Sunday, May 24, 2026


Your Daily News Update About CALABARZON and Beyond.
ISSN 2799-1911

Home Blog Page 691

Hinimatay si Lorenzana sa seremonyas ng Araw ng Kalayaan

Hinimatay si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa seremonya ng Araw ng Kalayaan sa Rizal Park sa Maynila kanina.

Ayon kay Defense Head Executive Assistant Peter Paul Galvez sa mga mamamahayag, si Lorenzana ay kasalukuyang nasa ospital at ngayon ay “nasa estable ng kundisyon.”

Sinabi ni Lorenzana na ang kawalan ng pahinga at tulog ay nagdulot ng pinsala sa kanyang katawan.

Ayon sa Department of National Defense, kararating lang ni Lorenzana mula sa sunud-sunod na biyahe sa ibang bansa at maaaring ito ang naging dahilan ng kanyang pagkapagod dagdag pa ang init ng panahon sa Rizal Park.

“The Secretary of National Defense just arrived from Singapore early this morning after attending the IISS Shangri-La Dialogue and meeting with his foreign counterparts. The Secretary also traveled recently to South Korea and other parts of the Philippines, while overseeing the defense operations of the country and transition to a new administration,” ayon kay Defense Spokesperson Arsenio Andolong.

Samantala nag-update defense secretary sa Facebook at ibinalita na maayos na ang kanyang kalagayan.

“Hello, everyone! My lack of rest and sleep from my recent successive international security engagements may have taken its toll on me. Late na kami nakabalik from Singapore, tapos napakainit pa sa Luneta kanina. But as the saying goes, a true soldier always gets up quickly after a fall.

I’m fine now. Just resting since the results of the tests conducted earlier are okay.

I’m deeply moved by your concern and well wishes. Thank you and God bless us all,” ayon sa Facebook post ni Lorenzana kaninang tanghali. (PNA)

Buy and sell agent, patay sa riding-in-tandem hitmen

0

Calamba City, Laguna. Patay ang isang buy and sell agent matapos tambangan ang sinasakyan niyang tricycle kaninang madaling araw sa Brgy. 6, lungsod na ito

Ayon sa ulat ni PCol. Arnel L. Pagulayan, hepe ng Calamba City Police Station, sakay ng tricycle ang biktimang si Virgilio Landicho patungo sa Crossing ng tambangan at pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga lalaki na sakay ng motorsiklo.

Batay paunang imbestigasyon ng pulisya, nakasakay ang biktima sa tricycle na minamaneho ng isang nagngangalang Arjay Mercado at patungo sa isang Bakery sa panulukan ng Calamba commercial district. Pagtapat sa harapan ng isang bangko nakita umano ng driver ang isang lalaki na inakalang niyang tatawid sa daan ngunit nagulat siya ng bigla itong bumunot ng baril pagbabarilin ang pasahero niya.

Ayon pa rin sa salaysay ng driver ng tricycle, nakababa pa ang biktima at tumakbo ngunit hinabol ito ng mga salarin at tinulyan ng patayin.

Tumakas ang mga suspek sakay ng kanilang motorsiklo. Nakuha sa lugar na pinangyarihan ng krimen ang mga basyo ng di pa malamang kalibre ng baril.

Inaalam pa ng Calamba police office ang pagkakakilanlan ng mga suspects at angsng motibo sa pagpatay.

Selyong GOMBURZA inilabas ng Post Office para sa ika-124 na Araw ng Kalayaan

0

Bilang paggunita sa ika-124 na Araw ng Kalayaan ng Pilipinas noong Hunyo 12, inilunsad ng Philippine Postal Corporation (Post Office) ang commemorative Stamps upang markahan ang ika-150 anibersaryo ng pagiging martir nina Padre Mariano Gomes, Jose Burgos, at Jacinto Zamora, na pinagsama-samang kilala bilang GOMBURZA.

“Ang mga selyo ay naglalarawan ng mga sakripisyo at kabayanihan nina Padre Gomes, Burgos at Zamora na nagbuwis ng kanilang buhay para sa kalayaan,” ayon kay Postmaster General Norman Fulgencio.

Kilala sa kasaysayan bilang GOMBURZA, nagsilbing inspirasyon din ito para sa makasaysayang obra ng Pambansang Bayani ng bansa na si Dr. Jose Rizal, ang El Filibusterismo.

Noong Peb. 17, 1872, napatunayang nagkasala ng pagtataksil sa korte militar ng Espanya ang tatlong sekular na pari, sina Jose Burgos, Mariano Gomes at Jacinto Zamora, na nagkasala ng pagtataksil bilang mga pasimuno ng isang pag-aalsa sa bakuran ng hukbong-dagat ng Cavite at sinentensiyahan ng public execution sa pamamagitan ng garrote  noong taong ding yon.

