Itinaas sa Alert Level 3 mula kahapon hanggang Enero 15, 2021 ang status ng Metro Manila, ayon sa Malacañang noong Biyernes ng gabi.
Sa isang pampublikong anunsyo, sinabi ni acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na nagpasya ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na ilipat sa isang mas mahigpit na alert level status ang Maynila dahil sa nakikitang malubhang pagtaas ng coronavirus infection.
Kaugnay nito, ipinagbabawal na ng lahat ng lokal na pamahalaan sa Metro Manila ang pagpasok ng mga hindi pa nabakunahan sa mga mall, restaurant, at pampublikong sasakyan hangga’t nananatiling nasa ilalim ng Alert Level 3 National Capital Region, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kahapon.
Sinabi ni MMDA Chairman Benhur Abalos na ang lahat ng mga mayor ng Metro Manila ay “nagkasundo sa prinsipyo” na ang mga hindi nabakunahan at bahagyang nabakunahan ay dapat manatili sa kanilang mga tahanan maliban sa mga mahahalagang biyahe sa ilalim ng Alert Level 3. Ipagbabawal din sila sa indoor at al fresco dining, hotel, at country club.
Dapat ipakita ng mga indibidwal ang kanilang vaccination card at identification card sa pagpasok sa mga establisyimento, ayon kay Abalos.
Ayon naman kay MMDA General Manager Don Artes, ang MMDA ay bumubuo ng isang sistema para sa random checking ng mga vaccination card, matapos silang makatanggap ng mga ulat ng mga pekeng card na ipinakita sa mga establisyimento.
“Nakikipag-ayos kami sa DICT (Department of Information and Communications Technology) at sa bawat local government unit sa National Capital Region para magkaroon kami ng cross-referencing sa pag-check kung hindi pekeng vaccination card na ipinapakita,” ayon Artes.
Binuksan na ng lokal na pamahalaan ng San Pablo City ang pre-registration para sa pagbabakuna sa COVID-19 sa mga batang may edad 5 hanggang 11.
Sa Facebook post ng San Pablo City Information Office kagabi, ibinalita na bukas na ang listahan para sa pediatric vaccination.
“Para sa edad na 5 hanggang 11 taong gulang, sisimulan ng San Pablo City ang pagbabakuna sa COVID-19 para sa age group na ito sa sandaling maglabas ang Department of Health (DOH) ng mga alituntunin,” ayon kay San Pablo City Mayor Amante.
Samantala, hinimok ni San Pablo City Health Officer Dr. James Lee Ho ang mga magulang at guardian ng mga bata na may edad 5 hanggang 11 na magparehistro na ng maaga para sa anti-COVID shot.
PA3 – Pediatric group with comorbidity (5 hanggang 11 taon
The pediatric population without comorbidity (5 hanggang 11 taon)
I-upload ang 2×2 picture at ID o Birth Certificate ng batang babakunahan.
I-print o i-save sa cellphone ang Google Form Receipt email.
Hintayin ang mga anunsyo ng simula ng pagbabakuna.
Nauna dito, inaprubahan ng Food and Drug Administration ang paggamit ng Pfizer’s COVID-19 vaccine para sa mga bata sa loob ng nasabing age group.
Ang National Vaccination Operations Center ay mag-aanunsyo ng eksaktong iskedyul ng pagbabakuna “sa sandaling available na ang mga bakunang Covid-19 na angkop para sa edad 5 hanggang 11 at ang mga angkop na syringe nito,” ayon sa Department of Health.
CAMP VICENTE LIM, Laguna. Nagpadala ng mga imbestigador ang National Bureau of Investigation (NBI) upang magsagawa ng parallel probe sa pagpatay kay deputy prosecutor Edilbert Mendoza sa Cavite noong Biyernes ng umaga.
Ang mga imbestigador ay dumating isang araw matapos ang insidente ng pagkakabaril sa piskal sa Barangay Cabuco, Trece Martires, ayon kay NBI-Cavite chief Arnie Lazaro.
Makikipagtulungan ang mga tauhan ng NBI sa binuong Task Force ng PNP sa pamumuno ni Cavite provincial director Col. Arnold Abad.
Sinabi naman ni PNP Chief Dionardo Carlos, may persons of interest na silang pinanghahawakan subalit may mga pinag aaralan pang mga anggulo kagaya ng isyu ng land dispute at mga sensitibong kaso na hawak ng tanggapan ng biktima.
