Monday, April 27, 2026


Your Daily News Update About CALABARZON and Beyond.
ISSN 2799-1911

Home Blog Page 764

Kalahating milyong manok, kinatay sa S. Korea sa gitna ng paglaganap ng H5N1 bird flu

Sinimulan ng mga opisyal ng South Korean quarantine ang pagkatay ng humigit-kumulang 427,000 manok noong Linggo bilang pag-iingat matapos lumaganap ang H5N1 avian influenza virus sa dalawang farm dito, ayon sa South Korean Ministry of Agriculture.

Ang dalawang kaso ng highly pathogenic bird flu ay iniulat sa dalawang chicken farm sa Hwaseong, mga 40 kilometro sa timog ng Seoul, ayon sa report ng Ministry of Agriculture, Food and Rural Affairs ng South Korea.

Hindi nagbigay ng takdang panahon kung kailan makukumpleto ng mga opisyal ang quarantine at culling.

Minarkahan nito ang ika-23 at ika-24 na kaso ng isang highly pathogenic strain ng H5N1 na natagpuan sa mga poultry farm sa South Korea ngayong taglamig mula noong Nobyembre 8, 2022.

Ang mataas na pathogenic na avian influenza ay lubhang nakakahawa sa mga ibon at maaaring magdulot ng matinding sakit at kamatayan, lalo na sa mga manok.

Nauna dito, ang mga awtoridad sa quarantine ay nagkatay ng humigit-kumulang 30 milyong manok matapos mai-report ang pagsiklab ng avian influenza noong Nobyembre 2020 hanggang Abril 2021, ayon sa mga datos ng Statistics Korea.

Ang bilang ng mga layer ng manok sa South Korea ay umabot sa 72.61 milyon noong Oktubre-Disyembre at tumaas sa 33,000 mula noong nakaraang taon.

PCOL Campo: Seryoso ang PNP Laguna sa pagsugpo ng iligal na tupada

0

27 magsasabong, huli sa aktong nagtutupada sa magkakabukod na anti-illegal gambling ops ng Laguna PNP

Sta. Cruz, Laguna.  Inaresto ang 27 magsasabong sa magkakabukod na anti-illegal gambling operations na  isinagawa sa lalawigan ng Laguna, ayon sa report ni Laguna Police Provincial Office, Acting Provincial Director, PCOL Rogarth B. Campo kay Calabarzon Regional Director PBGEN Eliseo DC. Cruz, kahapon, Enero 23, 2022.

Dinakip ng mga tauhan ng Santa Rosa City Police Station sa pamumuno ni Chief of Police PLTCOL Paulito M. Sabulao sina Ronnie Baryata Pelar, 60 anyos; Felix Asuncion Cerat, 70 anyos; Edrian Andaya Alto, 33anyos; Herbert Alimor Apolinar, 33 anyos; Marlon Calvendra Alcoreza, 41 anyos; Jason Mangubat Clamana, 24 anyos; Jeremiah Mangubat Clamana, 22 anyos; Gilbert Malapas Naranjo, 47 anyos; Joseph Vicente Oliva, 27 anyos; Efren Dellion Samosa, 27 anyos at Reynante Castro Abejero, 51 anyos, pawang mga residente ng Santa Rosa City, Laguna. Sila ay nahuli sa aktong nagsasagawa ng ilegal na sabong o tupada.

Nakumpiska sa mga suspek ang 4 na manok na panabong, 4 na tari at perang pantaya na nagkakahalaga ng Php 5,800.00

Nadakip din sa aktong nagtutupada ng mga elemento ng Calamba City Police Station sa pangunguna ni Chief of Police PLTCOL Arnel L. Pagulayan sina Ariel Madruna y Hernandez, 56 anyos na driver, Jerwin Lomugda y Bañez, 44 anyos na construction worker, Jerlino Lopera y Pinatios, 50 anyos na vendor; Aurencio Raso y Delera, 45 anyos; Avelino Allayban y Galapon, 37 anyos; Florencio Manarez y Hemedes, 61 anyos; Anecito Gordo y Cabacan, 58 anyos; Rosalino Rejado y Delera, 54 anyos; Herbert Eullaran y Napala, 64 anyos at Rudy Canalis y Escote, 50 anyos, pawang mga naninirahan sa Brgy. Kay Anlog, Calamba City. Nakuha sa kanila ang apat na fighting coks at perang pamusta na Php 1,650.00

Sa isa pang bukod operasyon, nahuli din ng Calamba SPS sina Arvin Mamino y Contreras, 38 anyos a tubero at Antonio Valera y Ballatan, 28 anyos na helper at mga residente ng Brgy. Real, Calamba City. Nakuha sa kanila 2 panabong na manok at perang pantaya sa tupada.

