Sunday, May 24, 2026


Your Daily News Update About CALABARZON and Beyond.
ISSN 2799-1911

Home Blog Page 679

Mag asawang NPA, sumuko sa PNP Calabarzon

Los Baños, Laguna. Sumuko ang mag asawang miyembro ng Communist Terrorist Group sa ilalim ng Komiteng Rehiyon- Timog Katagalugan o Southern Tagalog Regional Party Committee (STRPC) sa Regional Mobile Force Battalion 4A sa pangunguna ni Col Ledon Monte, Force Commander, sa Camp Heneral Macario Sakay, bayang ito.

Kinilala ni Monte ang mga rebelde na sina “Ka Abe/AB/Boylit”, isang squad leader ng platun 1 Sentro de Grabidad (SDG) at platoon leader, Guerilla Front Narciso ng Sub-Regional Military Area (SRMA) 4A at “Ka Mila/Nina,” S4, Platun 1 Sentro de Grabidad SDG at P4, Platun Larangan Yunit Gerilya, Guerilla Front Narciso, SRMA4A, Southern Tagalog Regional Party Committee na tumatakbo sa mga lalawigan ng Bulacan, Rizal, Laguna at Northern Quezon. Ibinunyag ng dalawa na party couple sila. Nakuha nila ang 2 maikling baril, 1 hand grenade at mga subersibong dokumento.

Kusang-loob na iniharap ng mag-asawa ang kanilang mga sarili kay Monte at kay Kapitan Karl Axcel Sta Clara ng RMFB4A at ipinahayag ang kanilang intensyon na tumalikod na sa communist terrorist group (CTG) at bumalik sa kanlungan ng batas. 

Ang mga sumuko ay nakatanggap ng paunang tulong at nasa proseso na ng dokumentasyon para sa kanilang pagpapatala sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP upang mapakinabangan ang mga insentibo ng gobyerno at matulungan silang magsimulang muli.

“Ang ating pagsisikap ay nagbubunga ng tagumpay, patuloy tayong magbigay ng pag-asa at iligtas ang ating mga apektadong kapwa Pilipino na nalinlang ng mga Communist Terrorist Groups. Napansin namin na noong mga nakaraang araw ay mas maraming rebelde ang nagpasya ng sumuko dahil sa pagtaas ng kamalayan ng mga programa ng gobyerno para sa mga rebel returnees” ayo kay Regional Director, PRO 4A Brig Gen Antonio Yarra.

PBBM: Isasali ang ang mga tricycle driver, operator sa fuel subsidy

Ipagpapatuloy ng gobyerno ang pagbibigay ng fuel subsidy para sa sektor ng transportasyon ngunit palalawakin ang programa para masakop ang mga tricycle driver at operator, ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sinabi ni Pangulong Marcos sa mga mamamahayag sa isang press briefing sa Malacañang na kabilang sa mga isyu na tinalakay sa unang pulong ng Gabinete ay ang pamamahala at pagkukunan ng pondo para sa karagdagang fule subsidy para sa nabanggit na sektor.

“We have enough budget I think to last for most of this — for this year and a little bit beyond. But we still have to find that money if we’re going to continue,” ayon sa kanya.

Magpapatuloy din ang Libreng Sakay program ng gobyerno ngunit para lamang sa mga mag-aaral sa kanilang pagbabalik sa paaralan ngayong Setyembre, ayon sa Pangulo.

“We’ll phase out dahil hindi namin kayang ipagpatuloy iyon. Pero libre ang sasakay ng mga estudyante sa LRT 2, na papunta sa university belt,” he noted.

Sa pakikipag-usap tungkol sa kanyang direktiba sa mga miyembro ng kanyang Gabinete, sinabi ni Pangulong Marcos na ang nais niya ay isang streamlined bureaucracy at mabilis na resulta.

“I give you a relatively free hand in deciding who you want to hire and how you want to change the structure of your department, if indeed that’s what you want to do. But do it soon because we have work to do and we have to get to work immediately,” ayon sa kanya. (PND)

Ginawaran ng QUILTS Award ng USAID ang Laguna

Sta. Cruz, Laguna. Tinanggap ni Gob. Ramil Hernandez at ng Laguna Medical Center-HIV and AIDS Core Team (LMC-HACT) ang QUILTS Award o Quality Uptake and Improvements in Lifesaving Treatment Services na iginawad kamakailan ng United States Agency for International Development (USAID).

