Sunday, May 24, 2026


Your Daily News Update About CALABARZON and Beyond.
ISSN 2799-1911

Home Blog Page 683

Police chief ng Lian, Batangas patay sa banggaan ng SUV at truck

0

Taal, Batangas. Patay ang hepe ng pulisya sa bayan ng Lian, Batangas matapos bumangga ang SUV na kanyang sinasakyan sa isang 10-wheeler truck, kaninang madaling araw.

Ayon sa ulat ng Batangas police, tinatahak ng biktimang si Maj. Amiel Sanhi Jr. ang diversion road sa Barangay Tulo, Taal patungo sa direksyon ng Batangas City nang sumalpok ang SUV sa truck na minamaneho ni Salvador Segfred.

Ayon sa report ni PCol. Glicerio Cansanay, Batangas Provincial Police Director, bandang ala una ng madaling araw ay nakatanggap ang Taal Municipal Police Station ng tawag mula sa isang staff ng Valentino hotel sa Taal hinggil sa road accident sa Barangay Tulo. Rumesponde ang Taal police traffic bureau sa lugar, inalis sa pagkaka ipit ang katawan ni Maj. Sanhi at dinala sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Sumuko ang driver sa mga pulis at kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon at inaalam kung may pananagutan siya sa naganap na aksidente.

Photo credits: TBST

100% passing rate: new SPCians lawyers nagdaos ng testimonial dinner 

Ginanap ng mga successful Bar passers ng San Pablo Colleges College of Law ang Testimonial Dinner sa Palmeras Garden San Pablo City noong July 24, 2022 ng gabi.

Perfect batting average ang ipinamalas ng nabanggit na college of law sa nagdaang Bar Examination ng Supreme Court na may hashtag na #BestBarEver2020_21.

Kabilang sa mga dumalo sa testimonial dinner sina Ma. Socorro Eala SPC College President, 

VP for Admin Affairs Shelly Eala, VP for Academic Affairs Jocelyn Barradas, Dean Bernard Lunar, Graduate School; Dean Jorge Resurreccion, College of Computer Studies; Dean Vicente Joyas, College of Law; Atty. Kosen Exconde, Pangulo ng San Pablo Bar Association; Judge Agripino Morga bilang Keynote speaker; Judge Antonio del Val, Dr./Atty. Emmanuel Loyola, mga miyembro ng IBP San Pablo at Student Council ng SPC College of Law.

“Always maintain Integrity, Dignity and Honesty,” ito ang paalala ni Dean Joyas ang  sa mga bagong abogado.

Binati at pinuri ni President Eala ang SPC College of Law dahil 100% percent ang passing rate nito.

Sinabi naman ni Atty. Exconde, palagi lamang silang nakasuporta ang San Pablo Bar Association sa anumang tulong na kakailanganin ng mga bagong pasang abogado.

“Being a lawyer is a choice, not just the prestige and make it fulfilling,” ayon naman sa keynote speech ni Judge Morga. 

Binigyan ng Plaque of Recognition ang mga bagong abogado kabilang ang 2019 Bar Passers kabilang ang mga mga pumasa noong 2020 at 2021. Maaalala na walang testimonial dinner na naganap noong 2019 dahil sa mga lockdown. 

Ang 23 bagong abodago na produkto ng San Pablo Colleges College of Law ay ang mga sumusunod: 

2019 BAR PASSERS:

Atty. Rachel Jellan R. Saracanlao, Atty. Winzel V. Gamaro

2020/21 BAR PASSERS:

Atty. Marigirl March A. Abo, Atty. Edgardo M. Benitez, Atty. Kenneth M. Beo, Atty. Joyce Hachelle A. Briones, Atty. Romelen A. Carreon, Atty. Elbert Matthew B. Del Rio, Atty. John Alfred B. Del Rio, Atty. Dodjie C. Dimaculangan, Atty. Rainier E. Emlano, Atty. Laarni S. Galope, Atty. , Lyelly Marie C. Manzano, Atty. Ivan Alfred D. Mesiera, Atty. Einstein M. Ona, Atty. Adonis C. Orilla, Atty. Lenie B. PalasanAtty. Vhea Angelica B. Penaredondo, Atty. Josephine M. Ramos, Atty. Jomar V. Rondolo, Atty. Lorna D. Ruba, Atty. Welhelmina M. Tiania, Atty. Angelic Chris C. Toledo.

Panoorin ang mga highlights sa ginanap na Testimonial Dinners highlights ng new SPCian Lawyers sa link na ito.