Sa isa pang anti-illegal gambling operations ay nasakote sa aktong nagtutupada ng mga tauhan ni San Pablo City Police Station Chief Garry C. Alegre sina Herardo Belen Sorezo, 57 anyos; Christopher Lee Balcita, 34 anyos na driver; Arwin Laluon Padura, 35 anyos na welder; Renato Ocampo Alivia, 67 anyos na pawang mga residente ng San Pablo City, Laguna. Nakumpiska sa mga suspek ang perang pamusta na Php 2,200 at dalawang manok na pantupada.

Ang mga nadakip na illegal gamblers ay nakapiit sa mga nakakasakop na police station at nakatakdang kasuhan ng paglabag sa PD 1602.

“We in Laguna PNP are serious about suppressing illegal cockfighting or tupada, we will not get tired of stopping our operations against illegal gambling,” ayon sa mensahe ni PCOL Campo.

4 na Barangay Tanod at 3 pulis, pinarangalan ni San Pablo City Mayor Amante, SPCPS Chief Alegre

0

San Pablo City, Laguna.  Pinarangalan ni San Pablo City Mayor Loreto ‘Amben’ S. Amante at ni San Pablo City Police Station Police Chief PLTCOL Garry C. Alegre ang apat na barangay tanod at tatlong pulis, kaninang umaga sa isang programang isinagawa sa Doña Leonila Urban Park.

Kabilang sa tumanggap ng PNP and Local Government Certificate of Appreciation sina Jeffrey G. Floyalde at Hilario C.Gonzales, mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) ng Barangay VII-B, bilang pagkilala sa pagkakadakip sa isang suspek na lumabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act noong Enero 11, 2022 sa Brgy. VII-B, nabanggit na lungsod. 

Ginawaran din ng parangal sina Ely B. Roco at Armando G. Balderama, miyembro ng BPAT ng Barangay Del Remedio bilang papuri sa pagkaka aresto sa dalawang suspek sa kasong robbery holdup sa Seven Eleven convenience store kamakailan.

Kasabay nito ay pinarangalan din ng San Pablo CPS and Local Government Unit Certificate of Recognition sina PSMS Henrico C. Gaspar, PSSg David M. Vida at PCpl Jerry L. Obapial, mga miyembro ng San Pablo CPS dahil sa epektibong pagpapatupad ng batas hinggil sa kaso ng robbery holdup kung saan ay nahuli ang dalawang suspek na tumangay ng humigit-kumulang na Php 100,000 sa Seven Eleven convenience store.

“Ako po ay sumasaludo sa mga barangay tanod na tumanggap ng parangal sapagkat bihira po ang tanod na nakikipag digma lalo na sa mga kaso ng robbery holdup. Nagpapasalamat po ako sa inyo sa ating kapulisan sa pamumuno ni POlice Chieg Garry Alegre sa pagtataguyod at pagpapanatili ng peace and order sa lungsod ng San Pablo,” ayon kay Mayor Amante.

“This proves that good rapport and cooperation is well-maintained between BPATs and PNP San Pablo therefore, peace and order of the community is attained,” ayon sa mensahe ni PLTCOL Alegre.

Nene, ginahasa at pinatay ng sariling ama

0

Taytay, Rizal.  Isang 36 anyos na ama ang muling dinakip matapos makalaya sa piitan dalawang buwan pa lang ang nakakaraan pagkaraang umamin na siya ang gumahasa at pumatay sa 8 anyos niyang anak na babae.

Ang suspek ay kinilala ng mga pulis na si Romeo Garcia na residente ng Sitio. Tibagan, Barangay Dolores, sa nabanggit na bayan. Si Garcia, ayon sa record ng pulis ay lumaya noong buwan ng Nobyembre sa kasong paglabag sa anti-illegal drugs..

Batay sa paunang imbestigasyon, nawala ang biktima noong Linggo at nakita ang bangkay nito sa isang kanal sa tapat ng kanilang bahay noong nakaraang Huwebes. 

Ayon sa pahayag ni Rose Ann Garcia, kapatid ng suspek na siyang nag-aalaga sa biktima habang ang ina nito ay nagtatrabaho bilang OFW, nagpaalam sa kanya ang bata noong Linggo na uuwi at doon muna matutulog sa kanila kasama ang Ama nito. Nagtaka ang tiyahin sapagkat hindi na bumalik ang bata kinabukasan upang sagutan ang module nito kung kaya’t pinuntahan niya ito sa bahay ng ama ngunit wala doon ang bata. 

