Petisyon ni Bato laban sa ICC warrant, ipinabasura sa SolGen

0
41

MAYNILA – Hiniling ng Office of the Solicitor General (OSG) sa Korte Suprema na ibasura ang petisyon ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa kaugnay ng warrant of arrest na inilabas ng International Criminal Court (ICC) laban sa kanya.

Sa 83-pahinang komento na may petsang Mayo 16, sinabi ng OSG na walang sapat na batayan ang Urgent Manifestation with Omnibus Motion at Extremely Urgent Supplemental Manifestation with Motion na inihain ni Dela Rosa, kaya dapat itong ibasura dahil sa umano’y kawalan ng merito.

Ayon sa OSG, hindi karapat-dapat si Dela Rosa na mabigyan ng injunctive writ upang pigilan ang kanyang posibleng pag-aresto at pagsuko sa ICC.

Iginiit din ng tanggapan ng Solicitor General na kinakailangang maging maingat ang Korte Suprema sa paglalabas ng injunctive relief, at hindi maaaring umasa si Dela Rosa sa prinsipyong equity kung wala umano siyang “malinis na mga kamay.”

Tinukoy din ng OSG ang konsepto ng pagiging pugante mula sa hustisya, na ayon dito ay ang kusang paglalagay ng isang indibidwal sa sitwasyong mahirap matunton ng mga awtoridad.

Sa kanilang komento, sinabi ng OSG: “This essence is precisely reflected in Senator dela Rosa’s deliberate evasion of arrest. The fugitive disentitlement should also apply to him.”

Noong Mayo 11, naghain si Dela Rosa ng mga petisyon at mosyon na humihiling ng judicial recourse at temporary restraining order kaugnay ng usapin. Gayunman, hindi ito pinagbigyan ng Korte Suprema.

Sa halip, inatasan ng mataas na hukuman ang executive branch ng pamahalaan na magsumite ng komento sa loob ng tatlong araw, na sasagutin naman ng kampo ni Dela Rosa sa nabanggit na itinakdang panahon.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo

We appreciate your thoughts. Please leave a comment.