Ipinararating ni Maria Diana Lyn Carlos, presidente ng JCI San Pablo 7 Lakes sa publiko na sisimulan ang TalktoDok free online consultation bukas hanggang Sabado (Enero 12 – 5, 2022), mula 10:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.
Upang magpakonsulta ng libre sa TalktoTalk online, pumunta sa link na ito:
Ang TalktoDok ay proyekto ng JCI Philippines, JCI Alabang at JCI San Pablo 7 Lakes.
Kabilang sa mga benepisyo ng online consultation ang pagtitipid sa gastos sa transportasyon, hindi na kailangang mag day off sa trabaho, makakatulong sa mga ina na walang mapag iiwanan sa maliliit na anak at access sa mga espesyalista, ayon sa paliwanag ni Carlos.
“Layunin din ng TalktoDok at ng Junior Chamber International Philippines, JCI Alabang at JCI San Pablo na matulungan ang mga Pilipinong hindi makaalis ng bahay, mga may sakit habang naka quarantine o naka isolate sa panahong ito ng patuloy na pagtaas ng mga bagong kaso ng Covid-19 sa bansa, ayon pa rin sa ika-74 na pangulo ng JCI San Pablo 7 Lakes.
San Pablo City, Laguna. Lahat ng vaccination schedules sa San Pablo City Convention Center ay kanselado hanggang sa susunod na abiso, ayon kay San Pablo City Health Officer Dr. James Lee Ho.
“This is due to some members of the vaccination team being sick. They are currently under isolation/quarantine kaya po pansamantala ay kanselado muna ang mga vaccine schedules,” ayon kay Dr. James.
Lahat ng appointments ay pinawawalang bisa at pinapayuhan ang mga may hawak nito na maghintay ng bagong email notification, ayon sa ulat.
Nakatakdang sumailalim sa disinfection ang San Pablo Convention Center sa lalong madaling paahon. Nakatakda ring isagawa ang case investigations at contact tracing sa mga may sakit na miyembro ng vaccination team.
Sa isang first medical, matagumpay na nailipat ng mga doktor ang isang puso ng baboy sa isang pasyente bilang huling paraan ng pagsisikap na iligtas ang buhay nito, ayon sa isang ospital sa kahapon at idiniklara din na gagaling ang pasyente tatlong araw pagkatapos ng highly experimental surgery.
Ayon sa mga doktor sa University of Maryland Medical Center, ang transplant ay nagpakita na ang isang puso mula sa isang genetically modified na hayop ay maaaring gumana sa katawan ng tao nang walang agarang rejection.
Bagama’t masyadong maaga para malaman kung gagana talaga ang operasyon, ito ay hudyat ng pag asa matapos ang maraming dekada ng paghahanap ng solusyon at gamitin ang organs ng hayop para sa mga life-saving transplant.
Si David Bennett na pasyente ng break through transplat ay isang 57-taong-gulang na handyman ng Maryland. Alam niya na walang garantiya na magtatagumpay ang eksperimento ngunit siya ay tinaningan ng mamatay, hindi siya eligible sa heart transplant na gamit ang puso ng tao at walang siyang ibang pagpipilian, ayon sa kanyang anak sa The Associated Press.
“It was either die or do this transplant. I want to live. I know it’s a shot in the dark, but it’s my last choice,” ayon kay Bennett isang araw bago siya sumailalim sa operasyon, batay sa mga salaysay na ibinigay nya sa Maryland University School of Medicine.
Kahapon, si Bennett ay humihinga nang mag-isa habang nakakonekta pa rin sa isang heart-lung machine upang tulungan ang kanyang bagong puso. Ang susunod na ilang linggo ay magiging kritikal habang gumagaling si Bennett mula sa operasyon at maingat na sinusubaybayan ito ng mga doktor.
Ang napakalaking kakulangan sa donasyon ng human organs para sa transplant ang nagtutulak sa mga siyentipiko na pag aralang gamitin ang mga organs ng hayop. Noong nakaraang taon, mayroon lamang mahigit 3,800 na heart transsplant sa U.S., isang record number, ayon sa United Network for Organ Sharing, na nangangasiwa sa transplant system ng bansa.
