Kumpanya sa Batangas, binulabog ng bomb threat

0
589

TANAUAN CITY, Batangas. Nabulabog ang Brother International Philippines Corporation sa Barangay Ulanggo, Tanauan City, Batangas matapos makatanggap ng bomb threat nitong Huwebes.

Nadiskubre ang sulat ng pagbabanta sa ika-apat na palapag ng Factory 3, partikular sa women’s restroom, bandang alas-6 ng umaga.

Bilang tugon, agad na pinalikas ang mga empleyado, kabilang ang mga manggagawa at kawani, bilang bahagi ng precautionary measures ng kumpanya.

Mabilis ding nagsagawa ng inspeksyon ang mga awtoridad, kabilang ang K9 paneling at clearing operations. Pansamantalang itinigil ang operasyon ng kumpanya at idineklarang ligtas lamang ang lugar bandang alas-7:50 ng umaga.

Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang pinagmulan ng banta, ang posibleng motibo, at ang pagkakakilanlan ng nasa likod nito.

Kasabay nito, nagpatupad ng mas mahigpit na police visibility at ocular inspection sa tatlong pabrika ng kumpanya.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.