Monday, April 27, 2026


Your Daily News Update About CALABARZON and Beyond.
ISSN 2799-1911

Home Blog Page 776

DOH: Bakuna ang pinakamabisang depensa laban sa Covid-19 at hindi natural immunity

0

“Nilinaw ng World Health Organization na ang variant ng Omicron ay virus pa rin at hindi isang natural na bakuna.” Sinabi ng Department of Health (DOH) na kung mas maraming transmission, mas maaaring maraming mag-mutate at mag-replicate na virus. Bagama’t kinikilala natin ang natural na kaligtasan sa sakit, binibigyang-diin ng DOH ang kahalagahan ng immunity na dulot ng bakuna.

Nauna dito nagpakalat ng pahayag si Fr. Nicanor Austriaco, Research Fellow ng OCTA Research noong Huwebes na ang variant ng Omicron ay maaaring kumilos bilang isang natural na bakuna dahil ang virus ay hindi makapasok sa baga ng tao kung kaya mas banayad ang mga sintomas nito.

Binanggit ni Austriaco na ang mga indibidwal na makakaligtas sa variant ng Omicron ay makakakuha ng mga antibodies na maaaring magbigay ng proteksyon laban dito at iba pang mga variant gaya ng Delta, Gamma, Beta, Alpha, at D614G. Dahil dito, sinabi ni Austriaco na ang proteksyon ng populasyon ay makakamit at ang pandemya ay magtatapos.

Pinabulaanan naman ito ng WHO at ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Sinabi niya na ang mild symptoms ay manifestations pa rin ng infection at isa pa ring paraan ng transmission.

Pinaalalahanan ni Vergeire ang publiko sa isang mensahe noong Biyernes ng gabi na hindi dapat maging kampante kahit na ang variant ay nagpapakita lamang ng banayad na sintomas.

“The World Health Organization pronounced that the Omicron variant is still a virus and not a natural vaccine. The DOH states that the more transmission, the more the virus can mutate and replicate. While we recognize natural immunity, the DOH emphasizes the importance of vaccine-induced immunity,” ayon sa kanya.

Binanggit ni Vergeire na hindi lahat ng indibidwal ay maaaring magkaroon ng natural immunity sa sakit at ang mga bakuna pa rin ang nagbibigay ng pinakamahusay na proteksyon laban sa virus upang maiwasan ang pagpapa ospital.

Bukod sa pagpapabakuna, patuloy na hinihimok ng DOH ang publiko na mahigpit na sundin ang minimum public health standards upang hindi madagdagan ang posibilidad ng virus transmission at mutation na maaaring magresulta sa mas nakamamatay na variant.

“By properly following these protocols, we help in mitigating the pandemic. We would like to avoid another Delta picture where our hospitals were fully congested,” ayon kay Vergeire.

Photo credits: San Pablo City Information Office

Binatang birthday celebrant, binaril ng pulis sa ulo

0

Cabuyao, Laguna. Binaril ng isang pulis ang isang lalaking nagdiriwang ng kanyang kaarawan matapos ang isang pagtatalo sa banyo ng isang restaurant sa lungsod na ito.

Kinilala ni P/LTCOL Don Salisi, hepe ng Cabuyao City Police Station ang suspek na si Police Corporal Kurt Ilagan, 26 anyos, may-asawa at nakatalaga Intelligence operatives ng Cabuyao PNP.

Kinilala naman ang biktima na si Bryan Ian Perez na kasama ang kanyang mga kaibigan ay nagdiriwang ng kanyang kaarawan sa restaurant na pinangyarihan ng krimen, batay sa ulat.

Naganap ang pamamaril matapos ang mainit na pagtatalo sa pagitan ng suspek at biktima. Si Mendoza ay lumabas mula sa banyo, lumapit sa mesa ng grupo ng biktima at binaril ito ng malapitan sa ulo ng suspek na pulis, ayon kay Salisi na makikita sa cctv footage ng restaurant na nakuha ng mga pulis.

Si Ilagan ay nadakip sa isang follow up operations ng Cabuyao Police Station at kasalukuyang nakapiit sa custodial cell ng Cabuyao PNP. Nakatakda siyang humarap sa kasong murder.

