Nagcarlan, Laguna. Isinugod sa Laguna Medical Center kamakailan ang Barangay Chairman ng Brgy. Banca banca, bayang ito na si Edgardo Q. Bondad, 59, matapos siyang tagain sa kaliwang braso ng isang suspek na nasa mga kamay na ngayon ng Nagcarlan Police Station.
Kinilala ang suspek na si Dominic Cabela, 18 at residente ng nabanggit na barangay.
Ayon sa paunang imbestigasyon ni PMaj Joemar Pomajeros, hepe ng Nagcarlan Police Station, pumunta ang suspek sa Barangay Hall at nakipag away sa nabanggit na chairman ngunit inawat ng mga barangay kagawad hanggang sa umuwi na ang suspek. Matapos ang ilang minuto ay bumalik ito na may dalang itak at hinabol ng taga ang kapitan.
Nakapasok ang kapitan sa isang kwarto sa barangay hall ngunit habang isinasara nya ang pinto ay tinamaan sya ng taga sa kaliwang braso.
Si Cabela ay inaresto at nahaharap ngayon sa kasong frustrated homicide at direct assault.
Si Barangay Chairman Edgardo Q. Bondad habang ginagamot sa Laguna Medical Center.
Report ni PMaj Joemar Pomajeros sa kaso ng pananaga kamakailan kay Barangay Chairman Edgardo Q. Bondad ng Brgy. Banca banca, Nagcarlan, Laguna. Video footage: Kevin Pamatmat
Sta. Cruz, Laguna. Umikot sa buong Laguna ang Unity Team Caravan kahapon ni Bongbong Marcos at Sara Duterte, kandidato sa pagka pangulo at bise presidente ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP).
Kasama sa nabanggit na caravan si Jeorge ER Ejercito, ang Calabarzon Chairman ng PFP at kandidatong alkalde ng Calamba City. Kasama rin dito ang kanyang maybahay na si Girlie Maita Ejercito na kandidato ring mayor ng bayan ng Pagsanjan at kanilang anak na si Jerico Ejercito na tumatakbong namang bise gobernador sa Laguna.
Mula sa Sta. Cruz, Laguna ay bumiyahe ang caravan sa mga bayan at lungsod ng Lumban, Nagcarlan, Liliw, Rizal, San Pablo City, Calauan,Bay, Los Banos at nagtapos sa Calamba City. Tinatayang humigit kumulang na 5,000 bikers at private citizens ang nakilahok sa convoy na ito noong Nobyembre 21, 2021, ayon sa report.
Sta. Rosa City. Laguna. Binaril at napatay ng hindi pa nakikilalang suspek ang isang barangay chairman sa bayang ito kahapon ng tanghali.
Si Barangay Chairman Lorena De Jesus, 60, ay nakaupo diumano sa isang lugar na ilang metro lang ang layo sa barangay health center ng Brgy. Kanluran, lungsod na ito ng siya ay lapitan ng hindi nakilalang lalaki at dalawang beses na binaril sa ulo.
Ang suspek ay tumakas angkas ng isang motorsiklo ng kasamang nitong naghihintay.
Hindi na umabot ng buhay si De Jesus sa ospital.
Batay sa paunang imbestigasyon, ang nasawing barangay chairman ay walang kagalit at wala ring napag alaman na banta laban sa kanya. Diumano ay mabait ito at walang kaaway, batay sa mga salaysay ng mga barangay kagawad sa naturang barangay.
Sa kasamaang palad, hindi nakita sa CCTV ang detalye ng krimen sapagkat sira diumano ang camera nito.
Waukesha, Wisconsin. Lima ang inireport na patay at mahigit na 40 ang nasugatan sa insidente ng pananagasa ng isang SUV sa Christmas Parade dito kagabi 4:39 PM (22:39 GMT).
Isang pulang SUV ang umararo sa karamihan ng tao habang nagmamartsa sa parada, ayon sa report.
Kaugnay nito, ang hinihinalang sasakyan na ginamit sa pananagasa at isang suspek ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng tanggapan ng pulisya ng Waukesha, ayon pa rin sa report.