Laguna Gov. Hernandez, nanumpa sa tungkulin

0

Sta. Cruz, Laguna. Nanumpa sa tungkulin si Governor Ramil Hernandez bilang ika-18 gobernador ng lalawigan ng Laguna sa pangunguna ni Sta. Cruz RTC Executive Judge Divinagracia G. Bustos-Ongkeko sa Sentrong Pangkultura noong Hunyo 27,  2022.

Ang nakamit na 872,378 boto mula sa mga Lagunense ay higit na nagpaigting sa determinasyon ni Hernandez na maipagpatuloy ang Serbisyong Tama sa lalawigan, ayon sa kanya sa kanyang mensahe..

Nagpasalamat siya kanyang pamilya at sa mga mamamayan sa patuloy na pagtitiwala na ipinagkaloob sa kanya.

Nangako ang gobernador na ang kanyang huling termino ay higit pniyang ag uukulan niya ng ibayong paglilingkod sa taumbayan.

“Makakaasa ang mga Lagunense na ipagpapatuloy niya ang matapat at may pusong paghahatid ng serbisyo publiko lalo’t higit ang mga nasa laylayan ng lipunan,” ayon kay Hernandez..

Kasabay nito ay nanumpa din sa tungkulin Laguna Rep. (LAguna 2nd District) Ruth Mariano-Hernandez, Vice Governor Atty. Karen Agapay, at mga bokal ng una hanggang ika-apat na distrito ng Laguna.

Strike while the iron is hot

The incoming President of the Republic of the Philippines Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., (PBBM) earlier gave an order to VP Sara Z. Duterte-Carpio (Sara) to review the K-12 program of the Department of Education – a program that earned the ire of parents due to unwanted additional expenses, and of students for unnecessarily delaying their entry to college. Some even opted to stop their studies after Grade 10 due to lack of funds making them less competitive in this fast-changing world.

Since I am a product of the old school curriculum, I have very little idea of what this K-12 animal is all about, so I did a little research “to educate myself”.  According to Mr. Google, K-12 is “a term used in education and educational technology in the United States, Canada, and possibly other countries.  It is a short form for the publicly-supported school grades prior to college.” This program allegedly “offers a decongested 12-year program that gives students sufficient time to master skills and absorb basic competencies.”

It’s been ten years since the K-12 system was implemented in this country but it seems to me that the very purpose for which it was created still remain to be seen due to various reasons – books replete with grammatical errors as exposed by Antonio Calipjo-Go; mediocre teaching skills of some teachers in public schools as articulated by retired UP Professor Dr. Clarita Carlos; erroneous run-of-the-mill modules; and many more.  Dr. Carlos, in one of the fora sponsored by SMNI said that if the government wants a better education for our children, it must “invest on the teachers.  She clarified that “investing” in the teachers doesn’t mean giving them air conditioned rooms, costly paraphernalia and high-end gadgets but a continued and refreshing education so they can cope up with the modern world. She even said in jest that a good teacher can effectively teach even under a tree.

Yes, I believe Dr. Carlos that a skillful and brilliant teacher can teach under the shade of a tree.  In 1959, while our classroom was under repair, our late teachers Mrs. Belen Funtanilla and Mr. Cresenciano Guevarra conducted our classes under the giant Mabolo tree near the antiquated Gabaldon Building. I tell you it was fun and we did not miss a thing listed in their Lesson Plan. 

Speaking of jokes, teachers are the best at hiding their errors according to the late SPC Law Dean Victorino Javier Sr. It was a joke he loved to share with his students. He said that doctors hide their errors “six feet below the ground”; lawyers hide their errors “behind bars”; but the teachers do not hide their errors, they just “pass it on to their students.”  Funny as it may seem but it leaves something to a critical mind to ponder about. The joke tells us that teachers must have a thorough knowledge of the subject matter they are going to teach to their pupils.  They must have the mastery of the language they are going to use otherwise they shall be passing all their errors that they will commit to their students.

We are lagging behind other countries in terms of education according to reports. I heard on the news that many 10-year-old kids can’t even read.  I hope that the new DepEd Secretary in the person of our Vice President will do everything to correct and restore the effective old-school technique of teaching and if possible, she can ask Congress to pass a law abrogating K-12 program. She better strike the iron while it is hot.