Ayon sa report, ang suspek ay umamin kay Taytay Police Women and Children Protection Desk chief PLt. Gremalyn Bernardo na “inutusan niya na maligo ang anak ay sinundan sa banyo kung saan ay ginahasa at pinatay niya ito.”

Aksidenteng natagpuan ang bangkay ng biktima ng mga batang naglalaro limang araw matapos ipa-blotter na nawawala.

DOH: Mahigit na 36.7K ang nakarekober sa coronavirus, 29.8K new cases

0

Nag ulat ang Department of Health (DOH) kahapon ng 36,763 na nakarekober at 29,828 bagong Covid-19 infections.

Ang pinakahuling buletin ng Covid-19 ay nagpahiwatig ng 273,580 aktibong kaso habang ang kabuuang mga nakarekober ay tumaas sa 3,090,164, o 90.4 porsyento ng 3,417,216 ng impeksyon mula nang magsimula ang pandemya noong Marso 2020.

Sa mga aktibong kaso, 260,399 ang banayad, 3,006 ang katamtaman, 8,371 ang asymptomatic, 1,496 ang malala, at 308 ang kritikal.

“Of the 29,828 reported cases today, 29,237 (98 percent) occurred within the recent 14 days — Jan. 10 to Jan. 23, 2022,” ayon sa report ng DOH.

Ang mga rehiyon na may pinakamaraming kaso sa nakalipas na dalawang linggo ay ang National Capital Region (NCR) na may 5,178 o 18 porsyento ng mga bagong impeksyon; Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon), 4,227 o 14 percent; at Central Luzon, 2,787 o 10 porsyento.

PNP ang anti-corruption drive, pinalakas ng mga bagong guidelines

Naglabas ng alituntunin Philippine National Police-Internal Affairs Service (PNP-IAS) kahapon upang paigtingin ang kanilang kampanya laban sa katiwalian sa loob ng PNP.

Layunin ng bagong direktiba sa pamumuno ni PNP chief Gen. Dionardo B. Carlos na palakasin ang cleansing program sa mga tauhan ng pulisya upang garantiyahan ang tiwala ng publiko.

Sa ilalim ng mga bagong patakaran, isang IAS desk ang itatatag upang himukin ang publiko na ipahayag ang kanilang mga hinaing at ibahagi ang mabubuting nagawa ng mga law enforcers.

“Under this program, partner stakeholders can have an avenue to voice out their concerns, grievances as well as recognition for the good deeds of any personnel or unit,”ayon kay Carlos.

Ang IAS desk ay magsisilbing sentralisadong imbakan ng lahat ng impormasyon na nauukol sa PNP at mga tauhan nito. Ang mga nakalap na datos ay dapat gamitin sa paglikha ng interbensyon upang matugunan ang mga isyu at alalahanin.

Tututukan din ng IAS ang mabilis at walang kinikilingan na disposisyon ng mga kasong administratibo laban sa mga tauhan ng PNP na sangkot sa graft at corrupt practices.

Ayon pa rin sa patakaran, kasama ang Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG), ang agarang administrative proceedings ay isasagawa ng IAS upang matukoy ang administratibong pananagutan ng mga naarestong tauhan ng PNP at kung sapat na ang ebidensya para matanggal sila sa serbisyo.

Magsasagawa rin ang PNP-AIS ng pinaigting na proactive inspection approach kung saan lahat ng PNP personnel ay isusumite ang kanilang mga sarili sa attendance checking, kabilang ang appearance at public impression evaluation.

Ang IAS ay nasa huling yugto na ng pagbalangkas ng mga pamamaraan at parameter ng State of Discipline kung saan lahat ng PNP units/stations ay maaari na ngayong mahigpit na magmonitor at magabayan ng kani-kanilang tauhan upang maiwasan ang pagkakasangkot sa anumang ilegal na aktibidad tulad ng graft at corruption.

“This is how the organization works. We continue to devise ways to better improve the system and to ensure that we remain committed to our mantra of serving and protecting the public with integrity,” ang pagtatapos ni Carlos na may pagbibigay diin na ang pangunahing tungkulin ng pulis ay itaguyod ang tuntunin ng batas.

2 Most Wanted Person, nadakip ng Batangas PNP

0

Batangas City, Batangas. Inaresto ang dalawang Most Wanted Person Calabarzon sa dalawang magkahiwalay na manhunt operations ng Batangas PNP, batay sa report ni Batangas Police Provincial Director PCOL Glicerio Cansilao kay Police Regional Director Calabarzon PBGEN Eliseo DC Cruz kanina umaga.

