SAN NARCISO, Quezon. Nasugatan ang 25 kabataan matapos maaksidente ang sinasakyan nilang pampasaherong jeep habang bumabagtas sa national highway sa Barangay Abuyon, San Narciso, Quezon, kahapon ng tanghali.
Ayon sa report ng San Narciso Municipal Police Station, galing sa bayan ng Catanauan, Quezon ang jeep at pabalik na sana sa bayan ng Buenavista nang mawalan ito ng preno, sumalpok sa barrier ng highway at dumiretso ito at nahulog sa mababaw na bangin at bumaliktad.
Sakay ng jeep ang grupo ng mga kabataan mula sa iba’t ibang youth organization at Sangguniang Kabataan ng Buenavista na galing sa outing sa bayan ng Catanauan, ayon sa report.
Nasa 26 na pasahero ang sugatan, tatlo sa kanila ay nagtamo ng bone fracture habang ang iba naman ay minor injury lang.
Ang mga nasugatan ay dinala sa municipal hospital ng San Narciso at ang iba ay isinugod sa ospital sa Lucena City at Gumaca District Hospital sa Gumaca, Quezon.
Agad naman na rumesponde ang mga opisyal ng LGU-Buenavista sa mga kabataang biktima.
Mistulang sci-fi movie ang mga pangyayari nitong mga huling araw. Naglalaro sa isip ko ang malupit na eksenang kumakatok ang naka full battle gear na mga sundalo sa bahay bahay at sinosona ang mga walang bakuna. Iipunin sila sa isang dungeon at kakalimutan na.
Kumikislap din sa aking imahinasyon ang mala-apocalypse na mga pangyayari. Natalo ng Covid-19 ang mga programa at pagsisikap ng gobyerno. Halos naubos ang tao. Wala ng production ng pagkain at gamot. Nagpapatayan ang mga survivor sa isang pirasong inaamag na pandesal.
Alam ba natin na ang mga malalagim na posibilidad na ito ang iniiwasang mangyari ng ating mga pamahalaan? Ito mismo ang malaking takot kung kaya nagkukumahog sila at nag aaksaya ng salapi, isip at pagod upang sugpuin ang Covid-19.
Tingnan ang isang timeline ng mga pandemya sa link sa ibaba, na sa pananalasa ng populasyon ng tao, ay nagpabago ng kasaysayan.
Sa nakikitang posibleng overlapping ng Delta at Omicron variants, lalong tumapang ang IATF. Hindi na pwedeng lumabas ang mga walang bakuna. Bawal na silang sumakay sa public transport at hindi na pwedeng pumasok sa malls, banks, restos, gyms at iba pang public o private facility.
Tama ba ito o mali? Nahahati ang opinyon ng publiko sa “No Vax, No Labas” policy na pinairal ng gobyerno mula noong Lunes.
Tama. Ito ang tindig ko habang marami pang ayaw magpabakuna. Dahil wala silang proteksyon, kung mahahawa sila ay full strength ang tama ng virus. Pwede silang maospital dahil sa severe illness na maaari nilang ikamatay. Sa report ng Department of Health noong Enero 2, 2022, 90% ng Covid patients sa mga ospital ay walang bakuna.
Bukod dito, malaki ang posibilidad na mahawahan ng mga hindi bakunado ang mga batang wala pang bakuna at ang mga fully vaccinated na may comorbidities.
Sampung taon tayong umawit ng Lupang Hinirang mula Grade one hanggang high school. Kung nagtatrabaho ka sa gobyerno, tuwing Lunes ay inaawit mo pa rin ito sa saliw ng recorded version nito.
Gayunpaman, madalas nating kantahin ito mula sa memorya, at kakaunti ang nalalaman natin tungkol sa kahulugan at kasaysayan nito. Marami pa rin ang tumutukoy sa pambansang awit na “Bayang Magiliw.”
Sa pag awit nito ay nararamdaman sana natin ang pagmamalasakit na mayroon tayo bilang mga Pilipino para sa ating bansang Pilipinas. Sa kantang ito ay sinasabi nating handa tayong mag alay ng ating buhay maprotektahan lamang ang lupang ating sinilangan.
“Ang mamatay ng dahil sa ‘yo.” Pero hindi natin kayang magpaturok ng bakuna kahit mas masakit pa dito ang kagat ng langgam.
Ang mensahe ng Lupang Hinirang ay tinatalo ni Maritess at Marisol. Nagpapadala tayo sa tsismis at sulsol na nakakamatay ang bakuna. Na magiging zombie ka pagkatapos mong magpa jab. Nakalimutan nating mag obserba kung may namatay na bang kapitbahay na nagpabakuna. Nakakita na ba tayo ng zombie na namamasyal sa palengke?