Sukli sa tiwala at hiram na kapangyarihan

0

Matalo o manalo sa eleksyon, ang mga pulitiko ay naglalahad ng gastusin sa pangangampanya sa eleksyon. Matalo o manalo ang sinuportahan sa halalan, ang mga mamamayan ay nag-aabang ng sukli sa tiwala ng nakararami mula sa mga nagwaging kandidato. Ang sukli ay maihahatid sa pamamagitan ng pagtupad sa mga pangakong binitawan noong nanliligaw pa sila ng boto, pagganap sa tungkulin, pagsunod sa yapak ng magagandang nasimulan at, kung hindi man matumbasan, mahigitan pa ang pamana ng mga nagdaang administrasyon.

Dalawang panig ang nagsasabi ng kani-kanilang sukatan ng kagandahan ng mga nasimulang patakaran at proyekto: Kung may nagagandahan sa pamamalakad ng mga pangulo matapos ang EDSA, meron ding hindi. Sa madaling salita, merong pro-Cory, anti-Cory, pro-FVR, anti-FVR, pro-Erap, anti-Erap, pro-Gloria, anti-Gloria, pro-Aquino, anti-Aquino, pro-Duterte, anti-Duterte. Pinakahuling dalawang panig: pro-BBM at anti-BBM.

Sa mga malalayang bansa, pinagana at patuloy na pinagagana ang pamahalaan ng mga batas, hindi pamahalaan ng mga tao. Ika nga, walang sini-sino o sinasanto ang batas. Ipinaliwanag ko na ito minsan sa kolum at hetong muli: May sinusunod na panuntunan, sa halip na may sinusunod na taong naghahari dahil sa oras na magkamali ang paghahari, ilulusot na “tao lang”. Kung may panuntunan, may pinagkaisahan. Kung may pinagkaisahan, naroon ang pagkamamamayan. “Sovereign” Filipino people tayo. Ibinibigay natin ang kapangyarihan sa pamahalaan (“all government authority emanates from the people”) …meron tayong kapasidad na magbigay at magturo kung ano ang gagawin nila sa kapangyarihan, at nakaantabay tayo sa kaganapan – online, offline, lantad, tago, labas o loob ng opisina – ng mga nanumpang ipagtatanggol ang panuntunan lalo ang Saligang Batas.

Susumpa sa ganoon si President-elect Marcos Jr. bukas, Hunyo 30.

Hindi sana ang mga mamamayan gagawa ng makabagong panuntunan kung ang pag-uusapan ay tungkulin ng pangulo bilang paggalang sa panunumpang iyon. Hindi na bago ang mga panunumpa ng nabanggit nating anim na pinuno matapos ang EDSA, kaya ganoon din ang panunumpang aasahan kay Marcos Jr. Walang pinag-iba at lalong madaling pakaintindihin dahil sa anim na iyon, maaari niyang sundan ang kani-kaniyang mga unang araw sa pwesto ng mga kaalyado at ka-UniTeam niyang sina Pangulong Erap, Gloria at Duterte.

Kung iniisip ng ilan na ibahin naman ni Marcos Jr. ang panunumpa niya sa katanghalian ng katapusan ng buwang ito, paniguradong napakalimitado ng mga iibahin. Hindi maaaring hindi sa Saligang Batas ng 1987 siya susumpang ipagtatanggol ito at hindi maaaring hindi siya hihingi ng tulong mula sa Diyos sa pagbabanggit niya sa dulo ng panunumpa lalo na’t hindi na bago sa kanya ang huling pangungusap na “So help me God.”

Sa kahalagahan ng panunumpa at ng mga nirerepresenta nito, mahalagang maunawaan ng mga mamamayan na merong mga bagay na hindi ginigiba at hindi iniiba. The systems of check and balance are in place. Arbiter man sa polisiya sa dalawang partisang sangay ng pamahalaan si Marcos Jr., ang final arbiter naman ay Supreme Court. Hindi natin papayagang panghimasukan ng kahit sinong pulitiko ang mga korte (mababa at mataas) na may mga sariling kapangyarihang iniatang ng Konstitusyon.

Mahalaga ring maunawaan ng mga mamamayan na ang pinakamataas na pinuno ay may katungkulang general supervision sa mga lokal na pamahalaan. Ibig sabihin, walang general control sa mga LGU ang sinumang pangulo.

Kung aakto rin siyang Secretary of the Department of Agriculture, pangmatagalan kaya ito? Meron kasing mga bentahe at mga hindi bentahe ang pagiging kalihim sa parte ng presidente, sang-ayon sa pag-aanalisa ng mga eksperto sa pribadong sektor at mga dating nanilbihan sa pamahalaan. Gayunpaman, marami ring eksperto at angkop na angkop sa mga posisyon ang mga nasa economic team ng Marcos administration. Ipanalangin natin ang katagumpayan nila na katagumpayan din ng mga mamamayan.

