Monday, April 27, 2026


Your Daily News Update About CALABARZON and Beyond.
ISSN 2799-1911

Home Blog Page 761

PNP: Bawal ang house-to-house campaign

0

Pinaalalahanan ni Philippine National Police Chief Gen. Dionardo B. Carlos, ang mga kandidato para sa halalan sa Mayo at ang kanilang mga tagasuporta na sumunod sa mga panuntunan sa kampanya na itinakda ng Commission on Elections (Comelec) na sinusuportahan ng Department of Interior and Local Government (DILG).

“It will be an unprecedented campaign season so we hope that the candidates will set an example to the public of how they should obey our campaign guidelines,” ayon sa kanyang statement kagabi.

Batay sa Comelec Resolution No.10732 na inilabas noong Nobyembre noong nakaraang taon ay nagsasaad ng bagong normal sa pagsasagawa ng mga pisikal na kampanya, rally, pagpupulong, at iba pang kaugnay na aktibidad batay sa alert level na ipinatutupad sa isang lugar.

Ang pinakamababang minimum public health standards ay susundin ayon sa patakaran at rekomendasyon ng Department of Health.

Bawal ang house-to-house campaign kahit may pahintulot ng may bahay, pagsisiksikan, pakikipagkamay o iba pang anyo ng pisikal na pakikipag-ugnayan, pagkuha ng mga selfie o litrato na nangangailangan ng paglapit sa mga tao. Bawal din ang pamimigay ng pagkain at inumin. Ipasusunod din ang mga nabanggit na patakaran sa mas malalaking campaign events.

“Our police personnel shall exercise vigilance in monitoring election-related activities while maintaining our being apolitical,” ayon kay Carlos.

Hiniling din ng PNP sa publiko na tumulong sa pag-uulat ng mga paglabag sa mga probisyon ng kampanya.

Magsisimula ang campaign period sa Pebrero 8 para sa mga pambansang kandidato at sa Marso 25 para sa mga lokal na kandidato.

Pag iipon para sa retirement ang tunay na tagumpay

Maayos ay komportable retirement life o ang main goal ng isang matagumpay na retirement plan. Kung magkano ang kakailanganin natin at kung anong buhay ang gusto natin sa mga taon ng retirement, dapat ito ay naka angkla sa reyalidad.

May mga taong malakas ang kumpiyansa na meron silang job security hanggang sa sila ay mag retiro na may sapat na pera. Totoo ito sa mga permanenteng empleyado ng gobyerno. Basta huwag lang magkakakaso ay sigurado na ang kanilang retirement.

Iba naman ang kaso ng mga entrepreneur dahil kailangan nilang mag ipon ng sapat bago mag retire sa panahon na sa tingin nila ay pwede na. Depende ito sa status ng asset level at ng naipon.

Kakailanganin nilang maglaan ng mas mataas na porsyento mula sa kita para sa savings kung nangangarap sila ng  enjoyable na retirement life o mag level up na lifestyle kapag retirado na.

Ang pagbuo ng ating retirement funds ay nangangailangan ng maingat na pagpaplano. Mahalagang may maayos at regular na pag aaral sa status ng mga kasalukuyang asset, bilang ng mga taon na natitira hanggang sa tayo ay mag retiro, at kung magkano ang ating maiipon sa loob ng pre-retirement years. 

Walang eksaktong science na pwedeng gamitin sa projection kung magkano talaga ang kailangang maipon para sa retirement.  Pero may mga ilang factors na dapat tingnan:

  • Ang inaasahang pang-araw-araw na living expenses
  • Life expectancy
  • Ang iyong mga inaasahang gastos
  • Ang iyong mga mapagkukunan (maliban sa mga ipon sa pagreretiro) na maaaring mag-cover sa mga hindi inaasahang  gastos; kasali din ang mga gastos sa insurance gaya ng annuity at healthinsurance.
  • Ang iyong ari-arian (kung may sarili kang bahay o kung natitirang pang balanse sa mortgage)
  • Ang gusto mong retirement life, kung plano mong mamuhay ng tahimik o gusto mong mag travel sa buong mundo.