Ang laban ng mga bansa sa Covid-19 ay isang giyera. Ang mamamayan ay inaasahang kikilos at mag aambag ng kagitingan upang mapagwagian ang digmaang ito. Hindi natin kailangang mamatay. Magpabakuna ka lang ay dakilang ambag na sa pandaigdigang digmaan laban sa virus.
Ang magpabakuna ng dahil sa iyo. Ito lamang sa ngayon ang hinihingi sa dugo at pusong makabayan na likas sa bawat Pilipino.
Salot. Oil on Canvas, 2020. Antipas Delotavo, a Filipino social realist visual artist.
Calamba City,Laguna. Nagsagawa ng isang araw na Barangayanihan Outreach Program ang Regional Highway Patrol Unit 4A (RHPU4A) kasama ang PNP Aviation Security Group sa Cavite City.
Sinabi ni Capt Dyne Moreno, Hepe, Police Community Relations Officer, sa ilalim ng pangangasiwa ni RHPU4A Regional Chief Col Samson Belmonte na nakinabang sa proyekto ang 200 elementary pupils mula sa Barangay Pook, Zone 48M, Sangley Point kung saan ibinigay ang mga school supplies at iba pang gift packs na naglalaman ng tsinelas.
Ayon kay Moreno, ang kanilang grupo ay laging nagsisikap na sumunod sa hamon ng PNP core values na Maka-diyos, Maka-tao, Maka-bansa at Maka-kalikasan.
“This pandemic has hit each one of us, our everyday lives have changed, and unfortunately, most of us have experienced difficulty breezing through this pandemic. This is why RHPU4A, in staying true to our commitment to create a positive impact in children’s lives, has launched a ride for a cause outreach program in efforts to combat this ever-persistent challenge in our society, education,” dagdag pa ni Moreno.
Sinabi rin ni Moreno na umaasa sila na sa kalaunan, ang kanilang mga benepisyaryo at ang mga komunidad na kanilang kinabibilangan ay makakaahon sa kahirapan. Ang mga outreach programs na tulad nito, aniya, ay nagbibigay ng kapangyarihan sa kanila na magpatuloy sa kanilang pang-araw-araw na buhay at maging mas responsableng mga estudyante at sa pamamagitan nito ay natutulungan silang maghangad ng mas magandang kinabukasan.
Tumutulong din na maisakatuparan ang mga gawaing ito ang iba’t ibang civic groups at riders mula sa FSRAP Cavite, CDM EAgles Club, Lakas Bagwis, Class Pagbabago at Class Magilas Riders.
Lahat ng mga tauhan na sumasali sa nabanggit na outreach program ay nagpakita ng kapuri-puring at walang-pag-iimbot na malasakit sa sangkatauhan na dahilan kung bakit ito ay mahigpit na inirerekomenda na mabigyan sila ng naaangkop na mga parangal para sa kanilang namumukod-tanging gawain at hindi natitinag na serbisyo hindi lamang sa Highway Patrol Group kundi maging sa Philippine National Police, ayon pa rin kay Moreno.
Amadeo, Cavite. Binaril ang isang guro sa harap ng kanyang bahay sa Brgy. Salaban, bayang ito, bandang 12:00 ng tanghali kahapon.
Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa ospital ay kinilalang si Normita San Juan, 58 anyos at class adviser sa Tagaytay National High School.
Ayon sa paunang pagsisiyasat na sinagawa ni Officer in Case Staff Sgt. Arvin Balbuena sa ilalim ng direktang superbisyon ni Amadeo Police Chief Captain Cesar Lontoc, nilapitan ng suspek si San Juan at binaril ng malapitan sa ulo.
Kinilala ni Lontoc ang gunman na si Siserena Karnasinghe, 59 anyos na Sri Lankan.
Kasama ni Karnasinghe na dinakip ang apat pang suspek na kinilalang sina Celestina de Luna Romerosa, 51, dating guro at siyang itinuturong mastermind ng krimen; Antonio Romerosa, 53 anyos na asawa ni Celestina; Benedict Cabasi, 43 anyos na pinsan ni De Luna at Mark Romerosa, 21 anyos na anak ni Celestia at Antonio.
Ayon sa mga report ni Lontoc, nag ugat ang krimen sa matinding pag aaway na nauwi sa pagpapalayas sa tinitirahang apartment ng mga suspek noong malaman ng biktima na naipagbili ng mga ito ang kanyang apartment gamit ang pekeng titulo.
Ang mga suspek ay nahuli ng mga miyembro ng Amadeo Police Station sa Barangay Lalaan 2, Silang Cavite. Sila ay Kinilala ng mga nakasaksi na kasangkot sa naganap krimen.