Paano naman ang katagumpayan ng mga mahihirap na pamilya sa matagumpay na kampanya ng mga makakapangyarihang pamilyang bumubuo ng parami nang paraming political dynasties na ayaw natin sa salita (sa Konstitusyon) pero hindi naman ayaw sa gawa? Abangan.

DILG: Mahigit 600K kuwalipikadong tricycle driver tatanggap ng fuel subsidy

0

Nakatakdang tumanggap ng fuel cash subsidy ang 617,806 qualified tricycle drivers sa buong bansa sa ilalim ng “Pantawid Pasada Program for Tricycle Drivers” upang makatulong sa pagpapagaan ng kanilang pasanin na dulot ng tumataas na presyo ng langis at ng pandemya, ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG) kanina.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo M. Año, ang fuel subsidy ay ibibigay ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa pamamagitan ng e-wallet account ng mga benepisyaryo o sa sangay ng Landbank of the Philippines, o off-site payout ng local. government units (LGUs).

Sa kabuuang bilang ng mga tricycle drivers-beneficiaries, sinabi ni Año na 67,536 ang mula sa Rehiyon 1; 31,638 mula sa Rehiyon 2; 83,621 sa Region 3; 162,500 sa Calabarzon; 30,340 sa Mimaropa; 35,339 sa Region 5; 59,280 sa Rehiyon 6; 11,685 sa Region 7; 6,448 sa Region 8; 9,869 sa Region 9; 8,760 sa Rehiyon 10; 8,793 sa Region 11; 21,685 sa Region 12; 6,869 sa Caraga; 68,165 sa National Capital Region; 5,040 sa Cordillera Administrative Region; at 238 sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ayon sa kanya, ang subsidy ay dapat ipamahagi sa tatlong batch. Ang unang batch ay para sa 539,395 trike drivers na nakapagbigay ng e-wallet account habang ang pangalawang batch ay para sa 73,233 drivers na mag-a-avail ng over-the-counter (OTC) transactions sa Land Bank of the Philippines ( LBP) branch na pinakamalapit sa kanila.

Panghuli, ang ikatlong batch ay para sa 5,178 na mga driver na mag-a-avail ng on-site payout sa mga LGU.

“Nagkaroon ng validation at verification para siguraduhin na ang makatatanggap ng fuel subsidy ay ang mga lehitimong namamasada na may prangkisa at hindi colorum, may lisensya, at nakapag-submit ng mga requirements sa deadline na ibinigay ng pamahalaan,” ayon kay Año.

Hinimok din ng DILG chief ang mga city at municipal mayors na maglagay ng Pantawid Pasada Assistance and Complaint Desk o hotline para matugunan ang mga alalahanin at reklamo ng mga benepisyaryo sa listahan at pag-avail ng nasabing fuel subsidy. 

Ina-update ng IATF ang mga testing requirements para sa mga unvaccinated on-site employees

Nag-update ng testing requirements para sa mga unvaccinated eligible employees ang Inter-Agency Task Force (IATF) kahapon, Hunyo 27, 2022, ayon sa anunsyo ng Office of the Presidential Spokesperson (OPS).

Sa mga lugar na may sapat na supply ng mga bakuna para sa COVID-19, ang lahat ng mga establisyimento at employer sa pampubliko at pribadong sektor ay kailangang mag utos sa mga empleyado na nasa on-site work na kailangan ay nabakunahan sila.

Gayunpaman, para sa on-site work purposes, ang mga nananatiling hindi nabakunahan ay kinakailangang sumailalim sa mga pagsusuri sa RT-PCR isang beses tuwing ikalawang linggo o lingguhang pagsusuri sa antigen.

Samantala, ang mga empleyado sa pampublikong sektor, kabilang ang mga yunit ng lokal na pamahalaan, ay maaaring sagutin ang mga gastos sa RT-PCR o antigen test na ibibigay, depende sa pagkakaroon ng pondo, at civil service, accounting at auditing rules and regulations.

Exempted sa kinakailangang testing na ito ay ang mga empleyadong na kamakailan ay nagkasakit ng COVID-19 sa loob ng 90 araw at ang mga may alternative working arrangements na hindi nangangailangan ng on-site na pagpasok.