“If this works, there will be an endless supply of these organs for patients who are suffering. This is a truly remarkable breakthrough. As a heart transplant recipient, myself with a genetic heart disorder, I am thrilled by this news and the hope it gives to my family and other patients who will eventually be saved by this breakthrough,” ayon kay Dr. Muhammad Mohiuddin, scientific director of the Maryland university’s animal-to-human.
Ang operasyon noong Biyernes ay tumagal ng pitong oras sa Baltimore hospital. Sinabi ni Dr. Bartley Griffith, na nagsagawa ng operasyon na ang kondisyon ng pasyente na heart failure at irregular heart beat ay eligible pata sa heart transplant o heart pump. Si Griffith sa kanyang mga pag aaral at eksperimento ay nakapag transplant na ng puso ng baboy sa humigit kumulang na 50 baboon bago inalok si Bennet na sumailalim sa nabanggit na transplant.
“We’re learning a lot every day with this gentleman. And so far, we’re happy with our decision to move forward. And he is as well: Big smile on his face today,” ayon kay Griffith.
Ang mga balbula sa puso ng baboy ay ilang dekada ng ginagamit sa tao, ayon sa anak ni Bennter, tumanggap na nito ang kanyang ama sampung taon na ang nakararaan.
Doctors at the University of Maryland Medical Center transplanted a pig heart into a patient who was ineligible for a human heart transplant and had no other option. AP
Tinitingnan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga lumabas na ulat na na-compromise ang mga system nito.
“With no independent verification that a hack has indeed taken place, one thing immediately stands out: the article alleges that the hackers were able to ‘download files that included, among others, usernames and PINS (personal identification numbers) of vote-counting machines,’” ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez sa statement niya kagabi tungkol sa nailathalang report ng hinihinalang hacking.
“The fact, however, is that such information still does not exist in Comelec systems simply because the configuration files – which includes usernames and PINs – have not yet been completed. However, there is a need to check the veracity of the report,” ayon kay Jimenez.
“This calls into question the veracity of the hacking claim. As for the rest of the allegations made, please note that the article offers scant substantiation for its assertions despite claiming that the authors had ‘verified that there was an ongoing hack.’ Indeed, the article does not even offer proof of such verification,” dagdag pa niya.
Tiniyak din niya sa publiko ang buong at masusing pagsunod ng poll body sa Data Privacy Act, pati na rin ang patuloy na pakikipagtulungan nito sa National Privacy Commission.
Kasabay nito, inimbitahan ni Jimenez ang mga may-akda na bigyang linaw ang kanilang mga alegasyon, partikular ang “beripikasyon” na sinasabi nilang kanilang naisagawa.
“Considering that ‘news’ like this could potentially damage the credibility of the elections, the Comelec stands ready to pursue all available remedies against those who, either deliberately or otherwise, undermine the integrity of the electoral process,” ayon sa kanya.
Tiniyak niya na ang poll body ay magpapatuloy sa mga pagsisikap nito na patunayan ang mga pahayag na nakasaad sa ipinalabas sa artikulo.
Comelec spokesperson James Jimenez. Photo credits: PNA
Kinumpirma ni Interior Secretary Eduardo Año nitong Martes na nahawa na siya ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa ikatlong pagkakataon.
Ang mga resulta ng test ni Año ay inilabas noong kahapon matapos malamang nag positive sa virus ang marami sa kanyang mga close contacts.
“Thankfully, I remain asymptomatic as of now. I will continue to work while isolating. I encourage everyone to get vaccinated and booster-ed as soon as possible, and to continue following health protocols,” ayon kay Año sa mensahe na kanyang ipinadala sa Philippine News Agency (PNA).
Isinumite niya ang kanyang virtual na ulat ukol sa kanyang pangatlong impeksyon kay Pangulong Rodrigo R. Duterte sa Talk to the People kagabi.
Si Año ay unang nagpositibo sa Covid-19 noong Marso 31, 2020, at sumailalim sa pangalawang pagsusuri noong Abril 8, na lumabas na negatibo.
Gayunpaman, noong Agosto 16 ng parehong taon, muling nagpositibo sa virus si Año.