Sta. Cruz, Laguna. Pinangunahan ni Laguna Police Provincial Director PCOL Rogarth B. Campo ang 1st Laguna Provincial Joint Security Control Center Coordination (PJSCCC) noong Enero 5, 2022 sa Camp General Paciano Rizal, Bagumbayan sa Sta. Cruz, Laguna.
Ang agenda ng koordinasyon ay upang maitaguyod ang interoperability sa pagitan ng PNP-AFP-COMELEC para sa pagpapatupad ng patuloy na proactive na mga hakbang sa seguridad na kinabibilangan ng pagsasagawa ng pinaigting na operasyon ng batas laban sa mga loose firearms, criminal elements, private armies at iba pang mga kahina hinalang grupo.
Ang nasabing kooperasyon ay nilahukan ng mga opisyal ng pulisya ng Laguna at sa pakikipagtulungan ni Philippine Army 202 Infantry Brigade Commander Col. Cerilo C. Balaoro, Jr., Laguna Provincial Peace and Order Council Chairperson Hon. Maricar Palacol, at Laguna Provincial COMELEC Supervisor Atty. Patrick Enaje.
Ipinag utos ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon sa ang mga barangay captain na higpitan ang paggalaw ng mga hindi pa nabakunahan habang kinakaharap ng bansa ang biglaang pagtaas ng mga impeksyon sa Covid-19.
“I now giving order to the barangay captains to look at all those persons who are not vaccinated and just would request them or order them if you may to stay put and if they refuse and goes around their house and goes around the community, wherever magpunta (will go), he can be restrained,” ayon kay Duterte sa isang prerecorded Talk to the People.
Muling iginiit ni Duterte na pinapanatiling lamang ng gobyerno na maging ligtas ang publiko sa gitna ng umiiral na pandemya.
“I said the ministrant function of the government is to come up with measures that protect the public interest, public health, and public safety,” ayon sa kanya ay ito mga dahilan kaya at naglabas siya ng desisyon upang pigilang lumabas ang mga walang bakuna para na din sa kanilang kaligtasan.
“So, in the absence of the law. The president is called upon to act and because it is a national emergency it is my position that we can restrain and that I have ordered the barangay captains because under the law barangay captains can enforce all the laws of the land within their community. That’s the long and short of being the person in authority,”batay pa rin sa prerecorded na salaysay ng pangulo.
Hinimok ni Duterte ang mga punong barangay na pakilusin ang mga sibilyan para bantayan at huwag hayaang makalabas ang mga hindi pa nabakunahan.
Ang Metro Manila Council, na binubuo ng 17 local chief executives sa National Capital Region (NCR), ay sumang-ayon na maipatupad ng mga resolusyon para sa mas mahigpit na regulasyon sa mobility ng mga wala pang bakuna sa gitna ng muling paglalagay sa ilang rehiyon sa Alert Level 3 status.
Ang mga paghihigpit ay magiging “pansamantala” lamang at aalisin kapag ang Covid-19 alert level sa NCR ay ibinaba mula Level 3 hanggang Alert Level 2 o mas mababa pa.
Pinaalalahanan ng Philippine National Police (PNP) nitong Huwebes ang lahat ng mga motorista at commuter na bumabiyahe sa loob at labas ng Metro Manila at mga karatig probinsya na laging dalhin ang kanilang vaccination card na maaaring kailanganin sa pagpasok sa mga border control points.
Ito ay matapos atasan ang mga tauhan ng pulisya na suriin ang proof of vaccination ng mga papasok na biyahero sa ilang lungsod sa Metro Manila at mga karatig na bayan sa lalawigan ng Bulacan na kasalukuyang nasa Alert Level 3 status.
“Those without vaccination cards will be barred from entering and will be asked to go back. The PNP is fully aware that movement must not be hampered, but non-essential travel can be controlled. Just stay at home at this time when you have nothing important to do outside,” ayon kay PNP chief, Gen. Dionardo Carlos sa kanyang statement.
Ang panukala ay bilang pagsunod sa hakbang ng mga mayor ng Metro Manila na higpitan ang pampublikong paggalaw ng mga hindi pa nababakunahan.
Patuloy na sinusuri ng PNP ang sitwasyon araw-araw. Kung kinakailangan, mas maraming tauhan ng pulisya ang maaaring italaga sa mga checkpoint na may mabigat na bulto ng mga sasakyan, ayon sa report.
Sta. Cruz, Laguna. Sisimulan ng Laguna PNP ang paglalagay ng isa o mahigit pang 24/7 Comelec checkpoint sa bawat lungsod at bayan sa lalawigan na ito mula Enero 9 hanggang Hunyo 8, 2022 upang ipatupad ang Comelec firearms ban bilang pagsunod sa Resolution 10741 ng Comelec.