Ang tradisyunal na Christmas Parade ay isinasagawa sa ilang lalawigan sa Estados Unidos bilang selebrasyon ng simula ng Pasko kung saan ay nasa pinakahuling float si Santa Claus.
Calamba, Laguna. Ginawaran ng Medalya ng Kasanayan ni PB Gen Eliseo DC Cruz ang siyam na tauhan ng Police Regional Office CALABARZON (PRO4 CALABARZON) dito kasabay ng flag raising ceremony na pinangunahan ng office of the Regional Operations Division (ROD) na pinamumunuan ni PCol Jacinto R. Malinao, Jr.
Ang mga sumusunod na miyembro ng ROD ay sinabitan ni Cruz ng Medalya ng Kasanayan dahil sa kanilang direktang paglahok sa paghahanda at koordinasyon para sa ligtas na pagbabantay at iba pang may kinalaman sa pampublikong kaligtasan sa panahon ng paghahain ng certificate of candidacy, certificate of nomination at Acceptance of CONA mula noong Oktubre 1-8, 2021.
PLTCOL Willy B. Salazar, PCPT Franco A. Atienza, PEMS Elena R. Genoso, , PCPL Christie Joy B. Ventula at NUP Rosemarie D. Velasco.
Ginawaran naman ng Certificate of Recognition ang mga pagkilala bilang Pulis Magiting: Pilipinong Magiting sina PCPT Rosalino E. Panlaqui, PCPL Wilfredo O. Payla, PCPL Shena Dee S. Escobido at PAT Cresyl S. Gutierez.
“Nais kong pasalamatan ang mga awardees at mga bagong hirang na Pulis Magiting: Pilipinong Magiting sa araw na ito sa patuloy na pagpapamalas ninyo ng kasipagan at determinasyon sa pagtupad sa inyong tungkulin. Nawa marami kayong mainspire sa mga mabubuting gawa ninyo para sa ating bayan”, ayon sa mensahe ni Cruz.
Calamba City, Laguna. Tatlong most wanted person ang nadakip sa magkakahiwalay na operasyon na isinagawa ng mga miyembro ng Police Regional Office CALABARZON sa Batangas at Quezon noong Nobyembre 22, 2021.
Ang suspek na si Reyman Jimenez Valencia, 45 at naninirahan sa Brgy. Veronica Lopez, Quezon ay inaresto sa kanyang bahay kamakalawa ng hapon sa tatlong kaso ng rape. Si Valencia at una sa Regional Level Most Wanted Person.
Isa pang suspek na si Anthony Ariate Martinez na residente ng Brgy Ibabang Lupay, Lucena City ang nadakip noong nakaraang Sabado sa ilalim ng joint operation ng Lucena City Police Station, CIDG Quezon Provincial Field Unit, 1st Quezon Provincial Mobile Force Company (QPMFC), Regional Intelligence Unit (RIU) 4A, QUEZON Provincial Intelligence Team (INTEL PACKET) Quezon Provincial Intelligence Unit and Highway Patrol Team, MARPSTA Quezon, Tactical Operation Group 4 (TOG4) and Tactical Operation Wing Southern Luzon (TOWSOL). Si Martinez ay ikalima sa listahan ng Regional Level Most Wanted Person sa kasong rape.
Nadakip din ang ika walo sa listahan ng most wanted person si Samuel Dela Cruz, Jr. noong Sabado ng umaga sa Brgy. Sibulan, Polilio, Quezon sa joint operation ng personnel ng Polillo MPS, Burdeos MPS, RID-4A RSOU, PIU QUEZON PPO at ng 4th Platoon,1st QPMFC sa kasong rape.
Ayon kay PRO CALABARZON Regional Director, PBGEN Eliseo DC Cruz, ibayong sipag ang ibinigay ng mga miyembro ng nabanggit na police regional office upang madakip ang mga nabanggit na suspek upang sila ay maikulong at mabigyan ng hustisya ang kanilang mga biktima. “Hindi tayo patitinag, magpapatuloy pa din ang paglilinis natin sa ating mga komunidad at isa na dito ang pagtugis sa mga nagtatagi sa batas. Hindi naming kayo titigilan hanggat hindi kayo humihimas ng rehas,” said PBGEN Cruz.