Ipinagkaloob ang parangal bilang pagkilala sa LMC na kauna-unahang HIV Treatment Hub sa Region 3, NCR at CALABARZON. Kinilala din ang LMC bilang isang Certified rHIVda Confirmatory Laboratory.

Ang LMC ay may kakayahang gumawa ng Rapid HIV Confirmatory testing. Hindi na kakailanganing ipadala sa ibang ospital ang blood sample sapagkat nagagawa ito sa LMC at tatanggap din ito ng mga referral mula sa ibang pagamutan. 

Binigyang halaga din ng nabanggit na award ang pagsunod ng LMC sa Department of Health- Administrative Order No. 2019-0001 o Guidelines on the Implementation of Rapid HIV Diagnostic Algorithm (rHIVda) upang maisakatuparan ang pasilidad.

Magpapatuloy ang LMC-HACT sa pamumuno ni LMC Chief Dr. Judy Rondilla at HACT Head Dr. Catherine Ortiz upang patuloy na maihatid ang Serbisyong Tama para sa programang pangkalusugan sa lalawigan.

Ama patay; anak sugatan sa pamamaril sa Quezon

0

Candelaria, Quezon. Pinagbabaril ang napatay ang isang 34 anyos na padre de pamilya sa harapan ng kanyang bahay sa Brgy. Pahina, bayang ito 

 Kinilala ni  PLt.Col. Tyron Valenzona, hepe ng Candelaria Municipal Police Station ang biktima na si Abril Buenavista, may- asawa at residente ng nabanggit na bayan.

Sugatan ang 10 anyos na anak ng biktima matapos tamaan ito ng ligaw na bala sa kaliwang binti at braso

Ayon sa paunang imbestigasyon, bandang alas otso noong Lunes ng gabi, tatlong armadong kalalakihan ang nagpunta sa bahay ni Buenavista at marahang tinawag nito ang palayaw ng biktima na “Boy.” Lumabas ng bakuran ang biktima at nakipag-usap sa mga nagpatao po. Narinig diumano ng ilang kapitbahay na sinabi ng biktima na sa ibang lugar na lang sila mag- usap ngunit bigla na lamang silang nakarinig ng sunod- sunod na putok at kasunod nito ay bumulagta na sa kalsada ang biktima.

Tumakas ang mga suspek sakay ng walang plate number na motor.

Isinugod sa pinakamalapit na.ospital si Buenavista subalit idineklara itong dead on arrival ng mga doktor. 

Samantala, nilalapatan naman ng kaukulang lunas ang anak ng biktima at ayon sa report ay ligtas na ito.. 

Kasalukuyang iniimbestigahan ng pulisya ang pagkikilanla sa mga suspek at inaalam din ang motibo ng pagpatay.

PBBM: Tinitingnan ng DepEd ang full F2F classes sa Nobyembre

Plano ni Vice President at Education chief Sara Duterte na ipatupad ang buong face-to-face classes sa Nobyembre, ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kahapon.

Sa isang press briefing, sinabi niyang inihayag ni Duterte ang kanyang plano sa kanilang unang executive meeting.

Gayunpaman, sinabi ni Marcos na hihikayatin nila ang booster vaccination, lalo na sa mga kabataan, upang labanan ang tumataas na banta ng hindi gaanong nakakapinsala, ngunit mas nakakahawa na mga variant ng Omicron.

Binigyan ng green light kahapon ng Department of Health (DOH) ang mga booster shot para sa edad na 12 hanggang 17 taong gulang.

Samantala, tiniyak ni dating Education secretary Leonor Briones na hindi gagawing mandatory ang pagbabakuna laban sa Covid-19 para sa mga mag-aaral sa buong bansa.

Nilinaw din ni Briones na para maging kwalipikado ang mga paaralan para sa face-to-face classes, dapat silang sumunod sa mga hakbang ng DOH.

Kabilang dito ang parental consent, DOH health assessment, at ang go-signal mula sa local government unit.

