Sunday, May 24, 2026


Your Daily News Update About CALABARZON and Beyond.
ISSN 2799-1911

Home Blog Page 682

Mag-live-in partner, pinatay sa pananaga sa Batangas; binatilyong anak, sugatan

0

Laurel, Batangas. Patay ang mag-live-in partner sa bayang ito matapos silang pagtatagain ng isang lalaki na sumugod sa kanilang bahay. 

Kinilala PMajor Edgar Sumadsad, hepe ng LAurel Municipal Police Station ang mga biktima na sina Jovencio Magsino, 71-anyos, at ang kinakasama niyang si Rodela Cajila, 39-anyos, pawang mgang Barangay Molinete ng nabanggit na bayan.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, sinabing sumugod ang suspek sa bahay ng mga biktima at pinagtataga sila.

Kaagad na nasawi si Magsino samantalang naisugod pa sa ospital si Cajila ngunit binawian din ng buhay habang ginagamot.

Naaresto naman ang suspek at narekober ang bolo na hinihinalang ginamit niya sa krimen. Hindi siya nagbigay ng pahayag.

Ayon Sumadsad, patuloy pa ang imbestigasyon upang alamin ang motibo ng pagpatay.

Kaugnay nito, sugatan din 15 anyos na anak ni Cajila na 15-anyos, at nagpapagaling na ngayon.

Marcos, humingi ng banal na patnubay sa paglilingkod bilang ika-17 pangulo ng PH

Dumalo sa isang Banal na Misa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kanina upang humingi ng banal na patnubay ngayong maglilingkod na siya bilang ika-17 pangulo ng Pilipinas.

Ang misa ay pinangunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa San Miguel Parish Church sa loob ng compound ng Malacañang, ayon sa Office of the President (OP) sa isang press statement.

Dumalo rin sa nabanggit na Holy Mass sina Vice President Sara Z. Duterte, Executive Secretary Vic Rodriguez, Special Assistant to the President Anton Lagdameo, Presidential Management Staff Chief Naida Angping, National Economic and Development Authority Director-General Arsenio Balisacan, at Solicitor General Menardo Guevarra.

Nagsimba din din a Secretary Erwin Tulfo (Social Welfare), Jesus Crispin Remulla (Justice), Benjamin “Benhur” Abalos Jr. (Local Governament), Christina Frasco (Tourism), Susan Ople (Migrant Workers), Bienvenido Laguesma (Labor), Jaime Bautista (Transportation ), at Conrado Estrella III (Agrarian Reform.

“Wanting to seek Divine Guidance, President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. attended a Mass on Friday morning before going to the Malacañang Palace to officially start his first day in office as the 17th President of the Republic of the Philippines,” ayon sa statement ng Palasyo. (PNA)

NTF ELCAC sa NUJP: Ang pamamahayag ay dapat nasa serbisyo ng katotohanan

Ang misyon ng pamamahayag ay ang laging maghanap ng katotohanan at iulat ito, ng walang anumang pagkiling, ayon sa paalala ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF ELCAC) sa National Union of Journalists of the Philippines (NUJP).

“Journalism must always remain in the service of the truth, it should not be subservient to the vested interests of any person or group. Otherwise, it is not journalism in the truest sense of the word. It is already engaging in the realm of propaganda,” ayon kay NTF-ELCAC spokesperson for Legal Affairs Flosemer Chris Gonzales sa kanyang statement noong Miyerkules.

Sinabi ng NTF ELCAC na muling inaakusahan ng NUJP ang gobyerno ng harassment, paghihigpit sa kalayaan sa pamamahayag at pagpapatahimik sa pamamahayag.

Noong Miyerkules, sinabi ng NUJP na naninindigan ito laban sa lahat ng pagtatangka na patahimikin umano ang mga mamamahayag.

Sinabi rin ng NUJP na dumating ang shutdown order kasunod ng utos ng National Telecommunications Commissions sa mga internet service provider na harangan ang mga news organization na Bulatlat at Pinoy Weekly, at i-regulate ang blocktime broadcasting arrangements.

Sinabi ni Gonzales na ang pahayag ng NUJP ay isang di-pagkakasundo na tugon sa mga isyung ibinangon nito.

Aniya, may valid legal grounds ang SEC para isara ang Rappler.