CCTV footage ng restaurang na pinangyarihan matapos maganap ang krimen.

Killer ni Fiscal Mendoza, nadakip na

0

Calamba, Laguna. Nadakip na ang suspek na pumatay kay Deputy Prosecutor Edilbert Mendoza sa pitong araw na hot pursuit operations na isinagawa ng pinagsanib na pwersa ng Cavite Intelligence Group at ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Isang drug buy-bust operation ang humantong sa pagkakaaresto sa hinihinalang pumatay sa deputy prosecutor Barangay H2, Dasmariñas City, bandang 10:30 ng gabi noong Enero 7, 2022.

Ang suspek na gunman ay kinilalang si Marvin Linaban, 44 anyos, may asawa at isang drug offender, ayon sa pulisya.

Maaalala na si Deputy City Prosecutor Edilbert Mendoza ay binaril sa harap ng kanyang bahay noong umaga ng Disyembre 30, 2021 sa Elysian Subdivision sa Trece Martires, Cavite.

Si Linaban ay nakatakdang dumaan sa integrasyon ng Parallel investigation team ng Laguna PPO at National Bureau of Investigations na binuo sa utos ng Supreme Court upang tiiyakin kung sino ang mga nasa likod ng krimen, ayon sa report.

“If all evidence and facts check out, the arrest of Linaban could be a major breakthrough in the investigation of the murder of Atty. Mendoza,” ayon kay Philippine National Police chief, Gen. Dionardo Carlos.

Nakuha kay Linaban ang isang baril na nakatakda ring sumailalm sa ballistic examination upang alamin kung ito ang ginamit sa pagpatay.

Si Mendoza ay nag-eehersisyo sa labas ng kanyang bahay nang barilin sa Barangay Cabuco, Trece Martires City, Cavite.

Malacañang: Hindi totoo ang tsismis sa martial law, total lockdown

0

Pinabulaanan ng Malacañang kahapon ang mga pahayag na kumakalat sa social media na magdedeklara ang gobyerno ng martial law dahil sa matinding pagtaas ng kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa bansa.

“Fake news po ito. Wag po tayong maniwala sa ganitong uri ng balita,” ayon kay acting presidential spokesperson and Cabinet Secretary Karlo Nograles sa isang press briefing.

Tinukoy ni Nograles ang isang voice recording ng isang babae na humihimok sa publiko na mag-stock ng maraming pagkain hanggang Enero 30 dahil sa posibilidad na magdeklara ng martial law o total lockdown si Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na linggo.

Binigyang diin ni Nograles na hindi nakakatulong ang pagpapakalat ng walang basehang tsismis, at magdudulot lamang ito sa “hindi kinakailangang pag aalala, takot at panic” sa mga tao.

Noong Huwebes, idiniklara na ni Defense Secretary Delfin Lorenzana bilang “fake news” ang nag viral na voice clip tungkol sa martial law at total lockdown.

Nagluluksa ang PH sa pagpanaw ng National Artist na si F. Sionil Jose

0

Nagpaabot ng pakikiramay ang Malacañang kahapon sa pamilya ng Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan na si F. Sionil Jose na pumanaw sa edad na 97.

“Sa ngalan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng sambayanang Pilipino, nakikiramay po kami sa pagpanaw kagabi ni F. Sionil Jose, Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan,” ayon kay acting Presidential Spokesperson, Cabinet Secretary Karlo Nograles, sa isang Palace briefing.

Nagpahayag din ng pasasalamat si Nograles sa mga kontribusyon ni Jose sa panitikan ng Pilipinas.

“Hindi lamang isang alamat na manunulat at storyteller, si F. Sionil Jose ay isang tunay na makabayang Pilipino,” ayon sa kanya.

Ang National Press Club of the Philippines ay nagpaabot din ng pakikiramay sa pagpanaw  Jose. “The National Press Club joins the nation in grieving over the passing of National Artist, F. Sionil Jose,” ayon sa Facebook post ng NPCP.

Inilarawan ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) ang mga panulat ni Jose mula noong huling bahagi ng dekada ’60 bilang “epiko”.