Sa kalagitnaan ng Hunyo, humigit-kumulang 38,000 mga paaralan sa buong bansa ang nominado para sa harapang klase. (PNA)

Bilis ng pagtaas ng bilihin o inflation rate, bakit hindi kailangang ipagkaila?

Patuloy ang pag-aray ng mga mamimili sa presyo ng mga pangunahing bilihin. Humahataw din kahit hindi pangunahin ang isang sabon – papayang natural daw – at malamang na ang itinuturong dahilan ay ang pagtaas din ng halaga ng papaya. Ang tanong: Makatwiran bang ipagkaila pa natin at sabihing wala sa 6.1 percent ang inflation rate nitong Hunyo? 

Matagal din akong nakikisuyo sa statisticians ng pamahalaan bilang business reporter hanggang maging editor. Nakikisuyo dahil natural sa amin sa business beat ang follow-up sa mga istorya at sila ang masusing nagtataya ng mga numero, nagpapaalam sa publiko ng data, at nagbibigay din ng paliwanag sa mga mahahalagang impormasyong sila mismo ang nagpapakawala. Saludo ako sa mga nakasalamuha kong kawani ng pamahalaan (mula ministries na kinalauna’y departments, pati authorities). Kaya nang malaman kong ang Philippine Statistics Authority (PSA) ay nag-ulat ng 6.1 percent, ipinagpapalagay ko na itong tumpak na pagtaya sa pagtaas ng mga bilihin.

Pero heto ang sumunod na balita: Ang kauupong Pangulo’y nagwika, “6.1? I think I will have to disagree with that number. We are not that high.”

Sa komento diyan, sinabi ni National Statistician and PSA chief Claire Dennis Mapa, “The (PSA) stands by its report.”

Boom!

Habang pinag-uusapan ng masinsinan kung kalian magbu-boom sa iba’t ibang panig ng mundo ang ekonomiya, heto tayo sa tsismisan. Pero sandali, hindi tsismis ang pahayag ng hepe ng PSA. Meron itong siyentipikong proseso at pag-aanalisa mula sa mga tauhan nila. Ang pangangalap ng data ng PSA, National Economic and Development Authority (NEDA), Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), tatlong tanggapang matitino sa paghahayag ng data sa aking kapanahunan (maging sa iba pang ahensya na pinako-cover sa akin ng Top 3 broadsheets sa magkakahiwalay na panahon) ay dapat may kaukulang pagpapahalaga sa pamahalaan at pribadong sektor. Sinasabi kong matitino sila dahil kung may pinalilinaw kaming mga kagawad ng tri-media, natutugunan naman nila. Kung pangit ang impormasyon, wala naman kaming magagawa; sumasalamin lang naman ang aming mga ulat sa kung ano ang meron sa lipunan.

Maling anggulo ang tinututukan? Hindi rin. Sa dami namin, at nariyan din ang mga tagapag pahayag mula mismo sa PTV, PNA, OPS/PIA, pati communication and press secretaries ng pamahalaan, matalinong pasya sa mga mambabasa, tagapakinig, at mga tagapagsaliksik ang pagkalap ng totality ng lahat ng mga report, kaya tapos ang problema sa anggulo. Ang salamin bang hawak ng media ay dapat pang pakaisiping kakaiba? Huwag palabuin, malinaw ang bawat salamin. Kami pa ba sa tri-media noon ang magnanais ng malabong salamin (magbasa muli: salamin ng lipunan)?

Palpak ang unang Cabinet meeting kamakailan? Hindi. Sa katunayan, maraming positibo, mahusay, at madiskarteng panimula ng mga usapin. Pero kung bakit kailangang ang maayos na pag-uulat ng 6.1 percent na inflation rate ng PSA ay sasalungatin mismo sa Malacañang, wala akong nakikitang magandang dahilan. Makikita sa mga video na ilang hakbang lang ang layo ng bagong press secretary pero iyon ang narinig ng madla mula sa mikropono ng kanyang boss. Sa pananaw ko, mahalagang tanawin na malaking utang na loob na meron tayong civil servants  sa ilalim ng Civil Service Commission (CSC) dahil padalang ng padalang ang servants natin mula sa elected positions. Marami sa CSC servants, kakaiba ang kasanayan, pinanday ng mga karanasan sa loob at labas ng bansa. Tapos sa ganoon tayo magsisimula? Baliktad. Tanggapin natin ang mga ulat pang-ekonomiya mismo ng mga ahensya ng pamahalaan, tanggapin din ang constructive criticisms mula rito, at subukang pagandahin ang sitwasyon.