Sa isang utos na may petsang Hunyo 28, pinagtibay ng SEC ang naunang desisyon nito na bawiin ang certificates of incorporation ng Rappler Inc. at Rappler Holding Corporation dahil sa “paglabag sa constitutional at statutory restrictions sa dayuhang pagmamay-ari sa mass media.”

“In this country of laws, no one is above the law. No one. Definitely not Rappler,” ayon kay Gonzales.

Marcos Jr. nanumpa na bilang ika-17 pangulo ng Pilipinas

Nagsimula na ang termino ni Ferdinand Marcos Jr. bilang susunod na pangulo ng Pilipinas matapos ang inagurasyon sa National Museum of Fine Arts sa Maynila kanin ang tanghali.

Inihudyat ang anim na taong panunungkulan ni “Bongbong,” matapos i-administer ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo ang kanyang panunumpa sa tungkulin sa makasaysayang gusali.

“You will not be disappointed, so do not be afraid,” ayon kay Bongbong sa harap ng kanyang mga taga suporta.

Si Bongbong ang ikalawang Marcos na nanumpa bilang pangulo ng Republika ng Pilipinas matapos ang kanyang amang si Ferdinand Marcos Sr.

Samantala, inilipat ang kilos-protesta ng mga militanteng grupo gaya ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) sa Plaza Miranda mula sa orihinal na venue sa Liwasang Bonifacio. (Larawang video grab mula sa Facebook page ng PNA)

Secretary ng barangay timbog sa isang drug buy-bust operations

0

Calauan, Laguna. Arestado ang isang barangay secretary ng San Pablo City matapos mahulog sa isang drug buy-bust operations na ikinasa ng Drug Enforcement Team ng Calauan Municipal Police Station sa Brgy. Mabacan sa nabanggit na bayan kahapon.

Ayon sa Laguna Police Acting Provincial Director, Police Colonel Cecilio R. Ison Jr. kay CALABARZON Regional Director, Police Brigadier General Antonio C. Yarra, kinilala ang nadakip na si Rosalinda Resurreccion y Berdos, babae, 52 anyos, at barangay secretary ng Brgy. VI-A, San Pablo City.

Nakumpiska kay Berdos ang tatlong (3) piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na hinihinalang shabu na tinatayang may timbang na 0.23 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng Php1,500.00.

Ang naarestong suspek ay nakatakdang humarap sa kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002, at ang mga nakuhang ebidensya ay isusumite sa Crime Laboratory Office para sa forensic examination.

Pulis na napatay sa sagupaan laban sa mga kidnappers ginawaran ng PNP medal of heroism

0

Kinilala ng Philippine National Police (PNP) ang kagitingan ng isang baguhang pulis na namatay sa armadong engkwentro laban sa mga kidnapper sa isang operasyon kamakailan sa lalawigan ng Rizal.

Iginawad ni PNP officer-in-charge, Lt. Gen. Vicente Danao Jr., ang Medalya ng Kadakilaan (PNP Heroism Medal) kay Pat. Joshua Linggayo, sa pagbisita sa kanyang burol noong Martes.

Dinala sa ospital si Linggayo, miyembro ng PNP Anti-Kidnapping Group (AKG), matapos magtamo ng mga tama ng baril habang sinasagip ang kidnao victims sa Rizal noong Hunyo 15. Siya ay na-admit sa Intensive Care Unit ng isang ospital at namatay noong Hunyo 27.

“I have this clear mandate to our Anti-Kidnapping Group to sustain our active intelligence gathering and operation against these criminal-minded individuals to suppress any attempt to launch illegal activities. Patrolman Linggayo’s sacrifice will not go in vain,” ayon kay Danao. Tiniyak din ni Danao na mabibigyan ng kaukulang tulong at benepisyo ang pamilya ni Linggayo.

Vic Amante, nanumpa sa tungkulin bilang ika-12 halal na mayor ng San Pablo City

San Pablo City, Laguna. Umupo si Mayor Vicente B. Amante bilang ika-12 halal na alkade ng lungsod na ito matapos manumpa sa tungkulin sa makasaysayang Old Capitol Building kaninang umaga.