Nagpahatid naman ng pakikiramay sa pamilya ang Integrated Bar of the Philippines at sinabing handa silang magbigay ng legal assistance na kakailanganin para sa madaling paglutas sa kaso.
Makatuwiran at nararapat lamang ang patakaran ng Metro Manila Council (MMC) na napagkasunduan ng mga local government units (LGUs) sa National Capital Region na magpatupad ng mga ordinansa para sa mas mahigpit na restrictions sa mga indibidwal na walang bakuna, ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG) noong Lunes.
Ang nabanggit na tindig ay ipinalabas ng DILG matapos magkasundo ang mga mayor sa Metro Manila na magpataw ng mas mahigpit na hakbang sa mga indibidwal na hindi pa nababakunahan laban sa COVID-19 sa gitna ng dumaraming kaso ng coronavirus, ayon kay Metropolitan Manila Development Authority chairman Benhur Abalos.
Sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año na buo ang suporta ng DILG sa resolusyon ng MMC na ang mga hindi nabakunahan ay dapat manatili sa bahay at hindi dapat makapasok sa mga restawran at iba pa.
“Eighty percent of those in the Intensive Care Unit are unvaccinated. It’s only proper and reasonable for the MMC to implement such a policy,” ayon sa salaysay ni Año.
Sinabi niya na ang pagbabakuna, kasama ang mahigpit na pagsunod sa minimum public health standards(MPHS), ay magbibigay-daan sa mga awtoridad na kontrolin ang pag-akyat ng Delta at marahil ay maging ang Omicron variant.
“We fully support the decision of the Metro Manila Council na ipagbawal ang mga unvaccinated individuals in public places, alam naman natin na yung mga unvaccinated individuals pose threat to the community, therefore maganda yung naging desisyon nila na dapat ay nasa mga kabahayan lamang sila and they should not be allowed in restaurants, leisure establishments, to go on social trips, malls, public transportation,” ayon kay DILG spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya.
Sinabi ni Malaya na susuportahan ng DILG ang anunsyo ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos Ang mga hindi nabakunahang manggagawa sa NCR ay kailangang kumuha ng reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) test kada ikalawang linggo sa kanilang sariling gastos.
Sa nabanggit ding public briefing, pinuri ni Trade Secretary Ramon Lopez at Presidential Adviser for Covid-19 Response Vivencio Dizon ang desisyon ng mga mayor sa Metro Manila na higpitan ang mobility ng mga hindi nabakunahang indibidwal sa gitna ng pagtaas ng araw-araw na kaso ng Covid-19.
“We’d like to thank MMDA Chairman Abalos and the mayors, (because) they limit the movement of the unvaccinated to essential activities and they have given the privilege to those vaccinated,” ayon kay Lopez.
Idinagdag pa niya na ang hakbang na ito ay maaaring hikayatin ang mga tao na makakuha ng kanilang mga Covid-19 jabs dahil ang Metro Manila ay may sapat na supply ng mga bakuna.
“This is very important because we know that Omicron and (other strains of) Covid-19 will really target those who are not vaccinated,” dagdag pa ni Lopez.
Samantala, inatasan ni Año ang Philippine National Police (PNP) na tulungan ang mga LGU sa NCR sa pagpapatupad ng 30 percent indoor capacity at 50 percent outdoor capacity sa ilalim ng Alert Level 3.
“I have also directed the NCRPO (National Capital Region Police Office) to do random inspections of all business establishments to make sure that the operational limitations are followed, and only the vaccinated can access restaurants, leisure establishments, malls, public transportation, and similar establishments,” ayon kay Año.
Samantala, sinabi naman ni PNP chief Gen. Dionardo Carlos na handa ang PNP na tumulong sa mga LGU sa pagpapatupad ng mga lokal na mandato.
Nanawagan siya sa bawat yunit ng pulisya na maging oriented sa mga local executive order.
“Notwithstanding the authority of LGUs to enforce their own ordinances and executive orders, the PNP will remain vigilant in upholding human rights and civil liberties that may be violated in the course of wrong interpretation of these local statutes. The PNP will exercise flexibility to ensure that human rights are protected and the law is applied equally to all,” ayon kay Carlos.
