Zaldy Co tumanggap ng P802 milyon mula sa contractor ng flood project, ayon sa AMCL

0
149

MAYNILA — Ayon sa isang testigo ng Anti-Money Laundering Council (AMLC), tumanggap si dating House Appropriations Committee chairperson at Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co ng P802 milyon mula sa Sunwest Construction, ang contractor ng umano’y P289-milyong ghost flood control project sa Naujan, Oriental Mindoro.

Ibinunyag ni AMLC lawyer Jan Mark Busa sa harap ng Sandiganbayan Sixth Division noong Martes, sa trial proper ng malversation case laban kay Co at 15 iba pa, na natanggap ni Co ang P802 milyon sa pamamagitan ng check deposits mula 2019 hanggang 2025, na sumasaklaw sa kanyang termino bilang Ako Bicol party-list representative. Bilang public official, ipinagbabawal ng batas sa kanya ang pagkakaroon ng business interests.

Sinabi ng prosecution panel na ang pagtanggap ni Co ng P802 milyon mula sa Sunwest ay nagpapatunay na siya pa rin ang beneficial owner ng kumpanya at hindi nag-divest, taliwas sa kanyang naunang pahayag. “Walang direktang partisipasyon si Co sa transaksyon [ng proyekto] dahil ang nakipagkontrata sa DPWH ay ang Sunwest. Ngunit ang pagiging beneficial owner niya, na sinusubukan naming patunayan, ay nagpapakita na napunta sa kanya ang benepisyo at halaga mula sa Sunwest,” ayon sa panel.

Patuloy na hindi natutunton si Co at ang kanyang mga co-accused na opisyal ng Sunwest. Samantala, ang mga dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na co-accused ay nakakulong sa Quezon City jail facilities. Hindi na nag-cross examine ang mga abogado ng siyam na DPWH officials kay Busa, dahil ang kanyang testimonya ay nakatuon lamang kay Co.

Noong Marso, iniutos ng Sandiganbayan ang pagbawi ng hindi bababa sa 16 properties na pagmamay-ari ni Zaldy Co kaugnay sa malversation at graft charges na kanyang hinaharap sa umano’y substandard flood control project sa Oriental Mindoro. Layunin ng hakbang na ito na masiguro ang posibleng kabayaran na P215 milyon sakaling mapatunayan siyang guilty.

Kasama sa 16 properties ang pitong lupa (lots/house and lot):

  • 1,212 sq m — Makati City
  • 776 sq m — Pasig City
  • 300 sq m — Quezon City
  • 150 sq m — Lipa City, Batangas
  • 125 sq m — Quezon City
  • 100 sq m — Makati City
  • 66 sq m — Quezon City

Limang condominium units:

  • 276 sq m — Pasig City
  • 132 sq m unit na may dalawang parking slots — Makati City
  • 109 sq m — Pasig City
  • 70.869 sq m unit na may 12.50 sq m parking — Pasig City
  • 73.89 sq m — Makati City

Apat na parking slots sa condominium:

  • Lahat sa Pasig City, tig-12.50 sq m bawat isa

“We grant the prosecution’s motion. The present case squarely falls within the ambit of Section 2(b), Rule 127, as it is predicated on a claim involving public funds allegedly embezzled, fraudulently misapplied, or converted by the accused Department of Public Works and Highways officers in conspiracy with the accused Co,” ayon sa Sandiganbayan.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo

We appreciate your thoughts. Please leave a comment.