Hinatulan ng anti-graft court si outgoing Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay Jr. ng hanggang 30 taong pagkakakulong dahil sa diumano ay maanomalyang pagbili ng lokal na thrift bank sa kanyang termino bilang chairman ng Local Water Utilities Administration (LWUA).
Ang mga kaso laban kay outgoing Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay Jr. ay nag-ugat sa acquisition ng Express Savings Bank Inc., isang lokal na thrift bank na nakabase sa Laguna sa loob ng kanyang panunungkulan sa Local Water Utilities Administration na dati niyang pinamumunuan.
Sa 66-pahinang desisyon na ibinaba noong Hunyo 7, hinatulan ng Sandiganbayan Fourth Division sina Pichay at dating LWUA acting deputy administrator Wilfredo Feleo Jr. na guilty sa tatlong bilang na paglabag sa Section 3 (e) ng Republic Act No. 3019, ang Anti-Graft at Corrupt Practices Act.
Sina Pichay at Feleo ay sinentensiyahan ng anim hanggang 10 taon na pagkabilanggo para sa bawat bilang o kabuuang pagkakakulong na 18 hanggang 30 taon. Iniutos din ng korte ang kanilang perpetual disqualification mula sa pampublikong opisina.
Sa parehong desisyon, pinawalang-sala ng Sandiganbayan sina Pichay at Feleo sa isang paglabag sa Manual of Regulation for Banks (MORB) kaugnay ng RA 7653, ang New Central Bank Act, para sa “failure of the prosecution to prove their guilt beyond reasonable doubt. ”
Inihain ng Office of the Ombudsman noong 2016, ang mga kaso na nag-ugat sa pagbili ng LWUA ng Express Savings Bank Inc. (ESBI), isang lokal na thrift bank na nakabase sa Laguna at pag-aari ng Forum Pacific Inc. (FPI) at ang WELLEX Group Inc ng pamilya Gatchalian. (WGI).
Nakuha umano ang bangko nang walang kinakailangang pag-apruba ng Office of the President, Monetary Board (MB) ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) o ng Department of Finance (DOF).
Samantala, sinabi ni Pichay kanina na uubusin niya ang lahat ng legal na remedyo upang hamunin ang hatol ng Sandiganbayan na nagkasala siya kaugnay sa kuwestiyonableng PHP780-million deal noong siya pa ang chair ng Local Water Utilities Administration (LWUA).
Ginawa ni Pichay ang pahayag matapos silang mapatawan ng pagkakakulong ng anim hanggang 10 taon sa kanya at sa kanyang deputy administrator na si Feleo. (PNA)
Nahagip ng lente ng aking camera ang isang Traffic Enforcer ng bayan ng Pagsanjan Laguna na nag abot ng tinapay at tubig sa isang palaboy na halatang gutom at pagod na nakaupo sa gilid ng plaza. Nakita ko rin na nag abala si Mamang Pulis na bumili ng ibinigay niya sa kawawang homeless.
Napag alaman na ang pulis na may mabuting loob ay si PCpl. Israel Ibay na nakatalaga sa Pagsanjan Municipal Police Station.
Pumalo sa pinakamataas ang presyo ng pagkain sa buong mundo sa unang quarter ng kasalukuyang taon dahil sa giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine na nagbunsod sa Department of Agriculture (DA) na palakasin ang hydroponic fodder system, isang teknolohiya na magbibigay-daan sa magsasaka upang magtanim at mag-ani ng mga feedstuff sa loob ng isang linggo.
“In this trying time, more than ever, we need to galvanize the scientific community to produce the technologies that will help our farmers save on cost without compromising the quality of their produce. This ‘feednovation’ study conducted by the International Training Center on Pig Husbandry (ITCPH) of the DA-Agricultural Training Institute (ATI) involves a hydroponic fodder system that is both cost-effective and sustainable for livestock and poultry feed production,” ayon kay agriculture secretary William Dar.
