MAYNILA — Nanawagan noong Martes ang mga minority senator sa pagbibitiw ni Senate President Alan Peter Cayetano, kasunod ng patuloy na hindi pagdalo ng majority bloc sa plenary sessions ng Senado.
Sa isang pinagsamang pahayag na binasa ni Senator Erwin Tulfo sa isang media briefing, sinabi ng minority bloc na dapat bumaba sa puwesto si Cayetano dahil sa umano’y kakulangan sa pamumuno sa Mataas na Kapulungan.
“Senate President Alan Peter Cayetano should resign as he has shown that he cannot function as the leader of the Senate,” ayon sa pahayag.
Inilarawan ng mga senador ang sitwasyon bilang “clear abandonment of responsibility, a dereliction of duty, and a blatant disregard of the rules that govern this institution.”
Giit pa nila, hindi dapat huminto ang operasyon ng Senado dahil lamang sa hindi pagganap ng tungkulin ng presiding officer nito.
“The Senate cannot be made to stop working simply because its presiding officer refuses to lead,” dagdag nila.
Tinukoy rin ng minority bloc ang Rule XIV, Section 41 ng Rules of the Senate, na nagsasaad na maaari lamang ipagpaliban ng Senate President ang sesyon matapos ang konsultasyon sa Majority Leader at Minority Leader.
Ayon sa kanila, hindi nasunod ang naturang proseso.
“That rule was violated. This is not merely a procedural lapse, it is a direct violation of the Rules of the Senate and a serious disrespect for the institution and the Filipino people,” pahayag ng mga senador.
Wala pang agarang tugon ang liderato ng Senado hinggil sa panawagan ng pagbibitiw.
Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.