“Its sheer volume puts him on the forefront of Philippine writing in English. But ultimately, it is the consistent espousal of the aspirations of the Filipino – for national sovereignty and social justice – that guarantees the value of his oeuvre,” ayon sa NCCA sa isang statement na naka post sa official Facebook page nito.

Binigyang-diin ng komisyon na ang kanyang limang-nobelang obra maestra, ang Rosales saga, ay nakakuha ng “sweep of Philippine history while simultaneously narrating the lives of generations of the Samsons whose personal lives intertwine with the social struggles of the nation.”

Ayon sa NCCA, si Jose ay isa ring publisher, lecturer sa mga isyung pangkultura, at tagapagtatag ng Philippine chapter ng international organization na PEN.

Kabilang sa mga parangal na iginawad kay Jose ang CCP Centennial Honors for the Arts noong 1999; ang Outstanding Fulbrighters Award para sa Literatura noong 1998; at ang Ramon Magsaysay Award for Journalism, Literature, and Creative Communication Arts noong 1980.

Pinangalanan ng gobyerno ng Pilipinas si Jose bilang Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan noong 2001.

Namatay si Jose noong Huwebes ng gabi sa Makati Medical Center kung saan dapat sumailalim siya sa isang angioplasty.

Photo credits: Binalonan, Pangasinan Facebook page

Manila LGU sa mga deboto ng Nazareno: Huwag pumunta sa Quiapo Church

0

Umapela ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa lahat ng nagmamay ari ng replica ng Black Nazarene na huwag ng pumunta sa pista ng Nazareno sa Quiapo Church gaya ng nakasanayan na.

Kada taon, bago at tuwing ika-9 ng Enero, araw ng kapistahan ng Black Nazarene, ang mga replika ay dinadala ng mga deboto mula sa National Capital Region at mga karatig lalawigan sa minor basilica para magpabasbas.

Gayunpaman, ang tumataas na mga impeksyon sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) ay naglagay sa Metro Manila sa Alert Level 3 habang ang Archdiocese ng Maynila ay hindi magdaraos ng pisikal na misa mula Enero 7 hanggang 9 upang maiwasan ang mga tao.

Pinasalamatan din ni Domagoso si Department of the Interior and Local Government Secretary Eduardo Año sa pagpapadala ng security reinforcement upang matiyak na walang magtitipon sa paligid ng simbahan sa araw ng kapistahan sa Linggo.

Binati at pinaabot din niya ang pasasalamat sa Manila Police District sa paglalatag ng security plan para sa pagdiriwang ngayong taon.

Domagoso, sa ikalawang sunod na taon, ay umapela ng pang-unawa sa mga deboto sa pagkansela ng lahat ng mga kaganapan kaugnay ng pagdiriwang.

Aniya, ang mga paghihigpit ay ginagawa upang maprotektahan hindi lamang ang mga deboto mismo kundi ang kapakanan din ng pangkalahatang publiko.

Ipinaabot din niya ang pasasalamat sa Manila Police District sa paglalatag ng security plan para sa pagdiriwang ngayong taon.

Humingi ng pang unawa si Domagoso sa mga deboto dahil sa pagkakansela ng nabanggit na fiesta sa dalawang magkasunod na taon.

Aniya, ang mga paghihigpit ay ginagawa upang maprotektahan hindi lamang ang mga deboto mismo kundi ang kapakanan din ng pangkalahatang publiko.

Kada taon ay milyon-milyong mga deboto ang nagtitipon para sa kapistahan ng Black Nazarene at nakikilahok sa prusisyon ng traslacion na kung minsan ay inaabot ng halos 24 oras bago matapos.

Naniniwala ang mga deboto na sasagutin ang kanilang panalangin sa pamamagitan ng paghawak sa life size na estatwa ng naghihirap na Kristo o andas (karuwahe) at lubid na pinanghahawakan ng mga deboto sa panahon ng prusisyon.

Ang ilan ay sumasali sa traslacion bilang panata o pasasalamat sa kanilang mga nasagot na dasal.

Ang huling traslacion noong 2020, dalawang buwan bago ang pandemya, ay tumagal ng 16 na oras habang ang pinakamatagal ay nangyari noong 2012, na inabot ng 22 oras upang matapos noong maputol ang mga gulong ng andas at ang lubid nito.

