Wala munang tuition fee hike, ayon sa CHED

0
44

MAYNILA — Sinabi ng Commission on Higher Education na pansamantalang hindi magtataas ng tuition fee ang mga higher education institutions sa bansa kasunod ng umiiral na krisis.

Ayon kay Shirley Agrupis, bagama’t nakatanggap ang ahensya ng maraming kahilingan mula sa mga paaralan para sa tuition increase, hinikayat nila ang mga ito na ipagpaliban muna ang naturang plano dahil hindi ito angkop sa kasalukuyang kalagayan ng ekonomiya.

Ginawa ni Agrupis ang pahayag sa isang pulong balitaan kaugnay ng ceremonial signing ng implementing rules and regulations ng Republic Act No. 11551, gayundin ng memorandum of agreement para sa Lifelong Learning Education Assistance Program na nakatuon sa mga Overseas Filipino Workers.

Tiniyak ng CHED na patuloy ang pakikipag-ugnayan nito sa mga higher education institutions upang tugunan ang mga usaping may kinalaman sa matrikula at iba pang bayarin, kasabay ng pagsasaalang-alang sa kapakanan ng mga mag-aaral at mga institusyong pang-edukasyon.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo

We appreciate your thoughts. Please leave a comment.