Tayo ng magtanim ng high-value crop na ampalaya

0
761

Likas sa mga bata ang hindi mahilig kumain ng gulay. Kaya kalimitan ang mga nanay ay namomoroblema kung paano pakakainin ng gulay ang mga anak lalo na at ito ay Ampalaya na kilalang mapait ang lasa. Marami nga ang umaayaw dahil sa lasa nito. Pero ito ay sagana sa sustansyang kailangan ng ating katawan. 

Maniniwala ba kayo na ang aking apo na si haraya na sa idad ng mahigit na isang taon noon ay napapakain namin ng Ampalaya. Mabuti  kasi na habang bata pa ay natuturuan natin ang ating mga anak o apo ng pagkain ng gulay upang hindi sila maging pihikan. Kailangan ito ng mga bata sapagkat ito ay masustansya at masarap kapag nabihasa na sa lasa. Swak sa lasa ang ginisang ampalaya. Patok din ito sa pinakbet.

Ang Ampalaya o bitter gourd o bitter melon na Momordica Charantia ang scientific name ay itinuturing na gulay na gamot. Iilan lamang matahil ang nakakaalam na ito ay kabilang sa mga tradisyonal na herbal medicine dahil subok ng nakakatulong ito sa napakaraming sakit tulad ng anemia, mga problema sa atay, at maging sa HIV. 

Marami ang benepisyo na tinataglay ng ampalaya at ng dahon nito. Kaya naman kilala bilang laging laman ng kusina ang gulay na ito dahil masustansiya at masarap kahit mapait.

Maraming henerasyon na rin ang gumamit ng ampalaya bilang tradisyonal na herbal medicine dahil subok nang nakakabuti ito sa napakaraming sakit tulad ng anemia, mga problema sa atay, at maski HIV.

Mula sa dahon, bunga at ugat ng Ampalaya ay maaring gamitin bilang gsmot. Kalimitan ay nilalaga at kinakatas ang mga ito. 

Ang dahon at bunga ay nagbibigay ng vitamin C, iron, calcium at iba pang importanteng mineral. Ang katangiang kapaitan ay mababawasan kung ibababad ang bunga sa maalat na tubig bago lutuin. 

Ang ampalaya ay ginagamit na rin na isang inumin para sa likas at kalusugan ng katawan. Maraming naniniwala na ang pait nito ay katumbas sa bisa ng ampalaya. May ilang pag aaral na nagmumungkahi ng iba pang kagalingan ng ampalaya: ang pagtulong sa pag aalis na mga toxin at mga lason sa katawan (gaya ng nicotine), ang pagpapatibay ng katawan (Immune system), at regulasyon ng pagbubuntis

Kaya nakakatuwang maging bahagi ng ating bakuran ang Ampalaya bagamat hindi sya kasama sa kantang bahay kubo.

Tara! Magtanim tayo ng Amplaya.

Author profile
Joel Frago

Si Joel Frago ay isang rehistradong Nurse at Midwife. Siya ay isa ring Pastor.  Naging magsasaka siya mula noong 2004 at nagkamit ng mga pagkilala at prangal sa larangan ng farming.  Pinarangalan siya bilang isa sa Ten Outstanding Pableño noong 2018.  Siya ang nataguriang Kusinero de Bukid ng Forest Wood Garden, isang agritourism destination na dinrayo ng mga turista mula sa loob at labas ng bansa.