San Pablo City, Laguna. Inaresto ang isang senior citizen sa Brgy. San Vicente,lungsod na ito sa kasong paglabag sa R.A. 10591 o anti-illegal firearms law sa isang buy-bust operations, ayon sa report ni Laguna Police Acting Provincial Director PCOL Rogarth B. Campo kay CALABARZON Regional Director PBGEN Eliseo DC Cruz kamakailan.
Kinilala ni Campo ang suspek na Rolando Robles, 68 anyos, walang trabaho at residente ng Brgy. Pury, San Antonio, Quezon.
Ang buy-bust operations laban illegal firearms and ammunition ay isinagawa ng Intelligence Operatives ng Provincial Intelligence Unit sa ilalim ng pamamahala ni PLTCOL Arnold O. Moleta noong Disyembre 30,2021.
Nakuha sa suspek ang isang Smith and Wesson caliber 9mm na may serial number na JRI2010 MOO908, dalawang 9mm caliber 9mm magazine assembly, 13 piraso ng kalibre 9mm na mga bala, isang isang libong pisong papel at 24 na piraso ng tig-iisang libong pisong boodle money.
Ang akusado ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng San Pablo City Police Station.
Ayon kay PCOL Campo, “ang suspek na si Rolando Robles isang kilalang nagbebenta ng illegal firearms sa Brgy. San Vicente, San Pablo City, Laguna.” Kasalukuyang isinasagawa ang mga kaukulang pagsisiyasat upang alamin kung sino ang supplier at mga naging kliyente nito.
“Noong inirerekomenda ng mga eksperto ang pagsusuot ng face mask, ang social distancing, ang laging maghugas ng kamay at pag iwas sa mga mataong lugar, ang gusto nilang iparating sa atin ay bawasan natin ang exposure sa virus na pwede nating makuha,” ayon kay San Pablo City Health Officer Dr. James Lee Ho.
“Ang facemask ay bahagi ng comprehensive strategy of measures upang sugpuin ang hawahan at magligtas ng mga buhay laban sa Covid-19. Upang makaiwas sa impeksyon ng Omicron variant na inaasahan ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) na mas mabilis kumalat, tamang uri ng facemask ang isa sa mga solusyon,” ayon kay Dr. Lee Ho.
Tinuran ng city health officer ang abiso ng CDC na ang exposure sa virus ay depende sa facemask na ating gagamitin.
Ayon sa CDC, aabutin ng 25 oras para mailipat ang isang nakakahawang dami ng Covid-19 sa pagitan ng mga taong nakasuot ng non-fit tested N95 respirator. Kung gumagamit naman ng mahigpit at selyadong mga N95 kung saan ay 1% lamang ng mga particle ang pumapasok sa facepiece, meron silang ng 250,000 oras na proteksyon.
Basahin ang resulta ng pag aaral ng CDC tungkol sa bilis ng hawahan kung walang facemask, gumagamit ng cloth mask, surgical mask at N95 respirator:
Kaugnay nito, patuloy na ipinaaalala ni Dr. Lee Ho ang limang mahahalagang hakbang kung paano umiwas sa Covid-19 partikular sa Omicron Variant.
Magpabakuna at magpa booster dose.
Magsuot ng tamang face mask.
Manatiling sumusunod sa social distancing.
Laging maghugas ng kamay.
Pagbutihin ang bentilasyon at air filtration ng hangin saan ka man pumunta.
Sta Cruz, Laguna. Inireport ni Laguna Provincial Director PCOL Rogarth Campo ang mga nakumpiskang illegal firecracker sa isinagawang simultaneous disposal ng confiscated firecrackers kahapon.
Kumpiskado ang mga uri ng paputok na ipinagbabawal ng Department of Interior and Local Government (DILG) mula sa iba’t ibang lungsod at bayan sa lalawigan ng Laguna. Kinumiska rin ang mga panindang firecrackers ng mga vendor na walang kaukulang permit na magtinda ng mga ito.
Ang mga illegal firecrackers ay dinala sa Kampo Heneral Paciano Rizal sa Brgy. Bagumbayan, Sta Cruz, Laguna ng mga hepe ng mga police stations na nagsagawa ng illegal firecrackers crackdown sa mga nasasakupang lugar upang sabay sabay na itapon.
Bauan, Batangas. Agad na namatay ang dalawang senior high school students matapos banggain ng isang owner type jeep ang traysikel na kanilang sinasakyan, kamakalawa sa Brgy. Manghinao, Bauan, Batangas.
