Monday, April 27, 2026


Your Daily News Update About CALABARZON and Beyond.
ISSN 2799-1911

Home Blog Page 760

Company driver at 3 doper, natiklo ng Laguna PNP

0

Sta. Cruz, Laguna. Inaresto ang isang nagngangalang Rizaldy Tolosa Martinez sa kasong anti-illegal drugs matapos mahulog sa bitag ng buy-bust operations na pinamunuan ni Bay Municipal Police Station (MPS) chief  PMAJ JAmeson E. Aguilar na isinagawa sa Brgy. San Antonio, Bay, Laguna.

Ang 42 anyos na si Martinez ay isang company driver at nakuha sa kanya ng mga awtoridad ang 2 sachet ng hinihinalang shabu.

Sa isang bukod na operation, inaresto din ng Bay MPS si Dennis Barbo Santos, 44 anyos na pintor at residente ng Brgy. San Antonio, Bay, Laguna. Nakumpiska sa kanya ang 2 sachet ng pinagdududahang shabu.

Samantala, nasakote naman ng San Pedro City Police Station sa pangangasiwa ni  PLTCOL Socrates S. Jaca si Santiago De Guzman alyas Kulot, 34 anyos at naninirahan sa Alora Compound,  Brgy Landayan, San Pedro City, Laguna sa isa pang drug buy-bust operations. Tatlong sachet naman ng pinag sususpetsahag ng shabu ang nakuha sa kanya.

Kasabay nito ay hinuli ng Calauan Municipal Police Station sa pamumuno ni Calauan Chief of Police PMAJ Jollymar R. Seloterio si Regie Angeles alyas Fox, male, 38 anyos na painter, sa Brgy Balayhangin, Calauan, Laguna.  Kinumpiska sa kanya ang 3 sachet ng hinihinalang shabu.

Ang mga suspek ay kakasuhan ng paglabag sa R.A 9165 or the Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 habang hinihintay ang resulta ng forensic examinations sa mga ebidensyan na nakuha sa kanila, ayon sa report ni Acting Provincial Director ng Laguna Police Provincial Office PCOL Rogarth B. Campo kay Regional Director PRO-Calabarzon PBGEN Eliseo DC Cruz.

“Nais iparating ng ating ama ng kapulisan na si PGEN Dionardo B. Carlos na ang laban sa illegal na droga ay hindi lang laban ng kapulisan, ito ay laban ng bawat Pilipino. Kung tayo ay magsasama-sama at ayaw talaga natin ng droga patuloy tayong magtatagumpay at makakalikha ng magandang resulta,” ayon kay Campo.

Bagong pasilidad ng Laguna PPO, pinasinayaan

0

STA. CRUZ, Laguna. Pinangunahan ni Laguna Governor Ramil Hernandez, Police Regional Office Director PBGen Eliseo DC Cruz at Laguna Rep. Marlyn Alonte ang pagpapasinaya ng mga bagong renovate na gusali ng Laguna Provincial Police Office (LPPO) kabilang ang chapel belfry, provincial director at female quarters at LPPO administration office sa Kampo Heneral Paciano Rizal sa Barangay Bagumbayan sa bayang ito, noong Enero 26, 2022.

Ang mga bagong ayos na pasilidad ng Laguna PPO ay natupad pamamagitan ng mga hakbangin ni Acting Provincial Director PCOL Rogarth B. Campo bilang bahagi ng pagpapatupad ng programa ng PNP sa Intensified Cleanliness Policy o ICP at sa 3D’s Policy o Discipline, Decorum and Distinct in contribution.

Pinasalamatan ni Hernandez ang mga miyembro ng Laguna PNP sa kanilang suporta at pakikiisa sa pagsasakatuparan ng mga nabanggit na proyekto na ayon sa kanya ay “magsisilbing inspirasyon sa kanila upang mas maging higit na epektibo sa pagseserbisyo at pagtataguyod ng peace and order sa Laguna.”

“Patuloy nating gawin ang mga nararapat upang mapataas pa ang kalidad ng serbisyo na ating ibibigay sa ating mamamayan.” ayon naman sa mensahe ni Cruz.

Tiyakin na ang mga operasyon ng ‘sabong’ ay sumusunod sa mga health protocol: DILG

Inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng local government units (LGUs) na tiyaking hindi magiging super spreader ng Covid-19 at ang napaka-transmissible nitong variant ng Omicron ang pagpapatuloy ng mga operasyon ng mga sabungan at pagbabalik ng tradisyunal na “sabong” sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 2 o mas mababa.  

