One big fight! But why? 

0
266

Kapag may nababalian sa “laro lang” sa barangay o subdivision, tigil agad ang laro. Wala nang tse-tse bureche pa, kesyo may pusta, kesyo patapos na. Yung iba pa nga, ikakandado na agad ang court. Tapos ang basketbol. Ang punto roon: Mas mahalagang ibaling ang atensyon sa nabalian, dalhin sa ospital at/o ipagbigay-alam sa magulang.

Ibang usapan kapag liga na. Sesenyas lang si ref ng ekis, magkakapalitan na ng manlalaro.

Lalong naging malaki ang usapan nang mabale-wala ang sportsmanship at camaraderie dahil sa commercialization ng mga liga katulad ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP). Katakot-takot na offer mula kotse, agarang trabaho sa kamag-anak,hanggang bahay at lupa na kung tutuusin, sapat na ang libreng matrikula at konting allowance.

Ang tanong ng mga Atenista sa linggong ito ay siya ring tanong ng marami: Bakit?

Namatayan na nga ng hindi lang isa kundi dalawang manlalaro ng perennial powerhouse Ateneo Blue Eagles, may pagtatakip pang nagaganap mula sa pamunuan ng pamantasan. Ang mga kaakibat na tanong: Nasaan ang head coach? Sino o sino-sino ang mananagot sa pagkalunod ng dalawa? Bakit sa maalon ginaganap ang ilang taon ng pagsasanay? Militar ba sila at ang mga tagapagsanay? Naipaabot na ba ang personal na pakikiramay sa mga mahal sa buhay — at napakinggan ba ang kanilang hinaing? Patuloy bang nakikisimpatya sa kanila?

Nag-leave of absence sa UAAP ang isang pamantasan nang matuklasang hindi pa tapos ng high school ang dalawang napaglaro nila sa kolehiyo, ngunit natuloy pa rin ang suspensyon nito ng isang taon noong 2006. Pero dito sa kaso ng pamunuan ng Ateneo, may plano rin ba ng LOA?

Ano ang mas dapat pahalagahan: pagbangon ng mga kaanak ng dalawang namatay o imahe ng Ateneo? Lamang na lamang ang “angry” reactions (paralinguistic digital affordances) sa social media post na “University Statement on Coach Tab Baldwin” na nilagdaan ng pangulong Fr. Roberto C. Yap, S.J. na may petsang Hunyo 11, 2026. Aniya: 

“The University requested that Coach Baldwin refrain from making public statements to allow the official processes to proceed and the facts to be established before any public discussion of the matter… His silence should therefore not be misconstrued as indifference or a lack of concern. Rather, it reflects the University’s decision to place care, healing, and due process ahead of public discussion.”

Maling mali ito, padre. Sa panahong agad nakapagbitaw ang isang sekyon ng pulisya ng pahayag na wala umanong foul play sa trahedya sa dagat ng Aurora, lalo lang aani ito ng puna mula sa mga magulang, fans ng UAAP, netizens, mga guro at mag-aaral mula Ateneo man o hindi.

Winakasan ni Fr. Yap ang pahayag sa ganito: “As the various inquiries proceed, the University remains confident that the truth, established through facts rather than speculation, will in due course provide the clarity and understanding that this tragedy demands.”

Bakit hindi hayaang magsalita? Nasa kultura natin — palibhasa’y hindi Noypi at hindi nagpapaka-Noypi si Baldwin — “Nahuhuli ang isda sa sariling bibig.” Sobrang pananahimik, sobrang pagtatakip. Kahit sabihing pormal na nakapag-leave, malaki ang maitutulong ng kanyang pagharap sa publiko pabor sa agarang ikalilinaw ng tunay na naratibo sa trahedya sa pagsasanay sa labas ng Ateneo.

(Ngayong nagsalita na si Baldwin sa ipinalabas na video ng Ateneo sa social media kagabi, Hunyo 12, at umaming nagkulang siya bilang pinuno, mas mahalagang tanong: Sapat ba ang paliwanag upang mabigyang-linaw ang lahat o marami pang bahagi ng trahedya ang nangangailangan ng masusing pagsisiyasat?)

Naging tagapayo rin ako ng student council kaya alam kong ang off-campus activities gaya niyan ay may mga pahintulot ng magulang at concerned LGU o LGUs. Maaari sigurong marami nang pinagbago sa patakaran ngunit ipinagpapalagay nating pahigpit iyon, sa halip na paluwag. Maririnig ang malinaw na kapabayaan sa pinunong sumasakop sa Lipit Beach, si Dipaculao, Aurora Mayor Danilo Tolentino na nagsabing walang koordinasyon sa kanila ang pamantasan o ang mga coach nito para man lang makatuwang sila sa kaligtasan ng mga manlalaro ng basketball (hindi swimming) sa buong panahon ng kanilang pagsasanay roon.

Noong Hunyo 10, sinabi ni Rovelyn Baterbonia na hindi pa raw siya handang makipag-usap kay Baldwin at nais lang niyang unahing maasikaso ang burol at iba pa para sa kanyang namayapang anak na puno ng pangarap.

Monitored dati ng DSWD Caraga, batang 4P’s ang anak niyang si Rene na lumaki sa Talacogan, Agusan del Sur.

Naisin ng ina ang kalinawan at detalyadong kuwento ng pagkalunod sa kanyang anak at kakamping si Divine Adili.

Ayon sa mga pulis, tuliro si Baldwin.

Iniwasan niya ang pagpunta sa presinto at sa halip ay ipinadala niya ang coaching staff members na sina Reynaldo Jacinto at Dean Castaño para magbigay ng mga pahayag hinggil sa trahedyang sinapit ng dalawang manlalaro, sabi ni Aurora police chief Col. Percival Pineda.

IN THE THICK OF THE FIGHT

Ateneans are known leaders in government, business, generosity, education, and sports. They actively promote godly Ignatian principles, human rights, and lead civil society in fighting for truth, good governance, and accountability.

#OBF or One Big Fight goes beyond cheering for student-athletes to stand their ground, studying by heart and singing “win or lose, it’s the School we choose.”  It needs to be seen that each life is precious, that life after university is worth living for, that it’s better to rectify the wrong than live in it or fight for it.

Author profile
DC Alviar

Professor DC Alviar is a tenured associate professor at National University (NU) Manila and a steering committee member of the Philippine International Studies Organization (PHISO). He has contributed to NU's community extension initiatives that introduced the five disciplines of a learning organization (Senge, 1990) to communities within a local government unit. He writes and edits local reports for Mega Scene. He graduated with Master of Development Communication (MDC) and Doctor of Communication (DComm) degrees from the University of the Philippines (UP) Open University in Los Baños and was awarded with a Commission on Higher Education (CHED) SIKAP grant. He previously served as editor-in-chief of The Adamson News and his high school publication Ang Ugat.

We appreciate your thoughts. Please leave a comment.