Monday, April 27, 2026


Your Daily News Update About CALABARZON and Beyond.
ISSN 2799-1911

Home Blog Page 759

DM-X Technologies Inc., nag-aalok ng walang patid na supply ng elektrisidad sa bayan ng Oriental Mindoro

0

Nagpaplano ang isang energy solution company na magsagawa ng pilot project na nangangakong maghatid ng 24/7 na serbisyo ng elektrisidad sa mga komunidad sa Bongabong, Oriental Mindoro, gamit ang mga power technology at clean energy.

Nakipagpulong si Bongabong Mayor Elegio Malaluan kay DM-X Technologies Inc. chair at chief executive officer Deodato Reloj Jr. noong Biyernes sa Clark, Pampanga at tinalakay ang posibleng partnership.

Ang core ng DM-X ay nag-aalok ng distributed power generation system (DPGS) na bumubuo ng primary power kumpara sa pagiging standby power generator lang.

Ang kumpanya ay distributor din ng mga  lubricants and clean fuel proprietary technology na pag aari ng isang gas company na Amptron Corporation sa Estados Unidos.

Umaasa si Malaluan na ang mga teknolohiya ng DM-X ay magbubukas ng higit pang mga pagkakataon at magbibigay daan para sa pag-unlad ng Bongabong na aniya ay nahahadlangan ng hindi episyenteng serbisyo ng kuryente sa isla.

Sa Mindoro, parating brownout. Ang pino-propose nila (DM-X) ay magkaroon ng power plant sa Bongabong at Roxas, at ‘yung Bongabong ang magiging model or pilot. Kung magkaganoon, ‘pag naging maayos iyon, sa ibang bayan naman,” ayon kay Malaluan sa isang panayam ng Philippine News Agency.

“The decision was to pilot a one-megawatt project in Bongabong to show the DOE, Transco, and Napocor that DM-X can be a primary source of power. In the future, we would expand to serve more of Bongabong’s constituents and provide them with electricity 24/7,” dagdag pa niya.

POWER SUPPLY. (Mula kaliwa) DM-X Technologies Inc. chair Deodato Reloj Jr., National Commission for Indigenous Peoples Provincial Officer for Oriental Mindoro Reynante Luna, DM-X Philippine representative Jenifer Reloj, at Bongabong, Oriental Mindoro Mayor Elegio Malaluan habang tinitingnan ang power generation equipment sa DMX warehouse sa PhilExcel Business Center sa Clark, Pampanga noong Biyernes, Enero 28, 2022. Ang DM-X ay nagnanais na mag-pilot project ng 24/7 power project sa Bongabong. (Photo credits:Joey Razon)

Baril at droga, naharang ng Laguna PNP

0

Sta. Cruz, Laguna. Nahulihan ng baril ang isang suspek sa anti-illegal drugs sa Biñan City na inaresto sa ilalim ng isang drug buy-bust operations na isinagawa ng Biñan City Police Office sa pamumuno ni PLTCOL Jerry B. Corpuz.

Kinilala ni Acting Provincial Director of Laguna Police Provincial Office PCOL Rogarth B.  Campo ang suspek na isang nagngangalang Christopher Alon-Alon alyas Kit, 39 anyos at residente ng Elvinda Village, San Pedro City, Laguna.

Nakuha ng mga awtoridad kay Alon-alon ang isang baril na Glock 17, dalawang magazine at mga bala kasama ng limang sachet ng hinihinalang shabu.

Ang suspek ay kasalukuyang nakapiit sa Biñan City Police Station habang kinakasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (R.A. 9165), Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act of 2013 (R.A. 10591) at sa Omnibus Election Code, ayon sa ulat ni PCOL Campo kay Regional Director PRO-Calabarzon PBGEN Eliseo DC Cruz.

Campo: Seryoso ang PNP Laguna laban sa iligal na sugal, 36 suspek arestado

0

Sta. Cruz, Laguna.  Nasakote ang 36 na iligal na sabungero sa lalawigan ng Laguna sa ilalim ng magkakahiwalay na anti-illegal gambling operations na patuloy na isinasagawa ng Laguna PNP.

Huli sa aktong nagtutupa sina Nestor Alday Liscano, Joel Lescano Exconde, Ramil Mercado Reyes at Noel Fule Guia na pawang mga residente ng San Pablo City. Sila ay inaresto kahapon sa Bgry. San Jose ng mga tauhan ng San Pablo City Police Station sa pamumuno ni PLTCOL Garry C. Alegre.