Kung pangit ang palitan ng impormasyong pinalalabas sa publiko mismo ng mga nasa pamahalaan, tayo pa ba sa publiko ang aayos ng gusot nila? Nagsasabon tayo. Sila rin naman, diba? Kailangan nating tutukan ang 6.1 percent dahil hindi sinasabon ang inflation rate.

Trio comparable to prehistoric dinosaur

In this contemporary world, in a city where I live which I consider my Shangri-la not only due to its inherent natural beauty but because there are people who care so much about its welfare and the well-being of its inhabitants. For decades, the city has been run and ruled by one family that has obviously earned the love and respect of the majority of people in the community as shown by the number of votes they get every election season. Those who attempted to take the seat of local power thru elections failed so, equipped with schemes to get what they want they paved a way to earn the trust and confidence of the power that be. 

Just lately, I heard that a triumvirate in the local political circle are “all out” to discredit those who are close to the returning head of the city. They are allegedly concocting malicious stories to destroy the credibility of those who are slated for promotion.  What they do not realize is the fact that they are being secretly watched by the local media.  These trio can easily be identified because most of the time, they “grab all the opportunities, shift all the blame and take all the credits.” Now I understand why our Seven Lakes Press Corps President Sandy Belarmino posted in his FB wall “Daig ng sipsip ang masipag.”

Well, as the saying goes, there are so many ways to skin a cat. The best way is to “burn” them – not in the literal sense of the word but figuratively. How do we do it? First, let the returning local chief executive know what these three are up to by writing about them.  One is a floating head of a department who is due to retire from service this year.  According to my very reliable source, he is a certified ‘balimbing’ – a turncoat who openly campaigned in the past against the returning head but is now trying to be as close as possible to the latter. The nerve!

The other one is an incumbent elected local official whom I am leaving to you to identify.  The last one on the list is a total stranger to me but the local media practitioners describe him as the “most corrupt”.  He is always looking allegedly at the pocket of the chief executive for his own benefit, sometimes using the other two as his stooges. 

These seemingly powerful trio remind me of the prehistoric dinosaurs – the Tyrannosaurus Rex (T. rex), a huge carnivore that primarily ate herbivorous dinosaurs, meaning they fed on the flesh of their kind. It’s analogous to incest – a crime supposedly punishable by death. Sad to say, our present society seem to condone these kinds of social structure by abolishing death penalty – the reason why corruption and crimes remain unabated. But this could be the subject of another story.

Before this article is finally published, the returning local chief executive will already be occupying his seat at the City Capitol and I can only wish him good luck.  I hope and pray that the Universe will give him strength, courage and political will to do the best thing he could for the benefit of the city and its inhabitants.

Huwag ninyong iyakan, sa halip ay kagalakan

0

Ilang mga kaibigan mula sa Lokal na Pamahalaan ng San Pablo ang ‘nagkanda-iyak’ sa aking harapan dahil sa hindi ko pagpasok sa pamahalaan. Ikako’y bakit iiyakan gayong ako mismong may katawan ay lubos na kagalakan ang nararamdaman?

Anila’y ako raw ang nanguna sa pananawagan kay Vicente Belen Amante upang lumahok sa eleksyon at maging alkaldeng muli. Matagal na raw nasubok ang pagiging loyalista sa mga Amante at sa lokal na pamahalaan ng San Pablo. Matulungin at maaasahan daw lalo sa mga oras ng sobrang kagipitan. May kakayahan at katapatan daw kung sakaling mapapasok sa pamahalaan at marami pang pagpupuri upang ikataba ng aking puso.

Hindi kayang tumbasan ng pera’t ginto ang narinig na mga salita. Nakakaantig ng damdamin. Sino ako upang makatanggap ng ganitong paghanga mula sa kapwa San Pableño? Isang lokal na mamamahayag at wala naman sa plantilya ng pamahalaan subalit ang dapat matanggap na papuri ng mga taga pamahalaan ay sa akin binabanggit?