Ang mga gobernador, alkalde, at barangay chairman ay dapat magsagawa ng tamang paghuhusga, magsagawa ng mga kinakailangang aksyon, at tiyakin ang pagsunod sa mga protocol sa kalusugan at kaligtasan sa pamamahala ng mga aktibidad sa sabungan at sabong, ayon kay DILG Secretary Eduardo Año.

“Kahit nasa Level 2 or 1 na kayo, mahigpit pa rin nating paalala na maging maingat, disiplinado, at alisto sa inyong pagbabalik-operasyon ng sabong. Hindi pa napapanahon upang tayo ay makampante, lalo’t mataas pa ang kaso ng Omicron (Even if we are already under Level 2 or 1, there should be discipline and alertness in cockfighting operations. It is not yet time to be complacent as the Omicron threat is still high),” ayon kay Año sa isang  news release kahapon.

Ang DILG Memorandum Circular 2022-003 ay nagpapahintulot sa mga operasyon ng mga sabungan at tradisyonal na sabong sa ilalim ng Alert Level 2 o mas mababa, basta’t walang pagtutol mula sa kinauukulang LGU at mahigpit na sinusunod ang coronavirus disease 2019 health protocols.

Ang maximum na venue capacity para sa indoor gatherings ay 50 percent na ​​lahat ay ganap na nabakunahan, ayon sa utos ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging and Infectious Diseases.

Kailangan ay fully vaccinated ang mga manggagawa at empleyado ng mga sabungan.

Tanging ang technology-based platforms and cashless betting lamang ang pinapayagan upang maiwasan ang pagpapalitan ng pera sa loob ng sabungan.

Mahigpit na ipasusunod ang minimum public health standards, wastong pagsusuot ng mga maskara, mahigpit na pagpapatupad ng patakarang “no mask, no entry”, physical distancing ng hindi bababa sa isang metro, at pagkakaroon ng alcohol/hand sanitizer/disinfecting materials para sa kalinisan ng kamay ng mga parokyano, empleyado, at bisita.

Ang mga mga miyembro ng mga police office ay ay dapat tumulong sa pagsubaybay at pag-inspeksyon sa mga arena ng sabungan.

Nagbabala siya na ang hindi pagsunod sa mga alituntunin ay magreresulta sa awtomatikong pagsasara ng mga sabungan habang ang mga kaukulang opisyal at empleyado ay mananagot sa ilalim ng batas.

Batangas gunban ops: isang patay, 20 arestado

0

Calaca, Batangas.  Patay ang isang lalaking nakipagbarilan sa mga pulis matapos umiwas sa PNP/Comelec checkpoint sa bayang ito noong Enero 22, 2022.

Ang napatay ay kinilala ni Batangas Police Provincial Director PCOL GLicerio C. Cansilao na isang nagngangalang Geohary Mangundaya alyas “Geohary.”

Ayon sa report ni PCOL Cansilao kay Regional Director PRO CALABARZON PBGEN Eliseo DC Cruz, umiwas si Mangundaya sa checkpoint at nagpaputok ng baril na ginantihan ng mga putok ng mga elemento ng Calaca Police Station at nagresulta sa kanyang pagkamatay.

Samantala, 20 indibidwal ang hinuli sa kasong paglabag sa  Omnibus Election Code o gun ban na sa checkpoint operations na ipinatutupad ng Batangas Police Provincial Office. Nakumpiska sa kanila ang 18 baril at mga bala.

“Nawa’y tayong mga mamamayan ng Batangas ay mapayapang sumunod sa ipinatutupad ng kapulisan na kung saan ay alinsunod sa ating Saligang Batas dahil ang lahat ng ito ay para sa kabutihan, kaayusan at kapayapaan ng ating bayan,” ayon sa mensahe ni Cansilao.

DOH: Iba ang formula ng Pfizer jabs para sa 5-11 taong gulang

0

Iba ang formula ng Pfizer BioNTech (Pfizer) Covid-19 vaccine na ibinibigay sa mga batang may edad na limang taon hanggang 11 taon kaysa sa ibinibigay sa 12 hanggang 17 taong gulang at matatanda, ayon kay Department f Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang media briefing sa Malacañang kahapon.

