spans from Merville to Taguig (vice versa) with an additional 1.6km, providing motorists more convenient access to and from Taguig, Pasay, and Paranaque, helping decongest the local roads.  

Once opened, the Merville Entry/Exit ramps will be relocated to the new segment, in front of Shell C5 Southlink. Simultaneously, a service tunnel road will also be opened to the public to manage the traffic of motorists coming from West Service Road going to Merville, Pasay, and Paranaque.  

CIC is on their last leg of works for this segment, installing traffic signages to help guide motorists on the new traffic flow in the area upon opening. In the pipeline, traffic signalization in the area will be installed for better traffic management.  

Meanwhile, construction for CAVITEX C5 Link Segment 2 (CAVITEX to Sucat Interchange) continues in full swing reaching more than 30% completion.  

“The CAVITEX C5 Link will span a total of 7.7km and connect to CAVITEX in 2023. This will help reduce travel time by thirty to forty-five minutes for motorists traveling from CAVITEX to Makati, Taguig, and Pasay (vice versa). This project also helps decongest major thoroughfares such as EDSA, MIA Road, etc. benefitting around 50,000 motorists daily,“ said CIC President and General Manager, Mr. Raul L. Ignacio.  

In preparation for its opening, CIC also intensifies its campaign to encourage motorists to avail of Easytrip RFID and use it for more seamless travel.  

We continue to offer free RFID installation and reloading at our customer service stations in CAVITEX and CAVITEX C5 Link. They may also conveniently reload and monitor our expressways’ traffic conditions by using our latest app, MPT DriveHub. With the help of the app and by using their RFIDs, they would be able to avoid long queues at the cash lane and have a more seamless travel in our expressways” added Ignacio. 

Aside from the CAVITEX and CAVITEX C5 Link, the MPTC’s tollways portfolio includes the concessions for the Cavite-Laguna Expressway (CALAX), North Luzon Expressway (NLEX), the Subic-Clark Tarlac Expressway (SCTEX), the NLEX Connector Road, and the Cebu-Cordova Link Expressway (CCLEX) in Cebu.