Dinakip din sina Danilo Caidic, Nestor Maestre, Joesiry Coruña, Christopher De Jesus, John Paulo Trejinal, Elizardo Mejarito, Deomides Rosel, Roland Virtodez, Wilfredo Nacario na pawang naninirahan sa Pangil Laguna sa anti-illegal gambling operations na isinagawa ni Pangil Municipal Police Station (MPS) Chief PLTCOL Arnold O. Moleta bandang 12:53 ng tanghali kahapon sa Brgy. Saray, Pangil, Laguna.

Sa Sta. Cruz, Laguna, sa pangangasiwa ni Sta. Cruz MPS Chief PLTCOL Paterno L. Domondon ay inaresto sina Arnel Kamatoy, Endolicio Solis, Restituto Galarde, Bryan Solis, Esmeraldo Berunio, Forest Boyles, Christian Ubaldo, Ronilo Alvarez, Andro Reyes, Zarlo Meras, Fernando Banocnoc, na mga residente ng Santa Cruz Laguna sa aktong nagtutupda sa Sitio Matahimik, Brgy. Duhat, Santa Cruz, Laguna.

Gayundin ay naaresto sa Liliw, Laguna ng mga elemento ng Liliw MPS sa pangangasiwa ni PLT Amado J. Basilio, Jr. sina Mario Montesines, Alvin Tunay, Ken Harvey San Juan,.Joran San Lorenzo, Baltazar Cometa, Jerry Polluso, Leonel Adonis, pawang mga tubong Liliw.

Samantala, arestado din sina Tamano Romujo Pakil, Ryan Ariap Abayon, Celnor Phil Dianon Alipar, Jayson Alano Clavecilla, Ritche Alipoyo Auguis, pawang mga nakatira sa Sta. Rosa, Laguna sa operasyon na isinagawa ng Sta. Rosa Police sa isang bakanteng lote sa Mercado Village Sitio STI Brgy. Pulong Sta Cruz, Sta Rosa City, Laguna.pangunguna ni PLTCOL Paulito M. Sabulao.

Ang mga suspek ay dinala sa mga tanggapan ng PNP na nakakasakop sa kanila at ang mga ebidensyang manok na pansabong, mga tari at perang pamusta na nakuha sa kanila ay sasailalim sa tamang disposisyon, ayon sa ulat ni  Laguna Police Provincial Office PCOL Rogarth B. Campo kay Regional Director PRO-CALABARZON PBGEN Eliseo DC Cruz.

“Ito ang patunay na seryoso ang Laguna PNP sa pagsagawa ng mga operasyon laban sa mga illegal na pasugalan sa lalawigan ng laguna,” ayon kay Campo.

Planong pagpatay kay Marcos, iimbestigahan ng PNP

0

Tinitingnan ng Philippine National Police (PNP) ang mga sumbong hinggil sa planong pagpatay kay dating senador at presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ayon kay Chief PNP Gen. Dionardo Carlos noong Lunes.

Sa panayam ng mga media sa PNP headquarters sa Camp Crame, sinabi ni Carlos na nangangalap ng karagdagang impormasyon ang pulisya sa diumano ay planong pagpatay na isang banta sa personal na seguridad ng isang presidential aspirant.

“We will validate it. Mayroon na pong nakipag-ugnayan. With regard to this report, we are open because our commitment is to secure everyone, our commitment is for a peaceful election,” ayon kay Carlos.

Nauna rito, sinabi ni Department of Justice Secretary Menardo Guevarra na nakatanggap ng online tip ang Office of Cybercrime sa diumano ay planong pagpatay kay Marcos.

Isang post sa TikTok na may nakasulat na “WE ARE meeting everyday to plan for BBM’s assassination. Get ready,” ay kumakalat sa social media noong nakaraang linggo.

Sinabi ni Guevarra na sinimulan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagsisiyasat at ang kaso ay isinampa na rin sa PNP-Anti-Cybercrime Group.

Photo: NOEL CELIS/AFP via Getty Images

PhilPost naglabas ng mga selyong Year of the Tiger

0

Ilulunsad ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) ngayon, Pebrero 1, ang commemorative Year of the Tiger stamps bilang hudyat ng pagdiriwang ng Chinese New Year sa Seascape Village sa Pasay City.

Ang mga selyo, souvenir sheets, at official first day covers ng “New Year 2022: Year of the Tiger Stamps”  ay makukuha sa Philatelic Counter ng Manila Central Post Office sa Liwasang Bonifacio, Manila.

Maaari ding bilhin ang selyo sa launching na magsisimula ng mamaya, 4:00 ng hapon.