“Kahit parehong Pfizer po ang brand na binibigay sa mga 12 to 17 years old at five to 11 years old, magkaiba po ang formula ng bakuna sa kanila,” ayon kay Vergeire.

Sinabi niya na ang iba’t ibang dosis ng Pfizer ay may color-coded na mga takip ng bote upang matiyak na ang mga indibidwal ay mabibigyan ng tamang dosis.

Batay sa isang pag-aaral mula sa United States, ang bakunang Covid-19 para sa lima hanggang 11 taong gulang ay may efficacy rate na 91 porsiyento, na walang nakitang seryosong epekto.

“Gaya po ng pagbabakuna sa nakakatanda, maaari pong makaramdam ang ating mga kabataan ng pananakit o pamumula ng injection site, pagkapagod o fatigue, o pananakit ng ulo,” ayon kay Vergeire.

Sinabi niya na ang mga sintomas na ito ay inaasahang mawawala pagkatapos ng dalawa hanggang tatlong araw at maaaring maibsan sa pamamagitan ng pagtitiyak na ang mga bata ay well-hydrated o nabibigyan ng paracetamol.

“Bihira lamang ang malalang side effect dahil sa Covid-19 vaccine, at kung meron man, ay gumagaling din po ang mga kabataang nakakaranas nito,” dagdag pa ni Vergeire.

Binanggit niya na ayon sa Philippine Pediatric Society at Pediatric Infectious Diseases Society of the Philippines, ang mga bata ay napag alaman na may mas banayad na sintomas ng Covid-19 ngunit nahahawahan pa rin at maaari pa ring ma-ospital o ma-admit sa intensive care unit (ICU).

“Para naman po sa mga kabataang may karamdaman o co-morbidities, mas mataas po o 1.8x ang risk na sila po ay tamaan ng malubhang Covid-19 na maaaring mangailangan ng intensive care, habang 2.8x naman po ang risk na maaaring sanhi ng pagkamatay dahil po sa pagkakahawa sa virus,” ang pagtatapos ni Vergeire.

Ang test run ng mga bakuna para sa nabanggit na age bracket, ayon sa kanya ay sisimulan sa NCR sa Pebrero at palalawakin sa natitira pang bahagi ng Metro Manila at sa iba pang mga rehiyon sa ikalawang linggo.

Batay naman sa mga datos ng American Academy of Pediatrics, sinubukan ng mga imbestigador ang mas mababang dosis na Pfizer-BioNTech na bakuna sa 2,268 na bata at ipinahayag nila noong Setyembre 2021 na ang kanilang data ay nagpapakita na ito ay ligtas at gumagawa ng isang makabuluhang immune response.

Ang mga dosis ng mga batang edad 5 hanggang 11 ay ibibigay mula sa orange-capped na vial upang maiiba ang mga ito sa mga dosis para sa adults.

Lider ng organized crime group sa Cavite, ibinalik sa piitan

0

Dasmarinas City Cavite. Muling nahulog sa mga kamay ng batas si Joel Sarimos, lider ng Sarimos drug group sa ilalim ng drug buy-bust operations na isinagawa ng Cavite Provincial Drug Enforcement Unit at ng Dasmarinas City Police Station kahapon.

Si Sarinos ay nadakip sa Brgy. Paliparan 1, Dasmarinas City, Cavite at nakuha sa kanya ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng Php 103,500.

Ang Sarinos drug group na dating pinamumunuan ng suspek ay pinaniniwalaang responsable sa pagbebenta ng iligal na droga at pagsasagawa ng gun for hire activities sa Dasmarinas City at mga kalapit bayan. Ang nabanggit na grupo ay nabuwag noong maaresto si Sarinas noong 2018 ngunit pansamantala itong nakalaya sa pamamagitan ng piyansa.

Ang kaso ng paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ay kasalukuyan ng inihahanda laban kay Sarinos.

San Isidro Bridge sa Majayjay bumagsak: Dump truck nahulog sa Atilo river

0

Majayjay, Laguna. Bumagsak ang 27 metrong San Isidro Bridge sa  Brgy. San Isidro, bayang ito habang dumadaan ang isang trak ng buhangin.