Noong Enero 11, 2021, isang buwang bakasyon si Año bilang bahagi ng kanyang plano sa pagbawi sa kalusugan pagkatapos ng Covid.
Samantala, kabilang si PNP spokesperson Col. Roderick Alba sa pinakahuling kaso ng Covid-19 sa hanay ng PNP.
“I tested positive for Covid-19. Report from HS (Health Service) just came out at about 6:34 p.m., Jan 10, 2022. Sa ngayon ay may symptoms po ako – flu, dry cough, runny nose with phlegm, and body pains. I’m about to be quarantined at the Kiangan quarantine facility. I am now focusing on my immediate recovery,” ayon kay Alba sa mensaheng ipinarating nya sa mga reporters.
Sta. Cruz, Laguna. Nasakote ang tatlong Most Wanted sa Laguna kahapon, ayon sa report ni Laguna Police Acting Provincial Director PCOL Rogarth B. Campo kay PRO CALABARZON Regional Director PBGEN Eliseo De La Cruz.
Sa Bay, Laguna, inaresto ng mga miyembro ng Bay Municipal Station na nasa pangangasiwa ni PMAJ Jameson E Aguilar si Joseph Villegas, 44 anyos, binata at naninirahan sa Sta Cruz, Laguna, sa kasong 3 counts ng rape.
Sa Cavinti, Laguna na pinamumunuan ni Acting Chief of Police PLT Sergio A. Amba, Jr., inaresto si Liborio Juanillo, 72 anyos, isang magsasaka na residente ng Brgy. Poblacion, Cavinti, Laguna, sa kasong Lascivious Conduct Under Sec. 5 (b) of R.A. 7610.
Nadakip din sa Siniloan, Laguna ng mga tauhan ni PMAJ Silver S. Cabanillas si Ronel Surbano, 42 anyos na magsasaka na residente ng Brgy. Perez, Calauan, Laguna, sa kasong murder.
Ang mga inarestong most wanted ay pansamantalang nakapiit sa mga nakasasakop na police station habang inaabisuhan ang mga korte kung saan ay nakasampa ang mga kaso laban sa kanila.
Kaugnay nito, pinuri ni Campo ang mga miyembro ng Bay MPS, Cavinti MPS, at Siniloan MPS sa kanilang matagumpay na operasyon na nagresulta sa pagkakadakip ng tatlong most wanted sa Laguna.
“Ang operasyong ito ay patunay na hindi tayo titigil sa pagtugis sa mga taong may pananagutan sa batas, at para mabigyan ng hustisya ang mga biktima,” ayon kay PCOL Campo.
Palaging may silver lining kahit sa gitna ng pagtaas ng kaso ng coronavirus disease 2019, ayon kay Presidential Adviser on Covid-19 response Vince Dizon kahapon.
Sa Pilipinas, ang malawakang pagbabakuna at tuluy-tuloy na paghahatid ng mga jab na binili at donasyon, ang pumipigil sa mga malalang sintomas, ospital, at maging ang kamatayan sa kabila ng mataas na hawahan ng Omicron variant, ayon sa kanya.
“Ang pruweba po niyan ay hindi po ganoon kabilis ang pagpuno ng ating mga ospital (Proof of this is that our hospitals are not getting filled up that fast),” ayon sa deputy chief of the National Task Force Against Covid-19 sa “Laging Handa” briefing.
Inalala ni Dizon kung paano nakipagbuno ang bansa sa pagtaas ng mga kaso ng Delta sa pagitan ng Agosto at Setyembre noong nakaraang taon noong ang health care system ay napuno ng mga pasyenteng may sintomas.
“Ang silver lining talaga natin dito ay marami nang nabakunahan. Ngayon po hindi pa gaano at iyon po ay pruweba na ang ating mga bakuna ay epektibo laban sa Covid-19,” ayon kay Dizon.
Hinimok niya ang mga hindi pa nababakunahan na magpa- jab na dahil sila ang target ng variant ng Omicron.
Sa ngayon ay nakapagbigay na ang Pilipinas ng 113,364,030 doses ng mga bakuna laban sa coronavirus sa buong bansa, kabilang ang mga pangalawang dosis para sa 52,393,229 at 3,327,416 na booster dose.