Ayon kay PNP Laguna Provincial Director PCOL Rogarth B. Campo, ang hakbang na ito ay naglalayong itaguyod ang peace and order sa panahon ng kampanyahan na magsisimula sa Pebrero 8, 2022 para sa national elections at Marso 25,2022 para sa local elections.
Sinabi din ni Campo na hindi pahihintulutan ang pagdadala ng baril sa panahon ng kampanyahan sapagkat lahat ng gun permit ay pansamantalang sinuspinde ng Comelec hanggang Hunyo 30, 2022.
Batangas City. Na highjack ang isang fuel truck na naglalaman ng 20,000 litro ng gasolina habang nakaparada sa isang gas station sa Brgy. Bolbok, lungsod na ito.
Ayon sa paunang pagsisiyasat ng Batangas PNP, bandang 11:00 ng gabi ay ipinarada ng driver na kinilalang si Francis Duarte ang tanker truck sa MaxinFuel Gas station ipang idiskarga ang laman nito kinabukasan. Ayon sa kanya ay iniwan nya ang tanker upang kumain ngunit pagbalik niya ay wala na ang trak.
Sa tulong ng mga tauhan ng PNP, gamit ang GPS tracking device, natuton ang fuel truck kahapon sa Brgy. Mahabang Parang sa Batangas na wala ng laman.
Samantala, ipinag utos ni PCol. Glicerio Cansilao, hepe ng Batangas PNP ang pag tugis sa mga hindi pa nakikilalang mga hijacker.
Nag ulat ng 29 na bagong kaso ng Omicron ang Department of Health na nakita sa 48 samples na na-sequence noong Enero 2.
Sa joint statement ng University of the Philippines-Philippine Genome Center (UP-PGC) at University of the Philippines-National Institutes of Health (UP-NIH) ay nag-ulat ang DOH ng 29 na kaso ng Omicron, 18 kaso ng Delta at isang kasong walang lineage assigned.
Nabanggit ng mga ahensya na ang pinakahuling sequencing run ay binubuo ng mga sample mula sa 19 returning overseas Filipinos (ROFs) at 29 local cases mula sa mga lugar na may case clusters.
“The 29 Omicron variant cases are composed of 10 ROFs and 19 local cases with indicated addresses in the National Capital Region (NCR), bringing the total number of confirmed Omicron variant cases to 43,” ayon sa DOH.
Sa 19 na lokal na kaso, 14 ang aktibo pa rin habang tatlo ang naitalang naka-recoverat may dalawang kaso na ang mga resulta ay tinitiyak pa.
Sinabi ng DOH na biniberipika nito ang mga resulta ng pagsusuri at health status ng lahat ng mga pasahero ng eroplano sinakyan ng ng positibong ROF upang matukoy kung may iba pang nahawa sa mga pasahero at naging symptomatic pagkarating.
We use cookies on our website to give you the most relevant experience by remembering your preferences and repeat visits. By clicking “Accept All”, you consent to the use of ALL the cookies. However, you may visit "Cookie Settings" to provide a controlled consent.
This website uses cookies to improve your experience while you navigate through the website. Out of these, the cookies that are categorized as necessary are stored on your browser as they are essential for the working of basic functionalities of the website. We also use third-party cookies that help us analyze and understand how you use this website. These cookies will be stored in your browser only with your consent. You also have the option to opt-out of these cookies. But opting out of some of these cookies may affect your browsing experience.
Necessary cookies are absolutely essential for the website to function properly. These cookies ensure basic functionalities and security features of the website, anonymously.
Cookie
Duration
Description
cookielawinfo-checkbox-analytics
11 months
This cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookie is used to store the user consent for the cookies in the category "Analytics".
cookielawinfo-checkbox-functional
11 months
The cookie is set by GDPR cookie consent to record the user consent for the cookies in the category "Functional".
cookielawinfo-checkbox-necessary
11 months
This cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookies is used to store the user consent for the cookies in the category "Necessary".
cookielawinfo-checkbox-others
11 months
This cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookie is used to store the user consent for the cookies in the category "Other.
cookielawinfo-checkbox-performance
11 months
This cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookie is used to store the user consent for the cookies in the category "Performance".
viewed_cookie_policy
11 months
The cookie is set by the GDPR Cookie Consent plugin and is used to store whether or not user has consented to the use of cookies. It does not store any personal data.
Functional cookies help to perform certain functionalities like sharing the content of the website on social media platforms, collect feedbacks, and other third-party features.
Performance cookies are used to understand and analyze the key performance indexes of the website which helps in delivering a better user experience for the visitors.
Analytical cookies are used to understand how visitors interact with the website. These cookies help provide information on metrics the number of visitors, bounce rate, traffic source, etc.
Advertisement cookies are used to provide visitors with relevant ads and marketing campaigns. These cookies track visitors across websites and collect information to provide customized ads.