Inilabas ng DOH ang mga alituntunin sa home quarantine sa gitna ng tumataas na impeksyon

0

Naglabas ang Department of Health (DOH) kahapon ng isang set ng home quarantine guidelines para sa mga indibidwal na positibong nahawahan ng coronavirus disease upang maiwasang pagsisikip ng mga ospital habang patuloy na tumataas ang mga bagong impeksyon.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa isang briefing ng Palasyo, na ang mga indibidwal na nahawaan ng Covid-19 at may mga sintomas ay maaaring sumailalim sa home quarantine kung mayroon silang sariling silid at banyo na may maayos na bentilasyon at may medical supervision.

Binanggit niya na ang lahat ng miyembro ng sambahayan ng mga indibidwal na positibo sa Covid ay itinuturing na close contact at maaari ring sumailalim sa home quarantine kung sila ay asymptomatic, hindi miyembro ng vulnerable na populasyon, at hindi kasama ng mga positive and symptomatic na mga indibidwal.

Idinagdag niya na dapat nilang sundin ang minimum public health standards – wastong pagsusuot ng mask, social distancing, at wastong paghuhugas ng kamay.

“Para naman po sa mga indibidwal na nag a-isolate at nakakaranas ng mild to moderate symptoms, i-maximize ang paggamit ng telemedicine services. Iwas transmission at iwas sana rin ito sa pagpuno ng ating mga ospital,” ayon sa kanya.

Sa pagbanggit sa mga alituntunin, binigyang-diin ni Vergeire ang mga asymptomatic na indibidwal o yaong may banayad hanggang katamtamang ang mga sintomas ay dapat na ihiwalay sa loob ng 10 araw o ayon sa payo ng kanilang doktor anuman ang status ng pagbabakuna.

Samantala, ang malubha at kritikal na mga pasyente ay dapat na ihiwalay sa loob ng 21 araw o ayon sa payo ng kanilang doktor.

“The government has shortened the isolation period of fully vaccinated medical front-liners in consideration of hospitals’ capacity,” ayon kay Vergeire.

Ang mga healthcare workers na asymptomatic o may banayad hanggang katamtamang mga sintomas ay dapat na ihiwalay sa loob ng limang araw ngunit ang kanilang mga malalapit na kontak ay hindi kinakailangang mag-quarantine.

DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Photo credits: PNA

Paiiralin na sa buong bansa ang utos ni PRRD na pigilan ang mobility ng mga walang bakuna

Iniutos ni Pangulong Rodrigo R. Duterte sa mga punong barangay na ipatupad sa buong bansa ang paghihigpit sa mobility ng mga hindi nabakunahan habang ang bansa ay nakikipagbuno sa biglaang pagtaas ng mga impeksyon sa coronavirus disease, ayon sa Malacañang noong Biyernes.

Sa isang briefing ng Palasyo, sinabi ni acting Presidential Spokesperson, Cabinet Secretary Karlo Nograles, na ang utos ni Duterte na “pigilan at bantayan” ang mga hindi pa nababakunahan na ayaw “manatili sa bahay” ay applicable sa lahat ng lugar sa bansa anuman ang alert level status.

“Sa declaration, pronouncement, at direktiba ni Pangulo, it appears na regardless of alert level eh nationwide po yan,” ayon kay Nograles.

Sinabi niya na ang mobility restriction ng mga wala pang bakuna ay naglalayong tiyakin ang kaligtasan, kalusugan, at kagalingan ng publiko.

Pinuri ng Unicef ​​ang PH sa pagpasa ng anti-child marriage law

0

Pinuri ng United Nations Children’s Fund (Unicef) noong Biyernes ang pagpapasa ng Pilipinas ng batas na nagsasakriminal sa child marriage, at binanggit ang kahalagahan nito bilang “isa pang layer ng proteksyon” para sa mga bata.

Sa isang pahayag, sinabi ni Unicef ​​Philippines Representative Oyunsaikhan Dendevnorov na ang pagpasa ng Republic Act 11596 o ang “Prohibition of Child Marriage Law” ay nagpapatibay sa legal framework ng bansa at proteksyon sa mga batang Pilipino.