Ang tema ng selebrasyon ng Independence Day ngayong taon ay “Kalayaan 2022: Pagsuong sa Hamon ng Panibagong Bukas (Rise Towards the Challenge of a New Beginning”).

Itinuturing na pambansang holiday sa mga Pilipino, ang taunang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas ay nilagdaan bilang batas ni dating Pangulong Diosdado Macapagal sa pamamagitan ng Republic Act No. 4166 noong Agosto 4, 1964.

Ayon sa kasaysayan ng Pilipinas, ang deklarasyon ng Kalayaan mula sa kolonyal na pamumuno ng mga Espanyol ay idinaos noong Hunyo 12, 1898 ni Heneral Emilio Aguinaldo sa Cavite El Viejo (Kawit), Cavite.

Ang Post Office in-house graphic artist na si Israel A. Viyo ang nagdisenyo ng commemorative stamp, na ibebenta sa PHP12 bawat piraso.

Ang mga Selyo at Opisyal na First Day Cover ay makukuha simula Hunyo 13, sa Philatelic Counter, Manila Central Post Office. Para sa mga katanungan, tumawag sa 8527-01-08 o 8527-01-32 o i-follow/like ang Facebook page https://www.facebook.com/PilipinasPhilately/ para sa updates. (PNA)

Sentro ng Freedom Day rites bukas ang puno ng Katipunan sa Novaliches

Sentro ng pagdiriwang ng ika-124 na Araw ng Kalayaan bukas ang isang sinaunang puno ng “duhat” (Java plum) sa Brgy. Kaligayahan, Novaliches na pinalitan ng pangalan noong 1980 bilang puno ng Katipunan.

Ang event na bubuksan ng flag-raising at wreath-laying ceremonies sa ganap na 7 a.m. ay magtataglay ng temang “Pagsulong sa Hamon ng Panibagong Bukas” (Rise towards the challenges of a new beginning).

Matatagpuan ang puno sa compound ng 75-anyos na Metro Manila College (MMC), dating Novaliches Academy, ang pioneer secondary at tertiary educational institution sa nabanggit na bayan na ngayon ay pinagsasaluhan ng magkapitbahay na Quezon City at Caloocan City.

Ang pagdiriwang ay sasailalim sa joint sponsorship ng MMC management at ng Knights of Columbus Fourth Degree – Saint Maximilian Ma. Kolbe Church sa nasabing barangay.

Ayon kay Novaliches civic-religious leader Mario Malacad, past grand knight ng Knights of Columbus – Immaculate Conception Parish sa kalapit na Barangay San Agustin, ang kaganapan ay magmamarka sa pagbabalik ng kasiyahan pagkatapos ng 2020 at 2021 suspension sanhi ng Covid-19 pandemic

Ang heritage tree ay pinalitan ng pangalan na Katipunan upang mapanatili ang alaala ng rebolusyonaryong lipunan sa pamumuno ni Andres Bonifacio gayundin ng rebolusyonaryong bayaning si Melchora Aquino, na kilala rin bilang “Tandang Sora”. (PNA)

DOH: Nananatiling umiiral ang mask mandate; hinihiling sa mga LGU na sundin ang uniformed health protocols

Iginiit kanina ng Department of Health (DOH) na panatilihin ang mask mandate at dapat sundin ng mga local government units (LGUs) ang uniform health protocol  laban sa Covid-19.

Sa isang briefing ng Laging Handa, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang pagsusuot ng face mask ay isa sa pinaka-epektibong paraan upang matigil ang pagkalat ng coronavirus.

Binanggit niya ang mga pag-aaral na ang ibang mga bansa na nag-alis ng kanilang mga patakaran sa maskara sa kalaunan ay nakaranas ng muling pagtaas sa kanilang mga kaso.

“Gusto nating pigilan muna ang ganitong pangyayari sa ating lugar. Gusto natin na makita na stable tayo at manageable ang cases natin. Ang pagsusuot ng face mask ay kailangang kailangan pa rin natin. Alam natin na mayroon nang mga subvariants na pumasok sa bansa. Alam din natin na hindi pa ganoon kataas ang antas ng pagbabakuna sa iba’t ibang bahagi ng bansa,” ayon kay Vergeire.

Ang panawagan ay ibinaba matapos maglabas ng executive order si Cebu Governor Gwendolyn Garcia na ginagawang opsyonal ang pagsusuot ng face mask sa mga open space at well-ventilated na lugar sa lalawigan. (PNA)

Inalis na ng US ang COVID-19 test requirement para sa international travel

0

Washington. Inaalis na ng administrasyong Biden ang requirement nito na kailangang lumabas na negatibo sa Covid-19 ang mga international travelers bago sumakay sa isang flight papuntang United States, dito nagtatapos ang mandato ng gobyerno NG US na idinisenyo upang pigilan ang pagkalat ng coronavirus.

