Umakyat sa 38 ang nasawi sa magnitude 7.8 lindol sa Mindanao

0
49

MAYNILA — Umabot na sa 38 ang bilang ng mga nasawi sa magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Sarangani noong Lunes, ayon sa Office of Civil Defense (OCD).

Ayon sa OCD, nananatili sa apat ang bilang ng mga nawawala, habang pumalo na sa 478 ang bilang ng mga sugatan.

“Ito ang update natin as of 3 p.m. In terms of casualty, 38 na po ang reported dead casualty. Mayroon pa rin pong apat na missing, at 478 injured individuals,” pahayag ni Civil Defense Deputy Administrator for Administration Asec. Bernardo Rafaelito Alejandro IV.

Batay sa ulat ng ahensya, pinakaapektado pa rin ang General Santos City at mga lalawigan ng Sarangani at South Cotabato, kung saan naitala ang pinakamaraming casualty, displacement, at pinsala sa mga bahay at imprastruktura.

“Most affected areas pa rin in terms of casualties, displacement, damage to houses and infrastructures ay General Santos City at ang mga probinsya ng Sarangani at South Cotabato,” dagdag ni Alejandro.

Samantala, umabot na sa mahigit P562.8 milyon ang tinatayang pinsala sa imprastruktura sa Davao Region at SOCCSKSARGEN, ayon sa OCD.

“So far ang reported sa atin ay P562.8 million ang infrastructure damages sa dalawang regions, Regions 11 and 12,” ani Alejandro.

Patuloy naman ang malawakang search, rescue at retrieval operations sa mga apektadong lugar.

“As of 3 p.m., may 2,784 personnel na ang naka-deploy mula sa Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, at Bureau of Fire Protection,” dagdag pa niya.

Ayon sa OCD, patuloy ang pag-validate ng mga ulat sa pinsala at posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga biktima habang nagpapatuloy ang operasyon sa mga apektadong komunidad.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo

We appreciate your thoughts. Please leave a comment.