MANILA – Inilabas ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) ang paunang listahan ng mga nangungunang kongresista, alkalde at gobernador sa Pilipinas batay sa resulta ng nationwide independent survey nitong “Boses ng Bayan” Index of Governance (IOG). Ang ranggo ay nakabatay sa pinagsamang trust at performance ratings ng mga opisyal ng pamahalaan.
Sa hanay ng mga miyembro ng House of Representatives, nanguna si Rep. Sandro Marcos ng Ilocos Norte na nagtala ng 89.43 porsiyentong IOG score. Sinundan siya nina Rep. Bojie Dy ng Isabela na may 88.99 porsiyento, Rep. Toby Tiangco ng Navotas na may 88.70 porsiyento, Rep. Kristine Singson ng Ilocos Sur na may 88.31 porsiyento, Rep. Midy Cua ng Quirino na may 88.08 porsiyento, Rep. Miro Quimbo ng Marikina na may 87.71 porsiyento, at Rep. Lolypop Ouano-Dizon ng Mandaue na may 87.34 porsiyento.
Kasama rin sa Top 10 sina Rep. Jam-Jam Baronda ng Iloilo na may 86.99 porsiyento, Rep. David Suarez ng Quezon na may 86.75 porsiyento, at Rep. Oca Malapitan ng Caloocan na may 86.47 porsiyento.
Sa kategorya ng mga alkalde, nanguna si Quezon City Mayor Joy Belmonte na nakakuha ng 88.73 porsiyentong IOG score. Sumunod sina Mayor Eric Singson ng Candon na may 88.45 porsiyento, Mayor Leni Robredo ng Naga na may 88.08 porsiyento, Mayor Jeannie Sandoval ng Malabon na may 88.02 porsiyento, at Mayor John Rey Tiangco ng Navotas na may 87.78 porsiyento.
Kabilang din sa mga nangungunang alkalde sina Mayor Wes Gatchalian ng Valenzuela na may 87.15 porsiyento, Mayor Along Malapitan ng Caloocan na may 87.01 porsiyento, Mayor Jonkie Ouano ng Mandaue na may 86.84 porsiyento, Mayor Samsam Gullas ng Talisay na may 86.63 porsiyento, Mayor Vico Sotto ng Pasig na may 86.37 porsiyento, Mayor Emi Calixto-Rubiano ng Pasay na may 86.34 porsiyento, at Mayor Chiquiting Sagarbarria ng Dumaguete na may 86.27 porsiyento.
Sa hanay naman ng mga gobernador, nanguna si Gov. Dax Cua ng Quirino na may 86.51 porsiyentong IOG score. Kasunod sina Gov. LRay Villafuerte ng Camarines Sur na may 86.34 porsiyento, Gov. Toto Defensor ng Iloilo na may 86.20 porsiyento, Gov. Ann Hofer ng Zamboanga Sibugay na may 85.39 porsiyento, Gov. Cecille Marcos ng Ilocos Norte na may 85.23 porsiyento, Gov. Ann Tan ng Samar na may 84.89 porsiyento, at Gov. Lilia Pineda ng Pampanga na may 84.41 porsiyento.
Ayon kay RPMD Executive Director at global affairs analyst Dr. Paul Martinez, paunang listahan pa lamang ang inilabas ng organisasyon at may mga susunod pang pangalan na isasama sa pambansang talaan.
Ipinaliwanag ni Martinez na bago maisama sa national reassessment ang isang opisyal, kinakailangang makapagtala muna ito ng mataas na regional trust at performance ratings sa kanilang lugar.
Isinagawa ng RPMD ang Boses ng Bayan Index of Governance survey mula Abril 1 hanggang 8, 2026, gamit ang 5,000 random respondents sa bawat rehiyon. Ayon sa organisasyon, ang IOG ay isang sukatan na pinagsasama ang antas ng tiwala ng publiko at ang kanilang pagtataya sa pagganap ng mga halal na opisyal upang masukat ang kabuuang pananaw ng mamamayan sa pamamahala.
Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.






