PAMPUBLIKONG ANUNSYO: Mass vaccination sa Nagcarlan bukas, Oktubre 13, 2021

0
624

Bukas, Oktubre, 13, 2021, mula 7:00 ng umaga ay may pangalawang iskedyul ng mass vaccination sa Nagcarlan Municipal Evacuation Center.

Pinapayuhan ang lahat ng dudulog na magdala ng valid ID at ballpen. Inaasahang susunod ang lahat sa minimum health protocols. Magsuot ng face mask at face shield.

Mangyaring mag rehistro po lamang sa sumusunod na link:

https://ee.humanitarianresponse.info/x/JFQFJO7l

Ang mass vaccination project na ito ay bahagi ng sisterhood agreement ng San Pablo City at bayan ng Nagcarlan na pinagtibay nina San Pablo City Mayor Amben Amante at Nagcarlan Mayor Ody Arcasetas.

Author profile
sandy-belarmino
Sandy Belarmino

Si Sandy Belarmino ay 17 taon ng naglilingkod sa larangan ng pamamahayag. Naging broadcaster siya sa radyo at local TV.  Media correspondent din sya at columnist sa iba’t ibang dyaryo ng lokal sa San Pablo City. Si Sandy ay kasalukuyang pangulo ng Seven Lakes Press Corps.