Yakap Lawa, makasaysayang unang pagtitipon para sa kalikasan at kultura ng San Pablo

0
105

Umarangkada ang “Yakap Lawa” sa Sampaloc Lake, San Pablo City, Laguna bilang makasaysayang simula ng mas malawak na paghubog ng pagkakakilanlan ng lungsod bilang “City of Seven Lakes,” kung saan pinagsanib ang turismo, sining, kultura, at pangangalaga sa kalikasan sa isang malalaking community celebration.

Idinaos ang festival bilang bahagi ng ika-86 na anibersaryo ng San Pablo bilang lungsod, na may layuning yakapin hindi lamang ang Sampaloc Lake kundi pati ang kasaysayan, kultura, at sama-samang identity ng mga San Pableño. Sa temang ito, binigyang-diin ng mga organizer na ang tunay na yaman ng lungsod ay hindi lamang nakasentro sa iisang industriya o tradisyon, kundi sa pitong lawa na bumubuo sa natural at kultural na pagkakakilanlan nito.

Isa sa mga pangunahing tampok ng pagdiriwang ay ang malawak na kooperasyon ng City Tourism Office, lokal na pamahalaan, mga negosyo, B&Bs, at food parks sa paligid ng lawa. Ayon kay City Tourism Officer for Special Projects An Mercado Alcantara, ang inisyatiba ay “unprecedented” dahil sa antas ng kolaborasyon na naganap sa unang pagkakataon, na bagama’t kinilala bilang hindi perpekto ay mahalagang unang hakbang patungo sa mas organisadong tourism development ng lungsod.

Itinampok din ang eco-friendly na pamamalakad ng event, kabilang ang pansamantalang pagbabawal sa pribadong sasakyan sa paligid ng lawa. Sa halip, nagpatupad ng libreng e-vehicle shuttle service sa pakikipagtulungan ng Hotel 101 at lokal na pamahalaan, na nagbigay-daan sa mas maayos at mas makakalikasang daloy ng mga bisita sa festival zones.

Sa kabila ng mga hamon tulad ng kakulangan sa parking at dami ng dumalo, kinilala ang sitwasyon bilang patunay ng tagumpay ng festival at ng lumalakas na suporta ng publiko. Maraming artist at kalahok ang naglakad bitbit ang kanilang instrumento patungo sa iba’t ibang performance hubs, isang karanasang itinuturing ng marami bilang bahagi ng “pioneering spirit” ng unang taon ng pagdiriwang.

Kabilang sa mga aktibidad ang live bands, busking performances, art exhibits, “Harana sa Balsa,” bird watching, Kabyaw sa Lawa, lantern displays, at food parks na nagtatampok ng lokal na negosyo at kultura ng San Pablo. Layon ng mga programang ito na ipakita ang lungsod bilang isang buhay na sentro ng sining, kalikasan, at komunidad.

Bilang bahagi ng mas malawak na sustainability direction ng festival, isinasaalang-alang din ng mga organizer ang mga susunod na hakbang para sa mas eco-friendly na mga aktibidad. Kabilang dito ang planong paghimok o posibleng requirement sa hinaharap na ang Fish Parade entries ay gagawin mula sa mga eco-friendly materials, bilang pagpapatuloy ng advocay para sa pangangalaga sa kalikasan ng lawa at kapaligiran.

Ang Yakap Lawa ay iniuugnay din sa mas mahabang tradisyon ng environmental awareness sa lungsod, kabilang ang Kabyaw sa Kalikasan na sinimulan ng JCI San Pablo 7 Lakes noong 1997, isang environmental cycling event na naging simbolo ng matagal nang pagkilos ng San Pablo para sa ecological responsibility at community participation.

Para sa maraming San Pableño, ang Yakap Lawa ay hindi lamang isang festival kundi isang kolektibong pahayag ng pagmamahal sa lungsod. Mula sa suporta ng simbahan, lokal na pamahalaan, at komunidad hanggang sa aktibong partisipasyon ng mga residente, ang festival ay naging patunay ng nagkakaisang layunin na itaguyod ang kultura, turismo, at kalikasan.

Ibinahagi ng festival ang mensahe ng pagkakaisa at pag-asa, isang paalala na ang mga unang hakbang, gaano man kaimperpekto, ay maaaring maging simula ng isang makabuluhang tradisyon para sa hinaharap ng San Pablo City.

Inaasahang mas mapagbubuti pa ang Yakap Lawa 2027 batay sa mga natutunang karanasan at sa mga positibong mungkahi at konstruktibong puna mula sa unang pagdiriwang.

Mga lokal na musikero na nagtanghal sa Yakap sa Lawa Festival sa Sampaloc Lake, San Pablo City, na naghatid ng musika at aliw bilang bahagi ng pagdiriwang ng kultura at komunidad sa lungsod.
Harana sa Balsa sa Sampaloc Lake, San Pablo City, sa Yakap Lawa Festival, na nagtatampok ng tradisyunal na kulturang Pilipino ng panliligaw kung saan ang harana ay sinaunang paraan ng pagpapahayag ng pag-ibig sa pamamagitan ng musika.
Fish Parade sa Sampaloc Lake, tampok sa Yakap sa Lawa Festival sa San Pablo City, na nagpakita ng malikhaing disenyo at makulay na pagdiriwang ng kultura at kalikasan.
San Pablo City Administrator Marnick de Mesa, a second-generation JCI member, joins Don Fullo of the San Pablo Public Forum and Enyitos Villapando of the Utay-Utay San Pablo Cycling Club during the opening of Kabyaw sa Kalikasan 2026, an environmental cycling event held in San Pablo City.
Kabyaw sa Kalikasan 2026, isang environmental awareness cycling event sa San Pablo City, na nagsimula noong 1997 sa ilalim ng pamumuno ni JCI Senator Venus Funtanilla bilang lokal na pangulo ng organisasyon at malakas na sumusuporta sa Yakap sa Lawa Festival.

Kabyaw sa Kalikasan 2026 sa paligid ng Sampaloc Lake, tampok ang 29-taong environmental initiative ng JCI San Pablo 7 Lakes na sumusuporta sa Yakap sa Lawa Festival at patuloy na nagtataguyod ng environmental awareness sa San Pablo City.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.

We appreciate your thoughts. Please leave a comment.