“In this trying time, more than ever, we need to galvanize the scientific community to produce the technologies that will help our farmers save on cost without compromising the quality of their produce,” said agriculture secretary William Dar.
Ayon kay Dr. Ruth Miclat-Sonaco, hepe ng DA- ITCPH at direktor ng programa ng National Livestock Program (NLP), ang pag-aaral ay isinagawa sa paghahanap ng mga posibleng solusyon upang mapababa ang halaga ng animal feeds sapagkat ang feeds ay binubuo ng 70-80 porsyento ng halaga ng produksyon ng karne ng baboy.
“Sa pamamagitan ng hydroponics, makakapag-produce tayo ng locally-sourced fodder crops gaya ng mais at munggo bilang pagkain ng baboy sa loob ng pitong araw. Ang fodder hydroponics ay nakikita rin bilang isang sagot sa mga nais pumasok sa produksyon ng hayop ngunit may limitadong lugar upang magtanim ng fodder. Nangangahulugan ito ng pang-ekonomiyang paggamit ng lupa habang pinabababa ang halaga ng feed ng mga hayop,” dagdag pa ni Sonaco.
Walang gagamitan ng kuryente sa hydroponic fodder system. Pagkatapos lamang ng pitong araw, ang kumpay ay aalisin sa tray at maaari ng ipakain sa hayop. Dahil halos lahat ay kinakain ng hayop, walang masasayang kaya cost-effective ito at sustainable, ayon sa paliwanag.
Batay sa mga resulta ng ATI-ITCPH, nakita na ang ikatlong bahagi ng mga kinakailangan sa pagpapakain para sa mga starter pig ay maaaring palitan ng hydroponic fodder nang walang negatibong epekto sa paglaki. Ang halaga ng feed ay bababa din kapag ang hydroponic fodder ang ginagamit na suplementong pagkain ng mga baboy.
Idinagdag din ni Sonaco na sa paghahambing ng halaga ng feed, ang supplementing hydroponic fodder sa rate na 1/3 ng kabuuang konsumo ay mas mura pa rin kumpara sa 100 percent conventional feeds, na P444.96 versus P590.00.
Dasmariñas City, Cavite. Namatay sa sunog ang isang dalawang taong gulang na batang lalaki matapos siyang maiwanan sa loob ng nasunog nilang bahay sa lungsod na ito kahapon.
Ayon sa report ni Fire Officer 3 Jovic Manalo ng Dasmarinas Fire Department, sumiklab ang apoy dakong ika 3.30 ng hapon habang mahimbing na natutulog ang tatlong magkakapatid na pawang mga kabataan. Unang nagising ang panganay na si Hanah Mae Ponce ng makitang umaapoy ang likurang bahagi ng kanilang bahay.
Agad na binitbit ni Hanah Mae ang tatlong taong gulang nitong kapatid na si Roberto Gonzalez at ligtas na nakalabas ng bahay ngunit nakaligtaan nito ang isa pang kapatid na si John Lloyd sa loob ng nasusunog nilang bahay. Huli na ng maalala niya ang bunsong kapatid.
Ayon sa imbestigasyon ng mga bumbero, yari sa light materials ang dalawang bahay na nasunog.
Pinaalalahanan ng Philippine National Police (PNP) nitong Huwebes ang lahat ng hepe ng pulisya partikular sa Luzon na maging agresibo sa pagsugpo sa mga operasyon ng “Peryahan ng Bayan” at iba pang aktibidad ng ilegal na sugal.
Binalaan din ni PNP director for operations Maj. Gen. Valeriano de Leon, ang mga police commander ng “One Strike Policy” laban sa mga police commander na makikitang nagkukunsinti ang operasyon nito o kasabwat ng mga operator.