Si Ronnie Pelagio na rank 9 sa MWP list Provincial Level ay inaresto sa Brgy. Balele, bayan ng Tanauan City kaninang 9:45 ng umaga ng mga tauhan ng Provincial Intelligence Unit-BPPO kasama ang mga operatiba ng Lipa City Police Station, Tanauan City Police Station, Naval Intelligence and Security Group Southern Luzon, 403rd A Maneuver Company Regional Mobile Force Battalion 4A at 1st Batangas Provincial Mobile Force Company.

Nahuli din ng mga tauhan ng Batangas City Police Station-Warrant Section kaninang alas-11:30 ng umaga, si Jommel Javier sa Brgy. Mabayabas, Taysan, Batangas na rank 13 sa MWP list Provincial Level sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na si Jommel Javier y Coronel sa Brgy, Mabayabas,Taysan, Batangas  .

Ang mga suspek ay kasalukuyang nakapiit sa mga nakasasakop na police station habang inaabisuhan ang mga may kinalamang korte.

“Patuloy po ang isinasagawa nating simultaneous anti-criminality law enforcement operations. Umaasa po kami sa inyong walang sawang pagsuporta sa kapulisan ng Batangas. Ano man pong mahahalagang impormasyon na makakatulong sa ating paglaban sa kriminalidad ay ipagbigay alam lamang po ninyo sa amin at atin po itong aaksyunan,” ayon sa mensahe ni PCOL Cansilao.

Dumating ang huling delivery ng 16.5M doses AstraZeneca na binili ng pribadong sektor sa ilalim ng proyektong ‘A Dose of Hope’

0

Dumating sa Pilipinas noong Biyernes, Enero 21, ang huling batch ng 16.5 milyong AstraZeneca vaccine doses na binili ng mga local government units at pribadong sektor sa pamamagitan ng ‘A Dose of Hope’ Project na binubuo ng 1,877,600 shots.

Pinasalamatan ni Assistant Secretary Wilben Mayor, National Task Force against COVID-19 head of strategic communications on current operations, ang pribadong sektor at LGUs sa lubos na pagsuporta sa national vaccination program.

Ayon kay Mayor, sinimulan ng pambansang pamahalaan noong Huwebes ang pagpapatupad ng ‘Resbakuna sa Botika,’ kung saan ang mga parmasya at klinika ay tinapik upang tumulong sa pagbibigay ng COVID-19 booster shots sa mga kwalipikadong adult.

Aniya, nasa 422 indibidwal na ang nakatanggap ng booster shots sa apat na botika sa Metro Manila.

“Bago po tayo magpabakuna ng booster shots sa botika, ay kailangan po coordinated sa local government units natin dahil sila ang nagbibigay ng schedule para sa bakunahan sa mga botika,” ayon kay Mayor.

Hinikayat ng opisyal ng NTF ang mga hindi pa nabakunahan na kunin ang kanilang mga pangunahing dosis pati na rin ang mga booster shot sa lalong madaling panahon upang maprotektahan ang kanilang sarili laban sa highly-transmissible na variant ng Omicron.

“Nasisiguro po natin na ‘pag meron po tayong bakuna, ay protektado po tayo sa laban sa COVID lalong lalo na sa Omicron,” dagdag pa ni Mayor.

38K na halaga ng shabu nakumpiska sa maglalako ng walis tambo

0

Sta. Cruz, Laguna.  Natimbog ang isang walis tambo vendor kagabi na nahulihan ng ipinagbabawal na droga sa isang buy-bust operations, ayon sa ulat ni Laguna Police Acting Provincial Director PCOL Rogarth B. Campo kay Calabarzon Regional Director PBGEN Eliseo DC Cruz kaninang umaga.

Si Edilberto Estrada alyas Idroy, 55 anyos, naglalako ng walis tambo ay inaresto ng Santa Cruz Municipal Police Station sa pangangasiwa ni PLTCOL Paterno L. Domondon kahapon, bandang 8:30 PM of January 22, 2022 sa Sitio Matatag, Barangay Calios, Santa Cruz, Laguna, matapos mahulog sa bitag ng isang poseur buyer.

Nakuha sa suspek ang 10 sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php 38,000.

Nahuli naman ng mga elemento ng Calamba Police Station sa pangunguna ni Chief PLTCOL Arnel Pagulayan si Vida Reynoso alyas Madam, 40 years old, isang call center agent kasama si Christian Javier, 31 years anyos at walang pormal na trabaho. 