Ang Centers for Disease Control and Prevention ay nag-anunsyo noong Biyernes na nabanggit na requirement ay magtatapos sa madaling araw ng Linggo. Sinabi ng nabanggit na ahensya na patuloy nilang susubaybayan ang estado ng pandemya at muling susuriin ang pangangailangan para testing requirement kung magbabago ang sitwasyon.

Nauna dito, ilang buwan ng hiniling ng mga airline at turismo sa administrasyon ni Biden na alisin ang testing requirement at sinasabi na pinipigilan nito ang mga tao na mag-book ng mga internasyonal na biyahe dahil maaari silang ma-stranded sa ibang bansa kung mahahawa sila ng virus habang daan sa kanilang paglalakbay.

Nakikipagtalo ang mga airline na ang panuntunan ay ipinatupad noong kakaunti pa ang mga Amerikano ang nabakunahan ngunit ngayon, ayon sa anila ay 71% ng mga 5 taong gulang pataas ay ganap na nabakunahan, ayon sa mga numero ng CDC. Nagreklamo din sila na ang mga taong pumapasok sa U.S. sa mga land border ay hindi kinakailangang maging negatibo sa COVID-19 test, bagama’t dapat silang magpakita ng proof of vaccination. (AP)

Nora Aunor, 7 iba pa kinilalang mga National Artists for 2022

Binigyan ng Malacañang ng mataas na pagkilala sa Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas ang walong natatanging indibidwal, kabilang ang maalamat na aktres na si Nora Aunor at screenwriter na si Ricky Lee.

Idineklara ring National Artists para sa 2022 ang yumaong direktor ng pelikula na si Marilou Diaz-Abaya, ang yumaong direktor na si Tony Mabesa, ang yumaong fashion designer na si Salvacion Lim-Higgins, ang dance choreographer na si Agnes Locsin, ang makata na si Gémino Abad, at ang musikero na si Fides Cuyugan-Asensio.

Ginawa ng Palasyo ang deklarasyon sa pinagsamang rekomendasyon ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at ng Cultural Center of the Philippines sa Presidential Proclamation No. 1390.

Ang titulo ng Pambansang Alagad ng Sining ay ang pinakamataas na pagkilala na ipinagkakaloob sa mga Pilipinong may natatanging kontribusyon sa pagpapaunlad ng sining at kultura ng Pilipinas.

Ayon sa NCCA, bukod sa citation ay bibigyan ng medalyon, cash award na P100,000.00 (net of taxes) ang isang newly-conferred living National Artist, monthly life pension, life insurance coverage, place of honor sa anumang mga tungkulin ng estado, mga pambansang seremonya ng paggunita, at mga kaganapang pangkultura na kanilang dinadaluhan, at bibigyan sila ng mga kaayusan at gastos para sa isang libing ng estado, na ililibing sa Libingan ng mga Bayani.

Bibigyan ng citation at medalyon ang posthumously-conferred National Artists. Ang P75,000 na cash ay ibibigay sa pinakamalapit na kaanak o kinatawan ng awardees na itinalaga ng pamilya.

Ang huling batch ng National Artists ay inihayag noong 2018, na binubuo ng musical composer na si Ryan Cayabyab, film director Kidlat Tahimik, author Resil Mojares, the late visual artist Larry Alcala, the late playwright Amelia Lapeña-Bonifacio, the late Hiligaynon writer Ramon Muzones, at ang yumaong arkitekto na si Bobby Mañosa.

Kasama ang mga bagong iproklama, 86 na national artists.

DTI 4-A magtatampok ng mga produkto ng CALABARZON sa Makati City

Inaanyayahan ng DTI 4-A ang lahat na bumisita sa KALAKAL CALABARZON 2022 at pumili mula sa iba’t ibang uri ng personal na regalo, consumer goods, handicrafts, home decor, textiles, fashion, at iba pang lokal na disenyo at mga kalakal. Para sa karagdagang detalye tungkol sa fair, mangyaring makipag-ugnayan sa Opisina sa r04a@dti.gov.ph (DTI-4A)

Magdadaos ng taunang KALAKAL CALABARZON regional trade fair ang Department of Trade and Industry Region 4-A sa temang “Gawa ng CALABARZON; Galing ng CALABARZON,” sa darating na Hunyo 20-26, 2022 sa Palm Drive Activity Center, Glorietta 2, Ayala Center, Makati City.

Katuwang dito ang DTI’s Provincial Offices ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon.

Sa pagpapatibay ng DTI-Bureau of Domestic Trade Promotion (BDTP) drive sa pagtataguyod at pagsuporta sa lokal na micro, small, and medium enterprises, ang KALAKAL ay magpapakita ng mga produkto mula sa 66 MSMEs mula sa rehiyon.