Kapag natukoy natin ang mga factors na to ay pwede ng magsimulang mag ipon at mag invest para sa retirement gamit ang mga binanggit ko sa itaas. Ito ay ilan lang sa mga basic na batayan para makatiyak sa patok na retirement plan pero hindi ito ang pangkalahatang kundi ideya lamang.

Iniimbestigahan na ng CIDG ang kaso ng mga nawawalang sabungero

0

Iniimbestigahan na ngayon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang kaso ng 10 lalaki na nawala matapos makita sa magkahiwalay na lugar ng sabungan sa Laguna at Maynila noong Enero 13.

“The CIDG is now connecting the dots. These incidents do have a lot in common. We will find out if there is a syndicate behind these cases,” ayon kay Philippine National Police (PNP) chief, Gen. Dionardo Carlos,sa kanyang statement kagabi.

Ang unang insidente ay kinasangkutan ng apat na magkakaibigang lalaki na napaulat na nawawala matapos sumali sa isang sabong sa Sta. Cruz, Laguna.

Sa kuha ng closed-circuit television (CCTV) camera mula sa arena, nakitang palabas ng coliseum ang sasakyang ginamit ng mga biktima ngunit hindi malinaw kung nasa loob ng sasakyan ang mga ito.

Sa parehong araw, isa pang grupo ng anim na lalaki ang nawawala matapos sumali sa isang derby sa Maynila.

Nauna rito, idinagdag sa listahan ng mga nawawalang sabungero ang 10 pang lalaki mula sa Bulacan na dumalo rin sa isang sabong. Ang mga lalaking ito, ayon sa kanilang mga kamag-anak, ay mahigit ng walong buwan na nawawala.

Umaapela ngayon ang CIDG sa mga may-ari o sa pamunuan ng mga sabungan na makipagtulungan sa imbestigasyon upang matukoy ang mga posibleng handlers o financiers ng mga nawawalang lalaki.

 MPTC nag award ng brand new Geely Okavangko Urban sa winners ng 2022 Happy Holideals Raffle

0

Ibinigay ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) ang premyong dalawang brand new Geely Okavango Urban sa mga grand winner ng 2022 Happy Holideals Raffle Promo kaninang umaga.  

Kabilang sa mga mapapalad na nagwagi ng Geely Okavango Urban Winners sina Mischell Gonzales at Ronnick Royal 

Nanalo naman ng Php 100,000 cash prize sina Michael Dominic Salvacion, Claren Welch Sison, Rodolfo Roblelos , Donna Vergara, Clariezel Dizon, Danilo Geronimo, Elizabeth Nicolas, Grace Valencia, Jaime Cu, Andrea Jean Rodriguez, Jayson Lloyd Geraldino, Mcniel Viray, Donald Cornel, Virgie Lyn Ranay, Demetrio Buenaflor Jr., Lawrence Twano, Emerson Elaco., Archimar Martin, Abelardo De Jesus Jr. at Shereen Estilong.

Ang nabanggit na raffle promo ng MPTC ay inilunsad noong Disyembre 15, 2021, bilang pasasalamat sa mga motorista na patuloy na dumadaan sa MPTC toll roads: NLEX, SCTEX, CAVITEX, CAVITEX C5 LINK, at CALAX. Ang mga registered RFID users na dumaan sa mga nabanggit na expressway na may balanse sa kanilang RFID mula noong Disyembre 20, 2021 hanggang Enero 1, 2022 ay awtomatikong kasali sa raffle promo.   

Sa awarding ceremony na ginanap sa Geely North EDSA showroom, personal na binati ng MPTC President at CEO na si G. Rodrigo E. Franco ang mga grand prize winners. Dumalo din sa awarding ceremony ang President at CEO ng Sojitz G Auto Philippines na si G. Yosuke Nishi na nagpaabot din ng kanyang pagbati . 