Ayon sa report ni Majayjay Police Station Chief PCapt. Raffy Taduyo, ang dump truck ay bumabagtas sa kahabaan ng provincial road sa Brgy. San Isidro at ng makarating sa Atilo metal bridge ay bumagsak ito at kasamang nahulog ang trak sa Atilo river na may 80 metrong lalim.

Kabilang sa mga nasugatan sa nahulog na 12 wheeler truck sina Jieron Benlot, 34 anyos na driver ng trak at residente ng Purok Cabalantian, Bacolor Pampanga, Den Fernandez, 42 anyos, na residente ng Brgy. Sampalucan, Pagsanjan, Laguna; Noel Clemente, 44 anyos at Jeffry Pinin, 29 anyos, pawang mga residente ng San Nicolas, San Fernando, Pampanga.

Ang mga nasugatan ay isinugod sa Majayjay Medicare Hospital, ayon pa rin sa report.

Ang San Isidro Bridge sa Atilo River ay nagsisilbing pangunahing daan sa Majayjay patungong Sta. Cruz, Laguna.

Nakapagtala ang PH ng 18.6K bagong kaso, 13.1K ang nakarekober

0

Sa ikalawang magkasunod na araw, nanatili sa 18,000-mark ang bilang ng mga bagong impeksyon sa coronavirus disease 2019 (Covid-19), na may naitala na 18,638 na impeksyon kahapon.

Ayon sa pinakahuling Covid-19 tracker ng  Department of Health (DOH), ang mga kaso noong Biyernes ay bahagyang mas mataas kaysa sa 18,191 na bagong kaso noong Huwebes.

Ang mga bagong impeksyon ay nagtaas ng mga aktibong kaso sa 231,658, na binubuo ng 219,811 mga pasyente na may banayad na sintomas; 7,055 na asymptomatic; 2,971 na may katamtamang sintomas; 1,509 na may malubhang sintomas; at 312 sa kritikal na kondisyon.

Sa kabilang banda, nag-ulat ang DOH ng 13,106 na bagong recoveries, mas mababa kaysa noong Huwebes na 22,014, na nagdala sa kabuuang recoveries ng bansa sa 3,226,032 o 91.9 porsyento ng lahat ng kumpirmadong impeksyon, na umabot sa kabuuang 3,511,491 mula noong simula ng pandemya noong 2020.

Dalawang tao ang tinaguriang persons of interest sa pagpatay sa isang babae at dalawang anak nito sa Romblon

0

San Jose, Romblon.  Dalawang lalaki kabilang ang isang pinsan ang itinuturing na persons of interest sa pagpatay sa isang babae at sa dalawang nitong anak na natagpuang bangkay sa loob ng kanilang bahay sa bayang ito, noong Miyerkules, ayon kay Romblon Provincial Police Director Col. Raynold A. Rosero.

Isa sa mga kaanak ng biktimang si Wielyn Mendoza at isang trabahador ang inimbitahan para sa pagtatanong ng nilikhang Special Investigation Team sa suporta ng Criminal Investigation and Detection Group4B.

Sinabi ni Rosero na ang crime of passion, pagtatangkang panggagahasa, at mga usapin sa pamilya ay kabilang sa mga tinitingnang motibo ng pagpatay.

“These two men are considered as the suspects, however, we treated them as persons of interest, because we are still in the course of investigation. They are allowed to  return to their home, but, they were advised not leave and to go somewhere, if they are needed for further questioning, they are available anytime” ayon kay Rosero.

May indikasyon na sinubukang manlaban ng biktima sa mga umatake sa kanya noong tangkaing halayin siya ng mga suspek, ayon kay Rosero.

Bukod dito, lumabas sa post mortem examination ng San Jose District Hospital na si Wielyn, isa sa mga biktima, ay nagtamo ng pitong saksak habang bawat isa sa kanyang dalawang anak ay may apat na saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ang bangkay nina Mendoza, kanyang dalawang anak na sina TJ,9, at JB, 7 na nagtamo ng mga saksak ay nadiskubre ng kanilang mga kaanak sa Sitio Upper Hinulugan sa Barangay Poblacion, San Jose, Romblon.

Ang kapatid ni Mendoza na sina Wilbert at Charlie Seraspi ay nagsumbong sa pulisya bandang alas-9 ng umaga noong Miyerkules.

Dumalo umano ang mga biktima sa isang birthday party sa bahay ng kanilang mga kapitbahay noong Martes ng gabi.