Ang dalawang suspek ay dinakip matapos magbenta ng iligal na droga sa isang tanim na buyer sa Purok 6, Brgy. Lingga, Calamba City, Laguna, kahapon bandang 2:49 ng hapon.

Nakuha sa dalawang magkasamang suspek ang 4 na sachet ng pinagsususpetsahang shabu na may street price na Php 6,800.

Inaresto din ng mga tauhan ng San Pedro City Police Station sa ilalim ng superbisyon ni Officer-in-Charge PLTCOL Socrates S. Jaca SOCRATES SOLINAP JACA, si Sherwin Uñez, 30 anyos, walang matinong trabaho kasama si  Arsenio Paras, 56 anyos najobless, bandang 11:16 hapon, kahapon sa gilid ng BPI Bank, Brgy Nueva, San Pedro City, Laguna matapos magbenta ng iligal na droga sa isang pulis na poseur buyer. Nakuha din sa kanila ang 4 na sachet ng hinihinalang shabu.

Ang mga arestado ang kakasuhan ng paglabag sa Violation of R.A 9165 o the Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Isusumite naman sa Crime Lab ang mga ebidensyang nakuha sa 

“Sa pamumuno ng ama ng kapulisan na si PGEN Dionardo B. Carlos, ang Laguna PNP ay kaisa  sa kanyang layunin at hangarin na supuin ang illegal na droga kung kayat ang Laguna PNP ay hindi titigil sa pagsasagawa ng mga operasyon laban sa lahat ng uri ng krimen lalo na sa illegal na droga,” ayon sa mensahe ni PCOL Campo.

Sisimulan na ang construction ng PNR Bicol project sa first quarter ng 2022

0

Sisimulan ang konstruksyon ng unang package ng Philippine National Railways (PNR) Bicol project sa unang quarter ng taon.

Sa isang press briefing sa Malacañang noong Biyernes, sinabi ni PNR General Manager Junn Magno na ang package ay bubuo ng unang 380 km ng PNR sa Bicol  mula sa Banlic, Calamba hanggang Daraga, Albay.

“Ang mga construction works ay magsisimula sa unang quarter ng 2022,” ayon kay Magno.

Sa briefing, sinabi ni Department of Transportation (DOTr) Undersecretary for Railways Timothy John Batan na hiniling ng nabanggit na ahensya sa Department of Finance na pondohan ang PHP142 bilyon na kontrata ng proyekto sa pamamagitan ng opisyal na development assistance (ODA) loan mula sa China.

Hindi tulad ng ibang mga proyektong pinondohan sa pamamagitan ng ODA, ani Batan, ang PNR Bicol Package 1 ay pinirmahan muna ang construction contract bago nakuha ang pondo mula sa China.

Ang naturang proyekto ang may pinakamalaking kontrata sa halagang PHP142 bilyon, ang North-South Commuter Railway System ang pinakamalaking rail project ng DOTr, na sinusundan ng Metro Manila Subway Project, dagdag niya.

Ang pagtatayo ng PNR Bicol Package 1 ay makikitang matatapos sa 2024, at ang pagsisimula ng mga operasyon sa ikatlong quarter ng 2025.

Ang iba pang mga package ng kontrata ng PNR Bicol ay nakatakdang makumpleto sa pagitan ng 2024 at 2026, kung saan ang buong linya ng PNR Bicol ay nakatakdang maging operational sa 2027.

Ang PNR Bicol ay isang 560-km. rail system na binubuo ng 35 istasyon at tatakbo mula Maynila sa pamamagitan ng Laguna, Quezon, at Camarines Sur hanggang Albay, na may extension line sa Sorsogon at branch line sa Batangas.

Ang mga pampasaherong tren ay idinisenyo upang tumakbo sa bilis na 120 kph hanggang 160 kph at ang mga freight train nito ay idinisenyo upang tumakbo sa bilis na 80 kph hanggang 100 kph, na magpapa ikli sa oras ng paglalakbay sa mula sa Maynila patungong Legazpi City, Albay mula sa kasalukuyang 14 na oras hanggang 18 oras sa anim na oras lamang sa mga regular na commuter train nito at apat na oras at 30 minuto sa mga express train nito.

Noong Enero 18, iginawad ng DOTr ang kontrata para sa PNR Bicol Package 1 sa Chinese joint venture na China Railway Group Ltd., China Railway No. 3 Engineering Group Co. Ltd., at China Railway Engineering Consulting Group Co. Ltd.