Si Amante ay nanumpa sa harap ng Presiding Judge ng RTC Branch 32 na si Judge Ronaldo Tugonon, at minarkahan ang kanyang pagbabalik sa kapangyarihan matapos ang siyam na taong administrasyon ng kanyang anak na si dating mayor Loreto ‘Amben’ Amante na ngayon ay Congressman na ng Laguna 3rd Distrcit. 

Kabilang sa mga panauhing na dumalo sa inagurasyon ay ang mga miyembro ng pamilya Amante kabilang ang Unang Ginang Gem Castillo, at mga anak kabilang ang bagong city administrator na si Larry Amante. Dumalo rin ang matatalik na kaibigan na sina Dr. Nora A. Torres ng Yazaki Torres at Sara Manilay, presidente ng Golden State Little College San Pablo.

Dumalo rin sa event ang running mate ni Amante na si Vice Mayor Justin Colago at mga halal na konsehal sa pangunguna ni City Councilor Carmela Acebedo.

Bago ang kanyang inagurasyon, inilipat muna ni Congressman Amben Amante ang kapangyarihan sa kanyang ama sa simbolikong pagpapasa ng watawat ng San Pablo City.

Nauna dito ay isang misa ang inialay ni Msgr. Jerry V. Bitoon.

“Makakaasa po ang mga mahal kong kababayan na gagawin ko ang lahat upang mapaglingkuran kayo. Ipagpapatuloy at pag iibayuhin po natin ang Serbisyong Amante,” ayon sa mensahe ng muling umupong alkalde.

Kabilang sa mga programang binanggit ni Amante na bibigyan ng prayoridad ang food security, health at public welfare services.

Si Amante ay nahalal na mayor ng nabanggit na lungsod noong 1992 hanggang 20021 at 2004 hanggang 2013.

Ang simbolikong paglilipat ng kapangyarihan bilang alkalde ng San Pablo City. Photo credits: Dash Barleta

Buwan ng Setyembre idiniklarang Bamboo Month

0

Kinilala ni Duterte ang “pangangailangan sa pag uugit ng kahalagahan ng halamang kawayan at mga produkto nito sa pambansang kamalayan ng mamamayang Pilipino.”

Ipagdiriwang ang Setyembre ng bawat taon bilang “Philippine Bamboo Month” batay sa Proclamation No. 1401 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes.

“I, Rodrigo Roa Duterte, President of the Republic of the Philippines, by virtue of the powers vested in me by the Constitution and existing laws, do hereby declare the month of September of every year as Philippine Bamboo Month,” ayon sa proklamasyon na ipinalabas noong Martes.

Ang proklamasyon ay nag-uutos sa Philippine Bamboo Industry Development Council (PBIDC) na pamunuan at isulong ang pagdiriwang ng Philippine Bamboo Month at tukuyin ang mga programa, proyekto, at aktibidad para sa taunang pagdiriwang nito.

Lahat ng iba pang ahensya at instrumentalidad ng pambansang pamahalaan, kabilang ang mga korporasyong pag-aari o kontrolado ng pamahalaan at mga unibersidad at kolehiyo ng estado ay pinamumunuan at hinihikayat ang lahat ng mga yunit ng lokal na pamahalaan, mga kaugnay na non-government organization at mga grupo ng lipunang sibil, gayundin ang pribadong sektor na suportahan ang PBIDC.

Ang Executive Order No. 879 noong 2010 ay lumikha ng PBIDC upang isulong ang pagbuo ng produkto ng kawayan at pahusayin ang access sa merkado sa mga produktong kawayan, para sa layunin ng pagpapanatili at pagpapalakas ng industriya ng kawayan.

Ang Bamboo ay kinilala ng Department of Trade and Industry bilang isa sa mga tamang prayoridad na cluster ng industriya.

Ang mga bahagi ng halamang kawayan ay ginagamit hindi lamang para sa pagpapakain at pagtatayo ng mga simpleng imprastraktura, kundi pati na rin sa paggawa ng world-class na kasangkapan at mga handicraft. (PNA)

McDom Tree House Resort, bagong sea paradise sa South Luzon

Naniniwala ako na ang simoy ng hangin sa dagat o lawa sa madaling araw ay nakakagaling. Sabi nga ni Myrna, noong bata pa sya, kapag may may ubo siya ay ipinapasyal siya ng kanyang ina sa Sampaloc Lake upang makasagap ng sariwang hangin.