“(The law) underscores the commitment of the government as a state party to fully implement the UN Convention on the Rights of the Child,” ayon kay Dendevnorov.

Ang pag-aasawa ng bata ay isang “paglabag sa karapatang pantao na maaaring magresulta sa habambuhay na pagdurusa,” para sa mga batang babae at kanilang mga anak.

“Ang mga babaeng nagpakasal bago mag-18 ay mas malamang na hindi na makapag aral at mas malamang na makaranas ng karahasan at domestic abuse,” ayon kay Dendevnorov.

Kung ikukumpara sa mga kababaihang nasa edad 20, aniya, ang mga batang babae ay mas malamang na mamatay dahil sa mga komplikasyon sa pagbubuntis at panganganak.

Kung nakaligtas sila sa pagbubuntis at panganganak, ang posibilidad ng still birth o sanggol na ipanganak na patay o mamatay sa unang buwan ay medyo mataas,” dagdag pa ni Dendevnorov.

Sinabi niya na ang Unicef ​​at ang mga katulong na organisasyon nito ay “mananatiling nakatuon” sa pagtiyak ng mahigpit na pagsasabatas at pagsuporta sa gobyerno ng Pilipinas sa “ganap na pagpuksa sa child marriage at lahat ng uri ng karahasan laban sa mga bata.”

“Unicef will be steadfast in safeguarding other actions, including social protection measures, equitable access to education, uninterrupted health services, and empowerment of children and young people,” ang pagtatapos ng Unicef ​​Philippines Representative.

Tinutukoy ng bagong batas ang child marriage bilang anumang kasal kung saan ang isa o parehong partido ay mga bata at ginawang sibil sa simbahan o anumang kinikilalang tradisyonal, kultural, o kaugalian na paraan ng kasal.

Kabilang dito ang impormal na pagsasama o pagsasama sa labas ng kasal ng isang nasa tamang gulang at isang bata o parehong mga bata.

Photo credits. UNICEF Philippines

DILG: Ang mga checkpoint ng PNP ay naglalayong higpitan ang mobility ng mga hindi nabakunahan

0

Ipinaliwanag kahapon ng Department of the Interior and Local Government na ang pagkakaroon ng mga checkpoint ng Philippine National Police (PNP) sa mga border points ay upang inspeksyunin ang proof of vaccination ng mga biyagero bilang pagsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na higpitan ang mobility ng mga hindi nabakunahan lalo na sa pampublikong transportasyon.

“The DILG and the PNP has begun implementing the measures directed by the President to contain the spread of Covid-19 in the country especially in Alert Level 3 areas where there has been an exponential increase of cases due to the transmission of the Omicron variant,”ayon kay DILG Undersecretary and Spokesperson Jonathan Malaya.

“Being the President, ultimately, I am responsible for the safety and well-being of every Filipino,” ayon kay Duterte sa Talk to the People noong Huwebes ng gabi.

Sinabi ni Malaya na ang paglalagay ng mga checkpoint sa mga border area sa Metro Manila at Bulacan ay bilang pagsunod din sa mga ordinansang ipinasa ng Local Government Units na naghihigpit sa mobility ng mga hindi nabakunahan.

Sinabi ni Malaya na ang mga hindi nabakunahan na papasok sa trabaho ay dapat magpakita ng negatibong resulta ng RT-PCR test kada 2 linggo kung hindi ay hindi sila papayagang dumaan sa mga checkpoint.

Nagsasagawa na ang PNP ng mga pagsasaayos upang maibsan ang pagsisikip ng trapiko bunga ng pagkakaroon ng mga checkpoint. “Magtatalaga ang PNP ng mas maraming pulis sa mga abalang checkpoints at magpapatupad ng iba pang mga pamamaraan upang mabawasan ang abala sa mga bumibiyaheng publiko,” dagdag niya.

Maraming business leaders, medical groups at mga samahan, at organisasyon ang nagsusulong na ipatupad ang mga paghihigpit sa buong bansa sa gitna ng pagtaas ng mga impeksyon at banta ng Omicron variant, ayon sa report ng DILG.