Laguna, 52 iba pang lugar, nasa ‘danger’ heat index level ayon sa PAGASA

0
48

Batay sa five-day heat index forecast ng PAGASA, maaaring umabot sa 42°C hanggang 51°C ang nararamdamang init sa mga apektadong lugar, kung saan pinakamataas ang 47°C sa Sangley Point sa Cavite City, Cavite.

Kabilang sa “danger” level ang Tuguegarao City sa Cagayan at San Ildefonso sa Bulacan na may 46°C; Laoag sa Ilocos Norte, Dagupan City sa Pangasinan, Aparri sa Cagayan, Casiguran sa Aurora, TAU Camiling sa Tarlac, Ambulong sa Tanauan, Batangas, at Borongan sa Eastern Samar na may 45°C.

Nasa 44°C naman ang inaasahan sa NAIA sa Pasay City; Sinait sa Ilocos Sur; DMMMSU Bacnotan sa La Union; Calayan sa Cagayan; ISU Echague sa Isabela; CLSU Muñoz; Hacienda Luisita sa Tarlac; Tayabas at Alabat sa Quezon; Coron at Cuyo sa Palawan; Masbate City; at CBSUA Pili sa Camarines Sur.

Samantala, 43°C ang forecast sa MMSU Batac sa Ilocos Norte; Baler Radar sa Aurora; Iba at Clark Airport sa Zambales; Cubic Point sa Subic Bay, Olongapo City; Mulanay sa Quezon; NAS UPLB sa Los Baños; San Jose sa Occidental Mindoro; Romblon; Daet sa Camarines Norte; Legazpi City at Daraga sa Albay; Virac sa Catanduanes; Roxas City sa Capiz; Dumangas sa Iloilo; Tacloban City at VSU Baybay sa Leyte; Guiuan sa Eastern Samar; Surigao City sa Surigao del Norte; at Hinatuan sa Surigao del Sur.

Nasa 42°C naman ang inaasahan sa Science Garden sa Quezon City; Infanta sa Quezon; Calapan sa Oriental Mindoro; Juban sa Sorsogon; Iloilo City; Mactan International Airport sa Cebu; Catarman sa Northern Samar; Maasin sa Southern Leyte; Dipolog sa Zamboanga del Norte; at Butuan City sa Agusan del Norte.

Sa Laguna, inaasahang aabot sa 43°C hanggang 44°C ang heat index na nasa ilalim ng “danger” level, batay sa malapit na monitoring station sa NAS UPLB sa Los Baños. Kabilang dito ang San Pablo City, Calamba City, Santa Rosa City, Cabuyao, at Biñan na inaasahang makararanas ng matinding init sa buong maghapon.

Ayon pa sa PAGASA, may 25 lugar din ang nasa ilalim ng “extreme caution” na may heat index na 33°C hanggang 41°C.

Kabilang dito ang 41°C sa Basco Radar sa Batanes; NVSU Bayombong sa Nueva Ecija; BU Guinobatan sa Albay; Mambusao sa Capiz; Dumaguete City; Siquijor; Panglao International Airport sa Bohol; at Catbalogan sa Western Samar.

Nasa 40°C ang inaasahan sa CVSU Indang sa Cavite; Puerto Princesa City at Aborlan sa Palawan; Zamboanga City; at Davao City.

Samantala, 39°C ang forecast sa Itbayat sa Batanes; Abucay sa Bataan; La Granja sa La Carlota, Negros Occidental; Laguindingan Airport sa Misamis Oriental; at Cotabato City.

Nasa 38°C ang Tanay, Rizal at CMU Agromet sa Musuan, Bukidnon, habang 36°C sa General Santos City at 34°C sa Malaybalay, Bukidnon.

Ang Baguio City sa Benguet ay kabilang sa tatlong lugar na nasa “not hazardous” level na may 26°C, kasama ang BSU La Trinidad na 25°C at Benguet Radar sa Tuba na 21°C.

Ang heat index ay tumutukoy sa init na nararamdaman ng katawan ng tao kapag pinagsama ang relative humidity at aktwal na temperatura ng hangin. Kapag mataas ang humidity, bumabagal ang pagpapatuyo ng pawis kaya mas nahihirapang lumamig ang katawan.

Nagpaalala ang PAGASA sa publiko na limitahan ang paglabas ng bahay, gumamit ng payong o sumbrero, at uminom ng maraming tubig. Pinayuhan din ang pag-iwas sa tsaa, kape, at softdrinks upang maiwasan ang dehydration at heat-related illnesses.


Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.

We appreciate your thoughts. Please leave a comment.