Ayon sa paunang imbestigasyon na isinagawa ni PCpl Raymond Matibag ng Bauan police station, bumabagtas sa kahabaan ng national highway ang traysikel na minamaneho ng isang nagngangalang Cenon Capiling sakay ang dalawang menor de edad ng bigla itong banggain ng jeep na minamaneho naman ng driver na kinilalang si Arlo Mendoza, 65, residente ng Barangay Balo ng nabanggit na bayan.
Ayon sa mga nakasaksi na naganap na aksidente, tumilapon ang dalawang estudyante dahil sa lakas ng pagkakabangga sa traysikel.
Ang dalawang biktima na pawang mga residente ng Brgy. Latag, Lipa CIty ay isinugod sa ospital ngunit hindi na sila umabot ng buhay.
Sta Cruz, Laguna. Inaresto ang 23 suspek na sangkot sa illegal gambling operation kamakalawa sa apat na magkakabukod na anti-illegal gambling operations sa lalawigan ng Laguna, ayon sa report ni Laguna Police Provincial Director PCOL Rogarth Bulalacao Campo kay CALABARZON Regional Director PBGEN Eliseo Cruz.
Nadakip sa aktong nagsasagawa ng tupada sa ilalim ng pangangasiwa si San Pablo City Police Chief PLTCOL Garry Alegre ang mga suspek na kinilalang sila Jayvee De Villa, 25 anyos na construction worker; Bonifacio Panginahug, 39 anyos at residente ng Brgy. San Bartolome, San Pablo City; Leo Manalo, 52 anyos, driver; Gilbert Iranso, 40 anyos; Kevin Opia, 29 anyos, driver at residente ng Brgy. San Gregorio, Alaminos, Laguna; Alvin Obay, 46 anyos; Kim Bryan Narciso, 22 anyos at residente ng Brgy. Santiago 2, San Pablo City, Laguna; Ronnie Pasahol, 38 anyos at residente ng Brgy. Santiago 2, San Pablo City, Laguna at Joel Herrira, 42 anyos at residente ng Brgy. Bautista, San Pablo City, Laguna. Nakumpiska sa mga nadakip ang dalawang manok na pansabong, 2 tari at Php 2,500.
Samantala, sa ilalim ng pangangasiwa ng Calauan Municipal Police Station Chief PMAJ Jollymar R. Seloterio, inaresto ang mga suspek na kinilalang sina Junrey Barrameda, 42 anyos, binatang hardinero; Joseph Estrada, 42 anyos na tricycle driver; Abel Garinga, 39 anyos na construction worker na pawang mga residente ng Brgy Dayap, Calauan, Laguna. Ang mga nabanggit na suspek ay inaresto kahapon matapos makatanggap ng impormasyon ang Caluan Police Station hinggil sa isinagawa nilang iligal na tupada.Nakuha sa kanila ang isang manok na pansabong, isang tari at betting money na Php 350.00.
Sa Pila, Laguna, inaresto naman kahapon sa pangangasiwa ni chief od police PMAJ May Katheryn S. Ramos ng Pila Municipal Police Station ang mga suspek na sina Emil Perol, 63 anyos na construction worker, Luisito Valentin, 47 anyos na construction worker, Jeron Pura, 23 anyos na karpintero at Jericho Valentin, 20 anyos na construction worker na mga residente ng Brgy. San Miguel, Pila, Laguna on January 01, 2022, PM at Brgy San Miguel, Pila, Laguna. Nakumpiska sa kanila ang Php 347.00 na betting money.
Nasakote naman ng Mabitac Municipal Police Station na nasa pangangasiwa ni chief of police PLT JESSICA MAGALLANES ang mga illegal gamblers na kinilalang sina Wilfredo De Luna, 39 anyos, may asawa at isang tindero; Wally Macatangay, 48 anyos; Michael Antecristo, 48 anyos na construction worker;. Wilmer Ambrosio, 53 anyos na magsasaka; Rolando Rosana, 60 anyos; Mark Christian Sollorano, 28 anyos na mekaniko at Jonathan Ripia, 31 anyos na magsasaka at pawang naninirahan sa Brgy. Cambuja, bayang ito. SIla ay nahuli sa aktong nagtutupada noong Enero 1, 2022 sa Brgy. San Antonio, ng nabanggit na bayan. Nakumpiska sa mga suspek ang 3 manok na pansabong, 3 tari at betting money na Php 1,100.