“We wish the Chinese community peace, prosperity and love. This event will also give an opportunity for Chinese-Filipinos and Filipinos to enjoy and appreciate this celebration in a simple ceremony. I understand that some of the festivities in Manila were postponed for the second time this year due to the threat of the coronavirus,” ayon kay Postmaster General Norman Fulgencio sa isang news release kahapon.

Magsisimula ang Chinese Lunar New Year sa Pebrero 1.

Ang water tiger ay ang pangatlo sa 12 zodiac animal sign sa Chinese astrology. Ang huling taon ng Water Tiger ay noong 1962.

Ang iba pang mga taon ng Tiger ay 2010, metal; 1986, fire; at 1998, earth.

“We firmly believe that this Year of the Tiger, which is the symbol of courage and strength, will propel us to greater heights as the Post Office gears up to modernize its systems, innovate its products and services and immortalize the rich history, culture, talents and achievement of Filipinos around the world,” ayon kay Fulgencio.

Para sa mga katanungan tungkol sa mga selyo, tumawag sa (02) 8527-0108 o (02) 8527-0132 at sundan at i-like ang Facebook page ng PilipinasPhilately.

Prime suspect sa Romblon massacre, inaresto na

0

Inaresto ang isang prime suspect  sa Romblon’s massacre noong Miyerkules hinggil sa kaso ng pagpatay sa isang babae at dalawang anak nitong anak na natagpuang mga patay na at nagtamo ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan sa loob ng kanilang bahay sa San Jose. Romblon.

Kinilala ni Romblon PNP Director Col Reynold Rosero ang suspek na si Patrick Rufino Cahilig, 35 at inaresto sa kanyang bahay sa San Joe, Romblon noong Biyernes ng hapon.

Inihahanda ng Provincial Prosecutor’s Office sa Odiongan ang tatlong kaso ng murder, robbery at attempted rape laban kay Cahilig.

“We are still waiting the results of the forensic test, testimony of an eyewitness and others hard evidence,” ayon kay Rosero.

Nasa pangangalaga ng mga pulis ang suspek matapos itong arestuhin sa isang pursuit operation sa kanyang tirahan 50 metro ang layo mula sa bahay ng mga pinaslang.

Sinabi ni Rosero na ang suspek ay positibong kinilala ng isang testigo na si Charlie Mendoza Seraspi na nagtago habang nakikita niyang isinasagawa ang krimen.

Inamin ni Serapin na siya ay natutulog sa isang hiwalay na silid sa loob ng bahay ng biktima matapos sumama sa party kasama ang tatlong biktima noong Martes.

Batay sa mga salaysay na binitawan niya sa mga prober, nagising siya sa ingay ng isang kadena at nakita niya ang suspek na papalabas ng bahay ng biktima na hindi na niya ito pinansin at natulog ulit.

Ang suspek ay napag alamang live-in partner ng tiyahin ng biktima at isa siya sa mga trabahador sa pagpapatayo ng bahay ng biktima.

Idinagdag ni Rosero na nawawala din ang maliit na bag na naglalaman ng pera ng biktima.

“ We discovered the suspect has scratch on his body, it is possible came from the woman’s fingers who tried to fought back on her attackers, however, the assailant denied as saying he was sustained the scratches when he climbed at the back of his house,” ayon pa rin kay Rosero.

Maaalala sa mga unang balita na ang mga bangkay ni Wielyn Mendoza, 29; TJ, 9, at JB, 7, na nagtamo ng mga saksak, ay nadiskubre ng kanilang mga kaanak sa Sitio Upper Hinulugan sa Barangay Poblacion noong Miyerkules

Ang kapatid ni Mendoza na si Wilbert at Charlie Seraspi ay nagsumbong sa pulisya bandang alas-9 ng umaga.

Diumano ay dumalo ang mga biktima sa isang birthday party sa bahay ng kanilang kapitbahay noong Martes ng gabi.

Sinabi ni Wilbert sa pulisya na natagpuan niya ang mga bangkay nang makita niyang bukas ang pinto ng bahay ng mga biktima at tingnan niya kung bakit walang sumasagot ng tawagan niya ang mga ito.

DOH: Nagparehistro ang 168K sa pedia vaxx ng age group na 5-11

0

Naparehistro na ang humigit kumulang na 168,355 na batang edad 5 hanggang 11 sa gaganaping pilot rollout ng Covid-19 pediatric vaccination sa darating na Pebrero 4 at 5, ayon sa report ng Department of Health kahapon.

