Dinukot na Malaysian national, na-rescue ng PNP

0
259

Tagaytay City, Cavite. Nailigtas ng PNP anti- kidnapping group at ng mga tauhan ng Pasay City Police Station (CPS) sa lungsod na ito ang isang dinukot na Malaysian national.

Kinilala ni PLt.Col. Norman Ranon, chief ng Pasay CPS, ang biktima na si Cheong Hock Nian, isang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) employee.

Batay sa paunang imbestigasyon, ang nabanggit na Malaysian national ay kinidnap ng apat na kalalakihan kabilang ang tatlong chinese at isang Pinoy sa isang casino sa Pasay City noong Linggo ng madaling araw.

Nakatanggap na tawag ng pulisya hinggil sa naganap na pagdukot at agad itong nagsagawa ng beripikasyon ukol sa report.

Noong dumating ang mga awtoridad sa Brgy. Sungay East sa Tagaytay, nakita nila ang biktima na nakakulong sa palikuran at nakagapos ang mga kamay.

Dinala sa ospital ang biktima upang sumailalim sa medical check-up.

Kasalukuyang iniimbestigahan na ang tatlong sangkot sa pagdukot na kinilalang sina Zhu Pan at Li Yu Kon, kapwa Chinese nationals at isang hindi pa napapangalanan.

Ayon pa rin sa imbestigasyon, dinala ng mga suspect ang Malaysian sa isang apartment sa  Sola Villas Garden sa Tagaytay City kung saan ipinosas ng mga ito ang ang biktima at ikunulong sa comfort room.

Tumawag pa ang mga kidnaper sa opisina ng Malaysian at humingi ng P500,000 pesos bilang ransom money, ayon kay Ranon.

Na-rescue nila ang biktima ng mabuksan niya ang bintana ng C.R. at nakahingi ng tulong sa isang pedestrian.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.