Ang mga CALABARZON MSME na ito ay mga benepisyaryo ng iba’t ibang mga interbensyon ng DTI sa ilalim ng pagtangkilik ng SME Development Division tulad ng One Town, One Product (OTOP) NextGen program, Shared Service Facilities (SSF) program, Kapatid Mentor ME (KMME) program, at Comprehensive Agrarian Reform (CARP) program, na nagbigay-daan sa kanila na pagbutihin at pagandahin ang kalidad, disenyo, at marketability ng kanilang mga produkto.

“After two years of conducting KALAKAL CALABARZON online due to the pandemic, we are thrilled to once again conduct a physical trade fair this year, and it will be held in Makati City for the first time. We have so many exciting things in store for our buyers. As we continue to provide a venue for promotion and selling of our MSMEs’ products and services, we are asking the public for your support to our local entrepreneurs to help them recover and sustain their businesses,” ayon kay DTI 4-A OIC-Regional Director Marissa C. Argente.

Sa unang pagkakataon ay gaganapin ito sa Makati City. Nangako ang ahensya ng maraming ‘Exciting” na bagay na nakalaan para sa mga mamimili. “Sa patuloy naming pagbibigay ng lugar para sa promosyon at pagbebenta ng mga produkto at serbisyo ng aming MSMEs, hinihiling namin sa publiko ang inyong suporta sa aming mga lokal na negosyante upang matulungan silang makabangon at mapanatili ang kanilang mga negosyo,” ayon kay DTI 4-A OIC-Regional Director Marissa C. Argente.

Nagbabala ang BI sa trafficking at illegal recruitment scheme para sa Japan-bound Pinoys

0

Ipinag-utos ng Bureau of Immigration (BI) sa kanilang mga inspektor na naka-deploy sa mga international airports na suriing mabuti ang mga Pilipinong aalis patungong Japan bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng ahensya na pigilan ang human trafficking.

Sa isang bagong memorandum, inatasan ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang mga inspektor ng imigrasyon sa mga daungan ng labasan na “obserbahan ang nararapat na pagkaasikaso” sa mga pasaherong Pilipino na patungo sa Japan.

Espesyal na inatasan ni Morente ang mga tauhan ng BI na mag-ingat sa pag-alis ng mga Filipino na may visa para sa intra-company transferee, panandaliang bisita, estudyante, at engineer specialist in humanities at international services

Ayon sa BI chief, may mga ulat na nagsasabing ginagamit ang mga visa ng mga masasamang recruiter upang makaiwas sa mga patakaran ng gobyerno sa dokumentasyon at deployment ng mga manggagawang Pilipino sa Japan.

Sinabi niya na ang scheme na ito ay ginagamit upang makapalinlang at ma-exempt ang mga Japan-bound Filipinos na mga pasahero sa pagkuha ng isang overseas employment certificate (OEC).

Sinabi ni Morente na sa pamamagitan ng paggamit ng mga visa na ito, ang mga pasahero ay nagdedeklara na sila ay maglalakbay at nananatili sa Japan sa loob lamang ng maikling panahon bagama’t ang kanilang aktwal na intensyon ay magtrabaho sa nasabing bansa.

Sinabi ni Atty. Sinabi ni Carlos Capulong, BI port operations chief, na bilang pagsunod sa memorandum ay inatasan na niya ang lahat ng immigration inspectors na nakatalaga sa iba’t ibang daungan na maging mas metikuloso sa pag-screen ng mga biyahero patungo sa Japan.

“We have instructed them that if the declared purpose of travel of a passenger is doubtful, the latter should be referred to for secondary inspection to our travel control and enforcement unit,” ayon kay Capulong. (BI)

Php1.5M na shabu nakumpiska sa apat na suspek sa Cavite

0

Dasmariñas City, Cavite. Nakatakdang humarap sa mabigat na kasong kriminal ang apat na suspected drug personalities sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 matapos silang mahulihan ng Php1,156,000.00 halaga ng shabu sa Southern Luzon drug sting operations noong Huwebes, ayon sa kumpirmasyon ni PNP Officer-In-Charge PLTGEN Vicente D. Danao Jr.

Sa isang pahayag, sinabi ni PLTGen Danao na nagsagawa ng drug buy-bust operation ang mga operatiba ng PDEU, Cavite Provincial Police Office noong Hunyo 9, 2022, 2:25 PM, sa B-50 Excess Lot, Brgy. Datu Esmael, Dasmariñas City, Cavite kung saan ay matagumpay na naaresto ang mga high-value targets na kinilalang sina Samsia Dicampong,Sarabanon Untong, Asimah Untong at Suwaib Mohammad.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang walong sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang na humigit-kumulang 170 gramo na may tinatayang nagkakahalaga ng Php1,156,000.00.