“Our PNP officer-in-charge Lt. Gen. Vicente Danao Jr. has supported the memorandum we issued before and we will implement the one-strike policy on this matter. We have to remind our unit commanders that there was a specific instruction from Executive Secretary Salvador Medialdea and PCSO (Philippine Charity Sweepstakes Office) Chairperson Royina Garma to operate on this ‘Peryahan ng Bayan’ because this is no longer authorized to operate,” ayon kay de Leon sa isang pahayag.
Nauna dito, nakatanggap ang PNP ng mga ulat hinggil sa patuloy na operasyon ng illegal numbers game.
Partikular na inatasan ni De Leon ang Police Regional Office 4A (Calabarzon) na i-validate at magsagawa ng imbestigasyon sa mga ulat ng operasyon ng ilegal na sugal sa Calamba City at iba pang bahagi ng Laguna.
Aniya, inaasahan niya ang pagsusumite ng accomplishment reports hinggil sa mga reklamo na binanggit din ang ilang pangalan ng mga operator.
Sinabi ni De Leon na agad niyang irerekomenda ang pag-relieve sa mga hepe ng pulisya na mabibigo na mapahinto ang mga operasyon ng “Peryahan ng Bayan” at iba pang aktibidad ng ilegal na sugal.
“There is a specific instruction to stop this and when they fail to do it, then they will be relieved and we will find other commanders who will replace them,” dagdag pa niya.
Pinayuhan din ni De Leon ang mga police commander na makipag-ugnayan sa mga lokal na opisyal ng PCSO upang i-map ang mga plano sa pagbibigay ng tulong sa pagsasagawa ng anti-illegal gambling operations. (PNA)
Bawat tao ay may kanya kanyang istorya na tunay na kapupulutan ng aral maging ito man ay sa pang araw araw na buhay o sa pagsasaka.
Siguro nakakarinig tayo sa mga Maritess tungkol sa mga magsasaka na kumita ng maganda at mayroon din namang mga luhaan. Ang ibang magsasaka ay hindi na nag aani. Hinahayaan na lang mabulok sa puno o ibalik sa lupa at gawin ferlizer ang mga gulay dahil matatalo pa sa labor cost kung ito’y kanilang iha-harvest. Minsan ay bagsak na bagsak ang presyo ng gulay kaya nalulugi ang ating mga magsasaka.
Ano nga ba ang dahilan? Kung ating susuriin, maraming dahilan. Ito ang bibigyan natin ng pansin ngayon sa pag asang makakatulong tayo sa kapwa magsasaka. Kaya minabuti natin na mag interview ng isang may mayamang karansasan sa pagsasaka. Siya ay isang kaibigan na agripreneur. Magkukwento siya at magbabahagi ng kanyang journey sa pagsasaka.
Si Maria Magdalena Refran Ripas ay 56 taon gulang na tubong Alaminos, Laguna. Naninirahan siya ngayon sa Dolores, Quezon. Dati siyang Sales and marketing sa Silicon Valley pero nag focus siya sa pamilya at mga anak niya simula noong 1991.
Maganda ang journey ni Mags sa farming. Nagsimula siya sa farming ang noong 2015. Ito ng taon na natapos ang training sa Kabalikat Sa Kabuhayan Training Program kung saan ang farm ni Mags ay naging demo farm ng SM foundation. May mga naiwan sa kanya ang mga facilities at ito ay ipinagpatuloy niya. Tinawag niya itong Encarnacion Farm na hango sa pangalan ng kanyang lola.
Sa unang yugto ng kanyang buhay magsasaka, naibahagi nya na nagkaroon siya ng pangamba na baka hindi siya umunlad. Una ay dahil kakaiba ang mga tanim niyang gulay at hindi kilala sa market. Noong una ay ipinamimigay lamang niya ang kanyang ani. Dahil sa prinsipyo ng farming walang nagtanim na hindi nag-ani. Nakakatuwa dahil yung mga taong alaga niyang bigyan ng ani noon ay sila ang mga naging mga unang naging customers nya.