Ang dagat o lawa ay hindi lang pinagkukunan ng pagkain o ng kabuhayan mga mangingisda. Nakakatulong din ito sa ating mental health. Lalo na ngayon na tila nasa gitna pa rin tayo ng pandemic. Ang preskong hangin at mapayapang tanawin ng dagat o lawa ay kailangan natin upang ipahinga ang pagod na isipan at katawan.

Kinapanayam ko ang isang kaibigan na si Luke Macababbad at ang bayaw nyang si Dexter Villanueva sa kanilang McDom Tree house Resort sa Brgy. San Diego, Lian, Batangas. Ang pagpasyal sa kanilang resort at talagang nagbigay ng kasiyahan at kapayapaan sa kaluluwa namin ni Myrna. Muli kong na-appreciate ang mga likha ng Diyos. Nadama ko ang pagmamahal ng kalikasan na parang ako ay niyakap nito ng mahigpit. Napakasarap sa pakiramdam. Gumaling ang dalawang taon kong stress mula sa pandemic. 

Ang MacDom Tree House Resort ay dating tambakan ng ga-bundok na basura sa tabi ng dagat.  Binili nila ang lupa at ginawang isang maganda, malinis at enjoyable na family at kid friendly resort. Kahanga hanga ang ginawang transformation ng Luke. Nakapa-creative ng mga tree houses at cabanas na itinatag niya dito. Magaganda at kakaiba. Buong taon pala silang bukas para mag-enjoy sa glamping, Samgyupsal grill, kayaking, snorkeling, cliff diving, fish feeding, ATV, freediving courses at tours at maraming iba pang amenities.

Napakapresko ng simoy na mula sa dagat. Magagandang tanawin na pumupuno sa kaluluwa at sa puso. Hindi ka man masyadong mahilig sa nature ay mamamangha ka rin at mapupukaw ang iyong interes sa kalikasan.

Perfect getaway ang McDom Tree House Resort sa mabilis at kung minsan ay masalimuot na takbo ng buhay sa siyudad. Damang dama ko ang enerhiyang galing sa kalikasan na isang biyaya ng Diyos at nararapat ingatan. Nakapag-unwind talaga kami ni Myrna.

Salamat sa pagbibigay ng pahinga mula sa aking mga responsibilidad at tungkulin. Ang linggong ito ay tunay na masaya dahil naitapon namin sa dagat ang lahat ng aming mga alalahanin – ito ang naging masayang biruan namin ni Myrna.

Si Luke ay tubong Muntinlupa na isang entrepreneur. Maker sya ng mga fruit wines gaya ng Bignay, lipote at honey. Sa mga susunod na araw ay muli natin siyang kakapanayamin tungkol sa iba pang kumikita niyang kabuhayan na nakakatulong sa mga magsasaka mula sa Quezon at Nueva Ecija.

Suportahan po natin ang mga local business at local entrepreneurs na nakakatulong pagbibigay ng trabaho sa ating mga kababayan.

Makikita ang iba pang larawan ng mga tanawin sa MCDom Tree House Resrot sa link na ito https://tinyurl.com/bddp4ppb

Grade 5 pupil nasagasaan, patay

0

General Nakar, Quezon. Patay ang isang Grade 5 student na batang babae matapos sagasaan ng Mitsubishi Montero na minamaneho ng isang teacher, kamakalawa sa bayang ito.

Kinilala ni PCol. Joel Villanueva, Quezon Police provincial Director ang biktima na si Princess Avellaneda, 11 anyos na Grade 5. Dead on arrival sa ospital ang bata sanhi ng mga sugat na tinamo nito sa ulo.

Nahaharap naman sa kasong homicide si Myla Astrera, 50 anyos na guro at residente ng Barangay Pamplona, General Nakar.

Ayon sa paunang imbestigasyon, bandang 4:45 ng hapon noong Lunes habang tinatahak ng SUV ang highway sa nabanggit na bayan ay biglang tumawid ang bata at ayon sa driver ay hindi na kinaya ng preno na iwasan ang biktima.

Kasalukuyang nakikipag usap ang nakasagasa sa pamilya upang makipag ayos.