“As we continuously aim to provide an exceptional level of customer service, so is our desire to express our gratitude to our motorists, especially our loyal RFID users, and we hope that this promo was able to do that. MPTC will continue to improve services and pursue different ways to reward our motorists for their patronage of our toll roads – NLEX, SCTEX, CAVITEX and CALAX as the gateway to their destinations in the North and South of Luzon,” ayon kayi MPTC President and CEO, Mr. Rodrigo E. Franco sa kanyang mensahe.  

Panatilihin ang mabuting bunga, ang masama ay iitsa sa bintana

0

Sa ilalim ng demokrasya ay napakahalaga ang pagtitiwala ng taumbayan sa mga iniluklok na opisyales at kawani ng kanilang pamahalaan. Kung wala ito’y mawawala, aba’y huwag nang umasang may magiging maayos na buhay ang isang demokratikong bansang tulad ng sa atin.

Kung mababaw na iisipin ay sa mismong mga mamamayan nagbubuhat ang kapangyarihang tangan ng mga ito.Tayo ang nagluloklok sa Pangulo hanggang sa mga kagawad ng barangay at sila naman ang nagtatalaga’t namamahala sa iba pang opisyales at mga kawani. Samakatuwid ay anino at salamin lamang ng bawat isang Pilipino ang nasa pampublikong paglilingkuran. Wika ng ni oseph de Maistre, “we get the government we deserve.”

Tayo mismo ang unang dapat sisihin kung naging palpak ang mga nakaupong katawan at tinig sa gobyerno. Ika nga’y inaani lang natin ang naging bunga ating pinili at pinahinog ng walang kalburo.

Subalit huwag madismaya at huwag mawalang ng pag asa. Sa halos 2 milyong lingkod bayan ay baka kakapiranggot ang lubusang  nagtataksil sa ating naipagkaloob na pagtitiwala. Dangan nga lang ay nasa sensitibo at matataas na posisyon ang karamihan sa mga ito!

Napakahalaga ang parating na national and local elections sa Mayo 9. Dito muling mamimitas ng mga bagong bunga na sa paniniwala natin ay mahihinog ng maganda at magbibigay ng sustansya. Sa araw ring ito, muli tayong pipili ng mga bagong pahinuging bunga at mag iitsa sa bintana ng mga bulok at inaamag na napili noong nakaraang mga halalan. 

Sa Mayo 9, 2022, pananatiliin ang may pinakikinabangan at ang masasamang bunga ay itatapon at iwawaksi.

Walong iligal na mangingisda inaresto ng Quezon PNP

0

Lucena City, Quezon. Ipinag-utos ni PCOL Joel A. Villanueva, Provincial Director ng Quezon Police Office ​​(QPPO) ang mahigpit na pagpapatupad ng Illegal Fishing activities sa buong probinsya na nagresulta sa pagka aresto sa walong suspek na iligal na mangingisda sa ilalim ng pinagsamang operasyon ng QPPO, Maritime Group at ng mga LGU.

Kinilala ni PCol Villanueva ang mga inaresto na sina Erick Nere y Amparo, 29 anyos, at residente ng Unisan Quezon; Ronniel Ruales, 28 anyos, ng Pitogo Quezon; Jayson Santiago, 44 anyos, ng Pitogo Quezon at pawang mga nadakip sa Pitogo, Quezon, 

Samantala, nadakip naman sa Unisan, Quezon sina Eduardo Villegas De Lantar, 65 anyos at Timmy Tocles Almaranes Mon, 35 anyos, pawang naninirahan sa Atimonan Quezon.

Tatlo naman ang inaresto sa San Francisco Quezon na kinilala sina Ruben Mandalihan Tumulak, 41 anyos; Arnel Leal Sta Maria, 48 anyos at Melvin Manaig (TMU) 27 anyos, pawang mga residente ng Atimonan Quezon.

Nakumpiska sa mga suspek ang mahigit na 90 kilo ng iba’t ibang klase ng isda na nagkakahalaga ng Php 90,000. KInuha din ng mga pulis ang kanilang motorized banca, air compressor, air tank, long hose, fishing rod, at iba pang gamit sa pangingisda. 

Ang mga dinakip ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng nakakasakop ng police station at nakatakdang humarap sa kasong paglabag sa Section 3 ng Republic Act No. 10654.  