Sa aming kwentuhan nabanggit nya na kapag farmer ka, kalimitan mahirap dahil hindi sapat ang kita. Pag Coconut farmer maghihintay ka ng 45 days bago magbuko. Kung rice farmers 3-4 months. Sa pagitan ng mga buwan na iyon, anong kakainin ng ating mga magsasaka habang hindi pa naghaharvest. Kaya kailangan ay market driven ang pananim kagaya ng Lettuce.
Ang taniman ni Mags ng Lettuce ay 500 sq. meters na may 15-16 plots. Hinahati nya ito sa apat. Every week ay nagta transplant, nagpupunla at naga harvest kaya linggo linggo ay may kita. Sa bawat plot kumikita sya ng 2 thousand. Dahil hinati sa apat. Kada linggo may 3 plots syang hinaharvest kaya kumikita sya ng 6 thousand linggo linggo. Sa loob ng isang buwan ay Php24,000 ang kita sa lettuce pa lang.
Bakit may mga magsasaka na nalulugi o mahina kita. Isa sa mga dahilan ay dahil ang ating mga traditional farmer nagtatanim muna sila bago humanap ng market.
Mahalaga unag i-develop ang market bago magtanim, ito ang payo ni Mags.
May advantage ang mga makabagong magsasaka natin dahil mas bukas ang isip nila para mag attend ng mga trainings at magkaroon ng mga makabagong kaalaman. Sa aming pag uusap naulit nya ang kahalagahan ng Agro- entrepreneurship. Tungkol ito sa agriculture at entrepreneurship at sa pagnenegosyo. Ang agro-entrepreneurship ay brainchild ng Agrarian Reform at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) kung saan ang ating mga mga magsasaka ay tinutulungan at tinuturuan ng mga kaalaman sa pagnenegosyo.
Ini-expose ang ating mga farmers sa mga potential buyers o market. Tinutulungan silang maghanap muna ng market. Itinutro sa kanila na huwag munang magtanim hangga’t wala pang buyer. Ito ay upang maiwasan din ang pambabarat ng mga traders.
Mahalaga ang collective marketing, sabi pa ni Mags. Sa collective marketing na binubuo ng 10-15 na magsasaka, makakapag demand sila ng presyo.
Ipinapayo din niya na mahalagang kumuha ng organic agriculture NC2 ang bawat household. Mahalaga ang gulay sa ating katawan para humaba ang ating buhay.Mahalagang magtanim tayo ng mga gulay sa ating bakuran para makatulong tayo sa food supply chain. Kahit talbos lang ng Kamote o talbos ng Sili ay mabuting meron tayong tanim sa tabi ng ating bahay.
Nais niyang gisingin ang “the farmer’s in you” at ang “the farmer’s in us.” Dahil isa siyang halimbawa ng nagising ang pagkamagsasaka noong umalis siya sa corporate world at pumunta sa pagsasaka at naging matagumpay.
“Mas maaga pa ay simulan na natin habang kaya pa ng tuhod. Alalahanin natin farming is a business and farming is an enterprise kaya kung may lupa din lang tayo, imaximize natin at i-utilze para sa pagkakaroon ng magandang buhay sa pagsasaka,” dagda pa ni Mags.
Dasmariñas City, Cavite. Arestado ang dalawang high value suspects na nasa drug watchlist ng police station ng nabanggit na lungsod.
Kinilala ang dalawang suspek na sina Said Alonte Ungpe, 39 anyos, at Ali Dimapuro Masinger, 22 anyos, parehong residente ng Block 51, Lot 30, Brgy. Datu Esmael, Dasmariñas City.
Narekober sa kanila ang pitong kilo ng shabu na nakalagay sa loob ng mga tea bag na inatayang nagkakahalaga ng Php 47.6M.
Humarap ang isang halal na opisyal ng barangay sa nakakasakop sa lugar at isang media practitioner upang saksihan ang katotohanan ng imbentaryo ng mga nasabat na droga at iba pang ebidensya.