Sinabi ni Wilbert sa pulisya na natagpuan ang mga bangkay nang makita niyang bukas ang pinto ng bahay ng mga biktima nang tingnan niya kung bakit walang sumasagot nang tawagan niya ang mga ito.

“I direct San Jose police to conduct thorough investigation in order to identify and arrest the suspect/s for this heinous crime. We will never cease until the suspects of this crime are placed behind bars”, Brig. Gen. Sidney Hernia, Mimaropa Regional Director, ayon pa rin sa report ni Rosero.

Going dirty: Gabay sa pakikinig at panonood ng negative campaigning

0

Walang duda, ang negative campaigning ay isa sa mga natatanging tampok ng contemporary electoral competition. Kahit sinong sumusunod sa mga balita, kwento at tsismis tungkol sa pulitika ay makapagsasabi na ang kampanyang pampulitika ay madumi at bastos.

Karaniwang laro sa pulitika ang magpatakbo ng mga ad na umaatake sa mga patakaran, nakaraan, lifetsyle at personal na buhay ng kanilang mga kalaban, sa hangaring manalo sa halalan. Sa kaso ng Pilipinas, mistula itong karnibal dahil multi-party ang sistema natin. Kung hindi coalition ay demolisyon ang ating nasasaksihan tuwing eleksyon.

Kahit saang bansa ay may mga dramang pampulitika. Ang mga akusasyon ng pangangabit ay nagsimula sa Amerika noong 19th century. Ang isang memorable na halimbawa nito ay ang presidential campaign sa U.S. noong 1884, kung saan inakusahan ng kanyang mga kalaban si Grover Cleveland na may kabit at anak sa labas. “Ma, Ma, where’s my Pa?” Ito ang ang political catch phrase na ipinakalat ng mga kalaban para gibain siya. 

Pero nanalo pa rin si Cleveland kaya nagpakalat din ng sagot ang kanyang mga taga suporta na “Gone to the White House ha, ha, ha.”

Hindi lamang sa magkalaban sa pulitika ginagamit ang discrediting tactics. Ginagamit din ito sa panahon ng digmaan sa pagitan ng mga bansa. Sa kalagitnaan ng 20th century, nagpaputok ng propaganda ang Soviet at British na isa lang ang bayag ni Adolf Hitler upang ibagsak ang kanyang pagkalalaki. Dahil antipatiko na noon ang dating ni Hitler sa buong mundo, bumenta ito ng todo.

Tama ba o mali ang umatake sa pulitika? Para sa iba, ang negative campaigning ay isang usapin ng taste. Sa kabilang banda, ang pagpuna sa paninindigan at sa patakaran ng mga kandidato ay ito mismo ang tibok ng puso ng demokrasya. 

Ang intentional na pagpapakalat ng kasiraan, kahinaan, kalabisan at kawalan ng isang kandidato ay maaaring udyok ng tapat na layunin na balaan ang publiko laban sa mga tunay na panganib sakaling manalo at maupo ang kulang sa timbang na kandidato. Kung ang mga pahayag ng mudslinging ay mapapatunayang tama, ang mudslinging ay maituturing na moral dimension ng tungkulin ng isang kandidato na maglingkod para sa ikabubuti ng nakararami sa pamamagitan ng paglalantad ng kahinaan ng kanyang katunggali. Sa oras na mahayag ang mga katotohanang ito, ang mga botante ay bumoto na.

Sa bahagi ng botante, may assignment tayo na alamin kung totoo o hindi ang mga mapanirang ad sa social media, dyaryo, radyo, at telebisyon. Mag fact check tayo. Pwede tayong sumangguni sa kasaysayan, mag research o makipagtalakayan sa mga kaibigan, virtual, syempre dahil pandemic pa. Alamin, kilatisin at suriin natin ang bawat banat at sagot ng magkabilang panig. Nakasalalay ang tagumpay at kabiguan ng negative campaign sa kakayahan ng nakikinig o nanonood na kumilala ng katotohanan at kasinungalingan. Nakabubuting huwag lang emosyon ang paganahin kundi utak din.

Manood lang tayo. Enjoy!

Kasaysayan. Oil on Canvas, 2019. Antipas Delotavo.  Si Antipas Delotavo ay isang Pilipinong social realist visual artist.

https://www.facebook.com/antipasdelotavo