Ang mga inaresto ay kasalukuyang nasa kani kanilang police station habang naghihintay ng tamang disposisyon.
Kaugnay nito, pinuri ng PCOL Campo ang mga tauhan ng LAguna PNP sa kanilang walang pagod na pagkilos upang sugpuin ang illegal gambling sa lalawigan ng Laguna.
Iniulat ng Department of Health (DOH) ang isang mas ligtas na pagdiriwang ng Bagong Taon para sa mga Pilipino matapos makatanggap ng 85 fireworks-related injuries (FWRIs) lamang hanggang 6:00 ng umaga noong Sabado. Ito ay mas mababa ng 11 porsiyento kaysa sa 2021 tally na 96.
Ang nabanggit na tally ay 75 porsiyentong mas mababa kaysa sa average na 336 FWRI sa nakalipas na limang taon.
“Ngunit ang mga bilang ng kaso ay maaaring tumaas sa mga susunod na araw dahil sa mga huling reports at consultations,” ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III sa isang press briefing kahapon.
Ayon sa report ng DOH, 36 porsiyento ng mga nasugatan ay nasa National Capital Region (NCR), sinundan ng Region 6 (Western Visayas) sa 15 porsiyento, at Region 1 (Ilocos Region) sa 13 porsiyento.
Animnapu’t apat na kaso o 75 porsiyento ng 85 ng kabuuang bilang ay mga lalaki na may edad 2 hanggang 56 na taon.
Sampung kaso o 12 porsyento ang dumanas ng mga pinsala sa pagsabog o paso na nangangailangan ng pagputol, 52 o 61 porsyento ay nagkaroon ng mga pinsala sa pagsabog o paso na hindi nangangailangan ng amputation, 25 o 29 porsyento ay nagkaroon ng mga pinsala sa mata, at iba pang mga kaso ay nagtamo ng maraming uri ng pinsala.
Wala naiulat na nakalunok ng paputok o tinamaan o namatay dahil sa ligaw na bala.
“Karamihan ng mga nasugatan ay mga passing or bystanders lamang sa 58 percent. Nasa 38 percent ng mga kaso ay mula sa mga ipinagbabawal na paputok at nangunguna dito ang boga (bamboo cannon), kasunod ang Five Star at Piccolo,” ayon kay Duque.
We use cookies on our website to give you the most relevant experience by remembering your preferences and repeat visits. By clicking “Accept All”, you consent to the use of ALL the cookies. However, you may visit "Cookie Settings" to provide a controlled consent.
This website uses cookies to improve your experience while you navigate through the website. Out of these, the cookies that are categorized as necessary are stored on your browser as they are essential for the working of basic functionalities of the website. We also use third-party cookies that help us analyze and understand how you use this website. These cookies will be stored in your browser only with your consent. You also have the option to opt-out of these cookies. But opting out of some of these cookies may affect your browsing experience.
Necessary cookies are absolutely essential for the website to function properly. These cookies ensure basic functionalities and security features of the website, anonymously.
Cookie
Duration
Description
cookielawinfo-checkbox-analytics
11 months
This cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookie is used to store the user consent for the cookies in the category "Analytics".
cookielawinfo-checkbox-functional
11 months
The cookie is set by GDPR cookie consent to record the user consent for the cookies in the category "Functional".
cookielawinfo-checkbox-necessary
11 months
This cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookies is used to store the user consent for the cookies in the category "Necessary".
cookielawinfo-checkbox-others
11 months
This cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookie is used to store the user consent for the cookies in the category "Other.
cookielawinfo-checkbox-performance
11 months
This cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookie is used to store the user consent for the cookies in the category "Performance".
viewed_cookie_policy
11 months
The cookie is set by the GDPR Cookie Consent plugin and is used to store whether or not user has consented to the use of cookies. It does not store any personal data.
Functional cookies help to perform certain functionalities like sharing the content of the website on social media platforms, collect feedbacks, and other third-party features.
Performance cookies are used to understand and analyze the key performance indexes of the website which helps in delivering a better user experience for the visitors.
Analytical cookies are used to understand how visitors interact with the website. These cookies help provide information on metrics the number of visitors, bounce rate, traffic source, etc.
Advertisement cookies are used to provide visitors with relevant ads and marketing campaigns. These cookies track visitors across websites and collect information to provide customized ads.