Sina Ungpe at Masinger ay kakasuhan ng paglabag sa Sec 5 at 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na walang rekomendasyon sa piyansa.
Dinala sa Cavite Provincial Forensic Unit ang mga nasamsam na droga upang isailalim sa laboratory examinations .
Kaugnay nito, pinuri ni Regional Director ng Police Regional Office 4A na si Police Brigadier General Antonio C. Yarra ang mga operatiba ng lalawigan ng Cavite partikular ang Dasmarinas City Police Station, CIDG dahil sa pagkakakumpiska ng mahigit 7 kilo ng shabu sa nabanggit na operasyon na ikinasa ng intelligence at drug enforcement unit ng Dasmariñas PNP na pinangunahan ni Police Lieutenant Raul L. Alcantara, Jr.
Sta. Cruz, Laguna. Arestado ang isang akusadong rapist na rank 4 sa listahan ng Most Wanted Person sa CALABARZON sa kasong Qualified Rape.
Kinilala ni Police Colonel Cecilio R. Ison Jr ang nadakip na si Luisito Cacao Mabuyo, 52 anyos na construction worker at nakatira sa Brgy Palo Alto, Calamba City, Laguna.
Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Arnel L. Pagulayan hepe ng Calamba City Police Station (CPS), inaaresto ang akusado kahapon Hunyo 6, 2022 sa ganap na 7:10 ng gabi sa Brgy. Palo Alto, Calamba City, Laguna.
Nakaharap ang akusado sa walang piyansang kaso na Qualified Rape na isinampa noong Mayo 5, 2022na inilabas ng Family Court Br. 8, Calamba City, Laguna.
Sa bukod na manhunt operation ng Calamba CPS, nadakip din si Angelica Mendoza Bienes, 27 anyos na vendor at nakatira sa Brgy Looc, Calamba City, Laguna kahapon sa bisa ng warrant of arrest na isinampa laban sa kanya sa kasong paglabag sa walong kaso ng Cybercrime Prevention ACT of 2012.
Sa isa pang manhunt operations na ikinasa ng Santa Cruz Municipal Police Station ay inaresto si Miguel Capino, 24 anyos na nakatira sa Brgy. Uno, Pagsanjan, Laguna kahapon sa Mabini St., Brgy. Poblacion 3, Santa Cruz, Laguna, sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 (16 Counts) at Cybercrime Prevention Act of 2012 (4 counts) na ibinaba ng Regional Trial Court, Branch 26, Santa Cruz, Laguna.
Matagumpay na naisagawa ang operasyon sa pamamagitan ng nakalap na impormasyon mula sa Barangay Intelligence Network (BIN’s) ng komunidad. Ang operasyong ito ay patunay na hindi tayo titigil sa pagsawata sa mga taong may pananagutan sa batas, at para mabigyan ng hustisya ang mga biktima, ayon sa pahayag ni PBGen Antonio C Yarra.
Nakasentro sa pangako na ipagpapatuloy ang kaunlaran at pagkakaisa ng paparating na Administrasyong Vic Belen Amante (VBA). Kung ano ang naumpisahan at iiwanang mga proyekto at programa ng kanyang anak na kanyang hahalinhan sa katanghalian tapat ng June 30, 2022, ay ipinangako na tatapusin ito para sa kapakinabangan ng mga kababayan.
Nahalal bilang kinatawan ng Ikatlong Purok ng Laguna si incumbent Mayor Amben Sahagun Amante at masasabing malaking tulong ito kay Mayor-elect VBA upang ipagpatuloy ang ‘Unity in Progress’ na sinimulan siyam na taon ang nakaraan.
Bagama’t wala pang opisyal na ipinapahayag kung sino-sino ang magiging bagong mga tauhan sa pagpapatakbo ng kanyang administrasyon ay inaasahang magiging madali ang pamamahala sapagkat ika-pito na niya itong termino bilang alkalde ng lungsod.