Dagdag pa, ang mga kinakailangan sa pagsubok na binanggit sa itaas ay hindi kailangan para sa mga lugar sa ilalim ng Alert Level 1 na ang klasipikasyon ay napasailalim sa pagpapatupad ng klinikal-based na pamamahala, kabilang ang symptomatic testing. Gayunpaman, ang nabanggit na mga testing requirements ay dapat ipairal sa mga lugar sa ilalim ng Alert Level 2 classification o mas mataas. (OPS)

Kagawad ng barangay, patay: Tanod, sugatan sa Quezon

0

Candelaria, Quezon. Patay ang isang barangay kagawad at sugatan ang isa pang barangay tanod matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem killers sa Barangay Masalukot III, bayang ito kamakalawa.

Kinilala ang napatay na si Mario Mendoza, 59-anyos at ang sugatan na si Danilo Evangelista, 57-anyos, kapwa residente ng nabanggit na bayan.

Ayon sa impormasyon mula sa Candelaria Municipal Police Station, nagsasagawa ng Clean nd Green Porject ang mga biktima sa kahabaang ang mga biktima ng dumating ang hindi pa kikilalang mga suspek at pinagbabaril sina Mendoza at Evangelista.

Dead on the spot si Mendoza samantalang tinamaan ng ligaw na bala sa dalawang binti si Evangelista na agad isinugod sa ospital.

Nakuha sa lugar na pinangyarihan ng krime ang mga basyo ng bala ng .45 na baril. Tumakas ang mga suspek na nakilala lang sa suot ng kulay abong T-shirt.

Pinag aaralan pa ng Candelaria MPS ang CCTV footage ng mga salarin ng sakay sa itim na motorsiklo.

DOH: Tumataas ang kaso ng Covid-19 sa lahat ng rehiyon

Patuloy na tumataas ang bilang ng mga kaso ng Covid-19 ay sa lahat ng rehiyon na may pambansang positivity rate na 4.1 porsyento ngunit ang average na pang-araw-araw na rate ng pag-atake ay nananatiling mababa, ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire kanina.

Sa isang online media forum, sinabi ni Vergeire na ang kasalukuyang positivity rate ay katulad ng rate na naitala ng bansa noong Marso ngayong taon.

“Nationally, we have recorded 4,976 new cases from June 21 to June 27. While we’re under low risk classification, the cases continue to rise at 710 cases per day, 257 cases or 57 percent more than the previous week. There’s nothing to worry about because we’re still at less than one case per 100,000 population for our average daily attack rate,” ayon sa kanya.

Ang National Capital Region (NCR) ay nagpapakita ng matinding pagtaas ng bilang ng mga kaso ng Covid-19 na nagsimula noong kalagitnaan ng Mayo at may average na 350 kaso bawat araw.

Ang natitirang bahagi ng Luzon, NCR Plus areas, at Visayas ay nagtala ng pagtaas ng mga impeksyon sa Covid-19 ngunit ang kanilang mga kaso ay nananatiling mas mababa sa 150 bawat araw.

Ang mga kaso sa Mindanao ay nagpakita rin ng patuloy na pagtaas ng mga impeksyon sa mga nakaraang araw sa 50 kaso bawat araw.

“Based on the health status of those hospitalized, more than half remain asymptomatic and mild. The number of severe and critical admissions at the national level remains less than 1,000 cases starting March or mid-March of 2022 despite continued slight increase in cases in the past days,” ayon kay Vergeire.

Ang malubha at kritikal na mga kaso ay may bilang na hindi bababa sa 10.68 porsyento o 591 na kaso ng kabuuang admission sa ospital at ito ay nananatiling mas mababa kaysa sa 20 porsyento na naitala noong Enero, dagdag niya. (PNA)

PDEA: Vic at Amben Amante inalis na sa narco list

San Palo City. Inalis na sa narco list o Inter-Agency Drug Information Database (IDID) ng Philippine Drug Enforcement Agency ang pangalan ni San Pablo City Mayor-Elect Vicente B. Amante at anak nitong si Congressman-Elect (Laguna 3rd District) Loreto S. Amante batay sa rekomendasyon ng Review and Management of Inter-Agency Drug Information Database Committee. 

Ang drug clearance certificate ay nilagdaan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo M. Año noong Hunyo 22, 2022 at pinagtibay ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte at iginawad kina Mayor-Elect Amante at Congressman-Elect Amante ni City Local Government Operations Officer Maria Alma L. Barrientos saksi sina Director Ariel O. Iglesias at DILG Provincial Director John M. Cerezo kaninang umaga.