Hindi pwedeng ipagyabang ang kinusang pagpapakabayani para sa ikagagaling ng gobyerno. Hindi bawal ang maging volunteer lalo’t walang sariling kapakinabangang hinahangad. Nagkataong masugid na tagasuporta ng Administrasyong Amante na sa tuwing matatapos ang halalan ay nagkukusang lumayo sa tabi ng mga nanalong kandidato.

Napapaluha rin ang may-akda. Hindi dahil sa awa sa sarili man din ay dahil sa kagalakan. Minsan pang napatunayan sa sarili na mas masaya sa pribadong sektor kaysa mapapasok at magtrabaho sa pamahalaan.

Wika nga ni Matshona Dhliwayo, “you are compensated by what you take, but only truly rewarded by what you give.”

Ex-vice gov ng Batangas, inaresto ng PNP-ACG

Inaresto ng Philippine National Police-Anti Cybercrime Group (PNP-ACG) ang isang dating bise gobernador ng lalawigan ng Batangas sa kasong violence against women and children (VAWC) at illegal possession of firearms.

Sa isang pahayag noong Lunes ng gabi, sinabi ni ACG officer-in-charge, Brig. Gen. Bowen Joey Masauding na si Ricky Recto ay inaresto noong Hulyo 3 ng mga miyembro ng ACG sa pagpapatupad ng warrant to search, seize, and examine computer data (WSSECD) hinggil sa reklamong pag-atake na inihain ng dating kasintahan ng suspek.

Batay sa ulat, kinuha sa bahay ni Recto ang ilang digital device gaya ng mobile phone, laptop, at desktop computer.

Nakita rin ng arresting team ang limang hindi rehistradong baril na 12-gauge shotgun at apat na pistol na dalawang 9mm, isang .25 caliber at isang .40 caliber.

Mahaharap din ang suspek sa panibagong kasong assault matapos na sinadya nitong salakayin ang isa sa mga miyembro ng operating team, ayon kay Masauding.

Walang ibinigay na eksaktong lokasyon kung saan inarseto, maliban na lamang sa lugar ng Eastern Police District (EPD) na nakakasakop sa mga lungsod ng Marikina, Mandaluyong, Pasig, at San Juan.

Dinala ang suspek sa ACG headquarters sa Camp Crame para sa booking at safekeeping habang nakabinbin ang pagsasagawa ng inquest proceedings. (PNA)

Dinukot na Malaysian national, na-rescue ng PNP

0

Tagaytay City, Cavite. Nailigtas ng PNP anti- kidnapping group at ng mga tauhan ng Pasay City Police Station (CPS) sa lungsod na ito ang isang dinukot na Malaysian national.

Kinilala ni PLt.Col. Norman Ranon, chief ng Pasay CPS, ang biktima na si Cheong Hock Nian, isang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) employee.

Batay sa paunang imbestigasyon, ang nabanggit na Malaysian national ay kinidnap ng apat na kalalakihan kabilang ang tatlong chinese at isang Pinoy sa isang casino sa Pasay City noong Linggo ng madaling araw.

Nakatanggap na tawag ng pulisya hinggil sa naganap na pagdukot at agad itong nagsagawa ng beripikasyon ukol sa report.

Noong dumating ang mga awtoridad sa Brgy. Sungay East sa Tagaytay, nakita nila ang biktima na nakakulong sa palikuran at nakagapos ang mga kamay.

Dinala sa ospital ang biktima upang sumailalim sa medical check-up.

Kasalukuyang iniimbestigahan na ang tatlong sangkot sa pagdukot na kinilalang sina Zhu Pan at Li Yu Kon, kapwa Chinese nationals at isang hindi pa napapangalanan.

Ayon pa rin sa imbestigasyon, dinala ng mga suspect ang Malaysian sa isang apartment sa  Sola Villas Garden sa Tagaytay City kung saan ipinosas ng mga ito ang ang biktima at ikunulong sa comfort room.

Tumawag pa ang mga kidnaper sa opisina ng Malaysian at humingi ng P500,000 pesos bilang ransom money, ayon kay Ranon.

Na-rescue nila ang biktima ng mabuksan niya ang bintana ng C.R. at nakahingi ng tulong sa isang pedestrian.