Maaaring may ilang babaguhin at idadagdag na mga programa’t proyekto ang papasok na administrasyon upang maging epektibo at napapanahon ang mga ito. At nangangahulugan na magkakaroon ng kaunting pagbabago ang sistema ng pagpapatupad at pagsasagawa ng mga ito.
Magkaganoon man ay abangan na lang ang pagsapit ng itinakdang araw ng turn over sa p’westong babakantehin ni Mayor Amben at pakinggan ang magiging opisyal na pahayag ng papalit na Alkalde VBA.
Nagbabala ang Philippine Ports Authority (PPA) kanina sa publiko sa mga taong nagpapanggap bilang mga PPA agents at humihingi ng pera para sa pagproseso ng mga pekeng pakete mula sa ibang bansa.
Sa isang pampublikong advisory, sinabi ng PPA na ang ksangkot sa scam ang mga taong nagpapanggap na nagtatrabaho sa PPA at nagpapakita ng pekeng sales invoice sa kanilang mga target upang patunayan na mayroon silang package mula sa ibang bansa.
“Hihingi ng malaking halaga ang mga ito para diumano punan ang mga serbisyo at ekwipo na ginamit sa pantalan kasama na ang duties and taxes ng bagahe upang mailabas na sa pantalan at madala sa kanilang mga tahanan,” ayon sa PPA.
Sinabi nila na ang PPA ay hindi nakikipag transaksyon sa mga humahawak ng package o mga kumpanya ng logistics na humahawak ng mga package na dumadaan sa mga port ng PPA.
“Ugaliing maging mapanuri. Maging maingat laban sa ganitong klase ng pananamantala,” dagdag pa ng PPA.
Para sa anumang katanungan o alalahanin, nag aanyaya ang PPA sa publiko na makipag-ugnayan sa kanila sa pamamagitan ng PPA Facebook page portsauthorityph at sa Twitter @pports. (PNA)
We use cookies on our website to give you the most relevant experience by remembering your preferences and repeat visits. By clicking “Accept All”, you consent to the use of ALL the cookies. However, you may visit "Cookie Settings" to provide a controlled consent.
This website uses cookies to improve your experience while you navigate through the website. Out of these, the cookies that are categorized as necessary are stored on your browser as they are essential for the working of basic functionalities of the website. We also use third-party cookies that help us analyze and understand how you use this website. These cookies will be stored in your browser only with your consent. You also have the option to opt-out of these cookies. But opting out of some of these cookies may affect your browsing experience.
Necessary cookies are absolutely essential for the website to function properly. These cookies ensure basic functionalities and security features of the website, anonymously.
Cookie
Duration
Description
cookielawinfo-checkbox-analytics
11 months
This cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookie is used to store the user consent for the cookies in the category "Analytics".
cookielawinfo-checkbox-functional
11 months
The cookie is set by GDPR cookie consent to record the user consent for the cookies in the category "Functional".
cookielawinfo-checkbox-necessary
11 months
This cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookies is used to store the user consent for the cookies in the category "Necessary".
cookielawinfo-checkbox-others
11 months
This cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookie is used to store the user consent for the cookies in the category "Other.
cookielawinfo-checkbox-performance
11 months
This cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookie is used to store the user consent for the cookies in the category "Performance".
viewed_cookie_policy
11 months
The cookie is set by the GDPR Cookie Consent plugin and is used to store whether or not user has consented to the use of cookies. It does not store any personal data.
Functional cookies help to perform certain functionalities like sharing the content of the website on social media platforms, collect feedbacks, and other third-party features.
Performance cookies are used to understand and analyze the key performance indexes of the website which helps in delivering a better user experience for the visitors.
Analytical cookies are used to understand how visitors interact with the website. These cookies help provide information on metrics the number of visitors, bounce rate, traffic source, etc.
Advertisement cookies are used to provide visitors with relevant ads and marketing campaigns. These cookies track visitors across websites and collect information to provide customized ads.