Samantala, pito pang suspek na nakalista sa Top Ten Regional Level Most Wanted Persons ang dinakip mula noong Nobyembre 12 hanggang 19 , 2021 sa magkakaibang lalawigan ng Laguna, Quezon at Batangas.
Hinihikayat ni PNP Chief Dionardo Carlos ang lahat ng kandidato sa pagka pangulo na sumailalim sa drug test upang maging huwarang halimbawa sa kanilang mga kababayan sa pagpapatunay na hindi sila mga drug users.
Ang drug test ay hindi requirement ng Comelec, ayon sa PNP chief kahapon, Nobyembre 20, 2021. “The PNP acknowledges that no law mandates the candidate to undergo a drug test but doing so will set an example to their countrymen by proving that they aren’t users of illegal drugs,” ayon kay Carlos.
Isa sa mga kandidato sa pagka pangulo ay cocaine user, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte noong Nobyembre 18, 2021 ngunit wala siyang binanggit na pangalan.
“Kapag may mga pumapasok na mga relevant information sa amin, definitely we will conduct an investigation. As of this time, we are trying to get additional information on that matter,” dagdag pa ni Carlos.
Ang nabanggit na pahayag ni Duterte ay nagbunsod upang bumuo ang PNP ng initial fact-finding committee upang mangalap ng sapat na ebidensya laban sa binanggit na diumano ay cocaine user. Nauna dito, sinabi ni Presidential Spokesperson Karlo Nograles na bahala na ang PNP sa magiging kapalaran ng mapapatunayang cocaine user sa mga presidential candidate batay sa pahayag ni Duterte, ayon pa rin sa report.
Simula bukas, Nobyembre 22 ay nasa Alert Level 2 na ang Occidental Mindoro, Puerto Princesa, Marinduque, Romblon, Palawan at Oriental Mindoro sa Region IV-B, ayon sa pinakahuling report mula sa Inter-Agency Task Force (IATF) matapos aprubahan nito ang Phase 4 ng Alert Level System.
Kabilang sa inilagay sa Alert Level 2 ang Abra at Kalinga sa Cordillera Administrative Region; Butuan City, Surigao del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Sur and Agusan del Norte sa Region XIII (CARAGA) at Basilan, Cotabato City, Tawi-Tawi, Lanao del Sur at Maguindanao sa Bangsamoro Autonomous Region sa Muslim Mindanao (BARMM).
Samantala, inilagay naman sa Alert Level 3 ang Apayao, Mountain Province at Ifugao sa Cordillera Administrative Region; Dinagat Islands sa CARAGA; at Sulu sa BARMM.
Tatlong araw na lang ang hotel quarantine ng mga bakunadong OFW at balikbayan na manggagaling sa yellow countries mula bukas, Nobyembre 22, 2021, ayon sa Department of Tourism (DOT) sang ayon sa desisyon ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) .
Ayon kay DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat, ang mga fully vaccinated balikbayan na galing sa yellow countries na may pre-departure testing sa loob ng 72 oras ay sasailalim sa tatlong araw na facility-based quarantine ngunit uutusang mag self quarantine sa loob ng 14 araw.
Ang mga walang pre-departure testing ay sasailalim muna sa quarantine hanggang lumabas ang resulta ng RT-PCR test pagkatapos ng limang araw. Kapag negative ang resulta, ang indibidwal ay makakauwi pagkatapos ng sampung araw upang mag home quarantine.
Ang mga bisitang walang bakuna ay sasailalim sa facility-based quarantine na may testing sa ika pitong araw na susundan ng 14 araw na home quarantine kung negatibo ang resulta ng test.
“This latest development will greatly contribute to the on-going recovery of the tourism sector this holiday season while also providing more time to those who want to return home to be with their loved ones in the Philippines,” ayon kay Puyat.
Lulubha ang kahirapan sa bansa sanhi ng epidemyang Covid-19 at ito ay mabibigyan ng solusyon sa pamamagitan ng financial inclusion, ayon kay Margarita Debuque-Gonzales, senior research fellow sa Philippine Institute for Development Studies (PIDS), na nagharap ng PIDS study na may pamagat na “Understanding and measuring financial inclusion in the Philippines” sa isang research forum na binuo ng PIDS at ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Coauthor nito si PIDS Supervising Research Specialist John Paul Corpus.