*Silver lining, nangangahulugan na ang isang negatibong pangyayari ay maaaring may positibong aspeto.
Nilinaw ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año kahapon na ang mga indibidwal na hindi pa nabakunahan laban sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) ay pauuwiin lamang at hindi na huhulihin.
Binangit niya na ang mga checkpoint ay inilagay upang paghigpitan ang pagkilos ng mga hindi nabakunahan dahil sa mabilis na pagtaas ng mga kaso ng Covid-19 na pinaniniwalaang sanhi ng mataas na transmissive na variant ng Omicron.
“Ang ating mga barangay captains at mga kapulisan ay magsasagawa ng mga checkpoints. Kung ikaw ay hindi bakunado, pauuwiin ka, ‘yun lang naman. Pero kung ikaw ay magre-resist ay talagang sapilitan kang iuuwi,’’ ayon kay Año said sa isang panayam sa telebisyon.
Gayunpaman, sinabi niya na ang pag-aresto sa mga lumalaban na hindi nabakunahan ng mga opisyal ng barangay ay dapat lamang maging huling paraan at kailangang ipatupad “sa loob ng mga hangganan ng batas”.
Samantala, nagbabala si Año na maaaring kasuhan ang mga gumagamit ng pekeng vaccination card.
“Yes. Pupuwede na siyang hulihin diyan sapagkat caught in the act siya na meron siyang dala dala na fake na document,’’ ayon kay Año.
Pananagutin at parurusahan ang mga negosyanteng nagbebenta ng hindi rehistradong self-test antigen test kits para sa Covid-19, ayon sa babala ng Department of Trade and Industry (DTI) kahapon.
Ang babala ay ipinalabas ni DTI Assistant Secretary at Consumer Protection Group Head Ann Claire Cabochan sa gitna ng pagdami ng mga online na bentahan ng pinaniniwalaang mga overpriced na self-test kits.
“For as long as it had not been authorized to be sold in the Philippines, it should not be sold whether in physical stores or in online store,” ayon sa kanya sa Laging Handa public briefing.
Sa kasalukuyan, walang self-administered antigen test kit na nakarehistro sa Food and Drug Administration (FDA).
Inatasan ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III noong nakaraang linggo ang FDA na ihanda ang approval sa mga rehistradong self-test antigen test kits para sa Covid-19.
“First, we have to make a distinction. Iyong self-test kits, because they are not yet registered, they are not yet certified by the FDA as a product that can be sold in our market, wala po iyang SRP,” ayon kay Cabochan.
Sinabi niya na ang DTI ay nakikipag tulungan sa FDA upang mabilis na masubaybayan ang mga aplikasyon para sa mga certificate of registration ng produkto na kailangan upang payagan ang pagbebenta ng mga self-test kits na ito.
“Pinag-aaralan po iyan and I know that the FDA is fast tracking any applications for certificate of product registration to be issued. So, wala po iyang SRP, iyong mga self-test kits at this time, kasi wala pa naman talaga silang registration from FDA,” ayon sa kanya.
Samantala, tiniyak ni Cabochan na ang supply ng paracetamol na gamot sa mga banayad na sintomas ng Covid-19, ay inaasahang mag-normalize matapos makapagdagdag ang mga botika ng kanilang imbentaryo.
“Nagkaroon lang talaga po ng overwhelming demand. But last week, we have already received reports because we were working very closely with the manufacturers of these products, as well as the drugstore, iyong association of drugstore,” ayon pa rin kay Cabochan.
Inulit din niya ang kanyang babala laban sa pagbebenta ng mga pekeng gamot, at binanggit na maaari silang maparusahan ng multa, pagkakulong, o pareho.
Sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 8203 o ang Special Law on Counterfeit Drugs, ang mga taong gumagawa, nagbebenta at namamahagi ng mga pekeng droga ay mahaharap sa maximum penalty na habambuhay na pagkakakulong at PHP5 milyon na multa “dapat ang isang pekeng gamot ang malapit na dahilan ng kamatayan ng isang biktima.”
