1 patay, 7 nawawala sa gumuhong tulay sa Cavite

0
375

Dasmariñas City, Cavite. Isa ang patay habang pito ang nawawala nang gumuho ang isang suspended steel bridge sa lungsod na ito kagabi.

Ayon kay Dasmariñas City Administrator Ariel San Gabriel, nangyari ang insidente dakong alas-8 kagabi at ini-report sa mga awtoridad bandang 9:30 ng gabi.

Batay sa inisyal na impormasyon, nasa 13 katao, karamihan ay mga kabataan, ang nasa tulay nang ito ay gumuho. Lima ang nakaligtas sa insidente.

Sinabi naman ni Louie Rusul, hepe ng Dasmarinas MDRRMO na ang tulay ng bumagsak na steel bridge ayluma at kinakalawang na.

Nagpapatuloy ang paghahanap sa pitong nawawalang tao noong Miyerkules ng umaga. Isinara na ang lugar na matatagpuan sa Barangay Sampaloc.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.