“Ang likas na yaman na ipinagkaloob sa atin ng Poong Maykapal ay ating pagyamanin hindi para abusuhin. Walang sinuman ang pinahihintulutan ng Quezon police force kasama ang Maritime Group and ang mga Bantay Dagat ang pangingisda sa maling pamamaraan. Hindi hadlang ang lalim ng dagat upang hindi naming kayo maabot” ayon sa mensahe ni PCOl Villanueva.

Bakuna ang susi sa pag ahon sa pandemya: NTF Execs

0

Dumating kagabi ang 1,023,750 doses ng Pfizer vaccine sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sakay ng Air Hong Kong cargo flight.

Ang pinakahuling kargamento ay bahagi ng mga bakuna na binili ng gobyerno mula sa pondo ng World Bank.

Nakatanggap na ang Pilipinas ng 216.5 million doses ng iba’t ibang Covid-19 vaccines na binili at donasyon, mula sa iba’t ibang pharmaceutical companies, na nakapagbigay ng 124,510,385 doses sa bansa.

Hindi bababa sa 57.8 milyong Pilipino ang ganap na nabakunahan at 6,683,975 na kwalipikadong indibidwal ang nakatanggap ng mga booster shot.

Pagpapabakuna ang susi sa pag ahon sa Covid-19 pandemic,  ayon kay Assistant Secretary Wilben Mayor, pinuno ng NTF Strategic Communications sub-task group on current operations sa kanyang mensahe noong salubungin ang pagdating nga mga bakuna kagabi.

Hinikayat niya ang mga hindi pa nabakunahang Pilipino na mag-avail ng mga Covid-19 jabs upang makakuha ng sapat na proteksyon laban sa kinatatakutang sakit

Hinimok ng gobyerno ang mga may kumpletong shot na mag-avail ng booster shots para sa karagdagang proteksyon.

Muli ring iginiit ni Mayor na ang lahat ng bakuna laban sa Covid-19 ay ligtas at mabisa laban sa malala at kritikal na sintomas ng sakit at nakakatulong na maiwasan ang pag-ospital ng mga pasyente ng coronavirus.

Dr. Lee Ho: Manood ng virtual orientation on pediatric vaxx for kids aged 5-11 sa Enero 31

0

Ready na ba kayo pabakunahan ang inyong mga little ones aged 5-11 years old laban sa COVID-19?

San Pablo City, Laguna. Nag aanyaya si San Pablo City Health Officer James Lee Ho sa mga magulang at guardians ng mga batang edad 5 hanggang 11 na manood ng Bakuna Real Talks: Resbakuna Kids Orientation on Pediatric Vaccination for Children aged 5-11.

Host ng nabanggit na virtual orientation si Bakunanay Ara Casa-Tumuran. Special guest si Bakunanay Maite Cruz kasama sina Dr. Beverly Ho mula sa DOH at Dr. Mary Ann Bunyi mula sa Philippine Infectious Disease Society of the Philippines upang magbahagi ng mahahalagang impormasyon ukol sa vaccination ng mga batang edad 5 to 11.

Mapapanuod ang LIVE na ito sa Enero 31, Lunes ganap na 5:00 ng hapon sa mga sumusunod social media page:

  • theAsianparent Philippines Facebook page
  • DOH Facebook page
  • Healthy Pilipinas Facebook page
  • TAP PH KUMU

“Dahil inirerekomenda na ang COVID-19 vaccine para sa lahat ng may edad 5 hanggang 11, milyon-milyong bata at kabataan ang magiging ligtas na sa sakit at pagpapa ospital. Sabay sabay po natin alamin ang lahat tungkol sa pediatric vaccination sa pagbabalik ng inyong paboritong Bakuna Real Talks: Resbakuna Kids Orientation on Pediatric Vaccination for Children Aged 5-11, ayon kay Dr. James Lee Ho.

Bayaning pulis, nagligtas ng babaing tatalon sa tulay

0

Isang babaing ang akmang tatalon sa tulay ngunit nailigtas ng isang magiting na pulis. Panoorin ang video sa ibaba.