Ipinagbabawal din ng RA 9711 o Food and Drug Administration Act of 2009 ang pag-angkat, pagbebenta o pag-aalok ng mga pekeng gamot.
Umakyat sa 33,169 ang bilang ng mga bagong impeksyon sa coronavirus sa bansa, ang pinakamataas mula noong nagsimula ang pandemya noong nakaraang taon, ayon sa ulat ng Department of Health (DOH) kanina, Enero 10, 2022.
Sa pinakahuling bulletin ng Covid-19, sinabi ng DOH na pumalo ang kabuuang aktibong kaso sa 157,526, mula sa kabuuang 2,998,530 na impeksyon mula noong magsimula ang pandemya noong Marso 2020.
Ang bilang ng mga bagong kaso noong Lunes ay lumampas sa 28,707 noong Linggo.
Naitala din ang isa pang 3,725 recoveries, na nagkakahalaga ng 93 porsyento ng kabuuang bilang ng mga kumpirmadong impeksyon.
Sa mga aktibong kaso, 147,912 ang banayad, 2,858 ang katamtaman, 4,994 ang asymptomatic, 1,461 ang malala, at 301 ang kritikal.
“Of the 33,169 reported cases today, 32,972 (99 percent) occurred within the recent 14 days – Dec. 28, 2021 to Jan. 10, 2022,” ayon sa report ng DOH.
Ang mga rehiyon na may pinakamaraming kaso sa nakalipas na dalawang linggo ay ang National Capital Region (NCR) na may 18,535 o 56 porsyento ng mga bagong impeksyon; Calabarzon, 7,443 o 23 porsyento; at Central Luzon, 3,403 o 10 porsyento.
Umabot na sa 52,293 ang namatay na may 145 na new death o 1.76 porsyento ng kabuuang mga kaso.
Samantala, 52 porsiyento ng 1,100 ICU bed, 54 porsiyento ng 4,700 isolation bed, 67 porsiyento ng 4,800 ward bed, at 25 porsiyento ng 1,000 ventilator para sa mga pasyenteng may Covid-19 ang kasalukuyang ginagamit sa NCR.
We use cookies on our website to give you the most relevant experience by remembering your preferences and repeat visits. By clicking “Accept All”, you consent to the use of ALL the cookies. However, you may visit "Cookie Settings" to provide a controlled consent.
This website uses cookies to improve your experience while you navigate through the website. Out of these, the cookies that are categorized as necessary are stored on your browser as they are essential for the working of basic functionalities of the website. We also use third-party cookies that help us analyze and understand how you use this website. These cookies will be stored in your browser only with your consent. You also have the option to opt-out of these cookies. But opting out of some of these cookies may affect your browsing experience.
Necessary cookies are absolutely essential for the website to function properly. These cookies ensure basic functionalities and security features of the website, anonymously.
Cookie
Duration
Description
cookielawinfo-checkbox-analytics
11 months
This cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookie is used to store the user consent for the cookies in the category "Analytics".
cookielawinfo-checkbox-functional
11 months
The cookie is set by GDPR cookie consent to record the user consent for the cookies in the category "Functional".
cookielawinfo-checkbox-necessary
11 months
This cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookies is used to store the user consent for the cookies in the category "Necessary".
cookielawinfo-checkbox-others
11 months
This cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookie is used to store the user consent for the cookies in the category "Other.
cookielawinfo-checkbox-performance
11 months
This cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookie is used to store the user consent for the cookies in the category "Performance".
viewed_cookie_policy
11 months
The cookie is set by the GDPR Cookie Consent plugin and is used to store whether or not user has consented to the use of cookies. It does not store any personal data.
Functional cookies help to perform certain functionalities like sharing the content of the website on social media platforms, collect feedbacks, and other third-party features.
Performance cookies are used to understand and analyze the key performance indexes of the website which helps in delivering a better user experience for the visitors.
Analytical cookies are used to understand how visitors interact with the website. These cookies help provide information on metrics the number of visitors, bounce rate, traffic source, etc.
Advertisement cookies are used to provide visitors with relevant ads and marketing campaigns. These cookies track visitors across websites and collect information to provide customized ads.