Tatlumpu’t dalawang vaccination sites ang natukoy sa Metro Manila, kabilang ang Philippine Children’s Medical Center, National Children’s Hospital, at Philippine Heart Center. Sa Pebrero 7, apat na ospital sa Central Luzon at Calabarzon regions ang lalahok din.

Ang kabuuang bilang ng 15.5 milyong bata ang maaaring ma- inoculate, batay sa datos ng Philippine Statistics Authority.

Tatlumpu’t dalawang lugar ng pagbabakuna ang natukoy sa Metro Manila, kabilang ang Philippine Children’s Medical Center, National Children’s Hospital, at Philippine Heart Center, para sa pilot rollout noong Pebrero 4 at 5.

Sa Pebrero 7, apat na ospital sa Central Luzon at Calabarzon regions ang lalahok din.

“We will do it by tranches depending on the vacHealth Undersecretary Myrna Cabotaje sa isang online briefing.

Hindi magkakaroon ng hiwalay na inoculation para sa mga batang may comorbidities upang mapabilis ang proseso. Ang mga may comorbidity ay dapat magpakita lang mga medical certificate.

Ang mga magulang o guardian ay dapat magdala ng birth certificate ng bata o anumang katibayan ng proof of filiation.

Ang mga batang pitong taong gulang pataas ay kailangan ding pumirma sa isang form ng pagpayag.

Sinabi ni Cabotaje na ang pediatric vaccination ay magpapasimula ng “cocoon protection” para sa mga pamilya, lalo na ang mga may mga batang wala pang limang taong gulang na hindi pa nakakatanggap ng Covid-19 jab.

Sinabi niya na 15 milyong dosis ng mas mababang dosis na Pfizer-BioNTech na bakuna ay inaasahang darating sa una at ikalawang quarter.

Sinabi niya na 15 milyong dosis ng mas mababang dosis na Pfizer-BioNTech na bakuna ay inaasahang darating sa una at ikalawang quarter. Sa Pebrero 3 at 9, 1.56 milyong dosis ang ipapadala sa Maynila.

“We are expecting weekly deliveries after that. Iyong mga quantities dine-determine pa natin pero at least for the next two quarters made-deliver iyong 15 million (We are still determining the quantity but for the next two quarters, the 15 million doses would be delivered),” ayon sa kanya. 

Tinatanyang nasa 15.5 milyong bata ang kailangang bakunahan, batay sa datos ng Philippine Statistics Authority.

Mahihinang phreatomagmatic bursts, naitala sa Taal Volcano

Walong “mahihinang” phreatomagmatic bursts ang naitala sa Taal Volcano, ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) kahapon.

Sa isang advisory, sinabi ng Phivolcs na ang mga phreatomagmatic burst na ito mula sa main crater ay nangyari sa pagitan ng 1:18 p.m. hanggang 9:57 p.m., na tumatagal ng 10 segundo hanggang dalawang minuto.

Ang phreatomagmatic eruptions ay sanhi ng interaksyon ng magma at tubig na sinamahan ng mga natatanging infrasound signal, ayon sa Phivolcs.

Samantala, naka-detect din ang Phivolcs ng steam-rich plumes na may taas na 400 hanggang 900 metro.

Mula noong simula ng 2022, ang average na sulfur dioxide (SO2) flux ay 10,668 tonelada bawat araw, at ang pinakamataas na emisyon ay 18,705 tonelada noong Enero 27.

Sa kabila ng mataas na SO2 emission, sinabi ng Phivolcs na halos walang volcanic earthquake ang naitala sa Taal Volcano simula noong Disyembre 19, 2021.

Nananatiling nakataas ang alert level 2 (increased unrest) sa Bulkang Taal. Nangangahulugan ito ng mga gas-driven explosions at lethal accumulations o expulsions ng gas na nagbabanta sa mga lugar sa loob at paligid ng Taal Volcano Island (TVI).

Ang pagpasok sa TVI, sa paligid ng main crater at sa Daang Kastila fissure at ang mga aktibidad sa Taal Lake, ay dapat na mahigpit na ipinagbabawal, sinabi ng Phivolcs.

Pinapayuhan din ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan na suriin at palakasin ang kahandaan ng mga naunang lumikas na barangay sakaling magkaroon ng panibagong malawakang paglikas.

Laguna, Batangas, Quezon mananatili sa Alert Level 3 hanggang Pebrero 15

0

Sa gitna ng pagbaba ng mga kaso ng COVID-19, ang Metro Manila at pito pang probinsya ay isinailalim sa Alert Level 2 simula Pebrero 1, ayon sa Malacañang kanina.