Ang financial inclusion ay isang paraan ng pagbibigay ng basic financial services sa lahat ng miyembro ng lipunan ng hindi titingnan ang kita at ipon. Nakapokus ito sa pagbibigay ng solusyon sa pananalapi sa mga bansa na may mahinang ekonomiya.
“Financial inclusion helps individuals and small businesses invest for the future. It helps smooth consumption. It helps households and small businesses manage their finances. Therefore, it can help enhance productivity and long-term grow Tth, and potentially help reduce poverty and inequality,” ayon kay Debuque-Gonzales.
Ganun pa man, ang financial inclusion sa Pilipinas ay kailangan pang pagbutihin sa ilang aspeto. Tinuran Debuque-Gonzales ang datos mula sa Global Microscope Economist Intelligence Unit na nagsabi na ang Pilipinas ay nangunguna sa mga bansa na may potensyal para sa financial inclusion sa Asya kabilang ang China, India, Malaysia, Thailand, Indonesia, Viet Nam, Cambodia at Myanmar. Ngunit ayon sa kanya, ang Pilipinas ay may kasalukuyang pang problema sa payment infrastructure, internet connectivity, digital identification at credit information.
Ayon sa World Bank Global FIndex 2017, ang Pilipinas ay naiiwan sa bilang ng Pilipino na nagmamay ari ng financial account. Sa report ding ito ay nakasulat na ang mga dahilan kung bakit ang bansa ay financial excluded ay ang malaking gastos sa dokumentasyon at layo sa mga kaukulang tanggapan.
Kasama din sa natuklasan sa pag aaral na ang mga financial inclusion particular ang account ownership at paggamit ng credit ay para sa mayayaman lamang, mga nakapag aral at may trabaho.
Nagrekomenda si Debuque-Gonzales ng mga rekomendasyon partikular sa account ownership, isa dito ang pagbibigay ng financial education. Ayon sa kanya ay kailangang lumikha ng mga programa na maka pagpapabuti sa Math at financial literacy.
We use cookies on our website to give you the most relevant experience by remembering your preferences and repeat visits. By clicking “Accept All”, you consent to the use of ALL the cookies. However, you may visit "Cookie Settings" to provide a controlled consent.
This website uses cookies to improve your experience while you navigate through the website. Out of these, the cookies that are categorized as necessary are stored on your browser as they are essential for the working of basic functionalities of the website. We also use third-party cookies that help us analyze and understand how you use this website. These cookies will be stored in your browser only with your consent. You also have the option to opt-out of these cookies. But opting out of some of these cookies may affect your browsing experience.
Necessary cookies are absolutely essential for the website to function properly. These cookies ensure basic functionalities and security features of the website, anonymously.
Cookie
Duration
Description
cookielawinfo-checkbox-analytics
11 months
This cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookie is used to store the user consent for the cookies in the category "Analytics".
cookielawinfo-checkbox-functional
11 months
The cookie is set by GDPR cookie consent to record the user consent for the cookies in the category "Functional".
cookielawinfo-checkbox-necessary
11 months
This cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookies is used to store the user consent for the cookies in the category "Necessary".
cookielawinfo-checkbox-others
11 months
This cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookie is used to store the user consent for the cookies in the category "Other.
cookielawinfo-checkbox-performance
11 months
This cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookie is used to store the user consent for the cookies in the category "Performance".
viewed_cookie_policy
11 months
The cookie is set by the GDPR Cookie Consent plugin and is used to store whether or not user has consented to the use of cookies. It does not store any personal data.
Functional cookies help to perform certain functionalities like sharing the content of the website on social media platforms, collect feedbacks, and other third-party features.
Performance cookies are used to understand and analyze the key performance indexes of the website which helps in delivering a better user experience for the visitors.
Analytical cookies are used to understand how visitors interact with the website. These cookies help provide information on metrics the number of visitors, bounce rate, traffic source, etc.
Advertisement cookies are used to provide visitors with relevant ads and marketing campaigns. These cookies track visitors across websites and collect information to provide customized ads.