Ibinahagi ng Facebook page na “Pulisbatamoko” ang video footage ng isang bayaning pulis na nagligtas sa isang babae na nagtangkang tumalon sa isang tulay. Ang video ay umani ng mga papuri at paghanga mula sa online community.

Sa video, mapapanood na umaayat ang isang babae sa railings ng tulay at tila nagbabalak na magpakamatay. Tamang dumadaan ang isang police mobile kung saan ay bumaba ang isang matapang na pulis at walang pag aatubiling tumakbo at hinila siya palayo sa tulay.

Kinilala ang dalawang pulis na sina PSSg Aljernol Puspos at PCpl Alvin Nepomuceno ng Trece Martires Police Station sa Cavite.

Ang insidenteng nagbigay ng inspirasyon sa netizens ay naganap noong Enero 20, 2022.

Video footage credits: Pulisbatamoko on Facebook

VOI na BA.2 sub omicron variant, pinag aaralan pa ng CDC

0

Nadiskubre ang isang bagong subtype ng variant ng omicron coronavirus sa Denmark, UK, India, Sweden at marami pang ibang bansa. Ang eksaktong epekto ng genome mutations ay hindi pa malinaw.

Alam na natin mula sa unang variant ng omicron na BA.1 na mas nakakahawa ito kaysa sa mga naunang variant ng coronavirus. Ngayon isang subtype, BA.2, ang lumitaw. Hindi bababa sa 400 katao ang nahawahan nito sa unang 10 araw ng Enero sa UK. At ito ay nakita na sa mahigit pang 40 bansa sa buong mundo. Karamihan sa mga detection ay nakita sa Denmark

Inilista ng PANGO directory of coronaviruses, na regular na ina-update ng mga siyentipiko mula sa mga unibersidad ng Oxford, Edinburgh at Cambridge, ang Denmark bilang pinaka-apektadong lugar, na may 79% ng mga kaso na nakita sa ngayon.

Sinusundan ito ng Great Britain (6%), India (5%), Sweden (2%) at Singapore (2%). Gayunpaman, dapat tandaan na ang pagtuklas ng subtype ay nakasalalay sa kakayahan ng mga indibidwal na individual health systems na mag-sequence ng mga pagsusuri sa PCR.

Ang panganib na dulot ng omicron BA.2 ay hindi pa alam. Gayun pa man, ng mabilis na pagkalat ng bagong subtype ay nagmumungkahi na maaari itong maging mas nakakahawa kaysa sa orihinal na variant ng omicron. Inuri ng UK Health Security Agency (UKHSA) ang BA.2 bilang isang “variant under surveillance.”

Omicron variant ang bumubuo sa 99.9% ng mga bagong kaso ng Covid-19, ayon sa datos ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) samantalang ang variant ng delta na lumaganap sa huling bahagi ng 2020 ngunit hindi gaanong nakakahawa ay bumubuo na lamang ng 0.1% ng mga kaso ngayon, ayon sa CDC.

Gayunpaman, mayroon ding mga karagdagang pagbabago sa genetic at nagsusumikap ang mga siyentipiko na maunawaan ang higit pa tungkol sa kung paano ito naiiba sa omicron. Ang BA.2 ay may humigit-kumulang 20 mutasyon sa spike protein na nakatanim sa labas ng virus na katulad ng orihinal na omicron, ayon pa rin sa CDC.

Sinabi ng World Health Organization na ang mga pagsisiyasat sa BA.2 ay “dapat unahin.”

“As of 24.01.2022, the BA.2 descendent lineage, which differs from BA.1 in some of the mutations, including in the spike protein, is increasing in many countries. Investigations into the characteristics of BA.2, including immune escape properties and virulence, should be prioritized independently (and comparatively) to BA.1,” ayon sa CDC sa website nito. 

Ipinapayo ng mga medical experts na sa pag iingat laban sa BA.2, gawin ang parehong pag-iingat tulad ng sa omicron: pagpapabakuna at pagkuha ng booster dose, social distancing at pagtigil sa bahay kapag may sakit at pagsunod sa minimum public health standard tungkol sa pagsusuot ng face mask.