Ang mga lalawigan na ito ay ang Batanes, Bulacan, Cavite, Rizal, Biliran, Southern Leyte, at Basilan.

Samantala, ang mga sumusunod na lungsod at lalawigan ay isasailalim o mananatili sa Alert Level 3 mula Pebrero 1 hanggang 15:

Abra, Apayao, Baguio City, Benguet, Kalinga, Mountain Province, Dagupan City, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, City of Santiago, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Angeles City, Aurora, Bataan, Nueva Ecija, Olongapo City, Pampanga, Tarlac, Zambales, Batangas, Laguna, Lucena City, Quezon Province, Marinduque, Romblon, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Puerto Princesa City, Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Masbate, Naga City, Sorsogon, Aklan, Antique, Bacolod City, Capiz, Iloilo City, Iloilo, Negros Occidental, Guimaras, Cebu City, Lapu-Lapu City, Mandaue City, Bohol, Cebu, Negros Oriental, Siquijor, Ormoc City, Tacloban City, Eastern Samar, Leyte, Northern Samar, Western Samar, City of Isabela, Zamboanga City, Zamboanga Del Sur, Zamboanga del Norte, Zamboanga Sibugay, Bukidnon, Cagayan de Oro City, Iligan City, Lanao del Norte, Misamis Occidental, Misamis Oriental, Davao City, Davao Del Sur, Davao Del Norte, Davao Oriental, Davao de Oro, General Santos City, North Cotabato, Sarangani, South Cotabato, Sultan Kudarat, Surigao del Norte, Surigao Del Sur, Agusan Del Norte, Agusan del Sur, Butuan City, Maguindanao, Cotabato City at Lanao Del Sur

Sa ilalim ng Alert Levels 2 at 3, ang intrazonal at interzonal na paglalakbay ay papayagan na napasailalim sa mga makatwirang paghihigpit na maaaring matukoy ng mga local government units.

Gayunpaman, sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na sa ilalim ng Alert Level 3, ang mga sumusunod na establisyimento ay ipinagbabawal na mag-operate:

  • Face-to-face na klase para sa pangunahing edukasyon, maliban sa mga naunang inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases at/o ng Office of the President
  • Contact sports, maliban sa mga isinasagawa sa ilalim ng isang bubble-type na setup
  • Mga industriya ng funfair at kid amusement
  • Mga lugar na may live voice o wind-instrument performer at audience
  • Mga casino, karera ng kabayo, sabong at pagpapatakbo ng mga sabungan, lottery at pustahan, at iba pang mga gaming establishment maliban kung pinahihintulutan ng IATF o ng Office of the President
  • Mga pagtitipon sa mga bahay na may mga bisita o indibidwal na hindi kabilang sa sambahayan.

Komadronang pulis, pinuri ni PNP Chief Carlos

0

Binigyan ng papuri ni Philippine National Police Chief General Dionardo Carlos si Patrolman Lhar Talaga, Assistant Police Community Relations ng Caticlan Airport Police Station, Aviation Security Unit 6 dahil sa mabilis na pagtugon na tulungan ang isang babaeng manganganak sa Afga Tangalan, Aklan, noong Enero 27, 2022.

Humingi ng tulong kay Pat Talaga ang ina ng babaing manganganak at agad namang pumasok sa kanilang bahay ang pulis. 

Ayon sa Internal Examination (IE) na isinagawa ni Talaga sa pasyente, 9 centimeter cervical dilation o nasa stage 2 labor na ang buntis at senyales na lalabas na ang sanggol kung kaya’t nagsagawa na ng spontaneous normal delivery procedure ang pulis hanggang sa wakas ay nakapagsilang na ng malusog na isang sanggol si Rachel Mae Panagsagan.

Napag alaman na si Talaga ay isang registered nurse at may karanasan sa bilang isang trained health professional sa larangan ng childbirth.

Bilang Assistant PCR PNCO, aktibo siyang nagsasagawa ng mga aktibidad na naglalayong ilapit ang pulisya sa komunidad. Ginagamit pa niya ang kanyang Savings, Combat Incentive Pay (CIP), at Combat Duty Pay (CDP) sa pagtulong sa mga taong nangangailangan.

“Compassion is the ultimate expression of one’s self and giving exudes a great feeling of satisfaction,” ayon kay Talaga.

“This is a concrete example that every person may have other skills and niches that can be maximized to render service to the public. Patrolman Talaga is a living testimony to the many wonderful deeds that go beyond the call of duty,” ayon naman sa mensahe ni Carlos.